Share

CHAPTER 3

Author: Saturn
last update Last Updated: 2022-07-03 16:14:14

TASHA

ARAW ng Sabado. Nasa mansyon ang magkakapatid na Villamar. At tulad ng araw-araw na naming nakasanayan ay maagang umaalis ng mansyon ang Governor.

Ngunit madalas naman na naiiwan ang may bahay nito lalo na tuwing Sabado at Linggo.

Likas na mabait ang may bahay ni Governor, magiliw ito sa mga anak.

Kahit pa kapansin-pansin ang malamig na pakikitungo sa kan'ya ng panganay na Villamar.

Ang naririnig kong bulong-bulungan noon, ay hindi naman kasi nito totoong Ina ang Ginang.

Matagal na raw namayapa ang unang Ginang ng butihing Governador na siyang tunay na Ina ng panganay na Villamar.

Pero ang hindi ko makuha-kuha ay kung bakit kailangan pang pakitunguhan ni Beast nang hindi maganda ang naging pangalawa nitong Ina gayong kitang-kita naman kung gaano sinusubukan ng Ginang na mapalapit sa kaniya.

Inumpishan kong ligpitin at nilinis ang kuwarto ni Señorito Zyron. Sinunod ko naman linisin pagkatapos ay ang silid ni Señorito Zackie.

Lagi kong hinuhuli ang silid ni Señorito Beast at sinisiguro ko munang wala na ito sa kaniyang silid bago ko iyon linisan.

Madalas kasi ay late na itong nagigising. Once in a blue moon lamang yata ito magising ng maaga. At ang napapansin ko rin sa ilang Linggo ko nang pamamalagi sa mansyon ay ang madalas na sagutan at bangayan ni Governor at ang panganay nitong anak.

Hindi na ako magtataka kung lagi silang nag-aaway. Ibang-iba naman kasi talaga ang ugali ng panganay kung ikukumpara sa ibang Villamar sa mansyon na ito. Malayong-malayo ang karakter nito, mukha talaga itong kriminal!

Nakakatakot!

Kasalukuyang nag-aalmusal ang mag-anak. Samantalang ako, ay inumpisahan ko na ang mga gawaing nakaatangan sa akin sa araw na iyon.

Nabugaw ang pag-iisip kong iyon nang dumapo sa ulo ko ang isang unan kasunod ng nakakalokong hagikhik ni Zackie!

Masama ang tingin ko itong binalingan. Natatawa naman itong lumapit sa akin.

"Oops sorry!" ang kunwari nitong sabi at napatakip ng bibig.

"Sorry ka d'yan!" ang nakairap kong sabi. Sapol ako sa ulo. Hindi naman masakit dahil malambot at magaan lamang ang unan nito pero nainis pa rin ako dahil sa ngisi nito ngayon. Alam kong nang-aasar na naman ito sa akin.

"Sino 'yong kasama mo noong nakaraang Linggo sa Simbahan huh?" ang may panunuksong tanong nito sa akin.

Tinignan ko siya. Napaisip ako saglit. Paano nito nalaman na nagsimba nga ako?

"Nagsimba ako kasama ang isang kaibigan , nakita kita." ang agad na sansala nitong sagot sa tila pag-iisip ko.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa.

Hindi ko sinagot agad ang tanong niya. Kasama kong nagsimba si Reynald, kababata ko at matalik na kaibigan.

"Jowa mo 'yon no?" ang pangungulit nito sa akin. Natawa ako ng mahina at napailing.

"Oy... Ayaw sumagot, confirmed 'yan!" anitong sinisiko kunwari ang tagiliran ko kaya tuluyan na akong natawa sa kaniya at lumayo.

"Kababata at kaibigan ko 'yon. Wala pa sa isip ko 'yang boyfriend, boyfriend na 'yan.

Gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral." Ang seryoso ko nang sabi at bahagya lamang siyang nilingon at muling tinuon ang atensyon sa ginagawa.

Ang magligpit at maglinis sa kuwarto nitong hindi naman gaano magulo at marumi dahil sa araw-araw kong nililinisan ito. Kahit nga alikabok ay hindi ka makakakita. Dama ko ang pagsunod ng mga mata nito sa akin pagtungo sa banyo para kunin ang mga labahan nito sa laundry basket.

"Hindi mo siguro napapansin pero sigurado akong may gusto 'yon sa'yo. Iba ang tingin sa'yo e," ang dinig kong anito na siyang kinahinto ko saglit.

Tama naman kasi ito. Nagtapat na sa akin ng damdamin noon si Reyanald ngunit wala pa talaga sa pagno-nobyo ang isip ko.

Tinapat ko siya at sinabing tanging kaibigan lamang ang nararamdaman ko para rito. At sinabing ko ritong, pagtulong sa pamilya at pagtatapos sa kolehiyo ko lamang gustong e-focus ang isip at puso ko.

Masyado pa akong bata para isipin ang mga bagay na iyan. Ni hindi nga sumasagi sa pakikipagnobyo ang utak ko.

"Kung gano'n pala, kung manligaw man ako, hindi mo rin ako sasagutin?" natawa ako ng mahina sa hirit niya.

Lagi talaga akong tini-trip nito e. Natatawa ko siyang binalingan. Napatigil ako sa pagtawa nang makita ko ang kaseryosohan ng mukha niya.

Napalunok ako. Seryoso ba talaga siya? Biglang naumid ang dila ko. Hindi ako makapagsalita o, makapag-react.

Bubuka na lamang ang labi ko nang—

"Matagal ka pa ba d'yan?" sabay kaming napatingin sa bukana ng pintuan. Napalunok ako nang makita roon ang lalaking kina-iinisan ko sa lahat.

Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin. Masama na naman yata ang gising ng isang ito. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang nakahukipkip. Nakakrus rin ang dalawang binti nito.

Agad ko nang tinapos ang nalalabi kong gawain doon at mabilis na binitbit ang basket na may lamang labahan.

Palabas na ako ng pintuan ng kuwarto ni Zackie pero hindi nag-abala man lang tumabi si Beast! Kahit pa nga nag-excuse na ako rito.

Nilampasan ko na lamang siya. Nasagi at nagkadaiti pa ang mga balat namin nang lampasan ko ito.

Ramdam ko pa nang tignan niya ako ng matiim. Kainis talaga itong Beast na ‘to! Mas'yado akong kinakabahan sa tuwing nakikita ko siya!

Torture nga para sa akin ang paglilinis ng kuwarto nito. Napapansin ko kasi kapag naglilinis ako, saka naman niya sinasadyang manatili sa kan'yang silid. Alam ko sinasadya niya talaga, ramdam ko. Panay tikhim pa niya na akala mo'y nagpapansin.

Lalo niya akong tinatakot sa mga tikhim niya e. Naiinis talaga ako! Hindi ako makakilos ng maayos.

Ano ba 'yong umalis muna siya habang naglilinis ako? Pero wala talaga siyang balak!

Hindi ko naman siya maitaboy at baka biglang magalit sa akin at masakal pa niya ako.

"Kapag sinagot talaga ako ng mahal ko, magpapakatino ako." maya-maya'y narinig ko na lang na sambit niya. Napangiwi ako. What the f !

Nasa bandang gilid ko s'ya at nakahiga sa mahabang sofa. Kita ko siya sa sulok ng aking mata.

Nakatingin siya sa cellphone niya, nakangising aso!

Parang tanga!

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa na parang walang narinig.

Nakangiwi pa rin ako nang pagtalikod ko. Magtitino pa kaya iyan? Diskumpyado ako!

Gusto kong mapailing. Kawawa ang babaeng nagugustuhan ng Beast na 'to!

Sana hindi siya sagutin! Parang nakakatakot maging jowa 'to e!

Kinahapunan ay may bisitang dumating na matandang babae sa mansyon. Sa kabila ng katandaan, ay may aliwalas na mababakas sa mukha nito.

Puti na lahat ng buhok niya. Binati siya ng isa kong kasamahan at tinawag, bilang Nana Rosa.

May malawak itong ngiti habang hinahanap si Señorito Zaturnino. Maya-maya pa'y sumalubong na rin sa may sala sila Nanay Gloria at Manang Sol, ang mga nakakatandang taga pagsilbi ng mga Villamar.

"Nana Rosa, napadalaw kayo?" ang agad na salubong ni Nanay Gloria. Natawa ng mahina ang matandang babae.

"Alam mo naman kung anong sad'ya ko kapag ako'y naparito. Ilang Linggo na siyang hindi dumadalaw sa kabilang mansyon. Tinatanong siya ng Lolo niya. Nag-aalala na kaya napunta na ako rito. 'Yong batang 'yon ni hindi man lang tumawag." Ang anang Matanda. Bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Inutusan ako ni Manang Sol na tulungan siyang gumawa ng meryenda. Samantalang inutusan naman nito si Joyce na tawagin ang Señorito Zaturnino.

"O, sige na. Dalhin mo na 'yan do'n. Pagkatapos mo ay bumalik ka rito para matulungan akong maghanda ng mga lulutuin sa hapunan." Ang malumanay na ani Manang Sol.

Tumango lamang ako ng marahan at tsaka binuhat na ang tray na may lamang pagkaing pang meryenda.

Kaano-ano kaya siya ni Beast? Lola kaya niya? Pero ang balita ay pawang galing sa mayayaman pamilya ang Ama at Ina nito.

Kung susuriin, simple lamang ang gayak ng matandang bisita. Hindi mo mababakasan ng kahit anong karangyaan tulad ng iba.

Para lamang siyang si Nanay, kapag manamit.

Pero kanina nang tanungin nito ang Señorito Zaturnino, ay kita sa mga mata nito ang pag-aalala at pananabik.

At nang utusan naman ni Manang Sol si Joyce na tawagin nito ang Señorito, ay bumukas ang matinding saya sa mukha nito. Sa palagay ko ay napakaespesyal ni Señorito sa kaniya.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad papuntang sala nang makita ko naman ang pagbaba ng masungit na Señorito.

Mukhang hindi nga ito umalis maghapon dahil simpling puting t-shirt lang ang suot nito at loose pants na kulay gray.

Medyo magulo rin ang buhok na akala mo'y galing sa mahabang pagkakatulog pero dahil sa suot nito, kahit paano ay naging malinis siya sa paningin ko! Napahinto ako nang makita kong malawak ang ngiti nitong niyakap ang matanda.

"Anong ginagawa n'yo dito Nay?" anitong tanong habang yakap pa rin ang matanda. Nang bumitaw ay marahan siyang hinampas sa braso.

"Nagtatanong ka pa? 'Ni hindi mo man lang naisipang dumalaw sa loob ng ilang Linggo?

Ni hindi ka tumatawag! Ni hindi mo rin daw sinasagot ang mga tawag ng Lolo mo!

Nag-aalala na siya ng husto Zat! " ang paninermon ng matanda. Natawa lang ng mahina ang Señorito.

Wow, parang biglang-bigla ay nag-iba ang aura nito. Marunong rin palang ngumiti ang Beast na 'to!

Napaangat ang mukha nito sa akin. Napatigil ito sa pagtawa. Saglit itong napatitig sa aking mga mata.

Nailang ako, una akong nag-iwas. Hindi ko matagalan ang titig niya. Parang nanlalambot ang tuhod ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, ipapatong ko na sana ang tray ng pagkain sa center table pero nagsalita siya,

"Sa garden mo na 'yan dalhin. Doon kami magmemeryenda ni Nana Rosa." Mahinahon naman ang boses niya kaya nakahinga ako nang maluwag. Marahan akong tumango. At nagtungo na sa may hardin.

Napailing na lang ako nang marinig ko pa ang boses nito mula sa aking kinaroroonan.

"Walang pupunta roon? 'Pag may nagkamali lagot kayo sa akin!" ang dinig kong pagbabanta nito kasunod ng pagsaway sa kaniya ng matanda.

"Ano ka bang bata ka! Ayusin mo nga 'yang pakikipag-usap mo!

Wala ka na talagang galang!" ang muli sermon nito. Hindi ko na narinig pa ang naging sagot nito pero parang yamot, nayayamot itong sumagot sa matanda.

Kakaiba talaga siya, walang sinasanto! Kahit na kay Nanay Gloria, na sa pagkakaalam ko'y yaya pa ni Señorito Zyron mula ng ipanganak ito.

Pagkatapos kong ilapag sa mesang naroon ang tray ay binuksan ko na rin ang parasol. Masyado nang masakit sa balat ang tama ng araw sa bahaging iyon ng hardin.

Patapos na ako nang siya namang dating ng dalawa. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata ni Beast sa akin.

Pero wala akong balak pagtuunan pa iyon ng pansin. May tipid na ngiti akong nagpaalam sa kanila.

"Salamat, hija." ang magiliw na sabi ng matanda.

"Wala pong ano man. maiwan ko na po kayo." ang magalang kong sabi, at humakbang na papasok sa mansyon.

"Napakagandang bata,” dinig ko pang anang matanda. Napangiti ako, ako ba ang tinutukoy ni Nana Rosa?

"Naman! Ako pa? Hindi ako pumipili ng pangit!" ang sagot naman ni Beast. Napangiwi ako.

Hindi pala ako ang pinatungkulan ng matanda. Mas'yado ‘ata akong assuming na ako 'yong tinutukoy niya!

Siguro 'yong babaeng kausap nito sa cellphone kanina ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jekk
nakkks naman Zat!... ewan ko sayo Zat.. natatakot c Tash sayo ehhh . Beast ka talaga .........
goodnovel comment avatar
Lucita Barcela
wow mukhng pumapag ibig na
goodnovel comment avatar
lovelove gonzales
ikaw ang gusto ni gurang tasha...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   One

    THIRD PERSONPagkabukas pa lamang ng elevator ay sinalubong na siya ng mga putok ng baril. Agad siyang nakapagkubli. Mabilis gumalaw ang kaniyang mga mata. Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na baril. He was currently in the mission. Mula sa itaas ng organisasyon ay inatasan siyang pumunta ng Japan para sa isang delikadong misyon. Isang yakuza ang pinapatumba sa kaniya. Nahirapan man siya sa pagpasok dahil sa higpit ng security sa buong gusali ay matagumpay pa rin siyang nakarating sa palapag kung saan ang target. Walang mababakas na takot o pagkabahala sa kaniyang mukha. He used to kill and trained to kill. Bawal ang mahina at salitang konsensya sa organisasyong kinabibilang niya. Hindi na ito bago sa kaniya at sanay na sanay na siyang makipagpatintiro kay kamatayan."You have to get out of there in fifteen minutes, North" mula sa suot niyang wireless earbuds ay dinig niyang ani West, isa sa kaniyang kasamahan. "How many are they?""Twenty-two. Seven of them are guarding

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   KIDNAPPED (Mafia Macro Series-1)

    PROLOGUE SINISTER"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan Maximo. Kahit kailan walang lugar ang batang 'yan sa mansyon na 'to!" "Anak ko rin siya Sheila, at mula ngayon ay dito na siya titira sa ayaw at sa gusto mo." Kalmado ang boses ni Papa, hindi niya alintana ang galit ni Mama. Mula sa pinagtataguan kong cabinet ay sumilip ako. Naaawa kong tiningnan si Mama na ngayon ay puno ng luha ang mga mata habang mababakas ang matinding galit sa kaniyang mukha para kay papa. "Kumuha ako ng taong personal na mag-aalaga sa bata, wala kang dapat ipag-alala dahil hindi mo magiging problema ang pag-aalaga sa kaniya," pagpapagtuloy ni Papa. Pero hindi man lang iyon napakalma si Mama. Mas mababakas ngayon ang matindi nitong galit para kay Papa. "Hindi ako papayag na makihati ang batang 'yan sa kayamanang dapat ay para sa anak ko lang, Maximo! Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pananakit mo, sa pangbabae mo..." Nanginginig ang boses niya habang patuloy sa pagluha. "Tinanggap ko lahat para sa

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   FINAL of spec. CHAPTER

    ZATURNINONandiyan ka na namanTinutukso-tukso ang aking puso "Mukhang puspusan ang naging paghahanda ni Samuel a, parang original na e." Natatawang komento ng Irog ko. Malawak ang ngiti kong inabot ang aking kamay sa Irog ko. Nang umpisahang kantahin ni Samuel ang kantang laging alay ko para lamang sa kaniya. Nagniningning naman ang mga mata niyang tinanggap ang palad ko, I mouthed I love you. And she answered me back her, I love you too. Ang ngiti namin dalawa ay parang naka-plaster na yata sa mga labi namin at hindi na mawala-wala. "Sa taon taon na nagtsatsaga tayo sa boses ni Samuel baka nasanay na lang ang tainga natin Irog ko," ang biro ko. Napansin ko ngang gumanda at parang original ang pagkakakanta ni Samuel ngayon. Anong practise kaya ang ginawa ng gago?Ilang ulit na bangIniiwasan ka di na natutoHinapit ko siya sa baywang, inamoy ko ang leeg niya at binigyan ng mumunting mga halik doon. She giggled as she encircle her arms around my neck. Pinagdikit ko ang noo na

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 60 (special chap-2)

    ZATURNINOLagi akong nakaalalay sa bawat kilos niya.Mula pa naman noon, ay parang babasaging cristal na ang tingin ko sa Irog ko. Lalo na sa napaka-espesyal na araw na ito. I want to make more memorable every moment for us together. Lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng aming wedding anniversary. My Irog looks really so beautiful tonight. I mean, sobrang ganda na niya para sa akin noon pa man, but tonight?Damn man, I can't take off my eyes of her.Maski kumurap yata ayaw ko. Ultimo kaliit liitang detalye ng galaw niya ay ayaw palagpasin ng mga mata ko.She looks so stunningly beautiful. Hanggang ngayon, namamangha at natutulala pa rin ako sa ganda niya. Naka-anim na kaming anak, pero ang katawan ng asawa ko ay lalo pang naging kaakit-akit sa paningin ko. Napapakagat ako sa aking ibabang labi. Unti-unting ginagapangan na naman ng init ang kokote ko papuntang pagkalalake ko. Relax, buddy... Baka kapag di ako nakapagpiggil, dito ko na siya maangkin sa deck. Pero sino bang l

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 59(special chap- 1)

    TASHA"Malapit na tayo, Irog ko." He again dropped a softly kiss on my head. "Opz! " I chuckled. Muntikan pa akong matapilok nang mamali ako ng hakbang buti na lang at laging maagap ang matitipunong braso niya. "I got you, Irog ko. No worries. We're almost there," bulong niya. Sumayad pa ang mamasa-masa niyang labi sa dulo ng tainga ko. Napakagat labi ako. Lagi siyang ganito, sobrang lambing. Ang sexy lagi ng dating ng kaniyang boses sa akin. Hmmm.. Wala nang kikisig pa, sa Irog ko. Hindi ko man nakikita ang mukha niya dama kong tulad ko'y 'di rin mawala ang ngiti niya sa labi. "Saan ba kasi tayo pupunta?" malawak pa rin ang ngiti ko. I can't hide my excitement. The curiosity and excitement battling inside my chest. Though, may hinala na akong nasa tabi lamang kami ng dagat. Syempre parang may buhangin akong natatapakan kanina hanggang maging semento iyon. Hawak niya ang isang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa kabilang baywang ko. I was on a blindfold

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 58

    ZATURNINO"Pupunta ako d'yan, susunduin ko sila." Ang agad kong sabi kay Luis nang tawagan ko ito at kompirmahin nga nitong naroon ang aking mag-iina."Calm down Zaturnino, they are just with me. Hayaan mo munang lumamig ang sitwasyon at makapag-isip ng tama si Tasha." "No! Hindi ko na kaya pang ipagpabukas. Paano kung makapag-desisyon siyang huwag na akong balikan?" Ang tuliro kong sagot sa kabilang linya. Fuck! Tang*na freak na 'to! Bakit ba siya natatawa?! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko!"Relax man! You are torturing yourself! Uuwi din sila sa'yo, believe me. Ako ang maghahatid sa kanila sayo bukas." Ang tila siguradong-sigurado nitong sabi. Naririnig ko pa ang pagbuga-buga nito ng tawa, parang tanga lang ang--"Ilang gabi na akong walang maayos na tulog. Hindi ako makakatulog nang wala sa akin ang mag-iina ko." Ang nanghihina kong sabi. Paano kung maisipan niyang iwan ako ulit nang tuluyan?I can't wait another years to be with her! Lalo na ngayon na may mga anak na

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 57

    ZATURNINONaging kapana-panabik ang unang gabi namin bilang mag-asawaHapon pa nga lang ay lumipad na kami gamit ang private plane patungong Korea.Pagkasara na pagkasara pa lamang ng pintuan ng suite na tutuluyan namin ay agad ko nang siniil ng mapusok na halik ang asawa ko.Buong kasabikan ko siyang inangkin kaagad.Hindi naman ako nabigo dahil kung anong pananabik ko sa kanya ay gano'n rin naman siya. Siniguro kong walang nakaligtaang bahagi ng katawan niya na 'di daanan ng labi at dila ko.I worship her body. I worship it every night and day.We explored sex and see, how amazing it is. I was adventurous...Tasha is innocent as always. But she's willing...She welcomes me, wholeheartedly.I was like a good leader, lead her the ways and she's been, my sectary. She followed me like her King.I licked and sucked her like crazy! Her whimper and moans have been my sweet music at all times."I-irog ko! Aah! yeah! Right there!" Aniya sa pagitan ng kanyang halinghing.Lalo akong ginag

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 56

    ZATURNINO"Gusto mo bang magpakita sa'yo si Luis?" Napatingin agad siya sa akin.Malungkot ang mga mata niyang tila nagtatanong.Napahinga ako ng malalim. "Let's get married... As soon as possible." Ang seryoso kong sabi.I could arrange everything in just a days.Putang*na panira talaga 'yang Luis na iyan e!I was planning to set a romantic date to propose.But my plan was ruined because of that fvcking freak!Wala na akong nagawa, this is it!Dinukot ko sa aking bulsa ang square red velvet ring box. Kakarating lamang iyon kanina at talagang pinabili ko iyon mula pa sa europa!White gold ring with a carat round diamond.I opened it in front of her as I bent my one knee. Nakita ko nang mamilog ang kan'yang mga mata.Napatakip siya ng dalawang kamay sa bibig.Hindi nito inaasahan ang aking pagpro-propose. Kahit ako nga e, hindi ko rin akalain na makakapag-propose na ako ngayon!Lagot talaga sa akin ang baklang 'yon!Mapapantay ko talaga itlog nun e! Sinira niya ang proposal plan ko

  • The Beast's Obsession, Akin Ka At Age 18   CHAPTER 55

    TASHANaalimpungan ako bigla.Napakasarap pa sanang mamaluktot sa ilalim ng makapal na comforter at namnamin ang napaka-lambot na kama ngunit biglang nagising ang diwa ko.Nasaan na ba ako? Shit!Napasarap ang tulog ko dahil na rin sa pagod.Ang natatandaan ko'y magkasama kami ni Zaturnino.Nakatulog na ako sa sasakyan habang nasa biyahe.Naiuwi na ako ni Zat nang hindi ko man lang namamalayan.Ngunit bakit na naman niya ako dinala sa bahay niya?Sinabi kong ihatid niya ako sa mansyon, ni Luis.Kawawa naman ang kambal maghapon at magdamag akong wala!Napabangon ako at nagtuloy agad sa banyo.Natigilan ako saglit nang mapansin ang suot ko.This is my sleep wear.Paanong--Bakit itong damit ang suot ko enasa bahay lamang ito ni Luis?Napahilot ako sa aking sintido.Don't tell me nagpakuha pa talaga ng damit ko si Zat kagabi?Napahinga ako ng malalim.Damn nanakit ang gitna ko!Medyo nangangatog din ang binti ko.Mahirap pantayin ang lakad ko, mahapdi talaga kapag masyadong ipit!Pero m

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status