Valeen
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa opisina at napapitlag pa ako ng sumigaw ito pagkakita sa akin.“What the f**k!” sigaw nito kaya naman nakaramdam ako ng inis sa taong ito. Aba porke ba guwapo siya, e ganyan na siya manghamak ng pangit?“Samaniego your mouth!” pigil naman dito ng boss ko kaya napayuko na lang ako“Saang planeta mo ba nakuha ito? Yan ba ang papalit kay Marissa baby ko?” ayaw pa rin talagang paawat ng bibig ng lalakeng ito while Ms. Marissa rolled her eyes. Naging boyfriend niya kaya ito? “Pamangkin siya ni Yaya Nette okay! Shut your f*****g mouth!” sagot naman sa kanya ni sirNapatingin ako kay Sir Marcus and I was surprised na nakatingin din sa akin ang bisita nito.“Hey! What’s your name!” tanong nito sa akin kaya napatikhim ako“Ahm s-sir, I’m V-valeen Alicia Flores po.”“Okay Ms. Beastie, kapag nandito ako sa office ng boss mo please lang huwag kang magpapakita sa akin ha!” Bastos din talaga ang bibig ng taong ito pero hindi ko pwedeng gamitin ang katarayan ko dito dahil baka maaga akong mawalan ng trabaho.“Drake, she have a name! D**n you!” naiinis na sabi ni sir kaya naman minabuti ko ng magpaalam “Ah sir Marcus, anything else?” pilit kong dineadma ang lalaking bastos dahil hindi naman siya ang magpapasweldo sa akin“You may go Val. I need the minutes of the meeting yesterday with Mr. Frias bring it to me later.” utos niya sa akin“Noted boss!” sabi ko saka ako lumabas ng opisina. “Bro please! Baka naman gusto mong ilipat si Ms. Beastie! Nakakakilabot eh!” Gusto kong balikan ang kumag na lalaking ito at bigyan ng malutong na sampal sa mukhan pero nagpigil ako.“Samaniego, grow up! Inaano ka ba ni Val?” ramdam ko ang inis sa boses ng boss ko kaya naman kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.May magtatanggol sa akin laban sa kaibigan niyang matalim ang dila.Dumeretso na ako sa table ko at hinanap ang minutes ng meeting na sinasabi ni Sir Marcus. Parating naman si Ms. Marissa at ngumiti ito sa akin.“Pagpasensyahan mo na si Sir Drake. Ganyan lang talaga yan, mapagbiro!” sabi niya sa akin“Weh! Hindi naman biro yun Ms. Marissa. Hindi nga siya nakatawa eh!” Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko at naisip ko, paano kaya ung mga taong hindi talaga biniyayaan ng ganda? Tapos araw araw nakakasalamuha mo ang mga taong kagaya nung Drake. Hay grabe, ang hirap pala talagang maging pangit lalo kung puro mapanghusga ang mga tao sa paligid mo.“Habaan mo ang pasensya mo Val. Hindi pa kumpleto yan dahil may tatlo pang kaibigan si Sir Marcus na palagi ring nagpupunta dito.”“Talaga ma’am? Yung isa nga delubyo na, pano pa kung may tatlo pa!” Ito na ba ang parusa ko dahil sa pagiging suwail kong anak?“Oo pero si Sir Drake at si Sir Lucian lang ang makulit. Parang mga bata yung dalawa na yan.” kwento niya pa sa akin“Di bale po Ma’am. Marami naman po akong baong pasensya! Sana lang po huwag maubos!” biro ko dito pero sa totoo lang, kinakabahan akoI am not a very patient person pagdating sa mga taong masama ang ugali. Hindi ko forte ang makipagplastikan kahit noong nag aaral pa ako.Kaya nung college ako marami ang naiintimidate sa akin dahil sa pagiging prangka ko. I never step down lalo kung nasa katwiran ako. I studied Business Course dahil gusto kong pamahalaan ng negosyo ng pamilya namin sa Davao pero ayaw ni Daddy at ang gusto niya, mag asawa na ako. I am the only girl in the family at bunso pa so others regard me as the Princess of the Flores’. And I don’t like that. Ang dalawang kuya ko ang tanging hinasa ni Daddy sa negosyo pero ako? Pinag-aral nga pero hanggang dun lang. Kasi babae daw ako at kailangan ko mag-asawa in the near future.Masyadong makalumang paniniwala at hindi ako sang ayon dun lalo na kung si Allan lang ang ipapakasal sa akin. Di baleng maging matandang dalaga nalang ako!“Okay ka lang Val?” tanong ni Ms. Marissa kaya naman natigil ang pagmumuni muni ko“Ay opo Ms. Marissa, okay lang po ako. Nakita ko na po yung pinapahanap ni boss kaso ayaw ko pong dalhin sa loob.” Napataas naman ang kilay ni Ms. Marissa sa sinabi ko“Bakit?” “E ayaw daw po akong makita ni Sir Drake! Sabi niya magtago daw ako pag nandito siya!” Natawa naman si Ms. Marissa sa sinabi ko saka umiling.“Huwag mong pansinin si Sir Drake. Isa pa hindi pwede na magtatago ka twing nandito siya kasi pano mo magagawa ang trabaho mo?” “Nakakainis po kasi. Akala mo sobrang gwapo naman kung makapang lait!” himutok ko dito“Sige na, dalhin mo na yan doon. Hindi naman papayag si Sir Marcus na apihin ka nun.” utos sa akin ni Ms. Marissa kaya naman sumunod na ako ditoHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pinto ng opisina“Come in!” sabi ni boss buhat sa loob kaya pumasok na ako sa loob“Sir, nandito na po ung minutes na hinihingi niyo!” “Good heavens!” iritang sabi ni Sir Drake ng makapasok ako pero hindi ko siya pinansinDumeretso na ako sa mesa ni Sir saka ko nilapag ang papel na kailangan niya. May binubutingting ito sa laptop kaya hindi niya ako masyadong pinapansin.“Sir?” Ulit ko“Yes, Val! Pakiiwan na lang diyan!” panay ang butingting nito at napamura pa kaya naisipan ko ng magtanong“Ah sir, may problema po ba?” “Yes Val. May file akong sinave dito tungkol sa bagong negosyo namin pero hindi ko makita. I think I deleted it by accident.” Napangiti ako saka ako nag offer na tulungan si Sir tutal bihasa ako sa mga ganitong problema.“Ah sir, okay lang po ba na tignan ko? May back up file po ba kayong ginawa?” tanong ko pa dito“I’m not sure Val.” tumayo ito saka ako pinaupo sa harap ng laptop niya habang hindi naman maipinta ang mukha ni Sir Drake“My God! Saang bundok ka ba galing? Hindi ba uso ang parlor doon?” Ayan nanaman ang bibig ng taong ito at kahit gusto kong sagutin ay pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko lang siguro magpanggap na parang wala siya sa harap ko. Bahala siya sa buhay niya, mamatay siya sa inis.“Shut up, Samaniego or else itatapon kita sa labas!” banta ni Sir sa kaibigan niyaNagpatuloy lang ako sa pagtipa hanggang sa makita ko ang file na hinahanap ni Sir.“Got it sir!” itinuro ko sa kanya ang file kaya naman parang nakahinga ito ng maluwag“Iginawa ko na po kayo ng back-up file sir. Lagi niyo po itong gagamitin just in case po na magkaproblema.” sabi ko pa dito“Wow! Thanks Val! Hindi ko alam na magaling ka rin pala dito!” sabi pa ni sir sa akin“Lahat naman po napag aaralan sir!” tumayo na ako at saka naman naupo si Sir at hinarap uli ang laptop niya“May kailangan pa po kayo sir?” “Wala na Val. Tatawagan nalang kita.” sagot naman nito sa akin“Okay po sir!”Nilagpasan ko lang si Sir Drake at hindi ko din tinignan dahil talaga namang naiinis ako sa kanya.“Pahingi ako ng kape!” utos naman nito sa akin kaya nilingon ko ito“How do you prefer your coffee sir?” alam ko na iniinis lang ako ng lalaking ito kaya naman hindi ko siya uurungan“Black coffee! No sugar!” bored na sagot niya sa akin kaya naman napailing na lang ako.Mukhang kulang sa aruga ang lalaking ito o baKa naman kulang sa saksak noong baby pa siya.Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako pero tinawag niya ako uli.“Hey beastie! Sinabi ko bang umalis ka?” hindi ko naman siya pinansin at deretso lang ako lumabas para itimpla siya ng kapeAkala ba niya siya lang ang may kayang mang-asar! Pwes pagbibigyan ko siya!Dinala ko agad ang kape niya pagkatapos kong kumuha sa pantry at pagpasok ko madilim ang mukha nito habang si Sir Marcus ay pangiti ngiti lang.“Heto na po ang kape niyo!” inilapag ko ang kape sa harap niya “Tinatawag kita kanina! Bakit ka lumabas?” sita niya sa akin kaya kumunot ang noo ko sa kanya“Ganun po ba? Hindi ko po kasi narinig.”“I called you, Ms. Beastie! Ano ka bingi!?” Madali naman palang mapikon ang isang ito. Chicken na chicken lang sa akin.“Ah kaya po pala hindi ako lumingon! Kasi po Sir, hindi po iyon ang pangalan ko.” katwiran ko dito Narinig ko naman ang tawa ni Sir Marcus. Halatang natutuwa siya sa sinabi ko sa kaibigan niya.“Thompson! Saan mo ba nakuhang bundok ito? Narinig mo ba kung paano ako sagutin?” “Well she said it right, Samaniego! May pangalan naman kasi siya eh! Call her with that!” Pagtatanggol naman sa akin ng boss ko“May ipag uutos pa po ba kayo sir?” tanong ko ulit dito saka ako ngumiti.Napangiwi pa nga ito pagkakita sa ngiti ko sa kanya.“I want pizza! Iorder mo ako!” utos ni Sir Drake“Okay po sir! Anong klaseng pizza po? Anong flavor?” magiliw na tanong ko dito“Ask Marissa, alam niya kung ano ang gusto ko!” “Okay po sir! Noted po! Yun lang po ba?”Umiwas pa ito ng tingin sa akin habang pigil naman ang tawa ni Sir Marcus sa nangyayari!Lumabas na ako ng opisina nila at saka napangiti. Kayang kaya ko naman palang sabayan ang bwisit na lalakeng ito!‘Ayaw mo sa mukha ko? Pwes, lalo kong ipapakita sa iyo! Maumay ka!’Valeen It’s Sunday today at and it is Family day. It has been a habit for us na twing Sunday ay kumpleto kami at sabay-sabay kaming kakain ng lunch ng buong pamilya. Pagkatapos naming magsimba kanina ay dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang tanghalian namin. Tatlo na ang anak namin ni Drake and we both agreed na tama na iyon as soon as maipanganak ko ang bunso ko. They are all boys at hindi madaling maging nanay sa tatlong batang lalaki na ubod ng pilyo at kulit. Idagdag pa ang tatay nilang nakikisabay sa mga kalokohan nila. Ang panganay ko na si Dylan Glenn is already twenty-four and he is now working in his Dad’s company. Hindi naman ito pilit sa part niya dahil kahit nung bata pa siya ay nakitaan na siya ni Drake ng interes sa negosyo ng mga Samaniego. His Dad is training him dahil wala naman talagang ibang magmamana ng business kung hindi sila ding magkakapatid. Ang pangalawang anak ko na si Dwight Carlos naman ay walang hilig sa negosyo. Siya ang pinakamalok
DrakeVal is already in her ninth month of pregnancy and we are both excited sa pagdating ng panganay na anak namin. Even our families and friends are excited too. Lahat sila nakaabang sa paglabas ni Dylan Glenn. My son is lucky. I mean lahat ng mga anak at magiging anak namin ay maswerte dahil maraming taong nagmamahal sa kanila.At tulad noon, I chose to work from home this month dahil gusto ko na nasa tabi ako ni Val. I don’t like the idea na manganganak siya tapos nasa trabaho ako. Gusto ko katabi ako ng asawa ko. Gusto ko, ako ang magdadala sa kanya sa ospital at gusto ko, ako ang unang makikita niya when she wakes up kapag nakapanganak na siya.“Eh bakit hindi ka sumama sa loob para nandun ka habang nanganganak si Val. I think they allow that nowadays.” suggestion iyon ni Lucian nung huling magkita-kita kami.“I don’t know bro! Siguro tatanungin ko kung gusto ni Val na nandun ako.” but I think it’s really a good idea naman“Pass ako sa ganyan!” sabi ni Hendrix habang umiinom n
Valeen“Sinasabi ko na ba! Unang kita ko pa lang dyan sa babaeng yan iba na ang kutob ko! Ikaw naman Val, pinagtatanggol mo pa! Papano nalang kung nagtagumpay siya sa pang-aakit sa asawa mo? Edi iiyak-iyak ka sana ngayon? Muntik pang mapahamak yang inaanak ko! Paano na lang kung may nangyari diyan? Naku Valeen pasalamat ka at wala talagang nangyari sa inaanak ko! At pasalamat din ang babaeng higad na yan at wala ako dito dahil hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin! Naku talaga naman! Nakakagigil!” “Ganyan ba talaga yang kaibigan mo? Walang preno ang bibig?” bulong sa akin ni Drake habang pinapakinggan namin ang mahabang sermon ni TrishMaayos naman na ang kalagayan ko at nagulat ako ng sumugod dito si Trish ng umaga ng mabalitaan niya ang nangyari kay Manang Josie.“Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Trish “Oo Trish! Okay na ako!” Naupo naman ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.“I’m just glad na okay ka Val!” Niyakap pa ako ni Trish kaya tala
DrakeKanina pa mainit ang ulo ko dahil sa mga nakita kong kapalpakan ng ilang mga tauhan sa site. Idagdag pang mag-isa ako ngayon dito dahil may kanya-kanyang lakad ang apat na itlog kaya ako lang ang nag-handle ng problema.Nadagdagan pa ang inis ko ng tumawag si Rina at sinabing umalis si Val ng hindi siya kasama. Kabilin-bilinan ko kasi kay Rina na kung sakaling aalis ang Ma’am niya ay samahan niya pero kanina daw ay umalis ito kasama si Trish at nagalit pa daw sa kanya ng magpumilit siyang sumama.Alam ko na mali dahil kay Val ko naibunton ang init ng ulo ko kaya naman minabuti ko ng tapusin ang pag-uusap namin at baka may masabi ako na pagsisihan ko bandang huli.Medyo na-late pa ako ng uwi dahil inabot ako ng traffic so I expected na tulog na si Val pagdating ko.Agad naman akong sinalubong ni Rina pagdating ko kaya naman tinanong ko kung kumain na ang Ma’am niya.“Opo sir! Nagpadala po ng pagkain sa kwarto. Pagdating po kasi niya hindi na po lumabas ng kwarto.” Kwento sa ak
ValeenNaging busy padin ako the following days dahil ang pag-aayos naman sa mansion ang inatupag ko. Mas madali naman ngayon kasi marami akong katuwang, idagdag pa si Rina na palaging naka alalay sa akin.“Busy naman masyado ni Buntis!” napalingon ako at nakita ko si Trish na papasok sa pintoTumayo ako at agad akong yumakap dito dahil na-miss ko naman talaga siya dahil ilang araw kaming hindi nagkita.Kasalukuyang sinasabit ni Mang Rene, ang driver namin, ang wedding picture namin ni Drake. Kahapon lang kasi ito dumating at ang asawa ko ang nag-suggest kung saan ilalagay ang life-size na picture namin.Napansin ko na matagal na tinitigan ni Trish ang picture kaya naman siniko ko ito at biniro.“Gandang-ganda ka na naman sa akin!”“Huh?! Ah oo naman! Siyempre!” alanganing sagot ni Trish sabay kamot ng ulo“Problema mo?” tanong ko saka ko siya inayang maupo “Val, yan pala ang asawa mo?” biglang tanong ni Trish kaya kinabahan naman ako sa klase ng pagtatanong niya. Hindi pa rin kasi
ValeenSa mga sumunod na araw ay inasikaso ni Drake ang paglipat namin sa mansion. May dalawang kasambahay na nagpunta dito para alalayan ako sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Kapag naka-settle na kami ay susunod naman naming paghahandaan ang house blessing. Madalas dumalaw sa akin si Trish at natutuwa ako kasi kahit tapos na ang trabaho niya sa amin ay hindi pa rin siya nakakalimot. “Kamusta naman ang pagbubuntis mo?” tanong nito sa akin. Nandito kami sa sala ngayon dahil kakatapos lang hakutin ang ilang box na dadalhin ng dalawang kasambahay sa mansionBukas ay babalik uli sila para muling mag-empake ng mga gamit namin.“Okay naman ako Trish. Sobrang excited na ako na maging Mommy!” “I’m sure magiging mabuti kang Mommy!” sagot naman sa akin ni TrishLumabas naman si Rina sa kusina na may dalang juice at sansirival cake para sa amin ni Trish. “Salamat Rina!” sabi ko ng ilapag niya sa mesa ang tray“Walang anuman po Ma’am. Magluluto lang po ako sa kusina. Tawagin niyo nalang po