Share

Chapter 65

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-05-19 21:40:41

Pagkaalis ni Czarina ay agad kinuha ni Chloe ang cellphone niya at may tinawagan.

"Nahanap mo na ba kung sino ang nakakuha ng Snow Lotus Grass?" tanong ni Chloe sa nasa kabilang linya.

("Miss Smith, sinubukan ko na lahat ng kaya kong gawin pero wala talaga. Ni wala akong makita na kahit na anong trace ng Snow Lotus Grass na iyon.")

Puno ng katanungan ang isipan ni Chloe. Ni wala ngang nakita na trace ng Snow Lotus Grass, paanong may nakakuha na bigla nito?

Sino ang nakakuha no'n?

Totoo kaya ang nakarating sa kanyang balita na isang sikat na hacker ang may hawak no'n?

"Bullsh*t!" Napapadyak si Chloe sa inis. "Bilisan mo at humanap ka ng paraan para mahanap iyon!"

Malapit na ang birthday party ni grandma pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang Snow Lotus Grass sa kamay niya.

Ano nalang ang iisipin ng pamilya ni Zayden? Magmumukha na naman siyang katawa-tawa!

("Miss Smith, meron pa tayong isang paraan. May way tayo para ma-contact ang base, baka sakaling makausap natin ang si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 66

    Nag-log in si Czarina sa secret account na gamit nila sa base at in-open ang mensahe na galing sa hindi kilalang tao. To: Stranger Bigyan mo ako ng isang bilyon. From: Stranger One billion, deal. Kayang-kaya iyan ibigay ng kliyente ko. To: Stranger May isa pa. Gusto kong makita sa personal ang boss mo at makipag-transact sa kanya ng personal. I'll send you the address and date in a while. Pagkatapos sabihin iyon ay sinend agad ni Czarina ang address at date sa taong iyon. At agad ni-log out ang account. Sa kabilang banda ay nalilito at nagtatakang binasa ng tauhan ni Chloe ang mga chat na iyon. Hindi siya agad nagdesisyon at sinabihan si Chloe tungkol sa sinabi ng hacker. ***** Isang bar ang lugar na ibinigay ni Czarina sa tauhan ni Chloe. Maulan at gabi na nang makarating si Czarina sa lokasyon. Bumaba siya ng sasakyan at dala ang payong ay halos takbuhin niya ang distansya ng sasakyan niya at ng entrance ng bar. Akala niya ay makakapasok na siya ng payapa nang

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 65

    Pagkaalis ni Czarina ay agad kinuha ni Chloe ang cellphone niya at may tinawagan. "Nahanap mo na ba kung sino ang nakakuha ng Snow Lotus Grass?" tanong ni Chloe sa nasa kabilang linya. ("Miss Smith, sinubukan ko na lahat ng kaya kong gawin pero wala talaga. Ni wala akong makita na kahit na anong trace ng Snow Lotus Grass na iyon.") Puno ng katanungan ang isipan ni Chloe. Ni wala ngang nakita na trace ng Snow Lotus Grass, paanong may nakakuha na bigla nito? Sino ang nakakuha no'n? Totoo kaya ang nakarating sa kanyang balita na isang sikat na hacker ang may hawak no'n? "Bullsh*t!" Napapadyak si Chloe sa inis. "Bilisan mo at humanap ka ng paraan para mahanap iyon!" Malapit na ang birthday party ni grandma pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang Snow Lotus Grass sa kamay niya. Ano nalang ang iisipin ng pamilya ni Zayden? Magmumukha na naman siyang katawa-tawa! ("Miss Smith, meron pa tayong isang paraan. May way tayo para ma-contact ang base, baka sakaling makausap natin ang si

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 64

    Paglabas ay agad inalis ni Czarina ang kamay sa kanya ni Zayden. Natigilan si Zayden at tiningnan ang babae pero nilagpasan lamang siya ni Czarina. Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ito. "Saan ka pupunta?" "Hindi mo na ako kailangang ihatid," walang emosyong sabi ni Czarina. Sa ilang taon nilang magkasama ay hindi naman siya kailanman hinatid ng lalaki. Hindi na nito kailangan pang magkunwari, alam na rin naman ng lahat ang tunay na estado ng relasyon nilang dalawa. Bakit pa ito magkukunwaring gentleman ngayon? Nagsalubong ang kilay ni Zayden sa paraan ng pagsagot sa kanya ni Czarina. Balik na naman sila sa trato sa kanya ng babae na tila estranghero na nangungulit. Huminto sa harap ng elevator si Czarina at tumabi naman sa kanya ang nakasunod na si Zayden."Tungkol sa narinig mo kanina...""Save it." Paharap na ngumiti si Czarina kay Zayden upang ipakita na ayos lang siya. Pero ang totoo ay ayaw niya ng makarinig pa ng paliwanag na hindi rin naman makakapagpagaan ng kal

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 63

    Bumaba ang tingin ni Zayden sa mga kamay ni Czarina na nakalapat sa palapulsuhan niya. Ang simpleng pagdikit lang ng balat nilang dalawa ay parang nagpapawala sa kanya sa ulirat. She looks weak and strong at the same time.Dahil nauuna ito ay napansin ni Zayden ang tattoo nito na butterfly sa bandang likuran. Iyon ang unang beses na nakita iyon ni Zayden sa malapitan. Kapag tinitigan mo ng mabuti iyon ay mapapansin mo na parang may peklat sa ilalim at ginamit ang tattoo upang itago.Wala sa sariling nagtaas ng kamay si Zayden upang hawakan sana ang parteng iyon pero hindi niya natuloy dahil agad humarap si Czarina sa kanya at patulak na binitawan ang kamay.Tumikhim si Zayden upang itago ang pagkataranta sa muntik gawin.Parehong-pareho ang pwesto ng tattoo ni Czarina sa sugat din ni Chloe sa likuran.Nagbaba siya ng tingin upang salubungin ang masamang tingin ni Czarina sa kanya."Ano ba ang nasa isip mo para sabihin kay grandma na magdi-divorce tayo?" kita ang iritasyon sa mukha ni

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 62

    "Sa tingin mo ba deserve ni Czarina ang lahat ng ito, huh?"Hindi. Aminado naman siya na hindi deserve ni Czarina lahat ng sakit na dinulot niya. Pero hindi tama na ipagpatuloy ang lahat ng ito. Kailangan siya ni Chloe at pinangakuan niya ng kasal ang babae."Hindi ko mahal si Czarina, mom. This is just a marriage for convenience, alam mo iyan. I have no feelings for her at all."Napapikit sa inis ang mommy ni Zayden sa mga salitang narinig. Mahal ni Marissa Hart, ang nanay ni Zayden, si Czarina na tila ba isang tunay na anak nito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi ito magustuhan man lang ng anak niyang si Zayden gayong napakabait ng babae. Bukod doon ay matalino ito, madaming talento, masayang kasama, at nanggaling sa maganda at mayamang pamilya.She has everything a man would ever asked for.Umiling siya upang ipakita ang pagkadisgusto sa mga narinig."Czarina do not deserve any of this, Zayden! Ilang taon niya ring tiniis ang lahat ng ito. Dapat ay bumabawi ka sa kanya, hind

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 61

    Masama ang tingin kay Zayden ng buo niyang pamilya nang makapasok siya sa hospital room ng kanyang grandma. Nasaktuhan niya na nandoon ang doctor at nagpapaliwanag ng kasalukuyang lagay ng matanda. Dumiretso ang mga mata ni Zayden sa kanyang lola na nakahiga at mahimbing na natutulog. May mga nakatusok sa kanya na kung ano-ano at masakit ang puso ni Zayden na makita ito sa ganoong kalagayan. "Hindi na ganoon kaganda ang lagay niya," sabi ng doctor. "Hindi siya pwedeng ma-stress maski sa maliliit lang na bagay. Humihina na rin ang puso niya. Ang magagawa lang natin sa ngayon bukod sa mga gamot ay maiwasan niyang mag-isip-isip ng sobra." Lumunok si Zayden at nahihiyang nagbaba ng tingin. Hindi niya masalubong ang mga mata ng kanyang pamilya. "Pasensya na, doc, naistorbo ka pa namin. Hindi ka pala naka-duty ngayon..." sabi ng mommy ni Zayden. Ngumiti ang doctor at tumingin sa gawi ng matanda. Malaki ang utang na loob nito sa grandma ni Zayden dahil ang kumpanya nila ang nagbiga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 60

    Tahimik ang buong bahay nang pumasok si Zayden. Sinuyod niya ang buong sala, ni walang fresh na bulaklak doon, napalitan na ng mga plastic flowers. Dati, pagkadating niya galing trabaho ay naaamoy niya agad ang natural na amoy at bango ng mga sariwang bulaklak. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kahit kagagaling sa hospital at kahit ilang paalala ang narinig niya ngayong araw ay dumiretso pa rin siya sa may ref at kumuha ng beer. Walang maririnig na kahit ano sa buong bahay. Ramdam na ramdam ni Zayden na mag-isa siya at hindi niya gusto ang pakiramdam na iyon. Ibinaba niya ang beer sa mesa at sinagot ang nagri-ring niyang cellphone. Napapikit siya nang makita kung sino ang caller. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa grandma niya. Pagod na siyang magsinungaling. Ayaw niya man sagutin ay mas lalong nakakatakot kapag hindi niya iyon sinagot. "Hello, grandma..." Malalalim na hininga ang narinig ni Zayden mula sa kabilang linya. Wala pang salitang lumalab

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 59

    Tulala at namumula sa galit ang mukha ni Chloe habang nakatingin sa anunsyo sa kanyang cellphone. Ilang sikat na pahayagan at mga pages na madadaming likes ang nagsabi na nahanap at nabenta na raw ang snow lotus grass. Nanginginig ang mga kamay niya at hindi niya na namalayan ang pagtulo ng mga luha. Puno ng hinagpis ang puso niya. Pakiramdam ni Chloe ay iyon lang ang tanging paraan para mapaamo ang matanda na siyang tangi ding dahilan para makapasok ng maayos sa pamilya ni Zayden. "Wala na," sambit niya. "Tapos na, wala na, Zi... may nakakuha na ng snow lotus grass. Wala na akong pag-asa na tanggapin pa ng pamilya mo. Paano na 'to? Wala na..." Humihikbi siya habang nakatingin pa rin sa cellphone. "What's wrong?" mahinahong tanong ni Zayden, nag-aalala. "Bakit ka umiiyak? Ano'ng wala na?" Ipinakita ni Chloe ang isa sa mga post na nakita niya. 'Snow lotus grass, a rare herb, was sold for one billion' "Isang bilyon?" kunot-noong basa ni Zayden. Nanghihina pa rin siya p

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 58

    "Seriously? Hatinggabi, Czarina? Ano'ng gagawin mo rito?" Sinundan ni Viktor papasok sa basement si Czarina. Kalmado lang ang mukha ng babae pero nagngingitngit ang kalooban nito. "Saan ka ba galing? Hindi ka ba hinahanap nila Tito?" pangungulit ni Viktor dahil kinakabahan na siya sa gagawin ni Czarina. Kapag seryoso ito sa isang bagay ay talagang gagawin niya ang lahat para magtagumpay. At iyon ang nakikita ni Viktor ngayon. She looks like she's about to destroy someone. Umupo si Czarina sa harap ng malalaking computer kung saan siya talagang nakapwesto. "May nakahanap na ba ng snow lotus grass?" tanong ni Czarina habang pumipindot ng kung ano sa key board. Nangunot ang noo ni Viktor. Snow lotus grass? Bakit kaya nabanggit iyon bigla ni Czarina? Interesado din ba ang pinsan niya roon? "What do you mean?" puno ng pagtatakang sabi ni Viktor at umupo sa katabing upuan habang nakatingin sa pinsan niya na wala ng emosyon ang mukha. "Akala ko wala kang interes na hanapin

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status