Share

Chapter 7

Aingelle POV

LATE NA akong nagising, dahil sa magdamag akong di pinatulog sa kakaisip kay Azrael. Agad akong bumangon at pumunta sa banyo. Naligo ako kasi ang alam ko ay pupunta kami sa farm ng hacienda, anihan daw kasi ngayon. Nang matapos na akong maligo ay agad akong bumaba, naabutan ko si Angel na nasa kusina at para bang may ginagawa. Tinignan niya ako ng masama.

Kung nakakamatay lang ang masama na tingin ay baka bumulagta na lang ako bigla. Nilampasan ko siya.

"Malandi!" bulong nito. Pero narinig ko naman siya.

Nagpanting ang dalawang tainga ko dahil sa sinabi niya. Ipinikit ko ang aking mga mata, at di ko siya pinansin. Lalagpasan ko na sana siya ng harangan niya ako.

"Ano ang ginagawa ni Azrael sa kwarto mo? Nakita ko siyang lumabas kagabi sa kwarto mo!" di agad ako nakapagsalita, para bang nalulon ko bigla ang dila ko.

"Wala, ewan ko. Hindi ko alam." patay-malisya na sabi ko sa kanya.

Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa akin. "I know na may gusto ka kay Azrael. So w
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status