Share

The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession
The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession
Penulis: aisley

Kabanata 1

Penulis: aisley
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-03 19:32:24

Sa gabi ng engagement ng kilalang si Levi Knox Castillo, ang lalaking minahal ni Ayumi Liana Mercado ng buong puso, anyone would think that it was supposed to be filled with celebration for everyone.

But not for Ayumi who has just got her heart broken into pieces.

Ang bar ay puno ng kumikislap na ilaw, musika na umaalingawngaw, at halimuyak ng mamahaling alak. Lahat ay masaya, puno ng tawanan at sigawan ng pagbati, ngunit para kay Ayumi, bawat tawa ay parang kutsilyong humihiwa sa puso niya.

Pero sa kabila ng lahat ng ito, may bahid ng lungkot sa bawat lagok na kanyang iniinom.

Sa bawat baso ng alak na bumababa sa kanyang lalamunan, unti-unti niyang naramdaman ang kirot nang panlilinlang ni Levi sa kanya, ang pangako na ngayo’y tila walang nang bisa.

Hanggang sa hindi na niya namalayan, tumayo siya at naglakad palabas ng bar.

Sa labas, sinalubong siya ng malamig na hangin. Ngunit kahit ginawin ang balat niya, hindi nito napawi ang apoy ng galit at lungkot sa dibdib.

Wala sa sariling naglakad ang babae hanggang sa isang madilim na pasilyo. Isang lugar na halos walang tao, kung saan tanging ang kanyang mga hakbang at ang tibok ng kanyang puso lang ang naririnig.

At doon, sa pagitan ng dilim at anino, bumungad sa kanya ang isang lalaki.

Matangkad. Malamig ang presensya. At kahit sa dilim, halatang nakakasilaw ang kaguwapuhan nito.

Bago pa siya makapag-isip, she only find herself walking towards the man. And before any more seconds passed, she embraced his body tightly.

Niyakap niya ito na maraming emosyon ang nararamdaman niya. Galit at lungkot na nakasiksik sa puso. Hanggang sa hindi niya namamalayan na may lumalandas ng luha sa kaniyang pisngi.

At tila nga wala na si Ayumi sa sarili. Kasabay ng pag-iyak ay ang halik na puno ng sakit, galit, at pagnanais na makalimot kahit isang gabi lang.

Ang estrangherong lalaki’y tila nagulat, ngunit hindi umatras. Bumaba ang tingin ng lalaki sa babaeng nakayakap sa kanya, at sa malalim nitong boses, halong sexy at mabagal, sinabi niya,

“Really?” mahinang wika ng lalaki, boses nitong mababa at malalim, halos pabulong ngunit nakakayanig.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ayumi nang marinig ang boses na iyon. Agad na nakilala niya ang lalaki na nasa kanyang harapan.

Si Hunter Blake Velasquez.

Ito lang naman ang top lawyer ng bansa!

Maraming negosyo, at bilyonaryo. At higit sa lahat…

Ito ang kapatid ng fiancée ni… Levi.

Sa unang tingin, dapat siyang umatras, dapat siyang lumayo. Ngunit sa halip, mas hinigpitan niya ang yakap sa lalaki, hinayaan ang sarili na malunod sa sandaling iyon.

Sa bawat sandali, hinahaplos niya ang dami ng emosyon na matagal niyang ikinubli. Habang pinagmamasdan niya si Hunter, isang pag-iisip ang dumaan sa kanyang isipan…

Kung kaya akong lokohin ni Levi, bakit hindi ko rin kayang kalimutan siya at ipagpalit sa iba?

Maganda siya, maputi, may kurbang hindi mo aakalain sa unang tingin. She has everything a sane man could ask for!

Si Hunter ay hindi tipo ng lalaking padalos-dalos. Pero sa mga mata ni Ayumi na may pusong sugatan, tila may kumislot na bahagi sa kanya na matagal nang tahimik.

Inalalayan ni Hunter ang baywang ni Ayumi at dahan-dahang lumapit ang kanyang matangos na ilong sa ilong nito.

“Shall we go somewhere more private?” bulong ni Hunter sa boses nitong paos at nakaaakit.

Bagaman baguhan sa aspetong ito, nagkunwari si Ayumi na eksperto siya dito. Sa malambing na tinig, bumulong siya sa tenga ng lalaki,

“Hindi ko pa na-try dito.” mahinang sagot niya, halatang lasing sa damdamin kaysa sa ininom na alak.

Napakunot ang noo ni Hunter. Akala mo inosente, palaban pala.

Ngunit bago pa siya makapagsalita, muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Mas mapusok, mas totoo, at mas may lalim.

Parang mga tipikal na magkasintahan sa lungsod na nakulong sa pagitan ng alak at temptasyon, mabilis silang nalunod sa kanilang damdamin.

Ang bawat halik ay may kasamang pangako, galit, at takot sa lahat ng emosyon na matagal nilang tinatago.

Ngunit sa gitna ng init, isang pangalan ang lumabas sa labi ni Ayumi.

“Levi…”

Biglang naputol ang lahat.

Tumigil si Hunter, umatras, sumandal sa malamig na pader, at saka sinindihan ang sigarilyo. Habang bumubuga ng usok, tinignan niya si Ayumi na parang may natuklasan.

“Levi,” ulit niya sa paos ang boses. “Interesting.”

Napaatras si Ayumi. Alam niyang kilala siya ng lalaki.

“Alam mo kung sino ako, ‘di ba?” tanong ni Hunter, habang pinapagpag ang abo ng sigarilyo.

“Ano ‘tong ginawa mo, Miss Mercado? Kiss lang ba ‘to, o gusto mong gantihan si Levi?”

Hindi nakasagot ang babae. Kahit anong paliwanag, wala namang saysay. Kaya yumuko na lang siya.

“Pasensiya na po, Atty. Velasquez… lasing lang ako” mahina niyang wika.

Maglalakad na sana siya palayo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Si Tita Adela ang tumatawag.

“Ayumi, umuwi ka agad. May nangyari sa bahay!”

Nanginginig ang kamay niya nang maputol ang tawag. Agad na nanlambot ang tuhod ni Ayumi, dahil sa kumakalabog ang puso niya. Pagkababa ng cellphone, muli siyang tumingin kay Hunter.

“Atty. Hunter, pasensya na po talaga,” wika niya, may halong pag-aalinlangan.

Tahimik lang ang lalaki. Pagkaraan ng ilang sandali, tumayo ito nang diretso, hinubad ang coat, at iniabot sa kanya.

“Suotin mo ‘to. Ihahatid na kita” wika ni Hunter.

Hindi na nag-inarte si Ayumi. Kinuha niya ang coat, nagpasalamat nang mahina, at sumakay sa sasakyan.

Tahimik ang biyahe. Ang sasakyan ni Hunter ay isang silver porsche, isang sasakyan na kilalang classy. Paminsan-minsan, palihim siyang tumitingin sa lalaki.

Matangos ang ilong nito lalo na sa side view, perpekto ang panga, at kahit hindi pa yata pagsuotin mo ito ng basahan, halata ang mamahaling aura mula sa lalaki. Alam niyang ang mga lalaking ganito, hindi nauubusan ng babae. Bumuntong hininga na lang si Ayumi at tumingin sa labas ng tumatakbong sasakyan.

Pagdating nila sa tapat ng kaniyang bahay, huminto ang kotse.

Tumingin si Hunter kay Ayumi, saglit na natigilan ang mga mata sa maputi at makinis niyang binti, bago kumuha ng business card mula sa compartment at iniabot ito sa kaniya.

Alam niya kung anong ibig sabihin niyon. Pero ngumiti lang si Ayumi at marahang umiling.

“Atty., huwag na po dahil hindi na rin naman tayo magkikita ulit” wika ng babae.

Biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Akala niya si Tita Adela, pero nang silipin niya, i*******m message pala iyon ni Levi.

“Ayumi, where are you?”

Nakita yata ni Hunter ang pangalan kaya may malaking ngisi na ito ngayon.

“Loyal pa rin pala si Miss Mercado,” bulong niya sa sarili, may halong ngisi at misteryo.

Namula si Ayumi at hindi alam kung paano magpapaliwanag. Hanggang sa lumabas si Hunter ng kotse at tila gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.

Bumaba siya, dala pa rin ang coat ng lalaki na hindi pa niya naibalik.

Nang mawala ang babae sa paningin ni Hunter, tahimik lang ang lalaki habang nakaupo sa loob ng kotse. Walang pagsisisi o panghihinayang ang mababakas dito.

Isang gabi lang iyon ng tukso, ng init, ng mga damdaming matagal nang nakatago sa dilim. Isang gabing puno ng sigaw ng damdamin at lihim na emosyon na hindi niya inaasahang lalabas.

Habang naglalakad naman papasok ng kanilang bahay, ramdam ni Ayumi ang bigat sa kaniyang dibdib. Pinupuno ito ng halo-halong hiya, galit, at pagkasabik.

At kahit alam niyang mali, may maliit na bahagi ng kanyang puso ang nanghihinayang at nanabik…

What if this man, with kisses that taste like danger and comfort all at once, is the beginning of something she’ll never forget?
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 105

    Sanay din si Klent sa paggamit ng magkabilang kamay.Isang matamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Ayumi nang hindi niya namamalayan.“Siguro dahil pareho kaming nagpi piyano. Mas kailangan mo kasi ang ambidexterity sa ganyang instrument,” paliwanag niya.Agad siyang tinulak ni Samantha, kunwari ay

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 104

    Ang sinag ng hapon, na dahan dahang tumatagos sa malalaking bintana ng coffee shop, ay tila nagpapainit lalo sa matinding pamumula ng pisngi ni Ayumi. Nakaupo sila ni Samantha sa isang sulok, at matapos ang sunud sunod na mapang asar na tanong, isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila.Pilit

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 103

    Nang marinig ang provocative na panunukso ni Clara, napilitang tumingala si Ayumi mula sa kanyang kape. Ang kanyang composure ay impeccable, ngunit ang tension ay palpable.Nakita niya si Clara, na ngayon ay entrenched sa pag uusap sa ilang mayayamang ginang. Ang mga ginang na iyon ay mga magulang n

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 102

    Kinuha ito ni Ayumi at maingat na sinuri. Ang event ay hindi na lang isang reunion ito ay isang battleground.Bahagyang umubo si Samantha at yumuko palapit para magtanong, ang kanyang mga mata ay focused. “Did Attorney Velasquez agree to go? I think, with his calm and thoughtful nature, Attorney Vel

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 101

    Tumingala si Hunter mula sa kanyang mataas na posisyon, ang kanyang katawan ay nagbigay ng bigat ng isang alpha at ang intensity ng isang lalaking nasasabik. Malalim at matindi ang kanyang maitim na mga mata habang mariin siyang nakatingin kay Ayumi, isang gaze na tila lumalamon sa dalaga.Namula si

  • The Billionaire Lawyer's Forbidden Obsession   Kabanata 100

    Namula si Ayumi nang marinig ang bold advice ni Samantha. Ang mga salitang “make him happy and comfortable” ay umalingawngaw sa kanyang isip. Kahit matagal na silang magkasama ni Hunter sa isang bubong, nakakaramdam pa rin siya ng kaunting pressure sa sarili tungkol sa pagiging agresibo pagdating sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status