Share

The Billionaire Butler
The Billionaire Butler
Author: Venera

Chapter 1: The Billionaire Butler

Grell Allen "Grellen" Burnett's POV

PUMIPITIK ang balakang ko habang taas-noong rumarampa sa first floor ng Starlight Mall na parang ako lang ang tao. Kanina ko pa napapansing pinagtitinginan ako ng mga taong nadaraanan ko pero dedma lang ang byuti ko.

Bakit ba? Eh, sa masaya ako dahil bukod sa ngayon ang 26th birthday ko ay sumaktong day-off ko pa bilang alagad ng batas.

O, ha. Sinong mag-aakala na ang isang sirenang katulad ko ay naging miyembro ng Belmont Police Department dito sa Vermland? I've been working there for over a year now as one of the police detectives.

Maayos naman ang trabaho ko roon pero kung ako ang tatanungin ay labag sa kalooban ko ang maging parte ng ahensya. Pangarap kong magkaroon ng sariling teatro at maging parte ng tanghalan bilang stage actor pero tutol ang pamilya ko sa ideyang iyon.

Pinilit ako ni Dad na mag-aral ng criminology at sumunod sa yapak ng yumao kong lolo na isang retired officer. That's how my fate was sealed. No one asked what I wanted to be. My family was the one who made decisions for me, and I fucking hate that.

Ah, sumasakit ang ulo ko 'pag naiisip ko 'yon.

Speaking of sakit ng ulo, nagugutom na ako kaya naisipan ko munang huminto sa harap ng paborito kong Japanese restaurant. Pumasok ako.

Marami akong naabutang kumakain sa loob kaya medyo nabahala ako na baka wala na 'kong mapwestuhan. Iginala ko ang paningin ko sa paligid para sana maghanap ng bakanteng table nang mapansin ko ang isang guwapong lalaki na nakaupo sa sulok at kumakain ng mainit na ramen.

I'm surprised. What brings him to this place? Kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Huminto ako sa harap niya dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"William, andito ka pala. Kumusta?" nakangiting bati ko sa kanya.

Tinapunan niya 'ko ng malamig na tingin. "It's Inspector William Fukuyama," pagtama niya sa sinabi ko.

I rolled my eyes as I sat on his table. "Tch! Wala naman tayo sa duty ngayon, e. Hayaan mo na 'kong tawagin ka sa pangalan mo," saad ko na may halong pagbibiro.

Napailing siya. Sinubukan niyang bumalik sa pagkain pero natigilan siya nang bigla kong ilapag sa ilalim ng mesa ang mga pinamili ko at naupo sa tapat niya.

"You can't just sit on my table without asking, Mr. Burnett," sabi niya pa.

"Can you at least be a gentleman for a second?" pabiro kong sabi. Saktong lumapit ang waitress sa table namin at hiningi ang order ko. "I'd like to have ramen and sushi, please. Thank you."

Ngumiti lang ang waitress at umalis na. On the other hand, William shooked his head, leaving him with no choice but to let me sit on his table. Habang hinihintay na dumating ang order ko ay nagpaka-busy muna akong pagmasdan ang lalaking nasa harap ko.

Bukod sa halimuyak ng kanyang pabango na humahalo sa nakakagutom na amoy ng pagkain sa paligid, nakakalaglag-brief din ang taglay niyang kaguwapuhan na halos tumulo ang laway ko.

Naramdaman ko tuloy na biglang uminit ang magkabilang pisngi ko kasabay ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. I've never been so close to him ever since I start working at the headquarters. As in, ngayon lang talaga.

Paano naman kasi, iwas na iwas siya hindi lang sa akin, pati na rin sa mga babae sa headquarters. I never had a chance to tell him how I feel, ni hindi ko nga alam kung pag-asa ba ako sa kanya...

Wait. Ba't 'di ko agad naisip 'yon? Tutal andito na rin lang ako, bakit hindi ko pa sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko?

This is the chance I've been waiting for months! Ayokong sayangin ang pagkakataong ito na aminin kay William ang feelings ko! Wala nang atrasan 'to.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa 'kin. "Kakapalan ko na ang mukha ko, William," panimula ko. "Matagal-tagal ko na ring gustong sabihin sa 'yo 'to pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Will, ikaw ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinusukuan ang pagpupulis.

"Sa tuwing nakikita kita, napapawi 'yong pressure at stress na binibigay sa 'kin ng tatay ko dahil sa propesyon kong 'to. I keep following you, watching your every move without noticing that I am falling in love with you."

Lakas-loob akong tumingin nang diretso kay William. "Oo, mahal kita at ikaw lang ang nag-iisang lalaking laman ng puso kong ito. Ikaw lang ang sinisigaw nito..." sabay hawak ko sa aking dibdib. Ramdam ko ang lakas ng tibok n'on noong mga sandaling 'yon.

Lalong tumindi ang kaba ko nang ibaba ni William ang hawak niyang chopsticks. Ipinatong ni William ang mga kamay niya sa mesa at pinagsalikop iyon.

"Nagsasayang ka lang ng oras. Hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki. Isa pa, may mahal akong iba at siya lang ang laman ng isip ko hanggang ngayon. Hindi 'yon mababago kahit pa ng isang anak ng bilyonaryo na katulad mo."

Parang winakwak ang puso ko sa mga narinig kong salita kay William. Hindi ako makagalaw. Naglalaban ang hiya at panliliit ko sa sarili no'ng mga oras na 'yon.

"Sino siya? Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kanya?" tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

Inalis niya ang mga kamay sa mesa at dinampot ang pamunas na nasa tabi niya.

"She's special more than anyone else, so I can't share that information with you. Baka mamaya kapag sinabi ko sa 'yo, bigla mo siyang sugurin at kung ano pa ang gawin mo sa kanya. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon kung inaakala mo."

"B-But—"

"I'm sorry. I don't have time for this. I have to go."

Matapos niyang itapon sa mangkok ang tissue na pinampunas niya sa kanyang bibig ay saka siya tumayo at naglakad palabas ng restaurant. Naiwan akong mag-isa sa table, tulala at wasak ang puso.

Kalaunan ay 'di ko napigilang hampasin ang mesa na nasa harap ko, dahilan para pagtinginan ako ng mga tao sa resto pero wala akong pakialam.

Galit ako sa sarili ko dahil ang tanga-tanga ko para hindi maisip na posibleng mahulog ang loob niya sa iba. Kaya naman pala mailap siya sa kahit sino, 'yon pala, may natitipuhan na siya at sa isang babae pa.

Ano bang meron sa bruhang 'yon na wala ako? Kilala ang pamilya ko bilang maimpluwensya't makapangyarihan. Mas mayaman pa nga ako kaysa sa pamilya niya, for crying out loud!

Meron akong iba't ibang klase ng mamahaling sasakyan at limpak-limpak na salapi sa aking bank accounts kabilang na ang pinamana sa akin ng namatay kong lolo pero bakit gano'n? Sa kabila ng lahat ng meron ako ay hindi niya pa rin ako magustuhan?

Damn! Why am I going through this shit? I just want to be accepted and loved by the person I wanna be with. That's all I want.

"Here's your order, Sir." Sa tindi ng pagdadrama ko'y 'di ko na namalayang dumating na pala ang waitress dala ang ramen at sushi na in-order ko.

After all that happened, I lost my appetite, so I told her to wrap my food and take it with me as I left the restaurant.

__

PARA 'kong basang sisiw na umuwi sa 'min bitbit ang sama ng loob ko hindi lang kay William, pati na rin do'n sa babaeng tinutukoy niya. Pagka-minamalas ka nga naman. Sa dinami-rami ng araw sa kalendaryo, bakit ngayong 26th birthday ko pa na-experience ang pinakamasakit na heartbreak ng buhay ko?

"Sir Grellen, nakauwi na pala kayo," bungad sa 'kin ng kasambahay naming si Mira pagkabukas niya ng pinto.

Wala ako sa mood kaya hindi ko siya pinansin. Nagdire-diretso ang lakad ko papasok ng mansyon pero itong si Mira, hindi ako tinantanan at hinabol ako.

"Sir, sandali!"

Nilingon ko siya nang busangot ang mukha. "Oh, for the love of Mira! Can you stop bothering me?! Gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang! Pwede?"

"E-Eh, S-Sir... K-Kasi..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. 'Yong totoo, may sakit ba 'tong uutal-utal?

"Ano ba 'yon? Diretsuhin mo na nga ako't baka sabunutan pa kita diyan!" nasabi ko tuloy sa sobrang inis ko.

"Gusto ka raw makausap ni Sir Gregoire. Nasa living room siya ngayon. Hinihintay ka," diretsong saad ni Mira sa akin.

Napabuga ako ng hangin. "'Yon lang pala. Akala ko naman kung ano na—"

Natigilan akong bigla nang mag-sink-in sa utak ko ang sinabi ni Mira. Pinapatawag na naman ako ni Dad para kausapin at may idea na ako kung ano ang kanyang sasabihin.

__

Grell Allen "Grellen" Burnett's POV

"OH, PLEASE, Dad. Not this whole thing again! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyong ayoko pang magkaanak? Sheesh!" walang kaabog-abog kong saad kay Dad.

Nakaupo ako ngayon sa couch ng living room kaharap siya. Dahan-dahan niyang binaba ang hawak na tasa na may lamang inumin at ipinatong iyon sa babasaging mesa na nasa pagitan namin.

Sumandal siya sa upuan at pinanlisikan ako ng mga mata. Medyo kinabahan ang lola niyo dahil hindi naman siya ganyan noong mga huling pag-uusap namin. Tuloy, pakiwari ko may mangyayaring hindi maganda.

"Ipapaalala ko lang, Grell Allen. Bente-sais ka na. Apat na taon na lang ay lampas na ang edad mo sa kalendaryo! Kailan mo ako bibigyan ng apo, kung kailan makunat ka na?"

"Grabe ka naman sa makunat, Dad! Ba't ba kasi apurang-apura kang magka-apo eh nasa golden years ka pa naman?" nasabi ko tuloy.

Nas-stress na 'ko kung minsan dito kay Dad. For the past few months, lagi niyang bukambibig ang kagustuhan na magkaroon ng apo mula sa akin kaya naman napapaisip na ako kung bakit masyado niya akong minamadali tungkol sa bagay na iyon.

"I'm 58 years old. You see, I'm not getting younger," he replied. "Bawat araw, nararamdaman kong humihina na ang aking katawan. Hindi ko hawak ang aking buhay. Hindi ko tiyak kung bukas ay magigising pa ako kaya kailangan kong makasiguro na may magtutuloy ng henerasyon ng pamilyang ito at ikaw lang ang susi para mangyari iyon."

"But I can't, Dad! Alam mong sirena ako. I cannot see myself ending up with a woman—with her child! So please, respetuhin niyo naman ang desisyon ko! I have sacrified my desired career so I can become a police officer for the sake of Lolo Gregory! Isn't that enough?" himutok ko dala ng inis.

"No, it's not. As long as you live under my roof, you have to abide by my rules," malamig niyang tugon na hindi ko mapaniwalaan.

Pagak akong natawa. "You know, this is exactly why you cannot find someone like mom. You always believe you have full authority over everyone around you, " naiiling kong himutok.

Nakita ko ang dahan-dahang pagkuyom ng isa niyang palad. Iniwasan ko siya ng tingin dahil 'di ko na siya kayang tignan pa.

"How unfortunate it is to become your only son. Napaka-selfish niyo talaga," sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilang sabihin iyon.

Mabilis ang sumunod ang nangyayari. He rushed to my spot and grabbed my collar. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko na halos sirain niya na. Nag-aapoy rin ang kanyang mga mata sa galit na parang gusto akong tupukin.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" Nang hindi ako kumibo ay saka niya ako dinuro. "Huwag mo akong subukan, Grell Allen! Tandaan mo, anak ka lang! Kaya kong gawing miserable ang buhay mo kung gugustuhin ko!"

Umalingawngaw sa buong mansyon ang malakas na boses ni Dad na kahit sinong makarinig n'on ay talagang mangangatog sa takot.

Galit niya 'kong binitiwan saka siya tumalikod para kunin ang baso na nasa mesa. Nagulat ako nang basagin niya 'yon sa harap ko. Humarap siyang muli pero 'di pa rin maalis ang madilim niyang awra. Galit na galit talaga siya.

"I'm giving you one last chance. Sa loob ng tatlong buwan, kailangan mong maghanap ng babaeng magiging ina ng aking apo. You must present a proof that she's pregnant with yours, and make sure that she's unmarried because I don't want any more problems."

"Unmarried? Why do you need that for? Huwag niyo sabihing may plano kayong ikasal ako sa kung sino mang babaeng 'yon? Hindi ako papayag, Dad!" asik ko.

"Look. Tanggap ko na may pusong babae ka, but as the head of our family, I can't allow to have a grandchild from a couple who aren't married! Labag iyon sa patakaran ng ating angkan kaya wala kang magagawa! Ngayon, kung patuloy kang magmamatigas, pasensyahan na lang tayo dahil hindi ako magdadalawang-isip na alisan ka ng mana at itakwil ka!" deklara ni Dad na halos ikabingi ko.

Binalot ng kaba ang aking dibdib. "What? No! You can't be serious!"

"Oh, I'm serious alright! Ngayon kung may plano ka pang matino sa buhay mo, mag-isip-isip ka na dahil kaya kong kunin lahat ng meron ka sa isang iglap lang! Naiintindihan mo?"

Naiiling akong tumingin kay Dad. "After all I did for this family, this is what I get. I can't believe this!"

Akmang tatalikod na ako para mag-walk out nang muli siyang magsalita.

"Bago ko makalimutan. Hangga't hindi mo naipapakilala sa akin ang babaeng 'yan, hindi ka puwedeng manatili sa pamamahay ko. I'll also take everything from you, including your money, your cars, as well as your late grandfather's inheritance.

"Huwag mo na ring tangkaing pumasok sa trabaho dahil kakausapin ko ngayon din ang boss mo sa para sabihing pansamantala kang i-dismiss bilang officer. I'm sure with all my connections, it wouldn't be hard to suspend you from the service. How does that sound?"

"Wait, what? That's not fair! How am I supposed to pay everything if you'll take away my job?" I complained.

"Then find another job, it's that simple," pamimilosopo niya. "Now, instead of wasting your time here talking back to your father, why don't you make yourself useful and start packing up your things, huh?"

"This is ridiculous!" I responded coldly to his words. Padabog akong naglakad palayo at agad na nagtungo sa kwarto ko na nasa ikatlong palapag at sinimulan na ang pag-e-empake.

Siniksik ko sa malaking maleta ang mga damit at personal documents na kakailanganin ko kung sakali. Nang masigurong okay na ang lahat, sinara ko ang zipper ng maleta at nilapag 'yon sa sahig.

Balak ko na sanang lumabas nang mahagip ng mata ko ang picture frame na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko 'yon at sandaling pinagmasdan ang family picture naming tatlo.

Ah. It's been a long time since Mom passed away. Magmula no'n ay unti-unting nawalan ng oras sa akin si Dad. Ni minsan, hindi kami nagkaroon ng bonding time dahil masyado niyang sinubsob ang sarili sa pagpapatakbo ng Burnett Global, Inc. na kilala bilang isa sa pinakamalaking holding company sa buong mundo.

Sa kabila n'on, naging mabuting anak ako at naging sunud-sunuran sa lahat ng gusto niya. Bukod sa natatakot akong mawala ang marangyang buhay na meron ako, bilang anak ay hangad ko rin na maging maayos ang relasyon naming mag-ama.

If Mom didn't die, then none of these would've happened.

Ibinalik ko na sa table ang picture frame bago pa ako maging emosyonal. Bumaba na ako dala ang maleta ko at dumiretso sa living room kung saan ko iniwan si Dad kanina.

Bago ako tuluyang umalis, siniguro ni Dad na lalabas ako sa mansyon nang walang kahit na ano maliban sa mga damit ko kaya kinumpiska niya ang mahahalagang bagay na meron ako gaya ng car keys, mga pera't credit cards ko pati na ang pinakaiingatan kong police badge. Labag man sa kalooban ko, napilitan akong i-surrender lahat ng iyon.

Malungkot kong iginala ang paningin ko sa apat na sulok ng mansyon sa huling pagkakataon. Alam kong 'di magiging madali pero 'di bale, saglit lang naman ako magtitiis.

Pasasaan ba't makakahanap din ako ng babaeng magiging tulay para mabawi ko ang marangyang buhay na pinagkait sa akin ng sarili kong ama.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
HanaIchiOne
Ipakulam na si Marcus
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status