Share

Chapter 68

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-05-22 21:54:52

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Czarina habang may hawak na chichirya. Mistula itong nanonood ng magandang palabas. Pinigilan niyang maglabas ng nakakalokong ngisi habang nakatingin sa busangot na mukha ni Chloe.

"Nandito ka pa pala?" kunwari ay gulat na sabi ni Czarina. "Ang tagal ng usapan niyo, ah?"

Sinilip ni Czarina ang loob ng kwarto na inookupa ni Chloe kanina pero agad humarang si Chloe.

Inis na inis si Chloe sa mga oras na iyon dahil sa matagal niyang paghihintay pero hindi niya iyon ipapakita kay Czarina. At mas lalong hindi siya papayag na malaman nito na hindi siya sinipot ng ipinagmamayabang na tao kanina.

"Ang imot naman nito," wika ni Czarina. "Sisilipin ko lang naman kung ano ang itsura nung sinasabi mong magaling na hacker."

Umismid si Chloe at humalukipkip. Sinubukan niyang ngumiti kay Czarina upang ipakita na masaya siya.

Pero hindi iyon tumalab kay Czarina. Alam niya man o hindi na hindi sinipot si Chloe ay masyado namang halata ang reaksyon nito. She looks m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Johainie Asum Akil
nxt chapter please
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
Wala pang update author
goodnovel comment avatar
Rechelle Aniceto
nakalimot na ang author.. ala ng update..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 110

    Namukhaan ni Czarina ang babaeng doctor na palapit sa pwesto niya. Kagalang-galang at napakalinis tignan ng babae na hindi mapigilan ni Czarina na hindi mamangha. Ito ang chief physician ng heart surgery department at ang magiging pinaka-boss ni Czarina sa pagtatrabaho niya rito. May kinuha itong folder mula sa mga nurse na naka-stay doon ngayon at may binasa nang mapansin niya ang titig ni Czarina. Nag-angat ito ng tingin, seryoso ang mga mata at ni hindi ito ngumiti. Gayunpaman ay isang malaking ngiti naman ang sinukli ni Czarina sa doctor. "Doc Garcia," magalang na bati niya sa babae. Tumango ang doctor sa kanya. "Ikaw yung bago?" "Yes po," masiglang sabi ni Czarina na medyo na-i-starstruck pa sa babaeng doctor. "Hintayin mo ako sa opisina." Umalis na ito pagkatapos sabihin iyon, mukhang mahalaga ang oras nito. Naintindihan naman ni Czarina dahil abala ang lahat sa mga oras na iyon. Dahil sa pagkausap sa kanya ni Doc Garcia ay umani siya ng mga atensyon at opinyon sa mga

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 109

    Paglabas nina Czarina at Zayden sa clinic ay sakto namang napadaan si Chloe. Napadalawang lingon si Chloe upang siguraduhin na sila nga iyon. "Zi? Czarina?" tawag niya sa dalawa. Sabay na lumingon ang dalawa kay Chloe. Nakasuot ng puting hospital gowin si Chloe at may bitbit na kape sa kanyang kamay. Nang mapagtanto na tama nga siya at si Zayden ang kanyang nakita ay natigilan ito at nakaramdam ng matinding pagkadismaya. Kaya pala kanina niya pa hindi ma-contact ang lalaki ay may pinagkakaabahalan pala itong iba. Pero bakit? Hindi ba't wala naman itong gusto kay Czarina? Ano ang nangyayari? Ngayon na hiwalay na sila ay saka niya nare-realize na mahal niya pala si Czarina? Gano'n? "Uhh, naistorbo ko yata kayo," mapait na sabi ni Chloe. Agad namang nagpaliwanag si Zayden upang hindi na mas lumala pa ang naiisip ni Chloe. "No," sambit nito at lumapit kay Chloe. "Sinamahan ko lang siya sa follow up check up niya doon sa mga sugat na nakuha niya noong birthday ni grandma." Nakating

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 108

    "Buksan mo ang pinto!" nilingon ni Czarina si Zayden at tinapunan ito ng matalim na tingin. "Bilisan mo!" Hindi siya pinansin ni Zayden. Dahil doon ay mas lalong nainis si Czarina at pinagpilitan ang gusto niya na lumabas ng sasakyan, pero sa lalong pagpipilit nito ay lalong hindi binuksan ni Zayden ang sasakyan. "Umayos ka na ng upo," malamig na sabi ni Zayden at bago pa man makasagot si Czarina ng pabalang dito ay mabilis na pinaharurot ni Zayden ang sasakyan palayo sa bahay nila Czarina. Galit na galit si Czarina at nahihiya rin siya lalo kay Adrian. To: Adrian Sorry, hindi ko alam kung ano ang trip nitong si Zayden. Pasensya na talaga, Adrian, bawi nalang ako sa'yo. Agad naman nakatanggap ng reply si Czarina mula sa lalaki. From: Adrian It's okay. Na-late naman talaga ako ng punta. I'm not mad, don't worry. Take care. Nang mabasa ang mensahe na iyon ni Adrian ay mas lalong na-guilty si Czarina. Sa totoo lang, may mga pagkakataon na napapaisip siya na kung sana si Adrian

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 107

    "Zayden, ibaba mo ako," nagpupumiglas na sabi ni Czarina. Nahihiya siya kay Adrian, um-oo na siya rito at may usapan pa sila na magbe-breakfast ng sabay tapos bigla nalang e-eksena itong dati niyang asawa at manggugulo? "Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo ha?" nagngingitngit na saad ni Czarina. Binaba ni Zayden ang tingin upang salubungin ang matatalim na titig ni Czarina. "Mrs. Hart, if you still want for the divorce to actually happen, you will follow what I want," sabi nito. 'If you still want for the divorce to actually happen...' nag-echo iyon sa isipan ni Czarina. At talaga bang tinawag siya nitong 'Mrs. Hart'? Anong kabaliwan ang nangyayari ngayon? "What the hell do you mean by that?" naiinis at naguguluhang tanong ni Czarina. Pinaupo ni Zayden si Czarina sa passenger seat. Ito na rin ang nagsuot ng seat belt ng babae, inayos iyon, at muling tinitigan si Czarina. Magkalapit lang ang mga mukha nila. "You know..." Nagtaas ng kilay si Zayden. "...what I actua

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 106

    Binuksan ni Zayden ang pintuan ng passenger seat at kinuha ang palapulsuhan ni Czarina. Medyo may lakas nitong pilit pinaupo ang babae roon pero nagpupumiglas si Czarina. "Ano ba?" Hinila ni Czarina ang kamay niya at agad itong napadaing nang maramdaman ang hapdi ng ilan sa mga sugat niya. "Ouch, ouch..." Nang marinig iyon ay dumapo ang mga mata ni Zayden sa mukha ni Czarina at nabasa rito na nasaktan nga talaga ang babae. Natataranta at takot na masaktan si Czarina ay agad pinakawalan ni Zayden ang babae. Tinignan ng masama ni Czarina si Zayden at marahang hinaplos ang kamay niya na hinila ni Zayden kanina. Mabigat ang paghinga nito at isa sa rason no'n ay ang galit."Ano ba itong ginagawa mo, Zayden?" naguguluhan at naiinis na sabi ni Czarina.Ayaw ni Zayden sa kanya at halos araw-araw sa loob ng tatlong taon nitong pinapamukha sa kanya iyon. At ngayon na umalis na siya, ngayon na talagang pinakawalan niya na ang lalaki ay bigla naman itong susulpot nalang at gumagawa ng kung ano

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 105

    "Mauuna na ako at baka nakakaabala na po ako sa inyo," pagpapaalam ni President Yu. Muli itong sumulyap kay Czarina, seryoso ang mukha nito at tila naninimbang. "It's okay. Mag-start na rin ang apo ko na magtrabaho sa inyo sa mga susunod na araw. Kindly guide her." "Yes, of course. We will gladly guide her." Tumayo na si President Yu at may umalalay na sa kanya palabas. Naiwan si Czarina at ang lola niya sa sala. Muling tinignan ng kanyang lola ang karayom na may logo. Naiwan ni President Yu ang dalawang piraso no'n bagaman nasa matandang lalaki pa ang ibang piraso no'n. "Strange. She's been missing in action for years now," sabi ng lola ni Czarina bago ito nag-angat ng mukha at tinignan ang kanyang apo na tila pinapaalam na siya ang kausap nito. "Hmm," tumango na lamang si Czarina. Hindi niya alam ang sasabihin lalo't alam niyang magsisinungaling lang siya. She smiled awkwardly before saying good bye and walking away. ***** Matapos ang ilang araw, dumating na ang araw na k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status