Carrine
Kabang-kaba ako dahil ipinapatawag daw ako sa opisina ng manager after ng lunch break ko.
Akala ko pa naman, nakalusot na ako noong late akong bumalik sa post ko matapos akong pagkamalan nung bata na Mommy niya, two days ago.
Alam ko naman na inireport ako ni Ma’am Odette, ang store supervisor namin at sa hindi ko nga malamang dahilan ay napapansin ko na may inis sa akin ang babaeng ito samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya.
“Ayan kasi! Kung ako lang ang masusunod, dapat sa iyo, tinatanggal na sa trabaho!” parinig pa sa akin ni Odette nang mabasa ko ang notice pero hindi naman ako kumibo
Ayaw ko ng dagdagan ang problema dahil sigurado naman ako na kapag nangatwiran ako, babaliktarin ako ng bruhang ito. At ang ending, ako na naman ang mali.
“Ma’am Odette, pinaliwanag naman po ni Carrine kung bakit siya na-late!” pagtatanggol naman sa akin ni Eloisa, ang kasamahan ko na saleslady sa garments section ng mall
May boarding house sila at doon na din ako tumutuloy buhat ng lumuwas ako ng Maynila para magtrabaho.
“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Eloisa! Kung ayaw mong ipatawag ka din sa taas, itikom mo yang bibig mo!” babala niya sa kaibigan ko kaya naman pasimple ko siyang inilingan
Ang huling gusto ko ay madamay pa siya sa problema ko.
Nagsimula na akong maglakad at kahit panay pa ang hirit ni Ma’am Odette ay hindi ko na lang pinansin.
Umakyat na ako sa taas kung saan nandoon ang opisina ng general manager ng store.
Kumatok muna ako at nang marinig ko ang hudyat ay dahan-dahan kong itinulak ang pinto.
“Ms. Esguerra, come in!” napakunot ang noo ko dahil mukhang hindi naman galit ang boses ni Ma’am Ang, ang general manager namin dito
“Good afternoon po Ma’am!” sabi ko nang tuluyan akong makapasok at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko sa loob ng opisina ni Ma’am ang lalakeng dahilan kung bakit ako nahuli ng pasok noong nakaraang araw
“Ikaw?!” inis na tanong ko pero hindi ako nakagalaw lalo nung lumapit ito sa akin at bigla akong yakapin
“Thank God! Nahanap din kita, sweetheart! Akala ko talaga, hindi na kita makikita!” sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko
“Adik ka ba?! Ano bang problema mo?!” tanong ko pero lalong humigpit at yakap niya sa akin
“Sumakay ka nalang dahil kung hindi, tatanggalin ka sa trabaho ng intsik na yan!” bulong niya sa akin
“Pasalamat ka, I came just in time! Alam mo bang sinisiraan ka nung babae na nandito kanina? At mukhang nakumbinsi niya yan kaya dapat tatanggalin ka na!” dagdag pa niya
Tumikhim si Ma’am Ang na todo ang ngiti sa amin nang bitawan na ako ng mamang pangahas na ito.
“Sit down! Pag-usapan natin ang nangyari!” sabi pa nito at wala na akong nagawa nung hilahin ako ng lalake sa harap ni Ma’am Ang para maupo
“Gaya ng sabi ko, Carrine is my fiance’! Nagkaroon kami ng misunderstanding, umalis siya, kung saan-saan ko hinanap at hindi ko akalain na dito ko siya makikita!” sabi pa ng lalaki kaya halos mapanganga ako
‘Ano daw?’
“Naku, ikaw naman Ms. Esguerra, kawawa naman itong fiance’ mo! Aba, sa gwapo at yaman niyan, sigurado akong maraming maghahangad sa pwesto mo! Diba Sir?” halos mapangiwi ako dahil feeling ko, nagpapa-cute pa itong si Ma’am Ang sa mayabang na lalaking ito
“Ma’am kasi po…”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinawakan ng lalaki ang kamay ko saka ako itinayo.
“So okay na po ba, Ma’am? Pwede ko na po bang isama si Carrine? Para makapag-usap kami?” tanong pa nito kay Ma’am
“Eh gaya ng napag–usapan natin Mr. Saavedra, may kontrata po si Carrine! So kailangan niyo pong bayaran iyon kung hindi niya po tatapusin!” sagot ni Ms. Ang
“Po?!” gulat na sabi ko
Nahihilo na yata ako sa nangyayari! Ano naman ang ipambabayad ko sa kontrata?
“You have my word, Ma’am! Papapuntahin ko po ang abogado ko bukas to take care of everything!” sabi ng lalaki at kahit anong gawin kong bawi sa kamay ko ay hindi naman niya ito binibitawan
“That’s good! Kung ganun, wala po tayong magiging problema! Sige na Carrine, iendorse mo na muna sa mga kasama mo ang pwesto mo bago ka umalis.” bilin pa ni Ma’am bago kami lumabas sa opisina niya
Pakiramdam ko, sabaw na sabaw ako sa mga nangyayari sa paligid ko.
Ibig sabihin ba, wala na akong trabaho?
Nilingon ko ang lalaking dahilan ng kamalasan ko ngayong araw at bago pa bumuka ang bibig ko ay inunahan na naman niya ako!
“Ipapaliwanag ko sa iyo lahat! All you have to do, is do what your manager said, get your stuff, at sasama ka sa akin!” napailing na lang ako sa sinabi niya
“Sino ka ba sa akala mo para diktahan ako?!” galit na tanong ko sa kanya
“Wala akong panahon sa drama, Carrine! Kung gusto mo na magkatrabaho at kumita ng pera, susunod ka sa akin because as of now, you are jobless!” nakataas ang kilay niya sa akin kaya napapikit na lang ako
Mukhang wala na akong choice!
Kung maganda naman ang trabaho at maganda ang sahod, bakit hindi! Pero kung hindi ko ito gusto, hindi naman niya ako pwedeng pilitin. Baka mamaya illegal pa ang gusto niyang gawin ko!
Bumalik na ako sa floor kung saan ako naka-assign para i-endorse ang trabaho ko kay Eloisa. Kailangan ko din isurrender ang ID pati na ang susi na hawak ko sa mga cabinets na naka-assign sa akin kay Ma’am Odette.
Mabuti na lang dumistansya na ang lalaking ito kaya naman dumeretso na ako kay Ma’am Odette para isurrender ang ID at susi ko.
“Ay!! Natanggal ka?!” kulang na lang ipagsigawan niya sa buong store ang nangyari sa akin at dahil likas na Maritess ang mga kasamahan ko dito, nag-usyoso pa ang iba
“Sinasabi ko na nga ba! Hay salamat naman at naalis ka na! Kumukulo kasi talaga ang dugo ko sa iyo!” sabi pa ni Ma’am Odette
Lahat ng pagpipigil ginawa ko na pero dahil naisip ko, hindi na niya ako empleyado kaya pwede na akong sumagot.
“Yun nga din ang pinagtataka ko Ma’am eh! Bakit ba inis na inis ka sa akin samantalang wala naman akong ginagawa sa iyo?” tanong ko sa kanya
“Wala lang! Basta lang! May reklamo ka? Magsumbong ka!” aniya kaya napahinga na lang ako ng malalim
“Sige na! Lumayas ka na dito! Dun ka nalang sa Quiapo magtinda, mas bagay ka don!” sabi pa niya sa akin
Hindi ko na talaga sana papansinin pero nagulat ako nung may matipunong braso na umakbay sa akin.
At dahil sa amoy niya, kilala ko na kung sino ito.
“Sweetheart, are you done?” anang boses niya na talaga namang nagdadala ng kilabot sa akin
“Ha?!” hindi ako handa sa isasagot ko pero nakita ko na dumako ang paningin niya kay Ma’am Odette
“Kilala mo ba ako?” tanong niya dito na nakatulala na yata sa sobrang gulat
“Well obviously, hindi! Alam ba ni Frederick na ganito ka maghandle ng mga tauhan? That you bully your co-workers?” tanong pa niya kaya lalong hindi nakapagsalita si Ma’am Odette
Kung hindi ako nagkakamali, Frederick Sy ang may ari ng mall at department store na ito. So kilala niya din ito? Close ba sila dahil first name basis?
“S-sir hindi po! Nagbibiruan lang po kami ni Carrine! Ganun lang ho talaga ako!” sagot niya kaya napailing naman si Mr. Saavedra
“Hindi ako bobo at tanga okay! Hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong pambabastos sa fiance’ ko!” malakas na sabi niya kaya umugong ang bulong-bulungan dito
“Naku sir, sorry po!Biruan lang po talaga yun! Diba Carrine!”
“Shut up!” sigaw nito kay Ma’am Odette kaya napaatras pa ito
“Tama na!” saway ko naman kay Mr. Saavedra dahil nakakagawa na siya ng eksena
Nakita ko na kinuha ni Mr. Saavedra ang telepono niya at may tinawagan. Natahimik pa ang lahat na para bang hinihintay kung sino ang kakausapin niya.
“Frederick! Hindi mo ba sinasala ang mga tauhan mo? Why are you hiring a person that bullies her co–workers?”
Napaiyak na si Ma’am Odette dahil alam na niya marahil ang susunod na mangyayari.
“Okay! Deal with it! Ayusin mo ito dahil kung hindi, ipaparating ko ito sa susunod na shareholders meeting!” inis na sabi pa ni Mr. Saavedra
Kinuha niya ang kamay ko at sinabihan na akong kunin ang gamit ko. At dahil na din sa palabas niya, wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya.
“Sir please po! Kailangan ko po itong trabaho ko! Nag-aaral pa po ang mga anak ko!” habol pa ni Ma’am Odette sa amin kaya napahinto si Sir sa paglalakad
“Sa palagay mo, kapag nalaman ng mga anak mo kung ano ang ginagawa mo sa mga under mo, matutuwa sila?” tanong sa kanya ni Mr. Saavedra
Hindi naman sumagot si Ma’am Odette kaya naglakad na ulit si Sir palabas ng store.
“Kukunin ko lang yung gamit ko!” sabi ko sa kanya saka ako bumitaw sa hawak niya para makapunta ako sa locker room
Kinuha ko ang bag ko saka ako muling lumabas ng room. Gustuhin ko mang tumakbo para takasan siya ay naisip ko na wala na pala akong trabaho.
At kung totoo na bibigyan niya ako ng trabaho, kailangan kong pakinggan ang paliwanag niya kung bakit niya ako biglang pinuntahan dito.
Nakaabang sa labas ng locker room si Mr. Saavedra at nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod ako sa kanya.
Sa car park kami napunta at sumunod ako sa kanya nang lapitan niya ang isang magarang sasakyan.
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at nang makasakay na siya ay doon na niya sinabi kung ano ang pakay niya sa akin.
May ipinakita siyang larawan at halos malaglag ang panga ko the moment I fixed my eyes on it.
“Siya si Simonne, ang nanay ng anak ko! Hindi ko alam kung nasaan siya pero dahil nakilala siya ng anak ko through her picture, nagkagulo noong makita ka niya sa mall.” pagsisimula ni Mr. Saavedra
“Kakagaling lang ng anak ko sa sakit at matindi ang pinagdaanan niyang hirap bago siya gumaling. Pero nung makita ka niya, ang mental health naman niya ang naapektuhan!”
Naalala ko ang batang tumatawag akin ng Mommy at hindi ko nga alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko when I heard him crying.
“So ang gusto mo, magpanggap akong si Simonne, tama ba?”
“Matalino ka pala!” sagot niya kaya napapikit na lang ako sa pagiging antipatiko niya
“Hanggang kailan? Lalaki ang anak mo! Magkakaisip! Hindi habang buhay maitatago mo yun sa kanya!” sagot ko sa kanya
“Of course alam ko yan! Hindi ko naman sinabi na habangbuhay kang magpapanggap! Of course, until maging okay ang anak ko at kapag naiintindihan na niya ang lahat, aalis ka na!” sagot niya sa akin
Napakasungit naman talaga!
Ngayon palang, pakiramdam ko, hindi ko na makakasundo ang taong ito!
HeliousNapatingin ako sa abogado namin as soon as mabasa ko ang nakasulat sa report na binigay niya sa akin. Hindi ako makapaniwala lalo at ilang taon ng tahimik ang buhay namin ng pamilya ko.Fourteen years old na si Hunter at nasa highschool na din siya and I can say that he always makes us proud dahil palagi siyang nangunguna sa kanyang klase. Si Harold naman ay anim na taon na at nasa grade one na din siya at gaya ni Hunter, matalino din ang anak kong ito.Si Helene naman ay apat na taon na and since she was born, she was our bundle of joy! Malambing ang anak ko na ito at mahal na mahal niya kami ng Mommy niya pati na ang lahat ng tao sa mansion. Well, lahat naman ng mga anak ko ay ganito kaya naman mahal na mahal din sila ng mga tao sa mansion.Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito at aaminin ko, hindi ako handa.“Nasaan siya?” tanong ko sa abogado namin and he said na nasa ospital si Simonne at kasalukuyang nag-aagaw buhayAnd her only wish is to see Hunter na labi
CarrineAfter staying at the hospital for five days ay nakauwi na din ako sa mansion at excited na ako dahil makikita na ng mga tao doon ang prinsesa namin ni Helious. Nasa mansion din daw ang tatay at si Meynard kaya naman mas lalo kong gusto na makauwi na agad para makita sila.Si Daddy Fred at si Mommy Samantha ay dumalaw naman sa akin dito sa ospital at kasama din nila si Kuya Tyler pero umalis din ito agad dahil may pupuntahan siyang importante.Naintindihan ko naman ito dahil isa siyang public servant pero may sinabi sa akin si Mommy na napaisip talaga ako. “Mukhang may nakabihag na sa puso ng kuya Tyler mo at sa palagay ko, taga-Maynila siya dahil sobra siyang excited na magpunta dito.”Well, sana nga makahanap na si Kuya ng babaeng para sa kanya dahil kailangan naman di niya ng makakatuwang sa buhay. AT sana nga, kung sino man ang babaeng ito, mahalin din niya ang Kuya Tyler ko.Inalalayan ako ni Helious na makaupo sa wheelchair saka inabot sa akin ng nurse ang aming prinsesa
HeliousNagmamadali akong umuwi ngayon dahil tumawag sa akin si Mommy at sinabi niya na may nararamdaman na daw na kakaiba ang asawa ko. She is on her ninth month of pregnancy at kung hindi lang kailangan ay hindi ako aalis sa tabi niya knowing that anytime, she will deliver our child.Kausap ko si Mommy sa phone ngayon habang pauwi kami ng driver ko dahil ayaw kong magmaneho. Baka kasi sa sobrang nerbiyos ko ay mabangga pa ako.But I am so excited dahil sa wakas, maisisilang na ang anak ko!I made it a point na kasama ako sa journey ng pregnancy ni Carrine. Sa bawat check-ups niya, kasama ako. Sa tuwing may gusto siyang kainin, ako ang humahanap dahil ayoko na hindi niya nakakain ang gusto niya.And when we learned na babae ang pangatlong anak namin, I cried lalo na at nakita ko ang baby habang nasa loob pa siya ng tiyan ni Carrine through 3D ulrasound.May prinsesa na ako! And I can’t wait to see her!Agad akong bumaba ng kotse nung makarating na kami sa mansion at sa sala ko na n
Carrine“Stellina, are you okay? You want to go to the hospital?” tanong sa akin ni Helious nung umaga na umandar ang morning sickness koTatlong buwan na ang tiyan ko and eversince, doon ko naramdaman ang pagsusuka at hilo.Naging sensitive din ang pang-amoy ko at ayokong nakakaamoy ng spices na gaya ng bawang at sibuyas.Hindi ako ganito kay Harold noon dahil nakakapagtrabaho pa ako sa restaurant ni Gregory at kahit naamoy ko ang mga ito ay okay lang sa akin.“Okay lang ako!” sabi ko kay Helious at kumapit ako sa kanya dahil nakaramdam na naman ako ng hilo matapos kong sumukaWala naman akong maisuka kundi laway lang at kahit na nahihirapan na ako ay okay lang dahil alam ko naman na bahagi ito ng pagbubuntis ko.Naalala ko nga si Harold at Hunter and I felt sorry dahil hindi ko na sila naaalagaan gaya ng dati “Mahiga ka muna ulit!” sabi ni Helious saka niya ako inalalayan para makahiga sa kama matapos kong magsepilyo at maghilamosKakatapos ko lang maligo kanina at nakapagpatuyo n
CarrineNagsimula na ang seremonya ng kasal at labis ang kaba ko sa simula palang. Inihatid ako ni tatay, Daddy Fred at Mommy Samantha sa altar at labis ang saya ko dahil maayos ang naging pagkikita nila sa unang pagkakataon.Nung abutin ni Helious ang kamay ko mula sa aking mga magulang ay kapwa kami lumuluha.He may look tough on the outside but inside, he is a sweet and loving person.Naglalakad palang ako and I felt emotional nung makita ko siyang nagpapahid ng kanyang mata. He even hugged her Mom at kahit malayo, kita ko ang pagyugyog ng kanyang mga balikat.We both stood up at bago kami magpalitan ng singsing ay pina recite na sa amin ang mga wedding vows namin.Pinauna na ako ng pari kaya kinuha ko sa pouch na dala ko ang inihanda kong wedding vows para kay Helious.“Mahal..una sa lahat, gusto kitang pasalamatan sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga na ginawa mo, hindi lang para sa akin, kung hindi para sa pamilya ko na din.”I paused dahil pinigilan ko ang luhang malapit ng p
Helious This is the big day for me and Carrine at sobrang excited na ako dahil dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Kasal na lang ang kulang sa amin ni Carrine para maging ganap ang pagsasama naming dalawa at ngayon na nga ang araw na ito! “Son?” Napalingon ako sa pinto at nakita ko si Daddy na nakasilip. Nakabihis na din ito and he looks really good even with his age. “Ready ka na?” tanong niya sa akin nung makapasok na siya sa kwarto Napahinga ako ng malalim at saka ako tumango sa kanya. “I am Dad! And I am so happy!” Dad held my shoulders at tinapik niya iyon. “You deserve to be happy, anak! I love you so much!” Dad hugged me at hindi ko napigilang mapaluha sa mga sinabi niya sa akin. He is really the best father that any child will wish for. Growing up, strict siya pagdating sa akin but a little lax on Hera lalo na at siya ang prinsesa namin. Kung nabuhay nga sana ang Kuya Angel ko, as we call him, sana tatlo kaming magkakapatid pero nawala siya kay Mommy ha