"Mom?" mahinang tawag ng batang 5 years old na Celina sa kaniyang Ina. Bumaba ang bata sa kaniyang kama at lumabas ng kaniyang kwarto. Napatigil siya sa paglalakad dahil natatakot siya sa dilim. Wala kasing bukas na ilaw kaya sobrang dilim ng bahay nila.
Dahan-dahan siya sa paglalakad papunta sa kwarto ng kaniyang magulang. Nang bubuksan niya na ang pintuan, ay narinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina sa loob ng kwarto. "Recardo! Buksan mo ang mga mata mo parang awa mo na!" sigaw nang sigaw ang kaniyang ina na imulat ng lalaki ang kaniyang mga mata. Kanina pa rin umiiyak ang ina niya at hindi ito tumitigil. Unang beses niya pa lang makita na umiiyak ang nanay niya, pero hindi niya inakala na iiyak ito ng malakas at nanginginig. Nakita ni Celina na nakahilata ang kaniyang ama sa sahig at ang ina niya na nakaluhod sa gilid ng kaniyang ama. Naliligo sa sariling dugo ng tatay niya ang tatay niya kaya napaatras siya sa takot. "Celina! Isarado mo ang pintuan. Pumunta ka sa kwarto mo!" Hindi naririnig ni Celina ang sigaw ng kaniyang ina dahil nakatuon lang ito sa patay niyang ama. Napansin naman ni Celina na hindi siya susundin ng kaniyang anak. Kaya tumayo siya at pumunta sa harap ng kaniyang anak. "Makinig ka sa akin, Celina. Pumunta ka sa kwarto mo at hintayin mo ako roon. Pupuntahan kita mamaya." Puno ng dugo ang damit at kamay ng kaniyang ina. Kaya nang hawak siya ng ina niya sa pisngi, ay napahidan din siya ng dugo. "Magiging ok din ang lahat. Tandaan mo, mahal na mahal ka ni Daddy mo." Pagkatapos sabihin iyon ng kaniyang ina, ay agad siya nitong sinaraduhan ng pinto at iniwan sa labas ng kwarto kung saan napakadilim ng paligid. Kitang-kita niya ang ilaw sa ilalim ng pintuan ng magulang niya at dahil doon nagkaroon ng trauma si Celina. Nagkaroon ng trauma si Celina sa dilim simula noong nakita niyang patay na ang kaniyang ama. Pero paano namatay ang kaniyang ama? Thirteen years later* "Mom, kailangan ba talagang sumama ako sa inyo? Hindi ba pwedeng dito na lang ako tumira?" tanong ni Celina sa kaniyang ina na nag-iimpake ng kanilang mga gamit para makalipat sila sa kanilang bagong tahanan. Pinipilit ni Celina si Cecilia ang kaniyang ina na huwag siyang isama dahil hindi naman sila close ng pangalawang asawa ng ina niya. Magiging awkward lang para sa kanila kung sasama siya. "Manahimik ka, Celina. Sa ayaw o sa gusto mo, sasama ka sa akin. Hindi kita pwedeng iwan dito dahil eighteen years old ka pa lang. Saka hinihintay tayo ng Uncle Mexion mo sa bahay nila. Kaya tapusin mo na ang pag-iimpake mo para makaalis na tayo agad dito." Napabuntong hininga na lang si Celina at agad na umakyat papunta sa kaniyang kwarto. Nang makapasok siya roon, ay kinuha niya ang kaniyang maleta at nagsimula nang mag-impake. "Bakit ko ba kailangan sumama? Pwede naman dito na lang ako tumira. Hindi ko rin naman kailangan ng tulong ng iba para mabuhay," inis na sabi ni Celina sa kaniyang sarili. Lahat ng damit na makita niya, ay inilagay niya sa maleta. Kaunti lang din naman ang mga damit niya dahil hindi naman siya mahilig bumili ng mga damit para sa sarili niya. Habang nag-iimpake, ay biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya kung sino ang tumatawag, at nang makita niya ang pangalan na Jasmin, ay agad niya itong sinagot. [So, ang daming nagsasabi na lilipat na daw kayo ng bahay. Totoo ba 'yun?] "Oo, ayaw kong lumipat, pero wala naman akong choice." [I can't believe it. Hindi ka masaya na lilipat na kayo? Hindi ba gusto mo nang makaalis sa impyerno niyong bahay? Palagi mong sinasabi sa akin na makikitira ka sa bahay namin dahil ayaw niyo sa bahay niyo. Ano namang nangyare? Bakit ayaw mo nang umalis diyan?] "Hindi ko kilala ang step-dad ko at mas lalong hindi kami close. Kaya maawkward lang ako sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung anong klaseng pamilya ang napang-asawa ng nanay ko." [Sundin mo na lang ang nanay mo dahil ngayon na lang ulit siya naging masaya.] Tama naman ang sinabi ng kaibigan niya. Simula noong namatay ang tayay niya, ay hindi na nakikitang sumaya ang ina niya. Ngingiti man ito, pero alam ni Celina na hindi ito totoo. Madami na ang nangyare at problema sa kanilang mag-ina, pero kinakaya nila para lang malampasan ito. Ang daming pagsubok, pero lumalaban sila na hindi naghihiwalay sa isa't isa. [Nandyan ka pa ba?] "Yes." [Anong gagawin mo ngayong bakasyon?] "Nakakalimutan mo na ba agad? Lilipat na kami ng bahay hindi ba? Masyadong malayo, kaya for sure pati school lilipat ako." [Paano 'yan? Paano ako?] "Ano ba ang sinasabi mo? Hindi naman ako papayag na lumipat ako. Kaya huwag ka mag-alala." [Good, tawagan mo ako kapag lilipat na kayo.] "Yes, don't worry." Pagkababa ng phone ni Celina, ay agad na ulit siyang nag-umpisa sa pag-iimpake. Susundin niya na lang ang nanay niya, dahil iyon ang paraan para maging masaya ito. Kahit mahirap sa kaniya ang umalis sa lugar nila, ay kailangan niyang gawin. Para sa kasiyahan ng nanay niya. "Ang tagal mo naman? Bilisan mo dahil kailangan na natin umalis. Nandyan na ang sasaktan ng Uncle Mexion mo," pagkatapos sabihin iyon ng nanay niya, ay agad namang isinara ni Celina ang maleta niya at iginulong ito papunta sa labas kung nasaan ang kotse. Isang Mercedes Benz na kulay itim ang bumungad sa kaniya. "Good morning, Mam. Ako na po ang bahala sa maleta niyo. Sumakay na po kayo sa loob," sabi ng lalaki na lumapit sa kaniya. Nakaformal itong damit at meron din itong suot sa kaniyang kanang tenga na tube headset earphones. Hindi niya alam na mayaman pala ang mapapang-asawa ng kaniyang nanay, pero kahit mahirap naman ito, ay ok lang sa kaniya. Ang mahalaga, masaya ang nanay niya. "Handa na kami para umalis." Nang makapasok si Celina sa loob ng sasakyan, ay agad na narinig niya ang lalaking driver na may kausap. "Yes, Sir." Nang makasakay ang isang lalaki sa harapan ng sasakyan, ay agad na umandar ang kotse. Mahabaang byahe ito, at kung saan man sila titira, ay sana mabuti ang pamilya nito at tanggapin sila ng kaniyang ina. "Sigurado ako na magugustuhan mo ang bago mong pamilya, pero sana huwag ka masyadong malapit sa kanila. Sila ang bago mong pamilya at dapat mo silang respetuhin." Napabuntong hininga na lang si Celina at tumingin sa bintana. Kung sino man ang magiging tatay niya, ay sana kasing bait ito ng tatay niya. Kahit magkaron siya ng bagong ama, ay wala pa ring tatalo sa totoo niyang ama. "Alam kong hindi mo pa natatanggap na ikakasal na ako, pero kailangan mong magising sa katotohanan na magkaka-asawa na ako at magkakatatay ka na ulit. Hindi ba ito ang gusto mo? Kaya bakit hindi ka masaya?" Tinignan ni Celina ang nanay niya at nginitian ito. "Masaya ako para sa'yo, Mom. Hindi lang ako talaga sanay na may bagong tatay dahil hindi ko pa tanggap ang pagkamatay ni Daddy. Huwag ka mag-alala, Mom. Balang araw masasanay din ako. Hindi lang sa ngayon." Ayaw pilitin ni Celina na maging masaya, dahil hindi naman talaga siya sasaya. Masaya na silang dalawa ng nanay niya tapos biglang may dadating na naman na lalaki sa buhay nila. Ilang beses na rin kasing sumubok ang nanay niya na magmahal ulit, pero palagi itong nabibigo. Palagi itong nakakahanap ng lalaking sinasaktan siya. Kaya ngayon na nakahanap siya ng lalaking katulad ng asawa niya ay agad siyang nagpakasal kay Mexion Montanelli. Totoo masaya siya para sa nanay niya, pero hindi pa rin niya makalimutan ang mga luha na lumalabas sa mga mata ng nanay niya sa tuwing nakikipaghiwalay ang kasintahan ng nanay niya sa kaniya. Iyon ang ikinatatakot ni Celina, na iwan ulit ang nanay niya ng isang lalaki.Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang kumakain. Ito namang si Noah ay hindi mapakali dahil kanina niya pa ako niyayaya na libutin ang school na 'to. pero hindi ako pumapayag dahil mas gusto ko na si Massimo ang kasama ko. Ayaw ko naman sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang maging tour guide dahil baka maoffend siya, kaya ang sinasabi ko na lang ay tinatamad akong maglakad."Samahan mo na lang ako kung saan nagmemeeting sina Massimo, dahil may kailangan akong sabihin sa kaniya." Tamad kong tinignan si Noah kaya napakamot na lang siya ng ulo. "Bakit? Hindi ko ba pwedeng istorbohin si Massimo kapag nasa meeting? May kailangan lang talaga akong sabihin sa kaniya.""Pwede naman, pero hindi kasi gusto ni Massimo na iniistorbo siya lalo na kung nagmemeeting sila. Baka mawala lang siya sa mood.""Pinsan niya ako kaya hindi naman siguro siya magagalit kung may sasabihin lang ako sa kaniya." Nakita ko siyang tumungo kaya tumayo siya sabay harap sa
Celina's Point of View*Nalula ako sa sobrang laki at lawak ng school na nasa harap ko ngayon. Hindi siya makapaniwala na meroon pa lang school na malapalasyo ang datingan. Siguro sobrang yaman ng mga estudyante rito at sa sobrang yaman nila, ay parang mga royalty na ang datingan.Nasa paaralan ba talaga ako? Totoo ba itong nakikita ko? Kung dito ako mag-aaral, ay malaking opportunity ito para sa ako. Maaari akong magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero sa sobrang ganda ng school na ito magkano naman ang tuition dito? Napapaisip tuloy ako kung bagay ba ako rito o hindi."Sorry for keeping you waiting." Napatingin ako kay Massimo nang narinig ko ang boses niya sa likod ko. Meroon siyang dala na brochure at ibinigay sa akin nang makalapit siya sa akin. "Nandiyan lahat ng mga kailangan mong malaman tungkol sa paaralan na ito. Basahin mo 'yan ng maayos para makapagdesisyon ka kung dito ka mag-aaral.""I don't think kailangan ko pang basahin 'to para lang makombinsi ko ang sarili ko na ri
Third Person's Point of View*Tumatakbo si Nirvana habang ang kaniyang mga katawan, ay nanginginig, pati na rin ang kaniyang mga luha, ay patuloy na lumalabas sa kaniyang mga mata.Natatakot at kinakabahan siya para sa kaniyang kaibigan. Ang akala niya, sabay silang lalabas para maging ligtas, pero hindi niya inakala na papasok pa rin ang babae sa loob para lang tulungan ang mga ibang estudyante na makatakas. Hindi niya alam ang nangyayare sa loob ng paaralan ngayon, pero ginagawa niya ang sinabi sa kaniya ni Xia na tawagan ang pangalan na Maxio. Hindi niya kilala kung sino 'yun, pero iyon ang unang nakita niya sa calls ng kaibigan kaya iyon ang paulit-ulit niyang tinatawagan. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi man lang sumasagot ang lalaki.Kung kailan kailangan ng tulong ni Xia, ay doon naman wala ang pamilya niya para tulungan niya. "Sumagot na kayo please!" nanginginig na saad niya sa kaniyang sarili habang nakalagay ang cellphone ni Xia sa kaniyang tenga. Kanina
Meaxiana Point of View* "Nirvana," tawag ko sa aking kaibigan, pero hindi niya ako pinapansin dahil busy siya sa kakabasa ng isang libro na ang pamagat ay 'All I Want Is You' it's a romance novel. Kaya hindi ako makarelate sa binabasa niya dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa. "Vana!" sigaw ko kaya ibinaba niya ang kaniyang libro sabay nakakunot na tumingin sa akin. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin. Pinagpalit mo na ba ako ngayon sa libro mo? Hindi mo ba nakikita na nabobore na ako rito?" Bumuntong hininga si Vana at inilagay ang libro niya sa kanyang bag kaya napangiti ako. "Bakit kasi hindi ka rin magbasa? Iyon lang naman ang inaatupag natin dito sa garden ng school." "Wala ako sa mood magbasa ngayon dahil nagugutom ako. Sa tingin mo ba masarap ang pagkain ngayon sa canteen?" "Pareparehas lang naman ang pagkain doon kaya huwag ka na maghanap ng masarap. Kung gusto mo ng masarap sa labas tayo kumain." Tumayo si Vana kaya tumayo na rin ako. "Tara
Habang kinakantahan nila si Noah ay nakatingin lang ako kay Massimo na nakatayo sa sabi ni Noah. Seryoso lang ang expression nito na parang hindi siya masaya na birthday ng kaniyang kaibigan.Ako naman ay nasa tabi lang, dahil ayaw kong makipagsiksikan sa mga taong nakaligod sa kanila. Kaya tahimik lang ako rito habang hinihintay si Massimo. Gusto ko na sanang magpahinga na dahil kanina pa ako pagod, pero ayaw ko namang pigilan si Massimo sa gusto niyang gawin. Kaya sumama na lang ako sa kaniya. Saka nakikita ko naman sa kaniya na gusto niya na nandito siya kahit hindi halata sa kaniyang mukha.Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa sabay pinicturan ng patago si Massimo. Pagkatindot ng pagkapindot ko ng button, ay tumingin si Massimo sa camera kaya mabilis kong tinago ang phone ko, pero mas napunta ang atensyon ko nang biglang lumitaw sa screen ko ang pangalan ng nanay ko.Nakalimutan ko siyang tawagan kanina pagkapunta ko sa lugar na ito. Bago ko sagutin ang tawag, ay lumabas mu
"Are you ready to go home?" Napahawak ako sa noo ko nang agad kong naalala na wala pa pala akong tutulugan dito. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Massimo. Hindi ko pa naman alam kung saan ako matutulog at gabi na rin. "What? Are you okay?" Tinignan ko ang nag-aalalang mukha ni Massimo sabay ngumiti ng pilit."Hindi ko pa alam kung saan ako matutulog ngayon. Pagdating na pagdating ko kasi rito, ay dumeretsyo agad ako sa'yo. Hindi ko na naisip kung saan ako matutulog ngayon." Nakita kong ngumisi si Massimo sabay ginulo ang buhok niya."It's ok, you can sleep in my apartment," seryosong sabi niya sabay tingin sa akin na parang hinihintay niya ang magiging sagot ko. "What? I will accept a no for an answer. You're my girlfriend, I can't let you sleep somewhere without me," dagdag niya pa kaya hinawakan ko ang kamay niya."Hindi ka ba natatakot na baka magalit ang magulang ko kapag nalaman nila ang relasyon natin?" Biglang nagbago ang aura niya na kaya nagkaroon ng saglit na katahimikan