Share

Chapter 5

Khalia's POV

Days passed and it's time for me to conquer my fear. And that's is to be caught by my brothers. 

It's my first day of school today...and I'm having a nervous breakdown right now.

"Hoy khalia! Halika na! Nag-aantay si Manong Edgar!"

Tumango ako bago kunin ang bag ko na binili namin gamit ang credit card ni kian. Halos lahat yata ng ibinayad namin ay pera nya. Nagi-guilty tuloy ako...

Binuksan ko ang pinto ng apartment at nakita ko si Chrisia na excited habang inaayos ang damit nya, she's wearing a sweat pants and a jacket. Nagkasakit kasi sya kaya pinagsuot ko sya ng ganyan,mukha syang kinarma.

Nang matapos sya sa pag-aayos ng damit nya at napanganga sya ng makita ako. Hinagod nya pa ako ng tingin na para bang Hindi nya ako kilala.

"Sino ka? Nasaan si khalia?"

Tanong nya pero imbis na sumagot ay sinaraduhan ko muna ang apartment ko.

"Hoy? Babae! Nakikinig ka ba? Bakit na sayo yung bag ng kaibigan ko? Magnanakaw ka no?"

Tinignan ko sya at pinakatitigan. I gave him a look like 'seriously? Chrisia?'

"OMG!!!"

OA na react nya. Umiling na lang ako bago maglakad paglabas,sumunod naman sya sakin... I don't need to wear a mask now,OK na tong look ko.

"Alam mo khalia? Bwisit ka! Alam mo bang kahit na ganyan ang look mo,maganda ka padin. Tsaka bakit may pabraid pa ng buhok? Diba nga ayaw mong kumulot yan?"

I stoped and faced her.

"because I have no choice"

Then continue walking.... NASA labas na kami pero Panay tanong pa rin sya sa naging disguise ko,kesyo bakit daw ganyan ganito... Hayysst....

"Sa V.U Manong Edgar!"

Nauna akong pumasok sa tricycle. May salamin sa loob kaya tinignan ko ang reflection ko... I'm not like this but again I have no choice... Inayos ko na muna ang salamin ko at pekeng nunal sa baba ng labi.

Naramdaman ko na lang ang pagtabi sa akin ni Chrisia at ang pag-andar ng tricycle.

"Alam mo... Ikaw lang ata ang nakita Kong Nerd na may taste sa fashion. Talaga ba khalia? Iba nga itsura mo kaya lang baka kahit ganyan ka ay magkaroon ka ng manliligaw doon."

Nakasuot ako ng black highwaist na pantalon at isang off shoulder na kulay Light blue na hanggang pusod ko lang pero dahil sa suot Kong highwaist ay natakpan ang kitang parts sa tiyan ko... Ang sapatos ko ay yun ulit. Hindi na ako bumili dahil bukod sa wala na kaming natirang pera ay ayoko namang abusuhin ang pera ni Kian. Tsaka Hindi nga kami nagpaalam diba?... Bumili lang si Chrisia ng ilang damit,pangbaba at pangloob para sakin gamit ang bonus naman namin.

"Alam mo ang puti at kinis mo... Yung totoo? Tao ka ba o Dyosa na bumaba sa langit para makapaghasik ng kagandahan o di naman kaya ay Manika ka na pinapagalaw ng mga mad scientists?! Hala! Nooo! Ayoko sa kanila! I hate the most yung part na ilalabas nila yung lamang loob mo to replace a device to control you! Oh my go~~~ ARAY NAMAN!"

Dahil sa pinagsasabi nya ay pinitik ko na ang noo nya. She's too noisy... Tapos Mas maliit din sya... Hmmm... She will probably past as a duck. Ang ingay nilang pareho.

"Chrisia. Tao ako... And I have some dreams to fulfill"

Napanguso naman sya sa tabi. Habang tumatagal mas nagiging malapit kami,parang kapatid na ang Turing ko sa kanya, maliit at maingay na kapatid.

"Khalia,paano kung nandon ka na? They can caught you that fast lalo na at dala mo pa din ang pangalan mo~~~wait oo nga pala... Johnson yung surname mo Hindi ba?"

Tumango ako.

"Ibigsabihin! Aha! Ikaw yung kapatid ng Kambal na Liyon!!!"

Naguluhan ako sa sinabi nya. Inalog nya ang mga balikat ko kaya napashake ang kalahati ng katawan ko.

"Huh? What about my brothers? And the lion thingy?"

"Hindi mo alam? Kinatatakutan sila ng bawat Sports lalo na ang baseball! Pag nasa field na sila, mag-iiba ang aura nila then booom... Malalaman mo na lang na panalo sila kasi Hindi ka pa nakakapag move on sa mga ginawa nila. And you're lucky ng masangkot tayo sa bar ay walang nangyari sayo."

What does she mean by the luck? Ako swinerte saan? Napailing na lang ako.

"They're that famous here?"

"Oo naman!... Sabi na nga ba! Tama ako! Sabi ni Flor baka kamag-anakan ka lang but the gossips are true! Lalo na at nung naglabas na ang mommy mo ng tungkol sayo... They said, you're too precious like a gem. Kaya daw iilan lang ang nakakakilala at nakakaalam ng tungkol sayo!"

She exclaimed. But I'm not happy to hear about that... She's right na masyadong akong mahalaga sa pamilya ko pero ang Hindi ako ipaalam sa iba na may AKO... Napakalaking insulto non sakin.

Naramdaman Kong hinawakan ni chrisia ang mga kamay ko.

"No matter what happen. I'm at your side! Don't worry,I'll help you to hide your identity for now. Magsasabi ako Kay dean pero teka? Anong pangalan ang isinulat mo sa test paper natin... Nung pinakita ko sayo yung phone ko Hindi ko nabasa yung buo mong pangalan,yung name lang na khal,yung Nabasa ko dahil sa tuwa."

Kamot ulo nyang saad. Napangiti naman ako.

"I wrote my nicknames... Khaly Mae... At hiniram ko muna ang apelyido ni Nanay Lusminda...Agera."

Namangha naman sya bigla at parang may naisip.

"Sana pala iniba ko din name ko dun sa form at test paper para sosyal"

Tinawanan ko sya. There's nothing wrong in her name,ang ganda pa nga eh... Chrisia Esperanza...parang may-ari lang ng hacienda... Natawa ako bigla.

"So khaly na itatawag ko sayo?"

"Yun naman talaga minsan ang tawag mo sakin."

Nag-apir kami.... Sana...walang mangyaring Hindi maganda samin ngayon.

-----

We're inside the main campus. Napakalawak nito pero dahil mga bago pa lang kami ay pinadaan muna kami sa dean.

Nagbigay lang sya ng mga instructions,rules and schedules. May inabot din sya samin na susi, She said for the locker daw. Nandun na din yata ang uniform namin and she informed us na sa isang linggo pa namin makukuha ang ID namin... She's cool though. She look professional. 

"Hoy khaly-kot.... Wag kang gagala ng wala ako ha? Magkaiba pa naman tayo ng klase."

Tinawanan ko sya. May dalawa kaming major subject na magkaklase kami pero dahil Hindi ko pinaalam ang schedule ko ay wala syang alam.

"Sure Sian-duck.."

Nanlaki ang mata nya sa narinig. I just chuckled when I see her reaction. Epic.

"Stop playing my name!"

Parang batang ani nito pero inasar ko lang sya.... Malapit na kami sa isang building para sa morning class pero dadaan muna kami sa may field at para maiwasan matuon ang pansin ko doon ay inasar ko si Chrisia.

"Bwisit ka!... Hindi tayo bati!"

Nagmamaktol na sya pero I didn't bother. Namumula na din ang mukha nya.... Aasarin ko pa dapat sya ng may makita akong baseball ball na malapit ng tumama sa kanya. Tinulak ko sya ng bahagya at mabilis na sinalag ang bola gamit ang kaliwa kong kamay. Hinigpitan ko ang kapit sa bola dahil baka tumilapon kung saan. 

I don't have the proper gear kaya paniguradong namumula na ngayon ang kaliwang kamay ko. I can still feel the impact... Masakit at mahapdi... Sino kayang bumato non?

Lumingon ako sa field. Nandon ang baseball team maging ang mga kapatid ko. I can see they're all smirking. Really? Wala silang gagawin? Kahit sorry man lang?

Mukhang hinihintay nila ang bola... Pero mas nagfocus ako sa bumato. Hindi sya kasama sa bar nung gabing yon. Pero yung catcher mukhang freshmen... They're teasing the freshmen because he can't catch that pitch... Nainis ako bigla.

Napatingin si Chrisia na parang nag-aalala pero I just gave her a reassuring smile. I'll just teach them a little lesson.

I formed my pitching form again. Tinaas ko ang kanan Kong binti at Kumuha ng suporta sa isa Kong paa. Pwinesto ko ang dalawa Kong kamay kapantay ng dibdib ko. Hawak ng isa Kong kamay ang bola samantalang tinatauban naman ng isa ang paraan ng paghawak ko dito.

'Let your enemies find your specialties' -dad said to me before.

I take a deep breath then let the ball out of my hand.... Umayos ako ng tayo para makita ang paglalakbay ng bola.... Nakatingin lang sila sakin. I smirked ng malapit na ang bola... May pumwesto pa para paluiin yon pero...

"Nag-curve!"

Gulat na ani ni Chrisia.... 

Tumama ang bola sa bandang dibdib nung pitcher. Natumba sya at parang Hindi makahinga. Malayo kami sa kanila kaya ang lakas ng loob ko. Sinipat ko ang kamay ko,it's swollen and it's red as blood.

Bumaling ulit ako sa Baseball team na nakatingin sakin. Napailing na lang ako bago hinila si Chrisia.

'They're so mean... I cannot promise that no one can be hurt at their team. I'll make them pay because of what they've done... They're too much!'

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status