Will add another chapter in a while.
"Oh, Czarina's husband?" Tumingin ang lalaki kay Czarina. "Woah, Akala ko ba ako ang paborito mong tito pero hindi mo pa ako pinapakilala sa asawa mo," sabi ng lalaki.Napatanga si Zayden. Ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng matinding pagkalito. Napatingin siya kay Czarina na tila nanghihingi ng paliwanag.Tumingin si Czarina sa lalaking kapapasok lang at inirapan ito."Husband? He's not, okay? Sinabi ko na nga na we're in the process of filing divorce," sabi ng babae."Pero hindi pa, 'di ba? So, we're still all related," sabi ng lalaki at hinarap si Zayden. Ngumiti ito at kita sa mukha na wine-welcome siya taliwas sa mga pinakitang reaksyon ng mga magulang ni Czarina kanina. "Come eat with us, young man.""Tito!" malakas na tutol ni Czarina at tinignan ng masama ang lalaki.Tumingin si Yvo Laude sa kanyang pamangkin na medyo namumula na sa inis."Bakit ka ba sumisigaw, eh, magkalapit lang naman tayo," sabi niya."Private dinner ito kasama ang pamilya ko. Alam ko na alam mo rin
Malalim ang iniisip ni Zayden habang nakatingin sa restaurant. Naglalaro pa rin sa isipan niya ang mga nabanggit na salita noon ni Czarina. Hindi man nito diretsahang sinabi pero alam niya na may chance si Adrian sa babae. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi niya iyon gusto.Sumandal siya sa sasakyan at marahas na inalis ang nakasuot sa kanyang tie. Matagal siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa restaurant bago pumasok ng muli sa loob ng sasakyan.Madilim ang mukha niya habang nagsisindi ng sigarilyo. Napapadalas na namang muli ang paninigarilyo niya na naitigil na niya dati.Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Ano nga ba at sino nga ba siya sa buhay ni Czarina ngayon?Clearly, kung hindi lang siya nadadala ng galit at ng pride niya, kung malinaw lang ang isipan niya palagi, aminado siyang wala naman siyang karapatan na kontrolin ang babae.Kung sina Czarina at Zayden na nga talaga, wala namang masama roon.Pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurot paalis. Pero hindi
Pagkatapos ng shift ni Czarina ay nagmamadali itong muli na umalis. Nagtitinginan at nag-uusap ang mga katrabaho niya, ang iba ay kinikilig, ang ilan ay nacu-curious. Nitong mga nakaraan ay napapadalas na talaga ang maagang pag-uwi niya.May dala siyang sasakyan ngayon at iyon ang ginamit niya patungo sa hotel. Hindi niya napansin na may isa pang sasakyan ang nakabuntot sa kanya.Huminto ang sasakyan sa tapat ng hotel. Lumabas siya at iniabot sa isang lalaki ang kanyang susi upang mag-park ng sasakyan niya para sa kanya. Malayo ang tingin ng lalaki kaya sinundan iyon ng tingin ni Czarina."Bakit?" kuryosong tanong ng babae."Parang nakasunod sa inyo ang sasakyan na iyon, Ma'am," bulalas ng lalaki habang nakatingin pa rin sa sasakyang naka-park sa kabilang kalsada.Tinignang mabuti ni Czarina ang sasakyan pero agad na rin itong umalis palayo. Pamilyar ang sasakyan na iyon sa kanya, kamukha ito ng isa sa mga sasakyan ni Zayden na bihira niya gamitin. Gayunpaman, hindi niya naman pwedeng
Medyo nakakapagtaka na napapadalas na sa hospital si Chloe dahil sumasakit ang sugat niya. Ang sabi ng doctor at ng test results ay dapat mas umo-okay siya habang tumatagal pero hindi iyon ang nangyayari. Medyo pumayat din ang babae kaya nag-aalala si Zayden. May iba pa kayang dahilan? She also looks stressed. At sa tingin ni Zayden, sa kanyang pagkakaalam, ay wala namang rason para ma-stress ang babae. Her family is doing okay. "What's wrong with you?" mahinahong tanong ni Zayden. Aminado ang lalaki na nitong mga nakaraan ay hindi na rin niya maintindihan ang babae. Magagaling na doctor ang kinuha ni Zayden para kay Chloe, sa isang magandang VIP room din ito laging ina-admit kung kailangan. Ang pangalawa nitong kapatid na lalaki ay lagi ring naroon upang samahan siya kahit busy ito sa trabaho. Honestly, there is no reason for Chloe to be stressed. "Zi," namumungay ang mga mata ng babae habang nakatingin kay Zayden. "Hindi ako masaya. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko magawang
Kumatok sa hotel room si Czarina, sa mismong kwarto rin na pinasukan niya kagabi. Bumukas ang pinto at isang lalaking nakasuot ng silk pajamas ang bumungad kay Czarina. Nasa late thirties na ang edad ng lalaki pero mukha itong mas bata pa rito dahil sa matikas na pangangatawan at mabenta pa rin sa mga babaeng nasa late twenties pa lamang. Walang sabi-sabing pumasok si Czarina sa loob. "Bakit ngayon ka lang?" sabi ng lalaki. Bumukas ang elevator at lumabas mula roon si Zayden pero hindi siya napansin pareho ni Czarina at nung lalaking kasama niya. Habang dahan-dahang sumasara ang pintuan ay natanaw niya pa ang pigura ni Czarina sa loob, maging ang lalaking may katangkaran at nakatalikod sa gawi niya. "What do you mean ngayon lang? Katatapos lang ng work ko, of course, your girl is a working girlie," masaya at proud na sabi ni Czarina. Iyon na ang huling narinig ni Zayden bago tuluyang sumara ang pintuan. Halos maitali na sa isa't isa ang dalawang kilay ni Zayden. Hindi
Malapit na mag-hatinggabi nang lumabas si Czarina sa hotel room. "I'll come back tomorrow after ng duty ko. Alam ko pagod ka pa kaya magpahinga ka na. Remember to change the schedules, ha?" Pagkalabas ni Zayden ay narinig niya ang boses ng isang lalaki mula sa loob ng kwarto. Nakita niya rin agad si Czarina na nakaharap sa pinto at may kausap. "Yes, yes, baby..." Halos lumuwa ang mata ni Zayden sa narinig. Mabilis siyang naglakad upang makita sana ang mukha ng lalaki pero agad na ring sumara ang pinto. Sino iyon? Si Adrian? Hindi niya malaman kung boses ba iyon ni Adrian o hindi. Pero kung si Adrian iyon, hindi ba parang mabilis naman masyado ang mga pangyayari sa pagitan nila ni Czarina? They were staying in a hotel room together now? Kaya hindi nakakapagtaka na si Czarina talaga ang may mas gusto na mag-divorce na sila. Hindi pa rin matanggap ni Zayden na talagang may kinikita na na iba si Czarina kahit hindi pa sila divorced. Kaya naman sa halip na umalis na at umu