Share

Kabanata 129

Author: LiLhyz
“Pero nakakatakot siya, hindi ba?” nilinaw ni Taylor.

“Oo, medyo pala utos din siya—siguradong nakakatakot,” inulit ni Charlie.

“Nakakatakot. Hindi maganda ang nakakatakot, Charlie,” paliwanag ni Taylor. “Naiimagine mo ba ang magkagusto sa nakakatakot na tao? Parang nag-adopt ka ng alagang cobra at umaasa ka na yayakapin ka nito sa gabi.”

“Parang pagkakaroon ng crush sa serial killer at iniisip, “Ay, passionate lang siya”—“

“Tama na! Hindi siya serial killer. Seryoso lang talaga siya, istrikto at medyo nakakatakot!” kontra ni Charlie.

“Sinusubukan ko lang—”

“Hindi ko nga siya type,” hindi siya pinatapos magsalita ni Charlie, tumatawa siya. “Pitong taong gulang siyang mas matanda sa akin, ata.”

“Phew! Matanda na!” sabi ni Taylor, malakas at malinaw ang tono niya.

Natawa ulit si Charlie. “Tama na.”

Nasa first floor na sila ng building ng hawakan ni Charlie ang baba ni Taylor. Dineklara niya, “Ikaw lang ang mahal ko.”

“Ay, Babe naman.” Niyakap siya ni Taylor. “Kailangan ko talag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 140

    “Ano po ang pakiramdam nang maabot ang world championship, at bakit ka doon tumigil?” tanong ni Taylor kay Carlos Ronaldo.“Kapag nasa sports ka, madalas ka magtravel—ang sumali sa mga kumpetisyon, at habang maganda iyon, lagi akong nangungulilang makasama ang asawa ko. Oo, puwede ko pa ituloy, pero anong masasayang?” siwalat ni Carlos Ronaldo. “Hindi ko sinasabi na ang desisyon ko sa buhay ay dapat mong gayahin, pero priorities mo ang magiging puno’t dulo nito.”Tumango si Taylor. Itinaas niya ang champagne glass niya at sinabi, “Naiintindihan ko po. Sa totoo lang po, gusto ko po subukan ang basketball. Mahal ko po ang family business ng aming pamilya, at gusto ko din po ang engineering.”“Kung ganoon, gawin mo ang dapat mo gawin. Para sa iyo, Taylor.” Itinaas ni Carlos ang baso niya. Sabay silang uminom ni Taylor.Lumipas ang gabi. Nakilala ni Taylor ang buong pamilya Wright, na masasabing… maraming nangyari. Sa totoo lang, hindi niya maalala ang pangalan nilang lahat.Kinaladka

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 139

    Tumawa sina Charlie at Taylor, pero sila lang ang nakakaintindi kung saan nagmumula ang ikinakatuwa nila.“At ito si Gale,” senyas ni Charlie sa direksyon ng babaeng wavy brown ang buhok, asul ang mga mata at mala atletang pangangatawan.“Ikinagagalak ko kayong makilala,” sabi ni Taylor.Pagkatapos ng triplets, ipinakilala ni Charlie si Taylor sa pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya Wrights, si Kenneth. Nakaupo lang siya sa upuan niya, nagtatrabaho sa laptop. Sinabi ni Charlie, “Kenneth, inaasikaso mo ang birthday party ng mga kapatid mo?”“Ah.” Nainis na sinabi ni Kenneth, umiling-iling siya. “May bago kaming app sa susunod na linggo. Lubog ako sa trabaho.”“Ito si Taylor, boyfriend ko,” pakilala ni Charlie.“Wow, ikaw ay—ah.” Panandaliang walang masabi si Taylor, at naintindihan ni Charlie kung bakit. Si Kenneth Wright ay parang ultimate CEO na galing mula sa mga romance movies—mapa Korean, Chinese, o Turkish drama. Ang kailangan lang niya ay slow-motion entrance, madraman

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 138

    “Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”Ang mga ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan, na sina Kylee at mga kapatid niyang sina Gale at Graham Wright, ay nakilala sa stage. May hawak silang cake at mga kandilang hinipan. Pagkatapos, masigabong nagpalakpakan ang mga tao.“Palakpakan naman para sa mga celebrants! Kylee Wright! Graham Wright at Gale Wright!”Dumilim ang ilaw. Umilaw ang mga spark fountains mula sa gilid ng stage sa center aisle. May malaking LED screens sa buong venue na ipinakita ang makulay na kalangitan, kung saan lumikha ito ng ilusyon na doon mismo nagaganap ang mga pailaw.Makalipas ang ilang sandali, oras na para kumain. Nakapag appetizer na at champagne ang mga tao, pero ang tunay na kainan ay iseserve na.Bago maghapunan, sadyang inimbitahan ni Charlie ang former Tennis World Champion para mag-usap. Siyempre, balak niyang inggitin sina Luke at Regina, kaya kinaladkad niya ang Tito Carlos Ronaldo niya sa likod ng venue.

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 137

    Nakita agad ni Luke ang nanay ni Charlie. Nakakapit siya sa braso ng kanyang asawa, si Adrian King, na kamukhang-kamukha ni Charlie, nakangiti ng maganda at elegante ang presensiya na sumisigaw ng nagmula sila sa mayamang pamilya! Suot niya ang diamond necklace na kumikinang sa mga ilaw, kapares nito ang diamond earrings at bracelet niya.Maganda rin ang pagkakabihis ng kapatid ni Charlie. Mas maliit ang suot niyang mga diamante pero magara pa din.Kapansin-pansin din ang mga kapatid ni Charlie na lalaki. Tulad ng ama nilang si Adrian King, nakasuot sila ng custom-made suits, makintab na mga sapatos, at designer watches. Ang dating nila ay pinagmumukha na matagal na silang mayaman. Hindi nila kailangan magyabang; malinaw na ito.“Paano ko itong hindi napansin?” sabi ni Luke sa sarili niya sa loob-loob niya.Nasaksihan ni Luke at pamilya niya ang pagdating ni Governor Douglas Carrington. Pumasok siya kasama ang isa pang pamilya na mukhang mayaman din, na naisip ni Luke, na parang ha

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 136

    Rhet Wyatt: “Anong nangyari?”Georgia Sullivan: “Ang tinutukoy ba ng patriarch ay si Charlie?”Lester Sullivan: “Hindi, sa tingin ko hindi. Paanong si Charlie? Bakit naman si Charlie?”Pamela Wyatt: “At sino ang isa pang tao na ito?”Luke: “Regina, ano ba ang nangyayari dito?”Rinig ni Regina ang taranta mula sa pamilya niya. Humarap siya sa kanan at napagtanto na ang boses pala ay mula sa patriarch ng pamilya Wright, sa ama ni Kylee Wright!“Anong sabi nila?” napaisip si Regina.Naglakad si Kyle papuntas a direksyon nila. Sabi niya, “Ikaw ba iyon?”Tila ba naglalabas ng usok si Kyle mula sa ilong niya habang nagtatanong, “Tignan mo ako sa mga mata ko at sabihin mo iyon ulit.”“Sabihin mo ulit! Anong tawag mo sa anak ko?” Pagkatapos, may isa pang lalaki na nasa kabilang dulo ng mahabang linya ng direktang mga pamilya ni Kylee.Ang taong ito ay matangkad at dark brown ang kulay ng buhok na abot hanggang batok niya. Malakas ang dating niya, patay ang ekspresyon ng mga mata na n

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 135

    “Relax, kasi naman, ang mabuting magkaibigan lang ay sina Regina at Kylee,” sabi ni Rhett Wyatt.“Pero ang akala ko ba tumulong ang pamilya Wright sa investments?” tanong ni Lester Sullivan.“Oo nga. Nirefer nila kami sa Strauss Asset Investments. Sila ang tumutulong sa amin palakihin ang aming pera,” sagot ni Rhett.“Kakilala namin sila dahil kay Regina.” Paliwanag ni Pamela Wyatt, “Pero bihira namin makaupsa ang pamilya Wright mismo. Napakabusy nila.”“Oo, ang dami nilang ginagawa,” sabi ng iba pa na inimbitahan. “Nagtatrabaho kami para sa Wright Diamond Corporation, kaya namin sila nakilala.”Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay, nagbubulungan na ang mga tao sa likod.“Nandito na ang pamilya Wright!”“Nandito na sina Mr. and Mrs. Wright kasama ang kanilang magaganda at guwapong anak!”Nasabik si Regina. Kuminang ang mga mata niya, at napatingin siya sa pinto.Ang patriarch at matriarch g pamilya ang unang pumasok. Binati sila ng pamilya ni Regina, at ganoon din ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status