Share

Kabanata 128

Author: LiLhyz
“Hi, Regina.”

Sa gitna ng linggo, hindi inaasahang binati ni Charlie si Regina sa campus hallway.

“Kinakausap mo ba ako?” tanong ni Regina, pareho siyang nagulat at nairita. So Sofia at Ashley na kasama niya, ay mga sumimangot din.

Mukhang nag-aalinlangan si Charlie. Tumingin siya sa paligid, hindi mapakali bago siya nagtanong, “Puwede ba kita makausap ng pribado, please?”

“Anong nangyayari, Charlie? Hindi ba’t galit ka kay Regina? Nakalimutan mo na ba na sinasabi ng boyfriend mo na inakit siya ni Regina?” mapanglait na sinabi ni Sofia. “Pero kabaliktaran naman ang nangyari!”

“Oo nga, Charlie,” sabi ni Ashley. “O baka napagtanto mo na nagsisinungaling si Taylor?”

“Puwede ba kalimutan na lang natin iyon? May mahalaga kaming dapat pag-usapan ni Regina.” Tumingin si Charlie kay Regina habang nagmamakaawa ang ekspresyon ng mga mata niya. “Sandali lang, please.”

Si Regina, na curious sa pinaplano ni Charlie, ay sumangayon. Pumunta sila sa tagong sulok, kung saan nagtanong si Regina,
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 142

    “Gising na. Gising na, Babe,” sabi ni Taylor habang kinikiliti si Charlie sa kama. “Oras na para pumasok sa school.”“Anong oras na ba?” tanong ni Charlie, itinulak niya palayo ang kamay ni Taylor.“Ala sais na,” sabi ni Taylor. “Tara na. Wala tayong lulutuin, nakalimutan mo na? Kailangan natin mag-almusal sa cafeteria.”Noong dumating sila ng linggo, nanatili sila Taylor at Charlie sa Carrington Manor hanggang gabi. Kaya, wala silang oras para mag groceries.Kinusot ni Charlie ang mga mata niya at tinignan si Taylor. Suot na niya ang pants niya at basa ang buhok. Nagtanong siya, “Naligo ka na?”“Oo, ikaw naman. Tara na, Babe,” udyok ni Taylor.Mabilis na naligo si Charlie. Noong dumating sila sa cafeteria, may oras pa sila para kumain bago ang klase nila.“May ilang mga estudyante na sa paligid. May iba na nakatingin sa kanila habang kumakain sila.“Anong problema nila?” bulong ni Charlie.Tumitig si Taylor mula sa dalawang lamesa ang layo, “May dumi ba sa mukha ko? Anong por

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 141

    ***Noong alas onse na ng gabi, hindi pa din tapos ang after party, pero tapos na ito para kay Taylor.Sinamahan ni Taylor ang lolo niya sa kuwarto at siniguro na ininom niya ang kanyang gamot.“Puwede mo ba gawin ang tsaa na ginagawa mo dati, Taylor,” sabi ni Douglas.Ipinaghanda ni Taylor ang lolo niya ng Chamomile tea. Lagi itong nakakatulong sa kanya na matulog sa gabi. Matapos itong ilagay sa tabi ng lamesa, sinabi ni Taylor, “Okay ka na, Lolo? Susunduin ko si Charlie.”“Okay na ako,” sabi ni Douglas matapos inumin ang Chamomile tea. Ibinaba niya ang baso niya at sumandal sa kama, idinagdag niya, “Proud talaga ako sa iyo, Taylor. Napukaw mo ang puso ng mga future in-laws mo.”Natawa si Taylor. “Salamat, Lolo.”“Mapagmahal na bata si Charlie. Dapat tumigil ka na sa pagiging seloso mo. Mahal ka niya, batid ko naman. Kailangan mo magtiwala sa kanya,” sabi ni Douglas.“May tiwala ako sa kanya. Wala lang akong tiwala sa mga lalaki sa paligid niya,” reklamo ni Taylor.Humikab s

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 140

    “Ano po ang pakiramdam nang maabot ang world championship, at bakit ka doon tumigil?” tanong ni Taylor kay Carlos Ronaldo.“Kapag nasa sports ka, madalas ka magtravel—ang sumali sa mga kumpetisyon, at habang maganda iyon, lagi akong nangungulilang makasama ang asawa ko. Oo, puwede ko pa ituloy, pero anong masasayang?” siwalat ni Carlos Ronaldo. “Hindi ko sinasabi na ang desisyon ko sa buhay ay dapat mong gayahin, pero priorities mo ang magiging puno’t dulo nito.”Tumango si Taylor. Itinaas niya ang champagne glass niya at sinabi, “Naiintindihan ko po. Sa totoo lang po, gusto ko po subukan ang basketball. Mahal ko po ang family business ng aming pamilya, at gusto ko din po ang engineering.”“Kung ganoon, gawin mo ang dapat mo gawin. Para sa iyo, Taylor.” Itinaas ni Carlos ang baso niya. Sabay silang uminom ni Taylor.Lumipas ang gabi. Nakilala ni Taylor ang buong pamilya Wright, na masasabing… maraming nangyari. Sa totoo lang, hindi niya maalala ang pangalan nilang lahat.Kinaladka

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 139

    Tumawa sina Charlie at Taylor, pero sila lang ang nakakaintindi kung saan nagmumula ang ikinakatuwa nila.“At ito si Gale,” senyas ni Charlie sa direksyon ng babaeng wavy brown ang buhok, asul ang mga mata at mala atletang pangangatawan.“Ikinagagalak ko kayong makilala,” sabi ni Taylor.Pagkatapos ng triplets, ipinakilala ni Charlie si Taylor sa pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya Wrights, si Kenneth. Nakaupo lang siya sa upuan niya, nagtatrabaho sa laptop. Sinabi ni Charlie, “Kenneth, inaasikaso mo ang birthday party ng mga kapatid mo?”“Ah.” Nainis na sinabi ni Kenneth, umiling-iling siya. “May bago kaming app sa susunod na linggo. Lubog ako sa trabaho.”“Ito si Taylor, boyfriend ko,” pakilala ni Charlie.“Wow, ikaw ay—ah.” Panandaliang walang masabi si Taylor, at naintindihan ni Charlie kung bakit. Si Kenneth Wright ay parang ultimate CEO na galing mula sa mga romance movies—mapa Korean, Chinese, o Turkish drama. Ang kailangan lang niya ay slow-motion entrance, madraman

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 138

    “Happy Birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!”Ang mga ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan, na sina Kylee at mga kapatid niyang sina Gale at Graham Wright, ay nakilala sa stage. May hawak silang cake at mga kandilang hinipan. Pagkatapos, masigabong nagpalakpakan ang mga tao.“Palakpakan naman para sa mga celebrants! Kylee Wright! Graham Wright at Gale Wright!”Dumilim ang ilaw. Umilaw ang mga spark fountains mula sa gilid ng stage sa center aisle. May malaking LED screens sa buong venue na ipinakita ang makulay na kalangitan, kung saan lumikha ito ng ilusyon na doon mismo nagaganap ang mga pailaw.Makalipas ang ilang sandali, oras na para kumain. Nakapag appetizer na at champagne ang mga tao, pero ang tunay na kainan ay iseserve na.Bago maghapunan, sadyang inimbitahan ni Charlie ang former Tennis World Champion para mag-usap. Siyempre, balak niyang inggitin sina Luke at Regina, kaya kinaladkad niya ang Tito Carlos Ronaldo niya sa likod ng venue.

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 137

    Nakita agad ni Luke ang nanay ni Charlie. Nakakapit siya sa braso ng kanyang asawa, si Adrian King, na kamukhang-kamukha ni Charlie, nakangiti ng maganda at elegante ang presensiya na sumisigaw ng nagmula sila sa mayamang pamilya! Suot niya ang diamond necklace na kumikinang sa mga ilaw, kapares nito ang diamond earrings at bracelet niya.Maganda rin ang pagkakabihis ng kapatid ni Charlie. Mas maliit ang suot niyang mga diamante pero magara pa din.Kapansin-pansin din ang mga kapatid ni Charlie na lalaki. Tulad ng ama nilang si Adrian King, nakasuot sila ng custom-made suits, makintab na mga sapatos, at designer watches. Ang dating nila ay pinagmumukha na matagal na silang mayaman. Hindi nila kailangan magyabang; malinaw na ito.“Paano ko itong hindi napansin?” sabi ni Luke sa sarili niya sa loob-loob niya.Nasaksihan ni Luke at pamilya niya ang pagdating ni Governor Douglas Carrington. Pumasok siya kasama ang isa pang pamilya na mukhang mayaman din, na naisip ni Luke, na parang ha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status