Share

Chapter 281

Author: Raine
last update publish date: 2026-02-09 21:55:52

"So..." Brie smiled. "One of your friends?"

Hindi muli umimik si Zayden. Iniisip niya kung paano lulusutan ang sitwasyon na kapwa hindi maaapektuhan si Chloe o ang pangalan niya.

"Hindi kami magkaibigan," matapang na wika ni Chloe at hinarap si Brie. Pagkatapos ay nilingon niya ang lalaki na may kislap ng pag-asa sa kanyang mga mata. "Zi, sabihin mo sa kanila kung ano ang tunay na relasyon nating dalawa."

Dahil doon ay hindi lang atensyon ni Brie ang nakuha nila, pati na rin ng mga tao sa pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gem Lee
team Chloe kabit kasi di author kabit!.........
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
............ NAKAKA INIS ANG CHAPTER NATO KANINA KASAMA NI CZA C EDRIAN BAKIT NAWALA???
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 423

    Malakas na ang ulan nang makasakay si Zayden sa kanyang sasakyan. Napatingin siya sa kalangitan nang biglang kumulog nang malakas at may ilang sigawan na naganap sa paligid dahil sa gulat. Pabigat nang pabigat ang bawat patak na dumadapo sa sasakyan. "Where is she?" his voice is tired and weak. Para bang inilaan niya ang natitira niyang enerhiya para tanungin iyon. Mabigat ang paghinga niya kasing bigat ng bawat patak ng ulan. Nilingon siya ni Kevin na nasa driver seat na at kasalukuyang pinaaandar ang sasakyan. "Kasalukuyang nasa airport na sa oras na ito si Ma'am Czarina, sir," mabigat ang damdaming sagot ni Kevin. Halos mawalan ng kulay ang mukha ni Zayden. "Airport? Ano'ng ibig mong sabihin?" Tumingin si Kevin sa kanyang relo. Alam niya ang oras ng flight ni Czarina dahil sinadya niyang alamin iyon para kung sakaling tanungin siya ng boss niya. Pero mukhang huli na sila. "Isang oras nalang bago ang take-off ng eroplano niya, sir, mukhang hindi na po tayo aabot."

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 422

    "Zi, mahal lang talaga kita..." "Sa tingin mo ba ay may pakielam ako sa nararamdaman mo? How could you do that? Hindi ka ba nahihiya man lang? You're the daughter of the Smiths. Hindi mo iginalang man lang ang apelyidong mayroon ka. Did they even know about this? Huh?" Sinubukang ilabas ni Zayden lahat ng nararamdaman niya pero hindi pala sasapat ang ilang mga salita. Sa halip ay mas lalo lang nagpapatong-patong ang mga galit niya. Ginawa niya lahat para maingatan at maalagaan ang damdamin ni Chloe. He made a lot of adjustments, he made a lot of things he doesn't even want... just because she saved him. At paulit-ulit ipinamumukha sa kanya ni Chloe iyon. Only to fvcking know that it is a lie! Tumayo ito at halos matumba sa mabilisang pagkilos. "Zayden" / "Sir!" halos sabay na wika ng dalawa na parehong nagulat sa ginawa ni Zayden. Humawak si Zayden sa braso ni Kevin upang alalayan ang sarili. "Take me to Czarina. Now." Ramdam ni Kevin ang bigat ni Zayden. Nanghihina pa talaga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 421

    Halos malaglag ang panga ni Chloe nang sumingit muli si Kevin. Why does he keep on stabbing in the back at the slightest opportunity? Hindi ba ito marunong makiramdam? Zayden's chest heaved. Kahit nanghihina ay nakakuyom na ang dalawang kamao niya at pilit pinapakalma ang sarili pero hindi niya magawa. He was so damn mad! Kung pwede lang manakit ay nagawa na niya sa sobrang galit niya ngayon. At pansin na pansin iyon pareho nina Chloe at Kevin. Kaya naman mas lalong natakot magsalita si Chloe, pakiramdam niya'y isang maling salita lang ay hindi niya alam kung saan na siya pupulutin. Magaan si Zayden sa kanya noon kahit ano pang kasalanan niya dahil may utang na loob ito sa kanya. Pero ngayon na lumabas na ang totoo, ano pa ang pwede niyang paghawakan? Zayden Hart can ruin her in a snap! Niyakap ni Chloe ang sarili at halos bumaon ang mga kuko niya sa kanyang braso. Hindi siya makatingin kay Kevin na masama ang tingin sa kanya at ganoon din kay Zayden. "Miss Smith, ang tot

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 420

    Woah! Hindi makapaniwala si Kevin na sa harap mismo ni Zayden siya o-offer-an ng ganoon ni Chloe. Talagang wala na itong sinasanto. Nababaliw na talaga ang babae! Pairap na tinulak ni Kevin si Chloe patagilid upang makalapit sa boss niya. "Kevin!" Zayden warned him. Agad namang umiyak na tila nagpapaawa si Chloe, "Zi..." Pero bago pa makapagpaawa nang tuluyan si Chle ay mabilis ng sumingit si Kevin. "Sir, nagsisinungaling po sa inyo si Miss Smith." "Hindi iyan totoo!" mabilis na sabi ni Chloe. Mas lalong naguluhan si Zayden. Napatingin ito kay Chloe na basa na ng luha ang mukha. Ano'ng ibig sabihin ni Kevin? "Zi, h-hindi, hindi talaga. Mahal kita, mahal na mahal kita at kung may nagawa man ako na posibleng hindi mo magustuhan ay dahil iyon mahal kita." Mabilis na dumalo si Chloe sa tabi ni Zayden at hinawakan ang kamay nito. "Please believe me, Zi..." Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit biglang sobrang emosyonal ni Chloe? Naguguluhan man ay hinawakan niya nal

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 419

    "Kevin!" kumatok ng ilang beses si Chloe, tila lalabas na ang puso niya sa kaba. She swallowed hard and fast while looking at Kevin. Pinipilit niyang maging kalmado dahil madaming tao sa labas ng kwarto. "Kevin, buksan mo 'to."Sa kabilang banda ay hindi pinagtuunan ng pansin ni Kevin si Chloe. Dumiretso ito agad sa boss niya na gising na sa mga oras na iyon."Sir," bati nito na tinanguan naman ni Zayden, halatang nanghihina pa rin.Kumunot ang noo ni Chloe. Kanina pa ito papadyak-padyak at palakad-lakad ng pabalik-balik sa tapat ng kwarto. Kagat-kagat nito ang daliri habang maya't mayang tumitingin sa loob.Bakit kailangang ngayon pa pumunta roon si Kevin? At talagang kailangang i-lock ang pinto?Ano'ng gagawin niya kapag nalaman ni Zayden ang lahat? Sasabihin kaya iyon ni Kevin? She warned him already.Napatingin si Zayden sa may labas, salamin ang itaas na parte ng pintuan kaya kitang-kita niya si Chloe na naroon, halatang kabado at hindi mapakali. Mas lalo niyang napansin ang pagk

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 418

    Hindi na umimik pa pagkatapos noon ang lola ni Czarina. Halata naman na disappointed ito sa naging desisyon niya. Ayaw nito na mag-abroad si Czarina dahil gusto niya ay magpatuloy ito sa larangan ng medisina. Kahit sino naman sa kanila ay malulungkot kung hindi ang gusto nila ang gagawin ni Czarina. Her dad was sad, too, when he learned she's joining the hospital. Her mom, too, when she's not interested in her field of work. At ngayon ay ganoon din ang lola niya nang sabihing pagbi-business naman ang gusto niyang tutukan. At ang ama niya naman ang masaya sa pagkakataong ito. "Kailan ang alis mo, kung ganoon?" tanong ng lolo ni Czarina sa kanya. Napatingin sa orasan si Czarina at muling binaling ang tingin sa kanyang pamilya. "Mamayang gabi na po ang flight ko," anunsyo niya sa mga ito. Halos lahat ay nakitaan ng gulat. In-expect na nilang aalis ito agad pero hindi ganitong agad-agad. "Ngayong gabi na agad?" the old man exclaimed. Tipid na ngumiti si Czarina at mara

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 47

    Naningkit ang mga mata ni Zayden sa tinuran ni Czarina. "Sa tingin mo ba ay may pakielam ako sa kahit anong gagawin mo?" malamig na wika niya sa babae. "Concern lang ako, baka magmukha kang sobrang nakakaawa kapag natalo ka."Nakatitig si Chloe kay Zayden. Kanina niya pa pinipigil ang hininga dahil

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 45

    Maganda ang mood ni Zayden kaninang umaga kaya nga napilit ito ni Chloe na lumabas ngayon at mag-date. Sa golf course siya dinala ng babae. Ngunit ang kaninang magandang pakiramdam niya ay biglang sumama nang makita si Czarina. Bumaba ang mga mata niya sa magkahawak-kamay na mga kamay nina Czarina

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 26

    Tulala na nakatitig sa kawalan si Zayden nang madatnan ni Calix sa loob ng kwarto. Lumingon ito sa pintuan nang maramdamang may dumating.Hindi nagsalita si Calix at nakatitig lang kay Zayden. Nagtataka na ito sa kinikilos ng kaibigan."What?" masungit na tanong ni Zayden na medyo nailang sa titig

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 38

    Nang marinig ang mga sinabi ni Chloe ay agad naalala ni Zayden si Czarina. Ramdam niya kung gaano siya kamahal ni Czarina noon, napagod din ba ito gaya ng sinabi ni Chloe? Parang sinasaksak ang puso niya sa naisip.Kumurap-kurap siya at muling ibinalik kay Chloe ang atensyon. Ang babaeng ito ang na

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status