Share

Chapter 69

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-05-26 19:44:22

Malakas ang ulan nang lumabas ng bar si Czarina. Napangiti siya at niyakap ng bahagya ang sarili dahil sa malakas na simoy ng hanging dumapo sa kanyang balat.

Pero agad siyang napaigtad sa gulat nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Halos mangiyak-ngiyak niyang nilakad ng mabilis ang daan patungo sa parking lot.

She loves the rain. Gustong-gusto niya ang tunog ng ulan at ang lamig na dulot nito. Sa mga ganitong panahon ay gusto niya lang magkumot habang nanonood ng drama o 'di kaya ay nagbabasa ng libro.

Pero hindi ang kulog at kidlat.

Noon ay hindi naman siya takot sa gano'n pero mula nang mangyari ang kidnapping incident kung saan nahulog siya sa dagat habang nakatali upang iligtas si Zayden ay nabago ang pananaw niya.

Malakas ang ulan at kulog ng gabing iyon at hanggang sa ilalim ng tubig ay dinig na dinig niya iyon. The loud thunder that shakes her whole being. Sa tuwing nakakarinig si Czarina ng kulog ay pakiramdam niya ibinabalik siya sa mga panahon na iyon. Sa ilali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
ang tagal mag update tapos iisang chapter lang.at kelan b malalaman ni zayden n c czarina ang totoong nagligtas sa kanya at hindi c chloe.nagagandahan Sana aq s kwento Pero parang magiging boring hayts
goodnovel comment avatar
Melba Ritos
salamat po s update more update please thanks
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 73

    Pumasok sina Czarina at Chloe sa loob ng VIP room. Nagtanong ang waiter kung ano ang o-orderin nila pero sinabi ni Chloe na may hinihintay pa silang bisita.Samantalang si Czarina ay agad ng um-order ng pagkain niya habang naghihintay."Seriously?" iritadong sabi ni Chloe. "Nakakahiya naman na dumating siya rito at maabutan niya tayong kumakain.""Hindi ka naman kakain, ako lang naman, ah?" inosenteng sabi ni Czarina at hinawakan ang kanyang tiyan. "Saka anong oras na, nagugutom na ako. Mga anong oras ba siya darating?"Napasilip si Chloe sa kanyang relo at agad nairita nang makita na late na naman ng ilang minuto ang hacker na iyon. Gayunpaman ay hindi niya iyon pinakota kay Czarina."Baka na-traffic, i-te-text ko nalang," sabi nito at dinampot ang phone upang magtipa ng mensahe.To: Secret HackerNasaan ka na? Don't tell me magpapa-late ka na naman at hindi sisipot? Huminga nang malalim si Chloe upang pakalmahin ang sarili. Hindi niya alam ang gagawin kung hindi na naman sisipot an

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 72

    "Bakit ka ba umiiyak?" natatawa pero nag-aalalang tanong ng ama ni Czarina. Inilayo ni Mr. Laude ang mukha sa anak at tinitigan ng mabuti ang kanyang unica hija. Nadudurog ang puso niya sa tuwing nakikita na ganito si Czarina. "Dad..." Huminga nang malalim si Czarina. "Thank you for everything, really. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka, kung wala kayo..." Pinunasan ng marahan ni Mr. Laude ang mga luha sa magandang mukha ng kanyang anak. "Of course, honey," malambing na wika niya sa anak. "Kahit ano pa man ang gawin mo, kahit ilang desisyon pa iyan- tama o mali, kahit ilang beses ka pang madapa... lagi mong tatandaan na nandito lang kami ng mommy mo para sa'yo." Lalong humagulhol ng iyak si Czarina nang marinig iyon. Pilit naman siyang pinakalma ng kanyang ama na naiiyak na rin sa nakikitang kalagayan ng anak. Pagkatapos ng madamdaming usapan na iyon ay ipinagluto ng soup ni Mr. Laude si Czarina upang gumaan kahit papaano ang pakiramdam nito. "Malapit na ang birthda

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 71

    Kanina pa pasulyap-sulyap si Adrian sa labas kaya naman hindi na natiis ni Czarina at sinilip ang rearview mirror kung ano marahil ang tinitingnan nito."Zayden?" nagtatakang sambit niya sa sarili nang makilala ang sasakyang nakasunod sa kanila.Kumunot ang noo niya at napaisip kung bakit nandoon ang lalaki. Hindi ba't umalis na ito kanina kasama si Chloe?Bumalik ba siya? Pero para saan?May pakielam ba siya kay Czarina para bumalik pa ito ng ganitong oras habang kasagsagan ng malakas na ulan?"Sinusundan ka ba niya?" tanong ni Adrian.Agad umiling si Czarina. "I don't think so..."Pero parang ganoon nga ang ginagawa ni Zayden. Sinubukang bilisan ni Adrian ang takbo ng sasakyan pero binilisan din ni Zayden ang kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Czarina. Hindi niya alam ang gagawin. Talaga bang bumalik si Zayden para sa kanya o nanaginip lang siya?At hindi pa roon nakuntento si Zayden, sinubukan pa nitong pumantay sa pwesto ni Adrian.Magaling na driver si Zayden, alam iyon ni Cz

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 70

    Nakadukdok si Czarina sa may manibela ng sasakyan niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang tainga. Hindi niya alam ang uunahin, kung iiyak ba siya o sisigaw. Ilang minuto na siyang ganoon at kapag tumahimik sandali ay tatahan siya pero agad din namang magpaparamdam ang kulog at kidlat na kinatatakutan niya.Mabilis ang tibok ng puso ni Czarina sa mga oras na iyon."Damn it, Czarina, ilang taon na ang lumipas, kailan ka ba makaka-get-over sa trauma na ito?" naiiyak na sermon niya sa sarili na sinundan ng malulutong na mura dahil sa gulat ng biglang pagkulog.Tumunog ang cellphone niya sa gilid. Hindi na niya halos marinig iyon pero naramdaman niya ang pag-vibrate nito at ang biglang pag-ilaw.Bumungad ang pangalan ni Adrian sa cellphone niya.From: AdrianNasa labas ka ba? Parang sasakyan mo yung nakita kong naka-park.Mabilis ang paghinga na kinuha niya ang cellphone upang mag-reply sa lalaki at humingi ng tulong pero agad niyang nabitawan iyon nang halos umuga ang sasakya

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 69

    Malakas ang ulan nang lumabas ng bar si Czarina. Napangiti siya at niyakap ng bahagya ang sarili dahil sa malakas na simoy ng hanging dumapo sa kanyang balat.Pero agad siyang napaigtad sa gulat nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Halos mangiyak-ngiyak niyang nilakad ng mabilis ang daan patungo sa parking lot.She loves the rain. Gustong-gusto niya ang tunog ng ulan at ang lamig na dulot nito. Sa mga ganitong panahon ay gusto niya lang magkumot habang nanonood ng drama o 'di kaya ay nagbabasa ng libro. Pero hindi ang kulog at kidlat.Noon ay hindi naman siya takot sa gano'n pero mula nang mangyari ang kidnapping incident kung saan nahulog siya sa dagat habang nakatali upang iligtas si Zayden ay nabago ang pananaw niya.Malakas ang ulan at kulog ng gabing iyon at hanggang sa ilalim ng tubig ay dinig na dinig niya iyon. The loud thunder that shakes her whole being. Sa tuwing nakakarinig si Czarina ng kulog ay pakiramdam niya ibinabalik siya sa mga panahon na iyon. Sa ilali

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 68

    Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Czarina habang may hawak na chichirya. Mistula itong nanonood ng magandang palabas. Pinigilan niyang maglabas ng nakakalokong ngisi habang nakatingin sa busangot na mukha ni Chloe."Nandito ka pa pala?" kunwari ay gulat na sabi ni Czarina. "Ang tagal ng usapan niyo, ah?"Sinilip ni Czarina ang loob ng kwarto na inookupa ni Chloe kanina pero agad humarang si Chloe.Inis na inis si Chloe sa mga oras na iyon dahil sa matagal niyang paghihintay pero hindi niya iyon ipapakita kay Czarina. At mas lalong hindi siya papayag na malaman nito na hindi siya sinipot ng ipinagmamayabang na tao kanina."Ang imot naman nito," wika ni Czarina. "Sisilipin ko lang naman kung ano ang itsura nung sinasabi mong magaling na hacker."Umismid si Chloe at humalukipkip. Sinubukan niyang ngumiti kay Czarina upang ipakita na masaya siya.Pero hindi iyon tumalab kay Czarina. Alam niya man o hindi na hindi sinipot si Chloe ay masyado namang halata ang reaksyon nito. She looks m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status