CHAPTER ONE
GAEL'S POV
MAAGA akong nagising dahil ito ang aking unang araw na pag pasok sa isang prestihiyosong paaralan. Hindi ko alam kung bakit kailangang mag-aral sa paaralang yun, gayong pwede namang sa bahay na lang?
Isa akong pinaka-iniingatang tao sa aming organisasyon, dahil sa isa akong anak ng mafia boss, na kailangan ng kunin ang trono at maging Mafia Queen.
Ako nga pala si Gaelie Anne Davonica La Villa Villamero, labing pitong taong gulang. I was homeschooled since I was young and today I'm going to transfer to a university.
Isang misteryosong babae, dahil itatago ko ang aking tunay na pagkakakilanlan sa maikling panahon.
Magbibihis ako bilang isang nerd na ang nais lamang ay mag-aral. Nais kong mamuhay ng normal, hindi kinatatakutan, ngunit mananatili ang ugaling hindi mawawala.
Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa dining upang kumain ng almusal, naabutan ko si Daddy na kumakain na kaya't sumabay na ako. Naglakad ako suot ang walang emosyon kong mukha at umupo sa upuang katabi nito.
"Good morning Princess! What's with your look?" Anas nito nang makita ang ayos ko. Kita sa mga mata nito ang labis na pagtataka dahil ang kaisa-isa niyang prinsesa ay parang isang babaeng napakapangit ng itsura. I'm not saying that all nerds are ugly, actually, some of them are cute, but in my situation, I have to make my appearance disgusting.
"Morning Dad, I just want to start this school year more exciting." Malamig kong sabi. Nagsimula akong kumain na hindi na nagsalita pa sapagkat wala din naman akong kailangang sabihin. Nanatili din namang tahimik ang aking ama sapagkat alam niyang ayokong may nagsasalita sa harap ng hapag-kainan.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa garahe para kunin ang sasakyan na gagamitin ko para sa pag punta sa paaralan. Nadatnan ko pa ang isa sa mga driver namin na hinahanda ang sasakyang gagamitin ko. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang ginagawa na pagaanalisa sa sasakyan.
Nang makita ako nito ay bahagya itong yumuko at binigay sa akin ang susi.
"Magandang umaga, Young Lady, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho patungo sa inyong paaralan." Magalang na saad nito at yumuko bilang pagbigay galang. Tumango na lang ako dito at hindi na nagiwan ng salita.
Agad akong sumakay sa sasakyan at nag simulang mag maneho patungo sa unibersidad. Dahil na rin sa maaga akong naghanda ay hindi ako inabot ng matinding trapiko sa kalsada kaya matiwasay akong nakarating sa unibersidad.
Pagkarating ko sa parking lot ng school ay ginarahe ko ng maayos ang aking sasakyan at bumaba na. Sinulyapan kong muli ang aking sasakyan bago nakayukong naglakad.
Naglakad ako sa gitna ng quadrangle upang pumunta sa room. Ramdam ko ang mga matang nagmamasid sa aking galaw, ngunit gaya ng lagi kong ginagawa, nanatili akong walang imik at hindi sila pinagtuonan ng pansin.
"Is that the new student they're talking of?"
"So disgusting.""Paano nakapasok yan dito? Tsk. Such a low class student.""She doesn't deserve to be here! She looks like trash!"Ilan lang yan sa mga naririnig ko habang naglalakad.
'Look at yourself first my dear schoolmate' nakangising saad ko sa 'king utak.
Ayokong masira ang unang araw ko sa paaralang ito dahil lang sa mga taong may makikitid na pag-iisip.
Nagmadali na lamang ako dahil nakaka-umay ang mga naririnig ko. Galing sa mga walang kwenta nilang mga bibig.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nabangga akong isang lalaki nais ko sana itong singhalan ngunit ng makita kong siya ang sumalampak sa sahig ay pinagtimpi ko ang aking sarili. Imbes na ako yung matumba dahil babae ako, siya yung sumalampak sa sahig.
'Weak' saad ko sa aking sarili at pinasadahan siya ng tingin.
May kasama siyang dalawa pang lalaki na siyang tumulong sa kanyang makatayo.
"Hindi ka man lang ba mag so-sorry miss?" Usal ng nakabangga ko. Bahagyang umangat ang aking labi para kumurba ng isang ngisi bago siya tiningnan sa mata.
Bakas sa mukha nito ang inis at ang sakit dahil sa pagkakasalampak sa sahig.Tiningnan ko siya gamit ang mukhang walang kahit anong reaksiyon. Bakas sa mukha nito ang pagka-asar at may bahid din itong pagkahiya na mas lalo kong ikinangisi.
"Why would I? Pareho lang tayong may kasalanan, kung hindi ako nakatingin sa daan kaya nabangga kita, ganun ka 'rin dahil kung nakatingin ka iiwasan mo ako." Sunod-sunod na litanya ko, hindi sila nakapagsalita. Bahagyang umawang ang kanilang mga bibig. Bakas ang gulat sa kanilang mga mukha dahil sa hindi nila inaasahang sagot ko.
Tss, they made me talk too much.
Nakatingin lang sa akin ang dalawang kasama niya, kita ko kung paano sila namangha nang sagot-sagutin ko lang ang lalaking kasama nila. I stare at them coldly again and without uttering a word I turn my ass off them. I left them hanging.
Hindi ko kailangang sayangin ang oras ko sa walang kabuluhang bagay.
EPILOGUE DACE'S POV ABALA ang lahat para sa malaking salo-salo na dinaluhan ng mga kilala at bigating mga tao. Ipinagdiriwang namin ngayon ang ikapitong kaarawan ng aking anak. Maging ang mga nakilala namin sa isla mahigit dalawang taon na ang nakalilipas ay nandito din dahil na rin sa kagustuhan ni Gael, maging ako ay nais ding narito sila dahil na rin sa tulong na kanilang ibinigay at ipinagka-loob sa amin nung mga panahong hinahanap namin si Karie. Karie is now a jolly girl, mas naging malapit siya sa mga batang nakatira sa isla kung saan siya dinala ni Cassy noon. Madaming nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon. After that incident, mas lalong pinatahimik ni Gael ang mundo ng mafia. Ang mga tauhan niya ay isa-isa niyang binigyan ng parangal dahil sa labis na tulong na naibigay nito sa pamilya namin, lalong-lalo na sa pamilya nina Gael. Matapos ng pagbibigay ng parangal ay nagpasya n
CHAPTER SIXTY-THREE GAEL'S POV MAINGAT at walang ingay na naglakad ako patungo sa direksyon nina Cassandra at Karie, tinungo ko ang parte kung saan hindi niya masyadong mahahalata ang aking presensya. Maging ang mga tauhan ko ay naging maingat sa kanilang mga galaw habang isa-isang pinapatumba ang ilang tauhang kasama ni Cassandra. This crazy girl never learn, I already gave her a chance to live and continue her life but here she is now, meddling with my family. Naramdaman ko din ang pag sunod sa akin ni Dace mula sa likod. Unti-unti ng napapatumba ng kasamahan ko ang mga lalaking nakapalibot sa buong kweba. "I'm not going to let your mom live happily with you and your dad, your dad is supposed to be mine, I am the first girl in his life, I should be his last." Rinig kong wika ni Cassandra sa anak ko na naging dahilan upang mas lalong pumulahaw ang iyak nito. Pinagmasdan ko pa ang
CHAPTER SIXTY-TWO GAEL'S POV ILANG minuto pa ang itinagal namin sa dagat bago namin marating ang kabilang isla. Masyado ritong tahimik at bilang lamang ang mga bahay na makikita, hindi gaya sa islang pinanggalingan namin na mayroon ng mga itinayong establisyemento. Marami rin ang puno rito, kung titingnan ay nakakatakot manirahan sa lugar na gaya nito dahil na rin sa nasa gitna ito ng dagat at masyadong mapuno ang lugar. Maingat na nagsi-baba ang mga tauhan namin sa bangka, ilang bangka din ang ginamit namin upang makatawid lahat ng mga tauhan kong sasama sa paghahanap. Ang ilan namang tauhan na naiwan sa islang pinanggalingan namin ay binabantayan si Dad at maging ang dalagang nakasaksi sa pagkuha ng hindi pa kilanlan na babae sa aking anak. "Dace, can you tell them to wait for a while, I'll just going to discuss something." Sabi ko kay Dace sapagkat nauna itong nakababa ng bangka, samantalan
CHAPTER SIXTY-ONE GAEL'S POV KASALUKUYAN akong nakaupo sa isang silya sa loob ng isang restaurant, inaantay ko lamang si Dace sapagkat bumili ito ng maiinom. Matiim na pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko ay wala namang kahina-hinala kaya bahagyang kalmado ang pakiramdam ko. Matapos ng usapan namin ng mga tao ko sa van ay napagpasyahan na naming maghanda na lamang sa mangyayaring gulo mamaya. Sa totoo lang, I don't want war anymore, I don't want that someone will end their life just because of this war, but that woman reached my limit, whoever that woman is, I feel pity for her, she just messed with the wrong person. I will just not feel pity for them if they hurt my daughter. Nakarinig ako ng ingay ng pagbagsak ng kubyertos kaya naman napatingin ako sa aking harap at doon ay nakita ko ang isang dalaga na may dalang tray. Tiningnan ko ang sahig at
CHAPTER SIXTY GAEL'S POV PINAGMASDAN ko ang matanda na tumango-tango habang nakatingin sa litrato ng anak ko. Maging ang pag bukas ng bibig nito upang magsalita ay pinagmasdan ko. "Mukhang namumukhaan ko ang batang ito, iho." Saad nito na anging dahilan upang mas lalo kong itinutok ang aking atensyon sa kanya. "Saan niyo po siya nakita, manong?" Mabilis na tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa naaalala ko ay may kasama itong babae nang mapadaan sila rito, kasalukuyan akong nag-aayos ng aking bangka noon ng mapadaan sila, umiiyak pa nga iyong bata habang hawak-hawak nung babae ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon dahil akala ko ay pinapagalitan lamang ng babaeng iyon yung bata." Wika nito habang nakatingala pa, tila inaaalala nito ang pangyayaring nasaksihan niya kahapon. Bahagyang nanghina ang aking mga tuhod ngunit laking pasasalamat ko dahil hawak ako ni Dace sa bewang
CHAPTER FIFTY-NINE GAEL'S POV HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala para sa anak ko. I stretched my body before walking through the bathroom. Agad akong naligo at nag toothbrush bago lumabas suot ang roba. Dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng masusuot ko, isang shirt at beach short lamang ang kinuha ko para suotin dahil pupunta lang naman kami sa katabing isla para magtanong. Sinulyapan ko si Dace na natutulog pa ngayon, alam kong hindi ito nakatulog kanina dahil alam niyang pwede akong lumabas ng kwarto kapag natulog siyang gising pa ako. Muli akong bumalik sa cr at nagbihis na, matapos iyon ay nagtawag na lamang ako sa isang restaurant sa islang ito upang padalhan kami ng pagkain. Lumapit ako sa kama at kinuha ang aking telepono. Bahagyang niyugyog ko rin ang balikat ni Dace upang gisingin ito.