Share

4

Celine's Point Of View

PAGKAUWI ko sa bahay ay agad akong pinagbuksan ng gate ng mga gwardiya dahilan para businahan ko ang mga ito bilang pasasalamat.

Bukas pa ang balik ni Manang Puring dito sa bahay. Kailangan na rin kasi namin ng makakasama dito sa bahay dahil kaming dalawa na naman ulit ni Cyrille ang naririto. Ngayong may trabaho na ako at nag-aaral na si Cyrille ay kailangan ko na talagang mag-aasikaso sa bunso kong kapatid.

"Ate!" Turan nito pagkatapos ay tumakbo sa akin at niyakap ako.

I hugged her tight and looked at her before I speak, "Kumusta ang bago mong school?" Tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at masayang nagsalita, "Marami akong naging kaibigan! Nakaka-excite at nakaka-kaba at the same time. Nakaka-excite dahil sa mga subjects na talagang nagustuhan ko at nakaka-kaba dahil may pagkakataong nauutal ako kapag tinatanong ako ng mga propesor upang magpakilala." Kwento niya.

She really changed a lot. Bumabalik na 'yong dating Cyrille na nakilala ko noong mga bata pa kami: madaldal, makulit, at higit sa lahat ay malambing. Mga bagay na gustong gusto ko sa kaniya.

"Ganu'n ba? Nakakatuwa na may mga bago kang naging mga kaibigan. Kumain ka na ba? " I uttered.

Umiling muna siya ng ilang beses bago nagsalita, "I was waiting for you, Ate. Nagluto ako ng sinigang. Tara kain na tayo." Nakangiting aniya pagkatapos ay hinatak ako sa dining room.

Hindi ko mapigilang huwag humanga kay Cyrille. Bata pa lang kami ay mahilig na siyang magluto. Natigil lang 'yon magmula nang ma-diagnosed siya na may Bipolar 1. She used to cook and read books before she was being diagnosed with Bipolar 1. Kung gaano siya ka-sweet sa akin ngayon ay mas sweet siya noon. We were best buddies.

"Talaga? Na-miss ko ang luto mo, Cyrille!" Excited na wika ko.

"Minsan lang ulit 'yan kaya sulitin mo na!" Nakangusong wika niya.

Ilang minuto rin ang ginugol namin sa pagkain at pagku-kwentuhan bago siya nag-presinta na maghugas ng mga pinagkainan namin.

"Naku! Ako na, Cy. Gaya ng dati 'di ba? Kung sino ang nagluto ay hindi maghuhugas ng pinagkainan." I said then winked at her.

Nakabusangot siyang nagligpit ng lamesa pagkatapos ay nilagay ang mga pinag-kainan namin sa lababo. Mula pagkabata namin ay nasanay na kaming wala ang mga magulang namin sa aming tabi. Kung tutuusin ay mas sanay kami na si Manang Puring ang kasama namin. Malimit kong nasasabi noon na nakakainggit ang ibang mga kaibigan ko dahil nakakasama nila ang mga magulang nila sa hapag kainan.

Nang matapos akong maghugas ay sabay kaming umakyat ni Cyrille sa sarili naming mga kwarto. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi at nagpaalam kami sa isa't-isa bago pumasok sa aming mga silid.

Pagkahiga ko sa aking kama ay ang saktong pag-ring ng aking cellphone dahilan para tignan ko ang screen—si Shamae. Dali dali ko itong sinagot at agad naman siyang nagsalita.

"Hello, Celine! Sa susunod na araw ay birthday ni Leo. Just so you know, invited si Doc Emman. Since birthday naman ng kapatid ko I'm inviting you to join the party too! Ano, g?!" Bungad niya sa akin.

Napa-ngiti ako ng malawak at walang boses na tumili dahil sa sinabi niya. "Of course!! I'll join the party!" Excited na wika ko.

Bakit pa ako tatanggi gayong binibigyan na ako ng oportunidad ng aking kaibigan upang makasama si Doc Emman, hindi ba?

Mula nang makita ko si Doc Emman ay hindi na siya mawala sa isip ko. Naririnig ko na siya noon pa sa aking kapatid na si Cyrille. Noong una ay wala akong pakialam sa kaniya dahil hindi ko pa siya kilala pero no'ng minsang bumisita siya sa Ospital na pinag-ta-trabahuan ko noon ay doon sumibol ang pagkagusto ko sa kaniya.

"Alright! I'll see you on that day." Wika nito pagkatapos ay pinatay na ang linya.

I really can't believe it! Maaari ko ulit makita at maka-usap si Doc Emman! After thinking a lot of scenarios on what will happen that day, I immediately did all the things that I needed to do then I decided to sleep.

I WOKE UP when I heard the alarm clock rang. I immediately stood up and did what I needed to do. After that, I went in front of Cyrille's room to check her.

Nang makarating ako sa tapat ng kanyang kwarto ay kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan. Ngunit saktong pagbukas ko ay wala akong Cyrille na nakita.

Kunot-noo akong bumaba sa dining room at nakahinga nang maluwag nang makita ko siyang kausap si Manang Puring habang silang dalawa ay nagtatawanan.

"Ate!" Sigaw ni Cyrille dahilan para halikan ko siya sa kaniyang noo nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.

"Akala ko hapon ka na darating, Manang." I uttered then wrapped my arms on Cyrille's shoulder.

"Ay siya, akala ko nga rin ako'y hapon na darating di-ne. Mabuti na lang at maagang nakapagpadala ang iyong ina kaya ako'y nakaluwas ng maaga," ani Manang Puring.

Si Manang Puring ay taga Batangas. Matagal na siyang naninilbihan sa aming pamilya. Kung tutuusin ay para ko na siyang Lola.... mali. Siya na talaga ang tumayong Lola ko dahil sa tagal niyang nanilbihan sa pamilya namin.

Nang matapos kaming mag-usap ay agad kaming nagpaalam kay Manang Puring kasama ang iba pang kasambahay na halos kakarating lang din. Dumating na ang dapat na magiging driver ni Cyrille subalit pinilit niya na ako na lang muna ang maghatid sa kaniya ngayong araw sa school nila.

"Ate, birthday ni Leo bukas. Puwede bang bumili ako ng gagamitin kong damit?" Ani Cyrille sa 'kin.

Magkaibigan kasi sina Cyrille at Leo. Magkababata kung tutuusin. 4th year na si Leo habang si Cyrille ay 2nd year dahil nga ilang taon siyang nag stop ng pag-aaral dahil sa case niya.

"Sure! Gusto mo order-an na rin kita since a-attend din ako bukas sa birthday ni Leo?" Nakangiting wika habang ang aking paningin ay nakatutok sa daan.

"Okay, Ate. Salamat!" Cy uttered.

Ilang minuto ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa tapat ng eskwelahan ni Cyrille. Agad akong nagpaalam sa kaniya pagkatapos ay hinalikan siya sa kaniyang pisngi bago siya bumaba.

Agad naman akong nagmaneho ng sasakyan pagkatapos kong ihatid si Cyrille sa eskwelahan niya. Since medyo maaga pa ay bumaba muna ako sa convenience store upng bumili ng inumin ko. Hindi ako mahilig sa kape dahil madalas akong nagpa-palpitate. Akmang kukuha na sana ako nang inumin ko ngunit bigla akong nakakita ng Pocari dahilan para kunin ko ri'n 'yon upang ibigay kay Doc Emman.

Masaya akong pumunta sa counter pagkatapos ay dali-daling nagbayad ng mga binili ko. "Three hundred and fifty pesos, Ma'am." Ani kahera.

Kinuha ko naman agad ang card ko at ibinigay 'yon sa kahera upang i-swipe niya. Nang matapos akong makapagbayad ay agad akong sumakay ng kotse at masayang nagmaneho.

Saktong pagkarating ko sa Ospital ay agad akong pumunta sa tapat ng pinto ng clinic ni Doc Emman. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit may narinig akong nag-uusap sa gilid ko na kung saan ay hallway.

"Kristine, I'm sorry. I didn't mean to make you feel that. There's really nothing happened between us. I swear."

Dahil hindi ko na kayang pakinggan ang isasagot ni Doc Kristine ay hindi na ako nag-abalang makinig pa. Binuksan ko agad ang pintuan ng clinic pagkatapos ay padabog na umupo sa aking pwesto.

Ang kapal ng mukha ko para umasang magugustuhan niya rin ako pabalik.

Nag-umpisa na ang clinic hours dahilan para maabala ako sa pakikipag-usap sa queries ng mga pasyente at guardian nila. Ininom ko na lang ang Pocari na dapat ay ibibigay ko kay Doc Emman.

HABANG breaktime ay nag-order na ako ng damit na susuotin namin ni Cyrille sa party ni Leo. Hindi na ako nagpagawa pa ng bonggang mga dress dahil isang beses lang naman namin susuotin ni Cyrille 'yon.

"You're not gonna buy?" Takang tanong ni Doc Emman sa akin.

Nasanay na siguro siyang lagi akong bumibili ng pagkain kaya tinanong niya ako. Ayaw ko nang mag-assume dahil alam ko rin lang naman na masasaktan ako sa huli.

"No, Doc." Tipid na sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Kunot-noo siyang tumingin sa akin at walang ano-ano'y hinawakan ako sa aking noo, tinitignan kung may lagnat ba ako.

"You're not even sick," kibit-balikat na aniya.

Tipid akong ngumiti at muling ibinaling ang aking paningin sa mga papers na binigay sa akin ng mga pasyente na kung saan ay galing sa triage.

"Your next parient is Mrs. Berna. Her appointment is set later at 2:00 PM." Pilit na nakangiting wika ko.

"Alright," aniya pagkatapos ay marahan niya akong tinapik sa balikat at agad na umalis.

Nang makaalis siya ay doon ako nakahinga nang maluwag. Gustong gusto ko siyang kausapin ngunit kanina ko pa pinipigilan dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Siguro ay bukas ko na lang siya kakausapin kapag nawala na 'yong nararamdaman kong selos.

Tinutok ko na lang ang aking pokus sa paglalaro ng games sa cellphone ko. Wala pang oras na naglalaro ako ay nabaling ang aking paningin sa naglapag ng Pocari sa akin table. Agad kong tinignan kung sino 'yon at nagulat nang malaman kong si Doc Emman pala 'yon.

"Drink some Pocari and stay hydrated." Aniya pagkatapos ay pumasok na sa pinaka-loob ng kanyang clinic.

Kagat-labi akong napangiti at pinakatitigan ng matagal ang Pocari na binigay sa akin ni Doc Emman. Agad kong pinicturan ng binigay sa akin na inumin ni Doc Emman at miny-day 'yon sa aking i*******m.

(Thank you, Doc!)

After posting it on my My day I suddenly remembered the money that I borrowed from Doc  Emman. Dali dali akong kumatok sa kaniyang pintuan at binuksan 'yon ng binigyan niya ako ng permisong pumasok sa loob.

"Doc, 'yong hiniram ko po na pera sa mall no'ng nakara—"

Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sasabihin nang biglang putulin ni Doc Emman ang sinasabi ko. "I'm not yet asking you to pay me." Masungit na aniya.

Kanina lang binigyan niya ako ng Pocari tapos ngayon sinusungitan niya ako?! Madalas talaga ay hindi ko mahuli ang mood ni Doc Emman. Minsan mabait, madalas masungit. Paano ko siya mapapakitunguhan ng maayos gayong siya mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan?

"Sa susunod na lang po siguro. Salamat, Doc." I uttered then left him.

Inis akong umupo at pinakatitigan ang Pocari na binigay niya. Hindi ko alam kung iinumin ko ba ang binigay niyang ito o itatapon ko na lang sa basurahan. Naguguluhan ako sa pinapakitang ugali ni Doc Emman. Mabait, masungit, mapagbigay, maalalahanin, tapos 'di kalaunan ay mag-susungit ulit.

Nang matapos ang shift ko ay agad akong nag-ayos ng table ko pagkatapos ay kumatok sa sliding door ng clinic ni Doc at binuksan 'yon.

Abala siya sa kaniyang laptop nang pumasok ako. Siguro may mga importante siyang ginagawa kaya nakatuon ang pokus niya ro'n.

"Doc, mauuna na po ako. Salamat po!" I said rhen went outside his clinic.

Hindi ko na siya inantay pa na magslita dahi hanggang ngayon ay naguguluhan at hindi ko pa rin mahuli ang mood o ugali niya.

Pagkarating ko sa bahay ay agad sana akong sasalubungin ni Cyrille subalit hindi ko muna siya pinalapit sa akin dahil kailangan ko munang mag-linis ng katawan bago ako lumapit sa kaniya. Hindi ako nakapag-linis ng katawan kanina bago ako umalis dahil sinakop ni Doc Emman ang isip ko.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at ginawa ang mga dapat kong gawin bago ako bumaba at hinalikan sa noo ang aking kapatid.

"Ate! Napakaganda ng napili mong susuotin ko!" Tuwang-tuwa na wika ni Cyrille.

"Mabuti at nagustuhan mo," nakangiting sagot ko pagkatapos ay inilibot ang aking mg mata sa paligid.

"Si Manang Puring?" Takang tanong ko.

"Nasa kusina, Ate. Nagpe-prepara sila ng iba pa nating mga kasambahay para sa dinner natin." Ani Cyrille.

Well, since wala naman sina Mommy at Daddy ay hinahayaan kong kumain ang mga kasambahay dito sa hapag. Sina Mommy lang naman ang maselan. Kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin kong makasabay ang mga kasambahay kaysa makita ko silang nakain sa kitchen.

Hindi ko kasi maatim na makita silang kumakain doon habang kami ay maayos ang lugar na kinakainan. Tao kami katulad nila kaya hangga't maaari ay gusto kong i-trato sila gaya ng pag-trato nila sa aming pamilya.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming nagpasalamat sa mga kasmbahay maging kay Manang Puring. Nagpaalam naman na ako sa kanila at nagdesisyong umakyat sa second floor. Nagpaalam muna kami ni Cyrille sa isa't-isa bago pumasok sa sarili naming mga kwarto.

Chincek ko ang phone ko subalit walang nag-notif bagay na ikinakataka ko. Ngunit nang i-check ko ang WiFi ko ay hindi pala iyon naka-connect sa WiFi namin kaya walang nagno-notif sa akin. Pagkabukas na pagkabukas ko ay nagsilabasan ang notifications ko ngunit mas tumuon ang paningin ko sa nagreply sa My Day ko. Walang iba kun'di si Doc Emman.

(I was about to give you something but you suddenly left. Are you still not feeling well?)

to be continued

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status