Share

Chapter 78

Author: Raine
last update Last Updated: 2025-06-02 22:08:33

Suot ang heart shaped na top na may mahabang kulay silvery gray na palda ay naagaw ni Czarina ang atensyon ng mga bisita. Nakataas ang buhok nito na parang si Cinderella. Simple lang ang hikaw at kwintas na suot pero nag-uumapaw sa kagandahan ang pagiging simple nito.

Masama ang tingin ni Chloe sa gawi ni Czarina. Hindi niya matanggap na iniwan ni grandma ang Snow Lotus Grass para kay Czarina.

"Wow! Medyo matagal ko ng hindi nakikita ang unica hija ng mga Laude, trumiple pa ang ganda nito."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ayaan Cellphone Seller
hahaha exciting ,more2 chapter pleaseee
goodnovel comment avatar
Glenda Diola
more updates po
goodnovel comment avatar
Rubina Faustino
paisa Isa nmn ang update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 296

    Nabigyan ng posisyon si Chloe sa university dahil kay Czarina? Hindi makapaniwalang tumingin si Zayden sa kanyang kaliwa kung saan naroon si Czarina. Ang mga mata niya'y puno ng katanungan. Ano pa ba ang hindi niya alam? Alam nila na peke ang academic qualifications ni Chloe. Pero hindi nila alam na ang nagsakripisyo para mabigyan ito ng posisyon ay si Czarina. "Cza? Totoo ba iyon?" pabulong na tanong ni Sanya na pumasok din sa loob ilang minuto makalipas pumasok ni Czarina. "Hindi ba ang sabi-sabi nila ay nakapasok ka roon dahil sa koneksyon?" Natahimik ang lahat, hindi man malakas ay narinig nila ang tinuran ni Sanya. Alam naman ng lahat iyon, kalat na kalat iyon. Her family is known for being great doctors and popular in the medical field. Samantalang siya ay walang napapatunayan maliban sa chismis na ipinasok siya sa medical university ng pamilya at ngayon ay nagtatrabaho sa hospital dahil din doon. Napakaraming nangyari noong makapasok siya sa university. Lahat ay

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 295

    Sorry? Kung sana ay kayang burahin lang ng salitang iyon lahat ng masasakit na narinig niya. Tumayo si Czarina at yumuko upang tingnan ang lalaki. "Actually, hindi ko na kailangan pa ng sorry mo o sorry ninyo," aniya at nagbaba ng one thousand bill sa mesa. "Here's my treat for meeting me today." Umayos siya ng tayo at tinalikuran ang lalaki pero hindi pa siya umalis. "Mr. Smith, kung ano man ang pinagdadaanan o isyu na lumalabas sa buhay ng kapatid mo ay labas na ako roon. Huwag niyong madawit-dawit ang pangalan ko at sana hindi na ito kailanman mauulit pa," dagdag niya bago tuluyang umalis sa coffee shop na iyon. Nagulat si Brent sa inasal at mga sinabi ni Czarina. Dati noong mag-bestfriend pa sina Chloe at Czarina ay kahit papaano nakakausap at nakakabiruan niya pa ang babae. Mahinhin ito at mas magaan ang awra. Hindi tulad ngayon. Napangisi siya nang makita ang pera na iniwan ni Czarina sa mesa. Kinuha niya iyon at tinangkang habulin ang babae upang ibalik pero naki

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 294

    Nakahinga nang maluwag si Czarina pagkalabas ng hospital room ni Chloe. Ngayon ay kailangan na niyang gawin ang susunod niyang dapat gawin.Hindi niya pinuntahan si Presideng Yu dahil alam niyang iyon na ang susunod na gagawin ni Zayden kaya ipapaubaya na niya iyon sa lalaki. Sa halip ay tinawagan niya si Brent Smith.Nagulat si Brent nang makita ang pangalan ni Czarina Laude sa kanyang cellphone screen. Ito yata ang unang beses na tinawagan siya ng babae.Sinagot niya iyon.("Does your offer still stand?") tanong ni Czarina mula sa kabilang linya.Kumunot ang noo ni Brent. Ano ang sinasabi nito? Yung pera ba na sinubukan niyang ipang-akit sa babae para magsabi ng totoo?Hindi siya nakaimik agad at nasundan iyon muli ng litanya mula sa babae.("Mag-usap tayo in person. I-te-text ko sa'yo ang address.")Matapos sabihin iyon ay ibinaba ni Czarina ang tawag at kasunod ay ang text message na magkita na lamang sila sa isang coffee shop na mga ten minutes drive mula sa hospital.*****Nauna

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 293

    Hinagis ni Czarina ang mga larawan kay Zayden. May ilang piraso pa na tumama sa pisngi ng lalaki at nagdala ng maikling sugat doon.Umigting ang panga ni Zayden at ang mga kilay niya ngayon ay malapit ng magdikit."May tatlong bagay lang akong sasabihin at lilinawin sa inyo," ani Czarina. "Una, hindi ako ang nagpakalat ng tungkol sa Snow Lotus Grass noon. Pangalawa, hindi ako ang nag-tip sa media tungkol sa divorce, pretty sure alam niyo na ito dahil nandito lang din naman sa kwarto na ito ang may gawa no'n. At pangatlo..."Tinignang maigi ni Czarina si Zayden sa mga mata nito. Zayden's deep black eye is really scary. Sa sobrang lalim no'n ay hindi mo alam kung ano ang dapat mong makita.You will either get drown or leave as fast as possible.Ganoon din ang nasa isipan ni Zayden, hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ngayon ni Czarina. Hindi niya akalain na ang sorry na gagawin nito ay ganito."Pangatlo," pag-uulit ni Czarina at sumulyap sa likod ni Zayden kung saan naroon si Chloe

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 292

    Habang nakatingin kay Czarina ay hindi mapigilang kabahan ni Ichan. Alam niya kung gaano kagaling ang babae, alam niya kung gaano katindi ang talento nito na maraming hindi may alam. At alam niya rin na lahat ng alam niya ngayon ay hindi lang iyon ang dapat malaman tungkol sa boss niya. She's something. Pero ngayon niya lang nakita na ganoon ang ekspresyon ng mga mata nito, tila walang buhay at puno ng galit. Hindi ito nakangiti, hindi masama ang tingin, hindi salubong ang kilay... pero may nakakatakot na awra itong inilalabas. So this is Czarina when she's fuming mad. Pero bago pa niya mapuna iyon ay mabilis na kinuha ni Czarina ang mga na-print na papel at walang sabi-sabing umalis. Pagkaalis ng babae ay agad namang tinawagan ni ichan si Viktor upang sabihan ito tungkol kay Czarina. Ayaw niya rin namang mapahamak ang babae. Alam niyang hindi basta-bastang kaganapan lang ito at posibleng may masirang buhay. ***** Habang nasa daan patungo sa hospital ay hindi matahimik

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 291

    "Ano ang sinabi niya?" tanong ng mommy ni Chloe nang makalapit na si Brent sa kanila, nasa sasakyan ang mga ito at nakatanaw kanina habang nag-uusap si Brent at si Czarina. "Kitang-kita namin ang pagsagot-sagot niya sa'yo, talagang sumusobra na ang Czarina na iyan, ni hindi rin tayo nirespeto!" "Mom," mahinang sambit ni Brent. "Baka nga po hindi talaga si Czarina ang may gawa no'n." "At sino naman sana ang gagawa no'n maliban sa kanya? Isa pa, siya lang naman ang may alam niyan maliban sa atin!" Habang sinasabi iyon ay mas lalong umuusbong ang galit sa puso ni Mrs. Smith. Para sa kanya, si Czarina at wala ng iba ang may gawa no'n sa kanyang anak. She wants to ruin her daughter. At dahil doon ay gusto niya ring pabagsakin at turuan ng leksyon ang babae. "Mom, huwag na lang natin guluhin si Czarina. Hintayin nalang muna natin ang sasabihin ng mga nag-i-investigate sa case," kalmadong sabi ni Brent habang tila lumulutang pa ang isipan. Iba ang pakiramdam niya matapos ang nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status