Share

Kabanata 2

Penulis: aisley
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-03 19:34:08

Pagkapasok ni Ayumi sa bahay, agad niyang naramdaman ang bigat ng hangin sa loob. Tahimik ang paligid, tanging mahinang ugong lang ng air conditioner ang maririnig.

Sa gitna ng sala, nakita niya ang kaniyang Tita Adela na nakaupo sa sofa, tulala, at parang nalulunod sa sarili nitong mga iniisip. Namumula ang mga mata nito, bakas pa ang mga patak ng luha na tila hindi pa natutuyo.

“Tita, what happened?” mahina ngunit aligagang tanong ni Ayumi habang nilalapitan ito. “Nasaan po si Dad?”

Habang papalapit siya, nararamdaman niya ang unti-unting pag-igting ng kaba sa dibdib. Ang bawat segundo ay tila mabigat, na para bang may masamang balitang naghihintay sa kanya.

Si Adela, ang pangalawang asawa ng kanyang ama, na bagama’t hindi kadugo, ay matagal na niyang itinuring na ina.

Biglang napahawak si Adela sa noo, at bago pa makasagot, ay sumabog sa galit.

“Grabe si Levi!” halos pasigaw na sabi ng kanyang Tita, nanginginig ang boses. “Wala siyang puso!”

Napasinghap si Ayumi, “Tita… si Levi?”

At bago pa niya madugsungan ang tanong, tuloy-tuloy nang dumaloy ang mga salita ng babae.

“Alam mo ba, Ayumi? Ilang taon na ang nakalipas, noong bumagsak ang negosyo ng pamilya niya ni minsan hindi ka umalis sa tabi niya. Ikaw ang tumulong, nagtiwala, naghintay. Pero ngayon? Ngayon na maayos na siya, hindi ka lang niya tinalikuran, gusto pa niyang ipakulong ang tatay mo!”

Napalunok si Ayumi. “W-What? Tita… what do you mean po?”

“Your father is in detention right now!” halos mapatid ang hininga ni Adela sa bigat ng salitang iyon. “Matagal na kitang sinabihan, Ayumi. Matagal na! Si Levi ay-” pinahid niya ang luha, “-hindi tama para sa’yo. Pero hindi mo ako pinakinggan! Ngayon, saan na pupulutin ang tatay mo?!”

Ang mundo ni Ayumi ay biglang umikot. Parang may sumabog sa loob ng dibdib niya. Ang bawat pintig ng puso ay parang martilyo na tumatama sa utak niya.

Hindi ito totoo… hindi puwedeng totoo ito.

“No… this can’t be happening.” Napakapit siya sa gilid ng sofa. “

“Ayumi…” mahinang wika nito, nanginginig ang mga kamay. “Anong gagawin natin ngayon?”

Ngunit sa kabila ng pagkalito, sa loob-loob niya, may munting tinig na nagsasabing hindi siya pwedeng sumuko.

“Don’t worry, Tita.” wika niya, pinipilit gawing matatag ang boses. “Kakausapin ko po si Levi.”

Kahit alam niyang tapos na ang lahat sa kanila, kahit sinaktan na siya nito, umaasa pa rin siyang may natitira pang piraso ng awa sa puso ng lalaking minsan niyang minahal.

Kinuha niya ang cellphone sa bag at agad tinawagan si Levi. Ilang segundo lang nag-ring, at sumagot ito.

“Ayumi,” malamig ang boses sa kabilang linya. Parang hindi siya ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya habambuhay. “It’s been a while.”

Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. “Levi, please. Tapos na tayo. I know. Pero please, huwag mong idamay si Dad. He doesn’t deserve any of this!” pakiusap niya.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Levi mapait, mapanukso, at walang kabahid-bahid ng konsensya.

“Someone has to be held responsible for this huge deficit, Ayumi.” Halata sa tono ng boses ni Levi na parang walang pakialam kahit pa may masaktan.

Gusto pa sanang humingi ng tawad o magmakaawa si Ayumi, pero bago pa siya makapagsalita, biglang nagbago ang tono ni Levi. Naging malambing iyon ngunit mapanganib.

“There’s another way, Ayumi,” bulong niya, paos at matamis. “His life solely depends on you.”

Tumigil ito sandali. Hangin lang ang naririnig ni Ayumi, hanggang sa marinig niyang muli ang tinig nito

“If you follow me for five years… I’ll let Uncle Simon go.”

Parang binuhusan si Ayumi ng malamig na tubig. Nanigas siya sa kinatatayuan.

Five years… with him?

At bago pa niya maproseso ang lahat, unti-unting bumalik sa isipan niya ang halik ng lalaking may mga matang kayang basahin ang kaluluwa niya.

Hunter Blake Velasquez intoxicating kiss.

Kung bakit iyon ang unang pumasok sa utak niya nang marinig ang walang kwentang sianbi ni Levi ay hindi niya alam!

“Levi… you can’t be serious” wika na lamang ni Ayumi nang makabawi.

“Oh, I’m very serious, love. You’ve always been my favorite deal.”

Nanginginig si Ayumi sa galit. “Levi, you really make me sick!”

Alam ni Ayumi na ngumisi ang lalaki sa kabilang linya. She just knows Levu so damn well that she knows! Ang ngising iyon ay parang lason na dahan-dahang gumagapang sa bawat ugat niya!

“Who am I? Didn’t you already know that?” malamig na tugon ni Levi.

Kagat-labi si Ayumi, pilit pinipigilan ang luha.

“I’m not going to be your toy again, Levi! Forget it!”

Tumawa ito, mapanukso, parang natutuwa pa sa sakit na nararamdaman niya.

“Then get ready to hire a lawyer for Uncle Simon. Don’t blame me as if I didn’t warn you. Such a huge sum like that will lead to… hmm… at least ten years in prison?” wika ni Levi, walang kahit anong bakas ng awa sa tinig.

Humigpit ang kamao ni Ayumi, pero nanatiling matatag ang tinig niya.

“Then I’ll hire the best lawyer!”

“You mean Hunter Velasquez?” malamig na tanong ni Levi, na tila ba gustong ipamukha ang kawalan niya ng pag-asa. “Did you already forget that he’s going to be my future brother-in-law?”

Napatigi si Ayumi, natigilan sa sinabi ni Levi. Ang tibok ng puso niya ay parang biglang huminto.

“Will he help you… or me?” malamig na wika ni Levi, halos bulong pero masakit sa pandinig ng babae.

Tumawa ito, mahinang tawa na parang sumpa. “I’ll wait for you to beg, Ayumi. Kneel in front of my feet.”

Ibinaba na ni Levi ang tawag.

Pagkaputol ng linya, ilang sandaling tahimik lang si Ayumi bago tuluyang bumigay ang mga tuhod niya. Bumagsak siya sa sofa, niyakap ng lungkot at galit na sabay sumabog sa dibdib niya. Si Adela naman ay napasigaw sa inis.

“Son of a bitch!” mura ng Tita niya habang pinupunasan ang mukha. “He’s dreaming! Kahit bumagsak tayo, hindi natin siya hahayaang paglaruan ka ulit!”

Humagulhol naman siya habang nagsasalita. “Pero paano po? Si Atty. Velasquez ay kapatid ng mapapangasawa ni Levi. Paano natin siya mahihingan ng tulong?”

Natahimik lang si Ayumi. Puno ng problema ang utak niya, pero sa ilalim ng mga luhang bumabagsak, may apoy na unti-unting nabubuhay sa loob niya. Isang apoy na pinapainit ng sakit, at ng isang pag-asang halos ayaw na niyang pagtuunan, pero hindi niya kayang bitawan.

Pagkalipas ng ilang sandali, mahina niyang sabi, “I’ve met Atty. Velasquez once before. I’ll give it a try.”

Tahimik si Adela. Naamoy niya ang faint scent ng alcohol kay Ayumi, at napansin niya ang coat na suot nito na hindi pag-aari ng anak. Ngunit na wala siyang sinabi pa. Sa halip, pinisil niya ang kamay ng dalaga at tumango. “Be careful, anak” wika ni Adela, may halong pangamba at dasal.

Kinabukasan, maagang pumunta si Ayumi sa Velasquez Law Firm.

Malinis, modern, at malamig ang ambiance ng lobby na tila isang mundong malayo sa kanya.

Lumapit siya sa front desk, at magalang na bumati sa receptionist,

“Sorry, miss,” magalang na sabi ng receptionist. “I can’t let you in without an appointment.”

“If I make one now, when can I see Atty. Velasquez?” tanong ni Ayumi, pilit pinapanatili ang kumpiyansa.

Tiningnan ng receptionist ang computer at ngumiti nang pormal.

“Two weeks at the earliest, ma’am,” sagot ng receptionist.

Dalawang linggo? Dalawang linggo ng paghihintay habang ang ama niya ay nakakulong, at si Levi ay malayang naglalakad. Hindi siya puwedeng maghintay nang ganun katagal. Bawat araw na lumilipas, lalong nalulubog sa kaso ang ama niya.

Napalunok siya, halos manghina. Ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng pag-asa, biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway.

There he was. Atty. Hunter Velasquez in his dashing formal suit.

Kasabay nito ang isang babaeng halatang mayaman. Nakasuot ng designer dress, at may halakhak na pino at ubod ng lambing.

Maingat na nagsalita si Hunter, “Please take care. I’m glad I could help.”

Ngumiti ang babae at hinawakan ang braso niya nang bahagya.

“Please take care. I’m glad I could help,” mahinahong wika ni Hunter, malamig pero magalang.

“If it weren’t for you, Atty., I wouldn’t have gotten my share of the property. You’re a lifesaver,” sagot ng babae, halos mapungay ang mga mata habang hinahaplos ang braso nito.

Ngumiti si Hunter, propesyonal, walang bahid ng interes. “It’s my job. I’m glad it worked out.”

“Maybe... a drink tonight? As a thank you?” tanong ng babae, may halong pang-aakit.

Ngunit tumingin lang si Hunter sa relo, saka mahinahong tumugon. “Sorry. I have a date tonight.”

Naramdaman ni Ayumi ang hindi maipaliwanag na kirot sa dibdib.

A date?

Hindi niya alam kung bakit biglang nanikip ang dibdib niya, pero alam niyang ayaw niyang malaman kung sino.

Umalis ang babae, sumakay sa mamahaling sasakyan.

Nang bumalik si Hunter sa front desk, napansin niya agad si Ayumi na nakatayo, parang hindi makakilos. Ang mga mata nito ay puno ng pagod, ngunit sa ilalim ng pagod na iyon ay may halong tapang.

Parang natigil ang oras. Ang mga mata nilang nagtagpo, puno ng mga salitang hindi nasabi noong gabing iyon, isang gabing dapat ay nilimot na, pero paulit-ulit pa ring bumabalik sa alaala.

Lumapit si Hunter, bahagyang ngumiti, ngunit malamig ang boses.

“Change your mind?” tanong niya kay Ayumi.

At sa pagitan ng katahimikan, sa pagitan ng tibok ng puso at alaala ng mga labi niyang minsang nagtagpo, isang bagay ang gumising sa puso ni Ayumi. Hindi lang pag-asa, kundi isang pagnanasa na matagal niyang tinanggihan.

Dahan-dahan siyang ngumiti, kahit nanginginig ang kamay.

“Depends,” sagot niya, halos pabulong. “Are you still the kind of man who saves people… or the kind who ruins them?”

At sa pagitan ng mga tingin nilang iyon, nagsimula ang isang bagong yugto sa isang laban na hindi lang para sa hustisya, kundi para sa puso na minsan nang nawasak, pero ngayon ay muling natutong tumibok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 105

    Sanay din si Klent sa paggamit ng magkabilang kamay.Isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Ayumi nang hindi niya namamalayan.“Siguro dahil pareho kaming nagpi piyano. Mas kailangan mo kasi ang ambidexterity sa ganyang instrument,” paliwanag niya.Agad siyang tinulak ni Samantha, kunwari ay

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 104

    Ang sinag ng hapon, na dahan dahang tumatagos sa malalaking bintana ng coffee shop, ay tila nagpapainit lalo sa matinding pamumula ng pisngi ni Ayumi. Nakaupo sila ni Samantha sa isang sulok, at matapos ang sunud sunod na mapang asar na tanong, isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila.Pilit

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 103

    Nang marinig ang provocative na panunukso ni Clara, napilitang tumingala si Ayumi mula sa kanyang kape. Ang kanyang composure ay impeccable, ngunit ang tension ay palpable.Nakita niya si Clara, na ngayon ay entrenched sa pag uusap sa ilang mayayamang ginang. Ang mga ginang na iyon ay mga magulang n

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 102

    Kinuha ito ni Ayumi at maingat na sinuri. Ang event ay hindi na lang isang reunion ito ay isang battleground.Bahagyang umubo si Samantha at yumuko palapit para magtanong, ang kanyang mga mata ay focused. “Did Attorney Velasquez agree to go? I think, with his calm and thoughtful nature, Attorney Vel

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 101

    Tumingala si Hunter mula sa kanyang mataas na posisyon, ang kanyang katawan ay nagbigay ng bigat ng isang alpha at ang intensity ng isang lalaking nasasabik. Malalim at matindi ang kanyang maitim na mga mata habang mariin siyang nakatingin kay Ayumi, isang gaze na tila lumalamon sa dalaga.Namula si

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 100

    Namula si Ayumi nang marinig ang bold advice ni Samantha. Ang mga salitang “make him happy and comfortable” ay umalingawngaw sa kanyang isip. Kahit matagal na silang magkasama ni Hunter sa isang bubong, nakakaramdam pa rin siya ng kaunting pressure sa sarili tungkol sa pagiging agresibo pagdating sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status