LOGINPagdating ni Czarina sa hospital ay agad niyang nakita ang mga taong hindi niya gustong makita ngayong araw.Sina Brent Smith at ang mommy nito. Mukhang may follow-up check-up ang ginang. Nang magkatinginan silang tatlo ay mabilis at kalmadong iniwas ni Czarina ang tingin sa mga ito at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila.Ayaw niya ng gulo. Hangga't wala namang ginagawa muli ang mga ito sa kanya ay wala naman siyang balak gawan din ang mga ito ng masama.Medyo nahiya rin si Brent nang makita ang babae dahil alam niyang kasalanan naman ng mommy niya ang nangyari kaya iniwas niya na lang din ang mukha sa babae."Mom, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo kay Czarina. Ni hindi natin siya masisisi dahil ikaw naman pala ang nauna," pangangaral ni Brent sa mommy niya."Hay!" pabuntong-hiningang saad ng ginang. "Ayaw ko lang namang makita na nasasaktan ang kapatid mo."Tipid na ngumiti na lamang si Brent sa mommy niya at hindi na nakipagtalo.*****Pagpasok ni Czarina sa staff room ay nar
Latest News:Calix Javier finally speaks up about the viral video involving him and an actress."I'm the one at fault here. Pasensya na sa mga naabala, sa mga na-disappoint sa video, at sa lahat ng mga naguluhan sa mga nangyari. I'm in love with Klarisse for a long time now. Yesterday, I wasn't able to control myself and I kissed her, I kissed Klarisse. Kaya tigilan niyo na po siya, she's innocent. Gusto ko na ring gamitin ang pagkakataon na ito upang humingi ng tawad sa kanya. Klarisse, I'm really sorry for what happened. So, please, everyone, stop dragging her name into this issue anymore." - Calix Javier*****Matapos mabasa ang buong laman ng kalalabas lang na article na iyon ay nagkatinginan ang dalawa, parehong naguluhan sa nangyari, at parehong hindi makapaniwala.Tila nawalan ng sasabihin si Klarisse. Hindi niya alam kung bakit at nakakagulat talaga na sinalo lahat ni Calix iyon.The whole context of Calix's words is just clearing her name. Ni wala itong pakielam kung siya man
Disgust is evident on Klarisse's face. Hindi niya gusto si Calix Javier, she absolutely hates the guts of him. Kaya ano itong katangahan na ginawa niya?Nakaupo lang ito sa sulok at nakayuko, nilalaro niya ang mga kamay na tila naglalabas ng inis doon. "Bakit sa dami ng gagawin... the hell? Bakit iyon pa? Bakit ko iyon hinalikan?" Sinabunutan niya ang sarili. "At sa dinami-rami pa ng tao, ng lalaki sa bar na iyon... bakit kailangang si Calix Javier pa? Sh*t naman talaga."Nilapitan ni Czarina ang kaibigan. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero naaawa rin siya sa sitwayon nito ngayon.May tumunog muli na cellphone pero sa pagkakataon na iyon ay hindi na kay Klarisse.Itinaas ni Czarina ang cellphone niya at ipinakita sa kaibigan ang caller."Tumatawag ang kissing mate mo," pabirong wika ni Czarina.Tinapunan ni Klarisse ng masamang tingin ang kaibigan.("Czarina, kasama mo ba si Klarisse ngayon") tanong ng nasa kabilang linya pagkasagot ni Czarina sa tawag."Oo, kasama ko siya. B
"AAAHHHH!!!"Nagising si Czarina nang marinig ang malakas na boses ni Klarisse sa kanyang tabi."Hmm," ungol ng babae na tamad na tamad pang magmulat ng mata.May narinig siyang nag-ring kaya tumingin siya sa gawi ng kaibigan. Kagat-kagat nito ang kanyang daliri habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang tumatawag ang manager nito."Wala na, sh*t, katapusan ko na," tila naiiyak na sabi ng babae.Doon lang parang nagising ang diwa ni Czarina. Napaupo siya at agad dinaluhan ang kaibigan.Kinuha rin ni Czarina ang phone niya at hindi na niya kailangang tanungin pa ang kaibigan kung para saan ang reaksyon nito.Tumambad sa kanya ang mga trending articles tungkol sa nangyari kagabi.'HOT ISSUE: FAMOUS ACTRESS CAUGHT KISSING WITH A HOTSHOT BUSINESSMAN LAST NIGHT''JAVIER GROUP HEIR AND A FAMOUS ACTRESS WENT HOME TOGETHER LAST NIGHT'At may larawan pa iyon ng pagsakay ng dalawa sa sasakyan hanggang sa pumasok ang sasakyan sa bahay nila Czarina."Czaaa!" pag-iyak ni Klarisse. "Sh*t ginawa k
Pagbalik ni Czarina na may dalang tubig ay nakasakay na si Klarisse sa likod ni Calix."Czarina, ako na ang maghahatid sa inyo," mababa at paos ang boses ni Calix ng sabihin iyon kay Czarina.Kumunot ng bahagya ang noo ng babae."Hindi na," sagot nito at sinubukang kunin ang kaibigan mula sa lalaki. Pero bago pa niya magawa iyon ay hinigpitan ni Klarisse ang pagkakayakap sa leeg ng lalaki.Bahagyang nagulat si Czarina sa ginawa ng kaibigan."Klarisse," mariing tawag ni Czarina sa kaibigan upang mahimasmasan ito kahit paano.Bumukas nang kaunti ang mga mata ng babae."Hmm," ungol nito at muling pumikit."Bumaba ka na diyan at ihahatid na kita. Bitiwan mo na si Calix," namomroblemang turan ng Czarina."Ayaw," parang bata na sagot nito at muling niyakap nang mahigpit ang lalaki. "Dito muna ako."Halos malaglag ang panga ni Czarina sa mga naririnig. Nang wala na siyang matinong sagot na makuha kay Klarisse ay tinapunan niya ng mapanghusgang tingin si Calix. Ano ang ginawa nito sa kaibiga
"Paul, ano ang sabi niya? Hindi ka raw kilala? Mukhang minamaliit ka, pre!" dinig ni Czarina na sabi ng katabi nito. "Paul Hunter mula sa Hunter Group, bulag ka ba o bingi?" galit na sigaw ng lalaki at binasag ang baso na gamit ni Czarina kanina. Sa halip na matakot ay tinapatan ni Czarina ang galit nito. "Bakit? Sino ka ba sana? Puro ka lang naman yabang!" Kinuha ni Czarina ang baso na may lamang tubig sa mesa at itinapon ang laman no'n sa mujha ng lalaki. "May pinainom kayong kung ano sa kaibigan ko at kung makaasta kayo ay parang napakaimportante niyong tao. Now, you're glaring at me, huh?" Kinuha nito ang wala ng laman na bote ng wine at ibinigay sa lalaki. "Gusto mo akong saktan? Go on! Ihampas mo sa ulo ko!" Gusto niyang bigyan siya nito ng mas matinding dahilan para gumanti. "Ano? Mahina ka pala, eh, puro kayo salita!" pag-po-provoke ni Czarina rito. Nagkatinginan ang mga lalaki, halatang hindi nila inaasahan iyon. Nasa kamay na ngayon ni Paul ang bote ng wine at hindi
Paglabas nina Czarina at Zayden sa clinic ay sakto namang napadaan si Chloe. Napadalawang lingon si Chloe upang siguraduhin na sila nga iyon. "Zi? Czarina?" tawag niya sa dalawa. Sabay na lumingon ang dalawa kay Chloe. Nakasuot ng puting hospital gowin si Chloe at may bitbit na kape sa kanyang ka
Nakasuot ng leather jacket ang lalaki at sa loob no'n ay ang puting shirt na suot niya kanina. His hair is messy but that only made him more cooler. Malaki ang katawan ng lalaki at mahaba ang legs nito, pasadong-pasado kung sakaling magmomodelo.Sa muling pagsulyap ni Czarina kay Zayden ay nagpokus
Binuksan ni Zayden ang pintuan ng passenger seat at kinuha ang palapulsuhan ni Czarina. Medyo may lakas nitong pilit pinaupo ang babae roon pero nagpupumiglas si Czarina. "Ano ba?" Hinila ni Czarina ang kamay niya at agad itong napadaing nang maramdaman ang hapdi ng ilan sa mga sugat niya. "Ouch,
"Mauuna na ako at baka nakakaabala na po ako sa inyo," pagpapaalam ni President Yu. Muli itong sumulyap kay Czarina, seryoso ang mukha nito at tila naninimbang. "It's okay. Mag-start na rin ang apo ko na magtrabaho sa inyo sa mga susunod na araw. Kindly guide her." "Yes, of course. We will gladly







