
The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession
Akala ni Ayumi Liana Mercado ay kilala na niya ang lahat ng uri ng sakit pagdating sa pag-ibig… hanggang sa ipagpalit siya ng lalaking minahal niya nang buong puso sa loob ng apat na taon.
Ngunit nang dumating sa buhay niya si Hunter Blake Velasquez, a billionaire attorney with brilliance, power, and a dangerously captivating charm, tuluyang nagbago ang lahat.
He was a man who could read every beat of her heart… and break down the walls she built to protect it.
Sa bawat titig ni Hunter, unti-unting natutunaw ang mga sugat ng kahapon.
Sa bawat bulong niya sa dilim, unti-unti ring nagiging apoy ang takot ni Ayumi.
Hanggang sa ang dating laro ng tukso ay maging isang mapanganib na pagnanasa, a game of temptation she could no longer escape.
Ngunit nang muling bumalik si Levi Knox Castillo, ang lalaking minsang sumira sa kanya,
mapipilitan si Ayumi na pumili…
Ang lalaking iniwan siya nang walang paalam,
O ang bilyonaryong abogadong handang bilhin ang buong mundo, kapalit lamang ng kanyang puso.
Read
Chapter: Kabanata 168Ngumiti nang bahagya si Ayumi, bagaman bakas ang pagod. “Hindi na, Clark. Masarap magpahangin dito. Too much noise inside, too much pretension.” “Is it because of Hunter and Luna?” diritshang tanong ni Clark. Hindi ito madalas magsalita nang ganoon katalim, karaniwan ay puro biro lang ang lumalaba
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: Kabanata 167Para sa kanila, si Ayumi ay isa lamang intermission, isang magandang palamuti habang wala ang tunay na bida. Ramdam ni Ayumi ang mga bulong bulungan sa kanyang paligid sa tuwing dadaan siya. Maging si Mrs. Velasquez ay hindi nakatiis at nilapitan siya. Ang matanda ay bakas ang tunay na pag aalala s
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: Kabanata 166Gusto sanang humawak ni Luna sa braso ni Hunter isang pamilyar na kilos na dati ay awtomatiko niyang ginagawa noong sila pa ang mundo ng isa’t isa. Ang kanyang mga daliri ay bahagyang kumawala, naghahanap ng init ng tela ng tuxedo ng lalaki. Ngunit bago pa man dumampi ang kanyang balat, banayad ng
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: Kabanata 165Naging napakatahimik ng paligid, tila ba tumigil ang pag ikot ng mundo sa maliit na bahaging iyon ng hardin ng mga Velasquez. Ang ingay ng piging sa loob ng mansyon ay naging malabong ugong na lamang sa pandinig ni Ayumi. Pinanood niya ang muling pagtatagpo ng dalawang dating magkasintahan matapos a
Last Updated: 2026-03-11
Chapter: Kabanata 164Sa gitna ng malalim na gabi, habang ang anino ng nakaraan ay tila lalong humahaba sa pagitan nilang dalawa, nanatiling tahimik si Ayumi. Mula simula hanggang dulo, sa loob o sa labas man ng masalimuot na buhay ni Hunter alam niyang wala siyang kinalaman sa gulo ng kanilang nakaraan ni Luna. Nguni
Last Updated: 2026-03-10
Chapter: Kabanata 163Ang apat na taong bigong relasyon niya kay Levi ang nagturo sa kanya ng isang masakit ngunit mahalagang aral, In this world, men who are driven by pity or lingering shadows of the past will never give you a happy ending. Ang pag ibig na nakabase sa awa o sa pagtakas sa nakaraan ay isang lason na dah
Last Updated: 2026-03-09

Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love
Ang nobela ay sumusunod sa buhay ni Zoey Claire Alonzo, isang babaeng nagdesisyong pumasok sa isang mabilisang kasal (marriage of convenience) matapos iwan ng kaniyang dating kasintahan. Ang kaniyang pinakasalan ay si Jasper Alexander Villanueva, isang mayamang CEO at ang ama ng kaniyang menor de edad na matalik na kaibigan. Ang best friend niya na si Luna Isabelle Villanueva mismo ang nagpumilit sa kasal, na nagpahayag na ang kaniyang ama ay walang kakayahan sa pag ibig at nangangailangan ng ina.
Sa kabila ng cold at ascetic na reputasyon niJasper, napatunayan na kabaligtaran ang lahat matapos silang magpakasal. Sa ilalim ng impluwensya ng alak at pagnanasa, nagiging dominante at mapagmahal si Jasper na nagpapabago sa kanilang convenience marriage tungo sa isang seryosong relasyon.
Ang sitwasyon ay lalong gumulo dahil sa muling paglitaw ng ex boyfriend ni Zoey, si Liam Ethan Navarro, na nagdulot ng love triangle at matinding komprontasyon, lalo pa at nalaman ni Zoey na matagal na siyang iniibig ni Jasper. Ang kanilang kuwento ay puno ng init, possessiveness, at drama sa loob ng pamilyang mayayaman, na umabot sa mga pagsubok tulad ng paghihiwalay at sakit. Sa huli, pinagtibay ni Zoey at Jasper ang kanilang wagas na pag ibig, lalo na nang ipaglaban ni Zoey ang kanilang anak, na nagpapahiwatig na sila ay matatag na magsasama.
Read
Chapter: KABANATA 48: A Night to RememberSa huli, walang nagawa si Zoey kundi ang pasukuin ang kanyang katawan at isipan sa ganoong kakaibang posisyon kasama si Jasper. Sa simula ng gabi, mukhang mabait naman ang lalaki kapag nalalasing, hindi ito gumagalaw, yakap yakap lang siya nang mahigpit gamit ang mga matitigas nitong braso na parang natatakot na bigla siyang maglaho kapag lumuwag ang kapit nito. Habang nakikinig sa ritmong pagtibok ng dibdib ng lalaki, naisip tuloy ni Zoey na sa susunod na malasing ito, baka dapat niyang bilihan si Jasper ng isang napakalaking teddy bear para iyon na lang ang yakapin nito sa pagtulog. Ngunit ang kapayapaang iyon ay pansamantala lamang. Idinilat niya ang kanyang mga mata nang makaramdam ng paninigas sa kanyang leeg. Hindi pa sikat ang araw, balot pa ng madilim na asul ang buong silid at hindi niya makita ang oras sa orasan. Gusto niya sanang umikot nang bahagya para abutin ang kanyang telepono sa ibabaw ng nightstand, ngunit bago pa siya makagalaw, biglang nagbago ang ihip ng hangin
Last Updated: 2026-06-06
Chapter: KABANATA 47: Under His Weight"It's for Mrs. Villanueva," sagot nito sa isang mababa at paos na boses. For Mrs. Villanueva. Ang mga salitang iyon ay tila ba may sariling bigat na lumabas sa manipis nitong labi. Pagkasabi niyon, bahagyang sumuray suray si Jasper patalikod, nawawalan na ng balanse dahil sa tama ng alak, ngunit nagawa pa rin nitong humakbang palabas ng silid nang may natitirang grasya. Maingat at dahan dahan nitong isinara ang pinto, iniwan si Zoey sa gitna ng nakabibinging katahimikan. Sa silid na iyon, tila bumaha ang init sa puso ni Zoey, isang mainit na agos na gumapang patungo sa kanyang mga pisngi. Para kay Mrs. Villanueva. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang dibdib, parang isang tambol na nagwawala sa loob ng kanyang tadyang. Marahas niyang itinukod ang kanyang mga kamay sa metal na sabitan ng damit, pilit na ibinabalik ang sarili sa realidad. "Ano ba ang iniisip mo, Zoey! Wake up! Para kay Mrs. Villanueva 'yon, hindi para sa iyo!" bulong niya sa kanyang sarili, pilit na pinagagalitan ang s
Last Updated: 2026-06-03
Chapter: KABANATA 46: Garden"Want a drink?" tanong ni Jasper Ang unang pumasok sa isip ni Zoey nang marinig ang salitang iyon ay ang imahe ni Jasper na umuuwing lasing. Sa likod ng malamig at tila walang kapintasang mukha ng isang makapangyarihang CEO, may isang nakatagong sikreto na siya lang yata ang nakakaala; kapag nalalasing ang lalaking ito, talagang nagiging pasaway ito sa pinakamalalang paraan. Hindi lang ito bastabasta humihingi ng halik at yakap na parang isang teenager na sabik sa atensyon gusto pa nitong matulog nang walang kahit na anong suot, na tila ba ang buong mundo ay isang pribadong silid na siya lang ang nagmamay ari. Sa madaling salita, kapag tinamaan ng alak si Jasper, bumabalik ito sa pagiging isip bata na abot sa puntong nakakainis, ngunit sa isang banda, ay nakakatunaw din ng puso. "You low tolerance level is a joke, Jasper. You shouldn't be drinking," matigas na pagtanggi ni Zoey sa mungkahi ng lalaki. Sinubukan niyang panatilihin ang awtoridad sa kanyang tinig, pinapantayan ang ma
Last Updated: 2026-06-02
Chapter: KABANATA 45: Comfort“Very good? She is quite excellent, but not irreplaceable. Tarlac City is so big, with so many wealthy young ladies, why did you choose one..." nag aalangan si Julla, pilit na pinipigilan ang sarili habang nakatingin sa kapatid. "One who is orphaned and entangled with the Navarro family's heir? Don't you realize the scandal that could cause if the shareholders find out?" Sumalubong ang makapal na kilay ni Jasper. Kahit pa ang kanyang kapatid ang kaharap, hindi niya kayang palampasin ang anumang uri ng pagmamaliit kay Zoey. Ang hangin sa loob ng office ni Jasper ay tila naging manipis dahil sa biglang pagbabago ng aura ng lalaki. “Julla, she is my wife. I ask you to at least show some respect when you speak of her!" boses ni Jasper, malamig ngunit puno ng babala. Natulala si Julla. Sa lalim at tindi ng mga mata ng kanyang kapatid, nakita niya ang isang determinasyong hindi pa niya nakita noon isang uri ng pagtatanggol na hindi para sa negosyo, kundi para sa puso. “Where... wher
Last Updated: 2026-05-13
Chapter: KABANATA 44: A Scars and Sincerity"Dahil ba sa kanya?" Ang boses ni Liam ay nanginginig, isang pinaghalong matinding selos at galit na tila isang lasong bumabalot sa hangin. Sa loob ng silid na iyon, ang bawat salita ay bumibigat, bawat hininga ay punong puno ng tensyon. Alam niya ang lahat ang bawat paghatid sundo ni Jasper kay Zoey, ang paglipat nito sa marangyang tahanan ng lalaki, at ang bawat pagkakataong nakikita silang magkasama sa mga publikong kaganapan. Para kay Liam, si Jasper ay hindi lamang isang karibal sa negosyo, ito ang pader na humaharang sa kanyang pagbabalik sa kung ano ang itinuturing niyang kanya. Mariin na naikuyom ni Zoey ang kanyang mga kamao, ang kanyang mga kuko ay bumaon sa kanyang palad hanggang sa magkulay puti ang kanyang balat. Dahil ba kay Jasper? Ang tanong na iyon ay tumatak sa kanyang isipan. Sa gitna ng pinakamadilim niyang mga oras, noong ang kanyang mundo ay gumuho dahil sa pagtataksil ng mga taong pinagkatiwalaan niya, si Luna ang naging kanlungan niya, at si Jasper ang duma
Last Updated: 2026-05-09
Chapter: KABANATA 43: Liam’s EntitlementAng hapunan sa pamilya Navarro ay nag iwan ng mapait na lasa sa bibig ni Liam, tila bawat subo ng pagkain ay may halong pagsisisi. Sa kabila, si Zoey ay nakaramdam ng matinding pagod, hindi lang ito pisikal na pagkapagod, kundi ang bigat ng nagbabadyang unos mula sa matatalim na salita ni Gerard. Pagkatapos ng hapunan, nagmadali si Zoey na magkulong sa kanyang dating silid, ang silid na noon ay naging tahimik na saksi sa kanyang mga pangarap, ang kanyang mga lihim na pagluha, at ang kanyang hungkag na pag asa. Ngunit ang katahimikan ay hindi nagtagal. Pagkalipas lamang ng ilang sandali, isang katok sa pinto ang bumasag sa kanyang konsentrasyon. Hindi ito ang magaan na katok ni Daisy ito ay may bigat, may pag aalinlangan, at may pilit na awtoridad. "Zoey, are you asleep? I brought you some warm milk to help you rest," ang boses ni Daisy ay malambot at punong puno ng pagmamahal. Nakahinga nang maluwag si Zoey. Si Daisy lang pala. Agad niyang binuksan ang pinto, handang tumanggap ng g
Last Updated: 2026-05-07