Grellen's POV
Maghapon akong naglamyerda sa mall. Kumain, nag-grocery at nag-shopping ng bonggang-bongga. Bumili ako ng damit at sapatos para mamaya at nagpa-make up na rin ako para complete package ang ganda. O, ha. Saan ka pa? Sana laging ganito. 'Yong malaya ka, walang nanghuhusga sa 'yo, masaya ka sa ginagawa mo. Eh, 'pag nasa bahay ako, tamang tambay lang sa kwarto at nakakaburyo talaga. I'm wearing my red outfit, red stilettos na sinamahan ng pulang hairclip, itim na gloves. Oh, 'di mo kaya 'yon! Para tayong magbabakasyon sa abroad! Date lang naman ang pupuntahan natin. A special date with my dear William! For sure if he sees me like this, tutulo ang laway niya sa talampakan ko. I swear! Pagkagaling ko sa mall ay saka ako dumiretso sa Bayview Restaurant sakay ang baby kong Rolls-Royce EWB na nagkakahalaga ng tumatagingting na $530,000. Saktong-sakto lang ang dating ko sa resto. Maraming tao sa loob pero bakit ang enggrande naman 'ata ng arrangement sa center table? Very sophisticated ang design at napaplibutan din ang mesa ng dalawang musician. 'Yong isa'y may violin na hawak habang ang isa ay singer, kung 'di ako nagkakamali. At ang nakakakilig, kitang-kita ko ang bulto ni William na nakaupo doon, matiyagang hinihintay ang pagdating ko. Pabalik-balik ang tingin ni Will sa wristwatch niya. Oh my gosh! The suspense is killing me! Now's the time to come closer and share our true love's kiss before some slut takes over my crown! "Will! How sweet of you─" Nakaka-dalawang hakbang pa lang ako ay natigilan ako nang lumapit ang isang babae sa mesa niya. Napasinghap ako. Aba, inagawan ako ng pwesto! Mukha namang hipong bilasa! Nakangiting sinalubong ni William ang babae at hinalikan ito sa labi. Tila nadurog ang puso ko sa paraan ng paghalik niya sa lintang iyon. All this time, I thought... The musician starts playing the violin as the singer performed... Sa lahat ng kanta naman, oo! Bakit 'yong theme song ko pa kay Will?! William took that bitch's hand, probably asking her to dance. Nanigas ang buong katawan ko gawa ng magkahalong gulat at lungkot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon! A chance to be with you once again Memories of all the love we shared back then I will search the whole universe until the stars whisper in my ears That you're with me, my dear Mayamaya, lumuhod si William at nilabas ang isang maliit na kahon. He opened it and I could clearly see what's inside of that box. It's a ring! Napahawak naman sa mukha ang malanding hipon! Kunwari pang gulat ang walangh'ya! Itapon kita sa ilog na puno ng basura, e! Tutal, doon ka nababagay! No, you're not gonna take him away from me! You have to go through my ass before he became yours, shrimp! Galit kong sinugod ang hipon at pinagsasampal. Pilit akong inaawat ni William subalit hindi ako nagpatinag. Nginudngod ko ang mukha ng landitera sa mesa. Ayoko sanang gawin 'to dahil ang ganda ng arrangement but she ruined my day! "You, ugly tart! How dare you touching my baby's skin? Akin si William! You have no right to interfere with my business! Kapag sinabi kong akin siya," diniinan ko lalo ang pagsubsob sa hipon. "Akin siya! Tandaan mo 'yan, pakarat kang bilasa ka! Kapal ng fez nito! Doon ka sa garbage river! Pakasalan mo 'yong mga basura do'n!" "Burnett, stop!" Binitawan ko na ang malandi. Nabaling ang atensyon ko kay WIlliam na walang ibang ginawa kundi pigilan ako. "Isa ka pa! Papatol ka na lang, sa hipon pang kinulang sa aruga?" Pinaghahampas ko siya sa dibdib. "Ano bang meron sa babaeng 'yan na wala ako? Mayaman naman ako, ah? I may be look manly but I can change my entire appearance just for you!" "Stop this for once!" aniya. Wow, so ako pa ang masama! Ako ang biktima rito! "Stop? Ano, yamete, yamete? Yaoi fan ka? Mas cutie ako kaysa diyan! Ako na lang, please! Leave that slut and─" "WHAT PART OF STOP DO YOU NOT UNDERSTAND, OFFICER GRELL ALLEN BURNETT? I DON'T LOVE YOU AT HUWAG KA NANG UMASANG MAMAHALIN KITA DAHIL HINDI AKO PUMAPATOL SA KAPWA KO LALAKI! TIGILAN MO NA AKO, OKAY? AND BESIDES, THIS IS NOT ACTUALLY─" I slapped him hard. "Pwes, magsama kayo ng bilasang 'yan, Inspector P*keyama!" Sinadya kong maliin ang pronunciation ng apilyedo niya sa halip na Fukuyama. Buwisit, eh. Buong buhay ko bilang pulis, sa kanya ko lang tinuon ang atensyon ko tapos ito ang igaganti niya sa 'kin?! Ito ang pinakamasakit na rejection na natanggap ko kay William! Ang straightforward! Aray ko, darling! Huhuhu! I left the scene, brokenhearted. Pinagtitinginan pa 'ko ng mga tao but who cares? Ang sakit kayang mabigo sa pag-ibig! I'm so frustrated right now! Panay ang ngalngal ko sa kotse. Bugbog sarado ang manibela sa kakahampas ko. Sige, enjoy lang kayo! Wait for my heart to heal. I'll end you both! Pagsisisihan niyo ang ginawa niyong pananakit sa virgin kong puso! "T-Tama na, Grellen. Ang drama mong baklita ka! Why are you crying over some stupid idiot─huhuhuhu! It hurts meee! Huhuhu! Makapag-bar nga muna!" Parang tanga kong kinakausap ang sarili ko. Buang lang, teh? Lumuluha kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko. Balak kong yayain sina Roland at Ethan sa bar. Magpapakalunod muna ako sa alak hanggang sa 'di ko na kaya. Wait, where is it? Wala rito! I searched the entire area, maski 'yong mga pinamili ko pera wala doon ang cellphone ko. Shit! Naiwan ko ba sa mansyon? Hindi, e. As far as I remember, I take it with me. Don't tell me I left it when I was in the fitting room of the department store? No way! Nalaglag ko 'ata do'n noong nagbibihis ako! 'Di bale, bibili na lang ako ng bago tutal, lumang modelo na rin 'yon ng iPhone. Barya lang ang halaga n'on kung tutuusin. Mag-isa akong naglasing sa bar na pagmamay-ari ng kabatch ko sa police academy. Sa labis kong kalasingan ay hindi ko na nagawang umuwi ng mansyon. Good thing na pinayagan akong mag-stay doon since kilala naman ako ng owner. ••• Pag-uwi ko kinabukasan, maingat kong pinuslit ang mga shopping bags ko sa loob ng mansyon. Siniguro kong hindi mapapansin ni Dad o ni Gil na puro pagkain at damit pambabae ang laman ng mga bags. Don't worry about my looks, I changed it back to my usual, boring and dull look like my father used to see. Hello? If I entered to his lair wearing that red dress and shoes, jojombagin ako nang todo ni Papang, sa gate palang! Naligo na ako at nagpalit ng damit. Palabas na sana ako ng kuwarto ko para mag-almusal nang may kumatok sa pintuan. "Pasok," sabi ko. Niluwa ng pinto ang kasambahay naming si Mei-Mao. Oo, I know weird ang name niya. Half-Japanese ang isang 'yan. Actually, wala namang masama sa pangalan ng mga Hapon. Sadyang 'di lang bumagay sa kanya ang combination ng pangalan niya. Mei-Mao. May halimaw. "Sir, pinapatawag po kayo ni Master sa baba. Gusto ka raw po niyang makausap," takot na sabi ng halimaw--este, ni Mei-Mao. Parang 'yon lang? Takot na takot? "Sige, sunod na lang ako," sagot ko. "Mag-ingat po kayo, Sir." Tumango ito at lumabas. "Wow, makabanta ka naman parang bibitayin ako. For sure lalaitin lang ako n'on at ikukumpara sa kuya kong demonyo!" taas-kilay kong sabi habang nakapamaywang. Pumalatak ako at piniling lumabas ng silid. Nai-spot-an ko si Dad sa salas, nakaupo sa couch hawak ang cellphone. Kulang na lang ay mag-self destruct ang phone niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. On the other side, there's Gil, showing his demonic smile. "D-Dad," I called his attention. He pressed the side button of his phone at palakas nang palakas ang volume ng video (I think) na pine-play niya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sarili kong boses. I heard myself crying in anger. What on earth?! How did he know about yesterday? "Care to explain the meaning of this?" gigil na tanong ni Dad, namumula ito sa galit nang itapon niya ang cellphone sa harap ko. Dinampot ko ang telepono. No, it can't be! Someone took me a video inside the resto last night at kitang-kita ko kung gaano ko pinagbuhatan ng kamay ang babaeng hipon at lahat ng pinagsasabi ko kay William, malinaw pa sa 320kb/s na mp3 song! "Just as I thought, you haven't changed," nakangising sabi ni Gil. No, please just be a dream! Dad's going to kill me!Grellen's POV Seven years later... Day off ng lola niyo kaya naisipan kong mag live home concert sa aming mansyon. Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Sumayaw, sumunod sa Sexbomb Ibomba mo! Ibomba mo! Ibomba natin 'yan, sish! Mag-isa lang ako sa salas. Humahataw, gumigiling at kumekembot habang naka-live sa Peysbuk! Pinupupog din ako ng tawa at papuri sa comment section. Maski 'yong mga kaibigan kong Hapon at mga kasamahan ko sa headquarters, tuwang-tuwa sa ginagawa kong katarantaduhan sa social media. Shocks, I'm famous! Hahaha! So 'yon, konting update lang. Maraming nagbago for the past seven years. Limang taon na kaming kasal ni Barbara at meron na kaming isang anak - si Glen Allen. Glen is six years old at kamukha ko raw, sabi ng nakararami. Trulalu itey, huwag ka! Ilong lang ang nakuha ni Glen sa bruha kong asawa, the rest sa akin minana. Actually, buntis ngayon si Barbara sa pangalawa naming anak at naka-schedule siyang manganak after two months. Babae
Barbara's POV "G-Grellen... Y-you're alive..." I scanned his body from head to toe and then I realized, it's really him! Buhay si Grellen, buhay na buhay! "Sorry for playing tricks on you. It was my whole idea," nahihiya niyang saad. Pumatak ang mga luha ko at maagap kong sinalo iyon gamit ang kamay ko. "Bakit hindi mo sinabing buhay ka? All this time, alam nila Roland na hindi ka namatay sa pagsabog?" May bahid ng pagtatampo sa boses ko. "Sorry, I hide the truth from you because I don't want you to chase me. Disappointed ako noon sa sarili ko dahil hindi kita pinanagutan. As a result, namatay ang anak natin. I keep reminding myself how much I deserve to live without you. Gusto kong mapunta ka sa tamang tao na kaya kang panindigan whatever the circumstances may occur. Hindi sapat ang humingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko kaya..." "Kaya ano? Bumalik ka para iparamdam sa akin na wala tayong chance? Na gusto mo akong ipamigay sa ibang lalaki? Anong klase ka? Ang tagal kitang
Barbara's POVSix months later...Mag-isa akong kumakain ng almusal sa hardin kasama ang dalawang espesyal na tao sa buhay ko. They were surrounded by white and red roses. Ang ganda nilang pagmasdan sa malayo.Georgia Barbara Rin BurnettGrell Allen "Grellen Radcliff" Burnett"Six months, seems like six days to me. Anim na buwan na akong nangungulila sa 'yo, Grellen. Nakakalungkot na hindi ko man lang narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako." It's too late to find out na kanina pa pala ako umiiyak. "Kung nasa'n man kayo ng anak natin, sana masaya na kayo. I pray for the peace of your souls. Thank you for everything, Grellen."Anim na buwan mula nang mangyari ang insidente sa Marina Campania na ikinasawi ng tatumpung katao, including Mr. Burnett, Dori, Gil Michael Burnett and lastly, si Grellen.Though, only his death is not confirmed since they never found any sign of Grellen's body. Wala ring nag-match sa dental records
Grellen's POV "The game is over for you, my dear brother. Checkmate ka na. So if I were you, drop that toy of yours and surrender yourself before I do it for you." Steady lang si Kuya. Bingi-bingihan? Hindi na naawa kay Brenda na mamatay-matay na sa nerbyos dahil sa baril na nakatutok sa kanyang leeg. Sabagay, kung 'yong sarili niya ngang mga magulang, pinapatay niya, e. Ano na lang si Brenda na kababata ko lang, 'di ba? I shall proceed to the next move. For the final plan, darating ang chopper na magsusundo sa amin pabalik ng Codaco bago mag-alas dose ng madaling araw. Speaking of 12 midnight, if I still remember, 'yon ang oras na nakasulat sa papel na nahanap ko sa apartment ni William. Ang magpapatunay na may transaksyon siya sa isang black market auction. Angelina Barbara Liv Durless N$3.5M Marina Campania June 01 at 12:00AM Kung hindi ako nagkakamali, nag-start ang auction kaninang alas-diyes ng gabi. I also can't be wrong about the time that was written on the paper. It'
Grellen's POV Muli akong nakarinig ng dalawang magkakasunod na putok ng baril at kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbagsak ng katawan ni Dori sa sahig. "Dori!" Hindi man ako lumapit ay alam kong tapos na si Dori. A fatal blow on his chest twice, there's no way he's still breathing at that rate. Ang tanging nagawa ko lang nang mga oras na 'yon ay yakapin ang naghihingalong si Dad. Nakakapit siya sa braso ko, pinipilit dumilat kahit nararamdaman niyang gusto na nitong pumikit. "Dad, please! Don't leave me, lumaban ka! Ngayon mo pa ba ako iiwan, ha? Tanggap ko nang 'di tayo magkadugo at hindi magbabago ang pagtingin ko sa 'yo bilang tatay ko! I love you, Dad! Please, I'm begging you! Don't you dare shut your eyes off!" umiiyak na sabi ko. He coughed, pinipilit nitong magsalita. "I-It's okay, s-son. T-tama lang na kabayaran 'to sa p-perwisyong b-binigay ko sa 'yo... At kay B-Barbara. B-Basta lagi mong tatandaan, m-mahal... Na mahal ka namin ng Mommy mo, anak..." Nawalan ng lakas
Grellen's POV Habang abala si Dad sa pagkaray sa akin sa kanyang secret quarters, inobserbahan ko ang pagpasok ng iilang katao sa pasilyo na malapit sa comfort room. Maliban sa kakaiba nilang kilos ay may hawak-hawak rin silang itim na maskara na katulad ng kay Kuya Gil. Which means, the auction begins in any moment. There's no need to hurry. As soon as I finished my dirty business with Dad, I'll catch those rats one by one. Saktong three minutes ang nakalipas mula nang kausapin ako ni Dad sa baba at ngayon ay papalakad kami sa hallway ng ikatlong palapag. I secretly dropped the shoe before Roland and I crossed to each other's feet. Ongoing pa ang communication naming dalawa kaya malamang, narinig niya ang pag-uusap namin kanina ni Dad sa baba. I cleared my throat thrice, kunwari may nakabarang plema sa lalamunan ko. It's our call sign. If I clear my throat once, I'm in trouble so I want them to send a backup. Twice, an unexpected incident occurred so I command them to stay put an
Barbara's POV Hilo ang una kong naramdaman nang magising ako. Nasa'n ako? Bukod sa bahagyang madilim ay nuknukan din ng init ang lugar, isama mo pa ang malakas na tulog ng makina ng barko. Are we in the engine room? Not sure. The room is filled with boats and other emergency equipment. Probably in a depository. "Ethan?" sabi ko sa taong nakatayo sa sulok. It's a stupid of me not to realize that the man who captured me was Grellen's friend. Maliban sa aming dalawa ay may kasama pa kami sa loob na isang lalaki na busy sa pagkalikot ng maliit na jet ski boat. Anong binabalak niya? Hinawi ni Ethan ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha. "Sorry. Grellen instructed me a while ago." Si Grellen ang nag-utos sa kanya? Bakit? "Why would Grellen do that?" pasigaw kong tanong. The ship engine is such an earsplitting so I need to speak louder. Ethan stepped forward as he sat on the floor where I was sitting right now. "Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na nalaman pa ang dahilan kun
Barbara's POV Durless Residence - Afternoon Sa buong maghapon, wala akong ginawa kundi magmukmok sa kwarto. Ang dalawang servants ang naiwan sa mansyon. Si Brenda ay umalis kaninang umaga. Muli niyang dinahilan na meron siyang emergency appointment sa kanyang pasyente kaya kailangan niyang bumalik ng Amerika. Last night, katabi ko si Brenda sa pagtulog. Pero bago 'yon, I've had a one on one talk with Grellen where he proclaimed the word, 'goodbye.' It hurts a lot more than I thought it would. Mas masakit pa sa limang araw na wala siya sa mansyon. Everytime I think about it, parang gusto ko na namang tapusin ang buhay ko. But I made a promise to Grellen - mawala man siya sa landas ko, hinding-hindi ko na tatangkaing kunin ang buhay ko. Mula noong araw na bumalik siya sa mansyon at nagtrabaho bilang butler ko for two days, napatawad ko na siya sa naging atraso niya sa akin at sa anak ko. Nakita ko sa mga mata ni Grellen na hindi niya intensyong pabayaan kami ng sana'y magiging anak
Grellen's POV Marina Campania The time has come. Ang araw ng muli naming paghaharap. Sa araw ring ito, magwawakas ang sigalot. Sisingilin ko silang lahat sa perwisyong idinulot nila kay Barbara at hindi ko hahayaang makalabas sila nang hindi nakakabayad. Especially that William. The gathering begins tonight at six. Our destination is in Lexus City through the luxury liner built by a famous star line for my family - The Marina Campania. Base sa nakalap kong source, ongoing na ang party sa loob ng mismong barko habang lumalayag. Ang part 2 ng celebration ay gaganapin sa newest branch ng Burnett Hotel sa Lexus kung saan may magaganap na ribbon cutting ceremony the next morning. Mukha bang paabutin ko pa doon ang pasabog ko? Siyempre, hindi na. Sorry for shattering your dream vacation but the party at the Burnett Hotel in Lexus will be cancelled. Wala, ako lang ang nagsabi n'on. Charot. Nauna nang sumampa sa barko ang Team Idyut, which consisting of you know who. Ethan, Roland and