Syempre walang tapon sa tauhan ni Flame lahat yan sila may ibubuga.
LILURA ÁSVALDR ODESSA -MAXIMILLIANO NAGING MAINGAY ANG NANGYARI kagabi, bawat mapuntahan ko na establishment ito ang naging bulungan at usapan. Hindi ako makapaniwala na ganito ka sikat si Boss Flame sa buong bansa kahit sa mga taga ibang bansa naging usapan ito. Nakatingin ako sa tv monitor dito sa aking opisina, sa ibaba ng screen ng tv ko. “The Heartless Destroyer is now Back..” basa ko dito. Ito na ang tawag talaga sa kanya miski noon pa. Nakaka mangha na imbes na magalit sa kanya ang mga tao, o ang mga lider ng mga bansa kina manghaan pa ito. Dahil sa kakayahan nito na hindi kailan mag patalo mas lalo sa mga dayuhan na pilit sasaktan ang pamilya niya. NANG MAG GABI naisipan ko bumili muna ng pasalubong para sa nga tao sa bahay ni Boss Flame. Dito muna kami tumutuloy ng mga kasama ko sa bahay, dahil sa hindi pa maayos ang mga nasira sa sarili kong bahay. Mas lalo ang mga semento na nadaplisan ng bala kaya naman kailangan pa ayusin hanggang bukas, kapag na ayos na saka
THIRD PERSON POV Kitang-kita ni Val ang asawa niya paano ito makipag laban, hindi ito marunong maawa at umatras. “Ngayon nakita mo ulit paano lumaban ang asawa mo..” wika ni Flame. Nanatili itong nakatalikod habang nakapikit ang mga mata nito. “Alam mo matulog kana kung inaantok kana, masama sa buntis ang pagpupuyat..” wika ni Damon sa kanyang pinsan. Ngunit hindi naman sumagot si Flame nanatili lang itong naka tayo. “Nakaka mangha na napaka galing niya lumaban..” naka ngiti ang asawa ni Lilura habang naka tingin sa asawa nito. “Ang asawa ko ang personal na nag turo sa kanya, dating Yakuza ang asawa ko at naka linya sila sa pagiging assassin dahil pinoprotektahan nila ang kanilang angkan..” paliwanag ni Flame. NGUNIT ANG AKALA ng lahat na tapos na. Sunod sunod na putok ng baril ang narinig nila, nang galing ito sa kalaban ngunit hindi nag papatalo si Lilura. Nag tago ito mula at kinuha na ang kanyang dalawang 45 caliber, naka tago ito sa ilalim ng drawer kung saan malapi
LILURA ÁSVALDR ODESSA- MAXIMILLIANO “Val, kailangan ko umuwi mamayang gabi..” agad kong paalam, bigla kasi itong nag aya na mag date sa labas, pumayag ako tutal wala naman akong gagawin ngayon. Nasa loob kami ng mall ngayon, dahil may bibilhin daw ito. “Yes i know Hon, no worries..” ngumiti ito sa akin kaya naman tumango ako. Nagulat ako ng tumunog ang cellphone ni Val. “Hold on for two second..” wika nito at binitawan ang kamay ko. “Yes?” Sagot nito sa tawag hindi ko naman nakita kung sino ang kausap nito o ang pangalan man lang. “Okay pupunta ako..” sagot nito at binaba na agad ang tawag. “May emergency?” Tanong ko dito. Umiling agad ito. “No that’s nothing, about business lang naman..” sagot nito kaya tumango naman ako hindi na muling nag tanong. BUONG MAGHAPON KAMI NAG LAKAD at nag nanood ng kahit anong movie na maganda ngayon ni Val. This is our date, masaya ako dahil talagang pinaglaanan niya ako ang oras para mag workout ang kasal namin. Habang patungo kami sa
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO Napa lingon ako kay Boss Flame ng may tumawag sa cellphone nito. Natutulog ito sa sofa na hindi na lang namin ito pinalipat kasi talagang tulog na tulog ito. Ang asawa naman ni Boss ang nag luto, nakakatuwa kasi ang galing mag luto ni Boss Blake, sa kanilang dalawa mag asawa si Boss Blake ang mas magaling mag luto talaga kahit nag aral ng culinary si Boss Flame. Kaso sa estado ni Boss Flame ngayon, mas lalo at buntis ito napaka selan nito sa amoy kaya ayaw nitong nag luluto, ayaw din niyang mainit na paligid. Kaya kahit nilalamig na ako napakalakas ng aircon nila. “Matanong ko lang sino ba ang mas matanda sainyo ng anak ko?” Narinig kong tanong ni Mommy kay Val at Boss Blake. “30 years old pa lang po ako, mas matanda kasi ako sa asawa ko..” pag sagot ni Boss Blake. “1 month na lang 35 na ako mom..” sagot ni Val, malaki ang agwat sakin ni Val dahil ako mag 27 na. “Love? Aalis muna ako..” paalam ni Boss Flame nilingon ko ito. Naka upo n
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO TULAD NG NAPAG USAPAN nag kita kami sa isang restaurant na pagmamay-ari ni Miss Viatrix. Naka upo kaming lahat, magkatabi kami ni Val at si Boss Flame naman sa nasa harapan namin. Natapos kami kumain ng appetizer na inorder ni Boss Flame, siya din nag bayad. “Una kailangan ninyo mag ingat dahil base sa information na meron kami..” putol nito at nilapag nito ang isang itim na folder. Kinuha ito ni Val at binuksan naki basa lang ako. “Anong ibig mong sabihin? Miyembro ng sindikato ang ama ni Elora si Ansel?” Tanong ni Val dito. “Bago lang..” sagot nito at napansin ko na wala itong tigil kumain. “Ah.. boss buntis ka ba?” Tanong ko dito, nilingon ako nito. Tinuro ko ang kinakain niya. Kanina pa kasi siya kumakain ng mac and cheese na may lobster. Bumuntong hininga ito at tumango, “Yeah one and half months na..” sagot nito na kina nganga ko. “Seryoso ka po? After ng ilang taon buntis ka po ulit?!” Nanlalaki ang mata ko ng malaman ito. Tu
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO KINAUMAGAHAN MAAGA AKO NAGISING para sana gumawa ng agahan. Ngunit.. “Ma’am, may nag padala po nito sa pangalan niyo po naka address..” wika ng guard ko at pinakita sakin ang isang pulang kahon. “Kanino daw galing?” Tanong ko dito. “Wala pong pangalan, pero po nakalagay lang ay letter X po..” turo mang Albert sa nakasulat sa papel. Tumango ako at pina-alis ko na ito, tinitigan ko muna ito at binuhat ko upang dahil sa isang silid kung saan nandoon ang armas ko. Nilocked ko ang pinto at dahan-dahan kong binuksan ang box na nasa harap ko. Ngunit ang tumambad lang sa akin ay ang litrato ko kasama ang anak ko, kuha ito ng tingin ko ay sumusunod sa amin ng nasa MOA kami ng anak ko. May nakuha akong papel at agad kong binasa ang laman nito. “Pag babayarin kita ng malaki sa ginawa mo sa akin at sa pamilya ko. Mas lalo ang mamat*y tao mong amo..” basa ko dito. Nakita ko ang dugo naka tarak na knife sa mukha ko at ng anak ko. Naikuyom ko ang k