Maxine
Nasa school na ako pero lumilipad ang utak ko sa kung saang planeta ng universe. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nagp-play sa utak ko. Diyos ko lang naman talaga! Sobrang nakakahiya! Mabuti na lang at nang bumaba na ako para makaalis ay wala na si Kuya Xav dahil hindi ko talaga alam kung paano ang magre-react sa harap niya. It’s a good thing na hindi grabe ang nangyari sa akin at nakatulong din na nabasa ko agad ing malamig na tubig at saka nilagyan ko din agad ng ointment ang paso ko kaya hindi ito namula at nagtubig. At mabuti na lang din at puro lecture lang naman ang nangyari sa klase ko kaya naman natapos ito na wala akong naintindihan. “Hoy! Okay ka lang ba?” siniko ako ng bestfriend ko na si Marie kaya naman napalingon pa ako sa kanya dahil sa gulat “Huh? Ano yun?” tanong ko naman s kanya “Sabi ko tara na kasi tapos na ang klase!” napatingin ako sa paligid at doon ko narealize na wala ng tao dito sa classroom bukod sa aming dalawa “Okay! Tara na!” tumayo na ako at agad inayos ang gamit ko “Problema mo? Birthday na birthday mo, tulaleng ka!” medyo natatawang tanong ni Marie “Wala! Masakit lang ang ulo ko!” pagdadahilan ko na lang sa kaibigan ko “So pano? Tuloy ba tayo mamaya?” tanong sa akin ni Marie. Pupunta kasi kami sa bar mamaya to celebrate my birthday with some of my friends. Nagpaalam naman ako kina Tito Clark and Mommy at pumayag naman sila. Hindi ko dinala ang kotse na regalo sa akin since may lakad kami ngayon. Nagpasabi na lang ako sa driver sa mansion na magpapasundo na lang ako. “Girl, since twenty ka na, baka naman pwede ka ng magka-jowa!” sabi ni Yumi, isa din sa mga kaibigan ko habang nandito kami sa cafeteria ng school “Oo nga girl! Mahigpit ba ang parents mo kaya bawal ka pang magka-jowa?” singit naman ni Astra na nakahilig ang balikat sa boyfriend niyang si Emman “Hindi naman! Wala lang talaga akong type sa mga manliligaw ko!” sagot ko sa kanila kahit pa alam naman nila yun dahil first year college palang magkakaibigan na kami “Dapat gumaya ka dito kay Astra eh!” Marie said habang napapailing na nakatingin sa dalawa lovebirds na hindi mapaghiwalay “Taon-taong nagpapalit ng boyfriend!” Natawa naman si Astra sa komento ni Marie. Napangiwi pa kami lahat ng halikan niya si Emman sa harap namin. “PDA!” umakbay agad sa akin si Hugh pagkaupo niya sa bakanteng upuan sa tabi ko “Happy birthday sweetheart!’ sabi niya sabay abot ng regalo niya sa akin Napangiti naman ako saka ko siya niyakap. “Thank you boo!” sagot ko naman dito “Alam niyo bagay kayong dalawa eh! Bakit ba kasi hindi pa kayo maging mag-jowa?” tanong ni Yumi sa amin pero tinawanan lang ito ni Hugh “Alam niyo namang boy bestfriend ako nitong si Max! One of the boys yan kaya nga di pa nagkaka boyfriend eh!” pang-aasar niya sa akin pero inirapan ko lang ito Kababata ko si Hugh and I have known him since we are kids.we are of the same age at dahil close kami, naging kaibigan ko na rin ang mga barkada niyang lalake noong elementary kami. Kaya tuloy akala nila ay tomboy ako dahil lalake akong pumorma. They always call me one of the boys at nabago lang ang pananamit ko noong mag-third year highschool na kami. May mga nanligaw na sa akin since then pero wala silang magawa dahil apat na siga sa campus ang bantay ko. Nahiwalay sa amin si Nicko, Arjo at Chino dahil sa ibang school na sila nag-aral pero kami ni Hugh ay pareho ng school na pinasukan pero kahit papano nagkikita-kita pa rin naman kami. “Pupunta ba mamaya yung mga friends niyo?” tanong ni Marie na kinikilig pa dahil aminado siyang crush niya si Nicko “Sinabihan ko sila! I guess pupunta naman yun!” sagot naman ni Hugh saka siya tumayo at nagpaalam na sa amin dahil may klase pa siya “I’ll see you guys later!” paalam niya pa sa amin bago siya lumabas ng cafeteria “Girl, sigurado ka bang hindi nagpaparamdam sayo yan si Hugh?” umiling naman ako sa kanila dahil magkaibigan lang talaga kami “Sayang siya! Ang gwapo!” sabat naman ni Astra kaya naman sinimangutan siya ni Emman Napailing na lang ako sa kalokohan nila at nagpaalam na din ako kasi nagtext na ang driver ng mansion na nasa labas na siya. We went home at pagdating ko doon ay may nakita naman akong dalawang maleta sa sala. “Mom?” tanong ko dito ng makita ko itong pababa ng hagdan “Iha, I’m sorry! Biglaan ang lakad namin ni Tito Clark mo kasi may emergency sa isa sa negosyo nila sa US.” nakaramdam naman ako ng lungkot pero wala naman akong magagawa since nakahanda na sila Dapat may family dinner kami ngayon bago ako magpunta sa bar to celebrate my birthday pero mukhang hindi na matutuloy yun. Patakbo ding bumaba si Kuya Xy sa hagdan na may dala ring maleta kaya nahulaan ko na kasama siya. “Iiwan niyo talaga ako dito?” nagtatampong sabi ko kaya naman umakbay sa akin si Kuya “Nandyan naman si Kuya Xav at sila manang. And hey mind you, huwag kang masyadong uminom sa bar! Baka mapahamak ka!” bilin agad niyo sa akin “Kuya oo naman! Matanda na ako okay so no need to worry!” sabi ko saka ako malambing na yumakap sa bewang niya “Promise me that, okay!” sabi pa niya “Promise!” nakangiti naman si Mom sa amin ni Kuya at tuluyan na silang umalis nang makababa na si Tito Clark Napahinga na lang ako ng malalim dahil gaya noon pag umaalis sila, malulungkot na naman ako. ***** Friday night and it’s already jampacked ng makarating kami sa isang high-end bar dito sa Makati. Sikat ang bar na ito lalo na sa mga kabataang gaya namin at pati na rin sa mga middle aged businessman na kagaya nila Kuya. Nakita agad namin ni Hugh ang mga kasama namin at napagalitan pa kami dahil medyo late kami sa oras ng usapan. “Tagal kasi magbihis ni sweetheart eh!” reklamo naman ni Hugh dahil sa kanya na ako sumabay papunta dito Naupo na kami at nagsimula na ang inuman at lalo pang umingay ng dumating ang mga brothers ko. “Happy birthday, Max!” bati nila sa akin and I hugged them one by one dahil na-miss ko sila “Wala ata kayong kasama?” taas-kilay kong tanong since alam ko na may mga girlfriends na din sila “Lakad ng tropa ito kaya bawal yan!” sagot naman ni Chino Nagsimula na ang inuman namin at kwentuhan na din. Kanina malungkot ako pero being with my friends, kahit papano nabawasan iyon. From the looks of it baka mga matagal sila Mommy sa US habang ako, kailangan kong tiisin ang cold treatment ni Kuya Xav sa akin. Napamura pa ako nag maalala ko ang nangyari kanina at hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya. Hindi ko naman pwedeng ikwento yun sa parents namin dahil hindi talaga magandang pag-usapan pa. Maybe it will be our little secret ni Kuya Xav at mainam na yun! Hindi nagtagal ay nag-aya na sa dancefloor ang mga girl friends ko at dahil may tama na din ako nakipagsabayan na din ako. Sa sobrang lungkot ko ata at pago-overthink na din sa nangyari kanina sa amin ni Kuya Xav ay napadami ako ng inom. Mainit sa dancefloor. Halo-halo na nga ang amoy ng mga tao dito but I didn’t mind. I just went with the flow and danced with my friends. Naging malikot at maharot ang tugtog kaya naman lalo akong ginanahan sa pagsayaw. Hindi naman ako mahihiya since magaling naman akong sumayaw when suddenly may humila sa akin bigla. I opened my eyes and it was Kuya Xavier. “Kuya!” ewan ko pero parang bulol na ang boses ko when I heard myself at nakita ko kung paano sumimangot ang lalakeng kaharap ko “You’re drunk! Let’s go!” galit na sabi niya sabay hila sa akin papunta sa table namin pero nagpumiglas naman ako kaya naglapitan na ang mga brothers ko “Max!” tawag sa akin Hugh pero tinabig lang siya ni Kuya at tinanong kung nasan ang gamit ko I grabbed my things saka agad akong hinila nito kahit pa humahabol sa amin ang mga kaibigan ko. “Huwag kayong makialam!” galit na sabi ni Kuya kaya natahimik na lang sila at wala nang nagawa ng isakay ako nito sa kotse niya “Bakit ba nakikialam ka!” inis na sabi ko pero feeling ko umiikot na ang paningin ko habang tumatakbo ang kotse niya “Shut up!” maiksing sabi nito sa akin “I’m with my friends!” inis ko pang sagot dito “Friends? Hinayaan ka nilang magwala doon and you call that friends?” wow! For the record mahaba ata ang sentence na lumabas sa bibig niya “You’re so boring!” sagot ko na lang at hindi na ako nagsalita dahil napapapikit na ako. Pagdating namin sa mansion ay naramdaman ko na binuhat ako ni Kuya kaya naman napakapit ako sa leeg niya. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya and he smells so nice! “You smell so good, Kuya!” Sabi ko pero hindi naman siya nagsalita Naramdaman ko na lang na inihiga na ako ni Kuya sa kama so I guess nasa kwarto na ako. “Sleep!” narinig kong sabi ni Kuya habang inaayos ang kumot ko “Why do you hate me?” umupo ako sa kama at hinarap si Kuya Xav na nakaupo din sa kama ko “I said sleep!” galit na sabi niya. I looked at his face at hindi ko mapigilang hindi haplusin ang mukha niya. Eversince makita ko siya when I was seventeen ay nakaramdam na ako ng paghanga sa kanya. Alam kong mali at nakatulong na palagi siyang bwisit sa akin kaya pilit kong kinalimutan iyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Basta ko na lang hinila si Kuya at hinalikan. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero mas ang gulat ko nang hawakan niya ang batok ko and kissed me back. It was mind blowing. At kahit hindi ako marunong ay nasabayan ko ang mapusok na halik ni Kuya. Hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa higaan. He kissed me on my neck when he left my lips and I felt him touching my breast. I was burning but then suddenly…. everything went black.MaxineIt is Xavier’s birthday at gaya ng nagdaang birthdays niya ay hands on ako sa pag-aasikaso ng lahat. Although may kinuhang event planner ang panganay na anak ko na si Joshua Xenn ay hindi ko pa rin mapigilang makialam.“Mommy, relax! Everything’s settled!” Josh said habang naka-akbay sa akin while trying to calm me downNandito kami sa garden ng mansion kung saan namin ice-celebrate ang birthday ng aking asawa and Josh really sees to it na walang detalyeng malalampasan. I guess mana siya sa Daddy niya na OC pagdating sa mga bagay-bagay He is already twenty-five pero kahit may edad na siya, malambing pa rin siya sa akin lalo na sa Daddy niya.He is already working at the family company at dahil na din sa rigid training niya with his Dad and his Tito Xyrus, masasabi ko na handa na ang anak ko to create a name of his own.“Mommy, why don’t you go upstairs and get ready!” napalingon naman ako and saw my daughter, Alyssa Xianelle, who is beautiful while wearing a designer gown ma
Maxine Nagising ako and opened my eyes upon hearing some voices kung nasaan ako. Medyo maliwanag kaya ipinikit ko uli ang aking mga mata and then I opened them once again. Nakita ko si Xavier na nakaupo sa tabi ko and is holding my hand. “Hey baby!” sabi niya saka siya lumipat sa kama at naupo I smiled at him to make him see that I am okay lalo pa at nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “How’s our son?” medyo malat pa ang boses ko at nanghihina pa rin talaga ako ng dahil sa panganganak “Sabi ng doktor, he is healthy! Hindi ko pa siya nakikita.” dumukwang si Xavier to give me a kiss on my forehead habang hawak pa rin ang kamay ko Nagtagal ang halik niya doon so I closed my eyes but then I felt something wet in my face kaya napadilat akong muli. “Baby?” tawag ko kay Xavier at nang lumayo siya ay nakita ko ang pamamasa ng mga mata niya “Are you crying?” tanong ko kahit pa obvious naman but he just shook his head and kissed my hands “Why?” tanong ko ulit then h
Xavier Maxine is currently on her seventh month at buhat noong dinugo siya ay ibayong pag-iingat ang ginagawa ko when ot comes to her. Palagi akong naka-alalay sa kanya at kahit alam ko na OA na ako ay wala akong pakialam dahil para sa akin, kailangan kong ingatan si Max at ang anak ko. Pababa kami ng hagdan at nakasunod naman si Andeng sa amin na siyang may dala ng bag ni Maxine. Schedule ng check-up niya ngayon sa OB and after that ay pupunta kami kina Marcus para makita ang triplets niya dahil nakalabas na ng ospital si Ria. Andeng is really a great help to us lalo kapag kailangan kong umalis para magtrabaho. Panatag ako na hindi mapapabayaan si Max because of her, idagdag pa si Mommy at si Manang Helen. “Well I guess inaalagaan mong mabuti si Max, Xavier! She is in great shape!” masayang sabi ng doktor after niyang basahin ang laboratory tests nito “Salamat naman po kung ganun!” medyo kinakabahan talaga ako pagdating sa kalusugan ni Maxine Praning na nga yata ako dahil
Maxine“Welcome home!” masayang bati sa akin ng mga kasambahay nang tuluyan na kaming makapasok sa living room ng mansion habang nakaalalay si Xavier sa akinNandito din si Mommy at si Tito Clark pati na si Kuya Xyrus at si Angie. Nakangiti sila lahat sa akin and I guess they are really happy that I am finally home.Nagkaroon kami ng pagkakataon ni Mommy na mag-usap sa ospital and she cried hard habang walang tigil ang paghingi ng tawad sa akin. And because I wanted to have a happy life, I forgave my Mom. Actually kahit naman noong nasa CamSur pa ako, masasabi ko na napatawad ko na si Mommy. I wanted to free my heart from anger and pain dahil gusto kong maging positive ang lahat ng nasa paligid ko. In that way, magiging healthy ang anak ko. Ayoko na ng negative vibes within the period of my pregnancy.Agad akong nilapitan ni Manang Helen and hugged me tight habang umiiyak siya.“Iha saan ka ba nagpunta? Alalang-alala kami sayo, bata ka!” may pagmamaktol na sabi ni Manang Helen kaya
MaxineUnti-unti kong idinilat ang mata ko the moment I regained my consciousness. Wala akong makita kung hindi puti and that’s when I realized that I am in a hospital.Nakita ko ang swerong nakakabit sa akin kaya lalo akomg nag-panic. Naalala ko din ang nangyari kanina kaya agad ko naman hinipo ang tiyan ko dahil dinugo ako “Ang baby ko!” mahinang sabi ko and I heard Andeng’s voice as I felt her hands holding mine“Maxine relax ka lang! Okay lang ang baby mo! Ligtas siya!” Napaiyak ako upon hearing her answer. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa oras na may nangyari sa anak ko dahil sa kapabayaan ko.Nakapikit pa rin ako hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. “Gising na ba siya?” agad kong nabosesan si Tita Flor kaya naman dumilat akong muli para makita siyaNagtangka akong bumangon at tinulungan naman ako ni Andeng matapos iayos ang kama ko para makaupo ako.“Tita…” nanghihinang sabi ko nang makalapit na siya sa akinNiyakap ako ni Tita kaya naman napaiyak ak
MaxineAraw ng check-up ko ngayon sa unang doktor na pinuntahan namin ni Tita Flor bago ako manirahan sa resthouse ni Sig sa CamSur. I am so excited, pati na si Andeng at si Tita Flor dahil anim na buwan na ang tiyan ko. Just the same hindi pa rin ako nagpapa-ultrasound dahil mas gusto ko na surprise ang maging dating ng gender reveal ng anak ko.Namili na ako ng ilang gamit ng baby na unisex online dahil sa iniiwasan ko pa ring lumabas ng bahay. Isang buwan na ako dito pero wala pa ring nakakaalam na nandito ako sa bahay nila Sig.“Ready ka na?” nakangiting tanong sa akin ni Samuel nang makababa na ako sa hagdan habang nakaalalay naman sa akin si Andeng“Oo Samuel! I’m sorry at naabala ka pa! Sinabi ko naman kay Tita na magta-taxi na lang kami ni Andeng.” nahihiya talaga ako kasi si Samuel pa ang makakasama namin ngayon ni Andeng for my check-upMay event kasing dinaluhan si Tita Flor kaya naman nag-volunteer si Samuel na samahan ako. “Kabisado mo naman si Mommy! Alam mo na hindi