CONTINUATION
DACE KAIRON'S POV
"KAI, ano handa ka na ba sa unang araw mo sa school? Balita ko may transferee ah," sabi ni Jayeib sa kabilang linya.
"Oo naman Jayeib, by the way kamusta na pala si Wexan? Wala akong naging balita sa lalaking yun simula ng mag bakasyon." Tukoy ko sa isa pa naming kaibigan. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya na mahina kong ikinatawa.
"Aba wala din akong alam dun tol, alam mo namang napaka-tahimik ng taong yun eh." Sagot ni Jayeib na mas lalong naging dahilan ng walang humpay na tawa ko.
"Haha loko ka talaga. Bababa ko na to ah? Kailangan ko ng magmadali dahil baka malate pa tayo sa unang araw natin,"
"Para namang may pakialam ka kung ma-late o hindi. Sige Kai, kita-kita na lang tayo mamaya sa university." Huling narinig kong sabi niya bago ibinaba ang linya.
Agad akong kumilos. Ginawa ko ang aking mga karaniwang ginagawa. Naligo ako, pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng damit sapagkat hindi pa naman namin kailangang magsuot ng uniporme o kung ano pa dahil unang araw pa lang naman ng pasok ngayon, at kahit naman kailan hindi kami nagsusuot ng uniporme. Inayos ko ang mga gamit ko pagkatapos ng aking mga ginawa. Nang handa na ang lahat ay bumaba na ako sa sala. Nadatnan ko naman si Mom na naka apron pa.
"Oh anak, handa na ang pagkain. Kumain ka muna bago umalis." Alok nito na tinanguan ko naman. Lumapit ako dito at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko naman ang pagsilay ng munting ngiti sa labi nito dahil sa naging kilos ko.
"Good morning, Mom." Bati ko rito.
Nagsimula na akong kumain ng mga hinanda ni Mommy. Marami pa itong tinanong at ibinilin sa akin na agad ko namang tinanguan.
Pagkatapos kumain ay agad rin akong tumayo at nag paalam na kay Mommy na aalis na.
Kinuha ko ang kotse sa garahe at agad itong pinaharurot patungong university. Buti na lang at hindi pa ganoon kasikip ang daloy ng trapiko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ng may biglang tumawag sa telepono ko. Agad ko itong sinagot ng hindi inaalis ang paningin sa kalsada.
"Kai, nandito na kami ni Wexan sa parking lot ng university. Nasaan ka na?" Bungad na tanong ni Jayeib.
"Nag-da-drive ako tol, malapit na rin ako dyan." Sagot ko rito at binaba na ang tawag at hindi na ito hinayaan pang magsalita.
Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan, at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa university.
Agad akong naghanap ng bakanteng lugar kung saan maaari kong ma-igarahe ng maayos ang sasakyan. Nahagip ng mata ko si Jayeib at Wexan na kinakawayan ako at itinuturo ang bakanteng lugar katabi ng sasakyan nila.
Nang maayos ko ng maiparada ang sasakyan ay bumaba agad ako at lumapit sa kanila.
"Wexan, tol, anong balita sayo? Walang paramdam ah." Pabirong wika ko at nakipag apir sakanila.
"Busy lang tol." Sagot nito na ikinatawa ko.
"Busy? Tol, bakasyon yun paanong nangyari at naging busy ka?" Natatawang tanong ko. Narinig ko din si Jayeib na tumawa.
"Ba't ba ako ang pinag uusapan niyo eh kung maglakad na kaya tayo papasok noh?" Pag-i-iba nito sa usapan.
Naglalakad kami sa corridor habang nagkukwentuhan. Kita ko ang mga matang nakamasid sa bawat galaw namin.
Tinatanong ko si Jayeib tungkol Sa GA ng biglang----
May nabangga akong babae, Hindi man lang nakuhang mag sorry? Bweset sino ba yun?
Napakaganda ng mood ko sisirain lang ng pangit na babaeng yun tsk. Siya na nga yung may atraso siya pa ang may ganang magalit!
Akalain mong imbes na siya ang sumalampak sa sahig ay ako yung natumba!? Nang minsang dumapo ang tingin nito sa akin ay nakita ko ang pagkawalang emosyon ng kanyang mga mata.
Napaka misteryosa niya, at kung makapagsalita siya ay para kang lalamigin sa sobrang lamig ng kanyang boses.
Sino ang babaeng yun?
By the way ako nga pala si Dace Kairon Hashton, 18 years old.
Call me Kairon but never call me Dace if you want to stay alive.Nasa akin na ang lahat
Mayaman, may itsura, tanyag sa campus, kung tawagin ay campus crush, leader ng isang gang group, kinatatakutan dahil wala pang kahit sino ang makatalo sa amin.Pero bakit hindi man lang natakot ang babaeng yun?
Humanda ka, gagawin kong miserable ang pag-aaral mo sa paaralang ito.Nang makabawi ako sa pagkakatumba ay dumeretso na kami sa classroom at nagpanggap na parang walang nangyari. Buti wala pa yung professor.
"Tol, anong plano mo dun sa babae kanina?" Tanong ni Jayeib
"Oo nga, tsk nakakakilabot ang tingin niya wala kang makikitang kahit anong emosyon, tsaka yung boses niya ang lamig!" Sang-ayon ni Wexan habang uma-aktong nilalamig at natatakot.
"Tsk, tumigil ka nga Wexan. Hintayin lang ng babaeng yun makikita niya kung sino ang kinalaban niya." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan. Hindi pa 'rin mawala sa isip ko kung paano ako tignan at sago-sagutin nung babaeng yun.
"So ano ngang plano mo?" Ulit ni Jayeib
"Malalaman niyo rin tsk." Sagot ko sa kanilang dalawa.
Tumahimik na ang mga tao sa classroom dahil sa biglaang pagpasok ng adviser namin at may kasamang babae...
Wait yung babae! Siya yung babaeng bumangga sa 'kin kanina! Tadhana nga naman.
Napangisi ako dahil parang sumasangayon ang pagkakataon.
"Good morning class, we have a new student. She's the transferee," ani ni ma'am Cathleen.
"You may introduce yourself, miss." Dagdag pa niya. Pumunta naman sa unahan yung babae para mag salita.
"Gaelie Anne Davonica LV. Villamero, 17." Maikli at malamig na pag-papakilala nito.
"That's all miss?"Tanong ni Ma'am Cathleen. She just nods and stares blankly at Ma'am Cathleen.
"A-ahh okay you may sit down." Utal-utal na saad nito kay Gael ba yun? Mukhang naintimida din siya sa malalamig na tingin nito.
Pumunta na yung babae sa bakanteng upuan, at kung sinuswerte ka nga naman sa katabi ko pa. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ko ng walang ibang tinitingnan kundi ang dinadaanan niya.
Nang nasa harap na siya ng upuan na katabi ng upuan ko ay umupo na siya, ibinaba niya sa kanyang upuan ang kanyang bag at tumingin sa labas na walang kahit anong salita ang binitawan.
Bahagya ko siyang natitigan at pinagmasdan ito kahit pa kalahating mukha lang ang aking nakikita dahil bahagya itong nakatagilid sa direksyon ko.
She's so mysterious, I know she hid the deepest secret that only she knew. I want to know her more, I want to know why she wants to study here without knowing that all of the students here are gangsters.
EPILOGUE DACE'S POV ABALA ang lahat para sa malaking salo-salo na dinaluhan ng mga kilala at bigating mga tao. Ipinagdiriwang namin ngayon ang ikapitong kaarawan ng aking anak. Maging ang mga nakilala namin sa isla mahigit dalawang taon na ang nakalilipas ay nandito din dahil na rin sa kagustuhan ni Gael, maging ako ay nais ding narito sila dahil na rin sa tulong na kanilang ibinigay at ipinagka-loob sa amin nung mga panahong hinahanap namin si Karie. Karie is now a jolly girl, mas naging malapit siya sa mga batang nakatira sa isla kung saan siya dinala ni Cassy noon. Madaming nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon. After that incident, mas lalong pinatahimik ni Gael ang mundo ng mafia. Ang mga tauhan niya ay isa-isa niyang binigyan ng parangal dahil sa labis na tulong na naibigay nito sa pamilya namin, lalong-lalo na sa pamilya nina Gael. Matapos ng pagbibigay ng parangal ay nagpasya n
CHAPTER SIXTY-THREE GAEL'S POV MAINGAT at walang ingay na naglakad ako patungo sa direksyon nina Cassandra at Karie, tinungo ko ang parte kung saan hindi niya masyadong mahahalata ang aking presensya. Maging ang mga tauhan ko ay naging maingat sa kanilang mga galaw habang isa-isang pinapatumba ang ilang tauhang kasama ni Cassandra. This crazy girl never learn, I already gave her a chance to live and continue her life but here she is now, meddling with my family. Naramdaman ko din ang pag sunod sa akin ni Dace mula sa likod. Unti-unti ng napapatumba ng kasamahan ko ang mga lalaking nakapalibot sa buong kweba. "I'm not going to let your mom live happily with you and your dad, your dad is supposed to be mine, I am the first girl in his life, I should be his last." Rinig kong wika ni Cassandra sa anak ko na naging dahilan upang mas lalong pumulahaw ang iyak nito. Pinagmasdan ko pa ang
CHAPTER SIXTY-TWO GAEL'S POV ILANG minuto pa ang itinagal namin sa dagat bago namin marating ang kabilang isla. Masyado ritong tahimik at bilang lamang ang mga bahay na makikita, hindi gaya sa islang pinanggalingan namin na mayroon ng mga itinayong establisyemento. Marami rin ang puno rito, kung titingnan ay nakakatakot manirahan sa lugar na gaya nito dahil na rin sa nasa gitna ito ng dagat at masyadong mapuno ang lugar. Maingat na nagsi-baba ang mga tauhan namin sa bangka, ilang bangka din ang ginamit namin upang makatawid lahat ng mga tauhan kong sasama sa paghahanap. Ang ilan namang tauhan na naiwan sa islang pinanggalingan namin ay binabantayan si Dad at maging ang dalagang nakasaksi sa pagkuha ng hindi pa kilanlan na babae sa aking anak. "Dace, can you tell them to wait for a while, I'll just going to discuss something." Sabi ko kay Dace sapagkat nauna itong nakababa ng bangka, samantalan
CHAPTER SIXTY-ONE GAEL'S POV KASALUKUYAN akong nakaupo sa isang silya sa loob ng isang restaurant, inaantay ko lamang si Dace sapagkat bumili ito ng maiinom. Matiim na pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko ay wala namang kahina-hinala kaya bahagyang kalmado ang pakiramdam ko. Matapos ng usapan namin ng mga tao ko sa van ay napagpasyahan na naming maghanda na lamang sa mangyayaring gulo mamaya. Sa totoo lang, I don't want war anymore, I don't want that someone will end their life just because of this war, but that woman reached my limit, whoever that woman is, I feel pity for her, she just messed with the wrong person. I will just not feel pity for them if they hurt my daughter. Nakarinig ako ng ingay ng pagbagsak ng kubyertos kaya naman napatingin ako sa aking harap at doon ay nakita ko ang isang dalaga na may dalang tray. Tiningnan ko ang sahig at
CHAPTER SIXTY GAEL'S POV PINAGMASDAN ko ang matanda na tumango-tango habang nakatingin sa litrato ng anak ko. Maging ang pag bukas ng bibig nito upang magsalita ay pinagmasdan ko. "Mukhang namumukhaan ko ang batang ito, iho." Saad nito na anging dahilan upang mas lalo kong itinutok ang aking atensyon sa kanya. "Saan niyo po siya nakita, manong?" Mabilis na tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa naaalala ko ay may kasama itong babae nang mapadaan sila rito, kasalukuyan akong nag-aayos ng aking bangka noon ng mapadaan sila, umiiyak pa nga iyong bata habang hawak-hawak nung babae ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon dahil akala ko ay pinapagalitan lamang ng babaeng iyon yung bata." Wika nito habang nakatingala pa, tila inaaalala nito ang pangyayaring nasaksihan niya kahapon. Bahagyang nanghina ang aking mga tuhod ngunit laking pasasalamat ko dahil hawak ako ni Dace sa bewang
CHAPTER FIFTY-NINE GAEL'S POV HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala para sa anak ko. I stretched my body before walking through the bathroom. Agad akong naligo at nag toothbrush bago lumabas suot ang roba. Dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng masusuot ko, isang shirt at beach short lamang ang kinuha ko para suotin dahil pupunta lang naman kami sa katabing isla para magtanong. Sinulyapan ko si Dace na natutulog pa ngayon, alam kong hindi ito nakatulog kanina dahil alam niyang pwede akong lumabas ng kwarto kapag natulog siyang gising pa ako. Muli akong bumalik sa cr at nagbihis na, matapos iyon ay nagtawag na lamang ako sa isang restaurant sa islang ito upang padalhan kami ng pagkain. Lumapit ako sa kama at kinuha ang aking telepono. Bahagyang niyugyog ko rin ang balikat ni Dace upang gisingin ito.