Share

3

Celine's Point Of View

PAGKARATING ko sa bahay ay agad kong chineck sa kwarto si Cyrille. She's sleeping, probably tired because of her school works. Ilang taong tumigil si Cyrille sa pag-aaral dahil sa sakit niya. Magmula nang ma-diagnosed siya na may Bipolar ay pina-tigil siya ni Doc Almoreno sa pag-aaral dahil maaaring ma-trigger ang mood niya sa environment ng school.

Pero ilang taon ang lumipas ay naging maayos na rin ang kanyang mood. Hindi na paiba-iba ang mood niya unlike noon na masaya siya tapos biglang malulungkot siya.

After checking her, I decided to go downstairs to organize the things that I bought. Kalahating minuto rin ang lumipas bago ako natapos sa pag-aayos ng mga pinamili ko.

Kulang na kasi ang mga stock namin kaya nagdesisyon akong bumili. Kamalas-malasan nga lang ay hindi ko agad nakita kung nasaan ang wallet ko. Kani-kanina ko lang naalala na nasa bag ko pala ang wallet ko.

Sobrang nakakahiya ang nangyari kanina. Hindi ko lubos akalain na mangyayari 'yon sa akin. Mabuti na lang at nandoon si Doc Emman para pahiramin ako ng pambayad sa mga pinamili ko.

Speaking of Doc Emman. Kumusta kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya?

Umiling ako at umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos ay nag-half bath. Nang matapos ako ay agad akong nagbihis ng pantulog at nag-surf sa internet.

Inistalk ko si Doc Emman subalit gano'n na lang ang lungkot na naramdaman ko nang makita kong naka-private ang i* at f* account niya. Nahihiya man pero desidido kong inadd at finollow si Doc Emman sa f* at i* niya.

May mga pictures naman siya sa f* pero ang ilan do'n ay noong intern pa siya-matatagal na niyang pictures. Akmang tutulog na sana ako kaso biglang may nag-notif sa phone ko dahilan para tignan ko ito.

"Oh my gosh!" Impit na tili ko.

Hindi ako makapaniwala! Totoo ba ito? Did Doc Emman just accepted my friend and follow request?!

I bit my lowe lip while smiling and unconsciously typed on my phone.

(Good evening, Doc! Bukas ko na lang po babayaran 'yong pinambayad mo sa groceries ko po. Thank you for saving me. Stay safe and God bless, Doc!)

Ilang segundo ang lumipas bago ko nakita sa phone ko na kasalukuyan siyng nagta-type. I can't help but to smile while looking at my phone. Kahit pala talaga mukhang masungit, may parte pa rin sa puso niya na napakabusilak.

(Noted.)

Akala ko pa naman din napakahaba ng tina-type niya! Hmp!

Sa kabila no'n ay hindi ko pa rin mapigilang huwag ngumiti. I once again bit my lower lip and thanked him again. Napaka-bastos naman kasi kung ise-seen ko lang siya. Hindi na niya muling sineen ang message ko kaya nagdesisyon na akong humiga sa aking kama.

Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang antok dahilan para sumara ang aking mga mata at makatulog ako.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Agad akong umupo mula sa pagkakahiga at nag-unat. Maaga pa pero kailangan kong asikasuhin ang aking kapatid para sa pag-pasok niya.

Akmang pupunta na sana ako sa kusina upang ipaghanda siya ng kanyang makakain subalit laking gulat ko nang makita ko si Cyrille na kasalukuyang naghahanda ng pagkain sa lamesa.

"Good morning. You woke up late that's why I decided to cook our breakfast," nakangiting aniya habang nilalagay ang mangkok sa lamesa na kung saan ay naglalaman ng kanin.

I smiled at her and opened my arms telling her to hug me. "I'm so proud of your improvements, Cy." I uttered while hugging her.

Nang maipaghiwalay namin ang aming mg katawan mula sa pagkakayakap ay agad niya akong nginitian pagkatapos ay niyaya akong kumain.

Natapos kaming kumain bago kami nagdesisyong maligo't magbihis. Ihahatid ko na siya sa school niya gaya ng ginagawa ko noon. Marunong naman magmaneho si Cyrille dahil tinuruan ko na siya noon ngunit wala nga lang siyang lisensya.

"Kumusta si Dr. Almoreno bilang boss?" Tanong niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa tanong niyang 'yon. Wala pang nakakaalam na mas pinili kong maging secretary kaysa ang pagiging nars.

"Ah.. H-ha? A-nong sinasabi mo? Haha." Nauutal na turan ko.

I heard her chuckled then shook her head, "I won't tell mom and dad. You don't have to worry about. Just like how we used to be, no secrets and no lies." Nakangiting saad niya.

I smiled back at her and told her everything. Noong una ay hindi rin siya makapaniwala subalit nang ma-process na sa isip niya lahat ay tinukso niya na ako.

"Ikaw ah! Akala ko ba hindi ka na magkaka-gusto ulit? Bakit na-in love ka kay Doc Almoreno?" Nang-aasar na aniya.

Ngumuso ako at ngumiti bago nagsalita, "Hoy! Crush lang naman. Grabe ka sa in love!" Natatawang wika ko.

Nang makarating na kami sa school ni Cyrille ay agad akong nagpaalam sa kaniya. "Sorry talaga kung hindi kita nasusundo t'wing dismissal mo. Basta ah? Wala kang ibang gagawin. Diretso bahay, okay?" Paalala ko kay Cyrille.

Noon ay natatakot kaming iwan si Cyrille mag-isa dahil maaaring may kung ano siyang bilihin para masaktan niya ang sarili niya pero 'di nagtagal ay natuto kaming pagkatiwalaan siya lalo na ngayong unti unti nang nag-i-improve ang lagay niya.

"Okay, I'll see you when I get home." She uttered then kissed me on my cheek.

"GOOD DAY, DOC!" Nakangiting bati ko kay Doc Almoreno nang makapasok siya sa clinic niya.

Napaaga ako ng twenty minutes kaya naayos ko na agad ang mga gamit ko dito sa desk ko. Magmula ngayon ay heto na ang magiging routine ko: maghahatid kay Cyrille sa school niya every weekend at diretso dito sa Ospital pagkatapos ay magta-trabaho bilang secretary ni Doc Emman.

Hindi naman mahirap dahil nae-enjoy ko ang ginagawa ko. Kahit na tinalikuran ko ang pagiging nars ay naging secretary naman ako ng Doktor. Maliban doon ay nakakatulong pa rin naman ako sa mg pasyente kapag may queries sila sa mga dapat nilang gawin.

"Good morning," seryosong aniya at pumasok na sa loob ng kanyang clinic.

Ang aga aga napakasungit!

Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa viber upang tignan doon ang mga pasyenteng magpapa-konsulta kay Doc Emman at inilista 'yon sa malinis na papel upang hindi ko na ilabas pa ang cellphone ko sa oras ng trabaho.

Minuto ang lumipas ay may pumasok nang pasyente sa loob ng clinic pagkatapos ay agad na binigay sa akin ang sheet na nakuha nila mula sa entrance ng hospital.

"Saglit lang po, Mrs. Alviar." Nakangiting wika ko.

Tumango naman siya at muling bumalik sa couch habang ako naman ay kumatok sa sliding door ni Doc upang tanungin kung okay na ba sa kaniyang magpapasok ng pasyente.

"Doc, narito na po si Mrs. Alviar." Saad ko.

He heaved a deep breath three times and nodded. Tumango na rin lang ako at lumapit na kay Mrs. Alviar pagkatapos ay inalalayan siyang pumasok sa pinaka-loob ng clinic ni Doc.

Gano'n ang naging gawain ko matapos ang ilang oras. Paulit ulit at minsan naman ay nasagot ng tawag mula sa telepono patungkol sa mga nagpapakonsulta.

Breaktime na at agad akong umunat. Last na pasyente na ni Doc ang kausap niya ngayon. Di hamak na mas nakakapagod ang ginagawa ko ngayon kumpara sa dating trabaho ko. Buong magdamag lang kasi akong nakaupo ngayon. Mas nakakapagod para sa akin ng pag-upo kumpara kapag may ginagawa.

Nang makalabas ang pasyente ni Doc ay agad nitong sinabi sa akin ang sunod na balik niya dahilan para isulat ko 'yon sa aking journal.

"Salamat, Ma'am." Turan nnag pasyente.

"Naku! Celine na lang po." Nahihiyang sabi ko.

Muli siyang nagpasalamat at lumabas na sa clinic. Ako namab ay inayos ang iba kong gamit na nakakalat sa aking lamesa bago ako nagdesisyong kumatok sa sliding door ni Doc Emman.

"D-doc, about po sa nahiram kong pera sa 'yo. Ibabalik ko na po sana," kamot batok n wika ko.

Tumigil siya mula sa pagsusulat ng kung ano sa isang sheet ng papel pagkatapos ay itinuon ang kanyang pansin sa akin.

"You can bring the money back to me next time. I still have something important to do, Ms. Navarro." Aniya.

Akmang lalabas na sana ako subalit sumagi sa isip ko na breaktime na pala dahilan para magtanong akong muli sa kaniya.

"Doc, may ipapabili ka po ba sa labas?"

"Pocari," tipid na sagot niya.

Tumango ako at nakangiting lumabas mula sa pinaka loob ng clinic niya. Pagkatapos no'n ay nagdesisyon akong pumunta sa SM na kung saan ay nakatayo sa tapat lang ng Ospital.

Tinulungan akong tumawid ng guard dahilan para magpasalamat ako sa kaniya. Nang makarating akong mall ay masaya akong pumasok para bumili ng makakain ko at ng Pocari ni Doc Emman.

Pumunta muna ako sa Burger King at nag-order para roon kumain. Pagkatapos kong kumain ay dali dali akong pumunta ng mall at bumili ng Pocari ni Doc Emman. Akmang bubuksan ko na sana ang glass door ng mall subalit biglang may nagbukas niyo dahilan para lingunin ko kung sino 'yon.

"Doc Sanchez?!" Gulat na tanong ko!

"Ms. Navarro. It's nice seeing you again," nakangiting aniya.

"Kumusta po?" Tanong ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa Ospital. Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko kay Doc Sanchez. Sobrang cool niya kasing Doktor hindi gaya ni Doc Emman na napaka-sungit at cold. Si Doc Sanchez kasi ay jolly. Hindi ka matatakot na biruin siya as long as hindi below the belt ang biro mo.

"I'm doing good! Ikaw? How are you?" Tanong niya pabalik.

Masaya ako. Sobra. Pero may kung ano sa puso ko na malungkot dahil iba ang Emmanuel na nakasama ko sa mall na kung saan ay tumulong sa 'kin kumpara sa Emmanuel ngayon na pinpakita niya. Marahil ay iba ang pag-trato niya sa tao kapag nasa loob ng Ospital kumpara sa pag-trato niy kapag nasa labas ng Ospital.

"Napaka-sungit ng best friend mo, Doc ano?" I asked him out of consciousness.

"Nahulog ka na ba sa kaniya?"

"Ano po?" Sagot ko.

Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi niya kanina dahil sa ingay ng kalsada. Malapit naman na kami sa Ospital. Ang inaalala ko lang ay baka hindi na magustuhan ni Doc Emman ang Pocari na nabili ko dahil hindi na gano'n kalamig kumpara nu'ng kinuha ko 'to sa refrigerator.

"Sabi ko, mahuhuli ka na sa work hours. Anng oras na oh," aniya.

Agad akong napatingin sa relo ko at nanlaki ang mga mata! Lagot! 3 minutes na lang start na ng clinic hours!

Nagpaalam agad ako kay Doc Sanchez at nagpasalamat bago ako tumakbo nang mabilis papasok sa clinic ni Doc Emman. Mabuti na lang at wala pang pasyente kaya medyo lumuwag ang kaninang nakabara sa aking dibdib.

"Doc," I uttered while knocking at the sliding door.

Pagkatapos kong kumatok ay binuksan ko na ang sliding door. Agad ko namabg inabot sa kaniya ang Pocari bago siya napatingin sa 'kin at halatang nagdalawang isip pa kung kukunin niya ba ang Pocari na hawak ko.

"Doc, wala po akong nilagay na kung ano sa Pocari mo. Kapag na-in love ka, puso mo ang kusang tumibok sa akin," pang-aasar ko.

He just heaved a deep breath then rolled his eyes. "You may leave," aniya dahilan para umalis ako sa loob ng kanyang clinic.

Bahagya kong kinagat ang aking pang-ibabang labi pagkatapos ay masayang umupo sa aking pwesto. Muling dumating ang iba niyang mga pasyente kaya naging abala rin ako sa aking trabaho.

Lumipas ang oras bago natapos ang shift ko. Three minutes na lang bago ang out ko kaya inayos ko ang aking table at mga gamit.

Marami akong mga pasyenteng nakita at na-obserbahan. 'Yong iba sa kanila tahimik at ang iba naman ay madaldal. Mabuti na lang ay maayos na ang lagay nila dahil base sa research ko ay mostly sa mga may mental illness ay nagwawala. Kung iisipin ko pa lang na makaka-encounter ako ng gano'n ay hindi ko na kakayanin, paano pa kaya kapag nasa harapan ko na, hindi ba?

I heaved a deep breath before I stand and knocked at Dr. Emman's sliding door. "Doc, aalis na po ako. Salamat po sa araw na ito." Nakangiting wika ko.

He just nodded and brought his eyes back on the paper above his table. Akmang aalis na sana ako subalit nagsalita siya dahilan para matigil ako sa paglalakad paalis.

"We'll be having a medical mission on Nueva Ecija next week. Ngayon pa lang, mag-umpisa ka nang mag-prepara ng sarili at mga gamit mo." He uttered.

"Copy po, Doc!" Nakangiting wika ko pagkatapos ay nakangiting lumabas sa clinic niya.

to be continued

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status