Share

KABANATA 04

[YEONA'S POV]

Isang mapayapang araw lang dito sa opisina dahil hindi pumasok si Yakero. Maraming nagtataka kung bakit siya hindi pumasok. Naka-upo lang ako sa swivel chair ko habang nilalaro ang hawak kong ballpen. Hindi ko rin maiwasang isipin kung anung nangyari sa kanya. Kung tungkol man ito sa milagrong ginawa namin kahapon, lagot talaga ako!

Hindi ko kayang libangin ang sarili ko kaya tumayo ako para lumabas sa opisina. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto para lumabas nang bigla itong bumukas. Napaatras ako at mas lalong napaatras patalikod ng pumasok si Yakero.

Nakasuot ito ng simpleng plain t-shirt at pants. Amoy na amoy ko ang mentol shampoo na na nilagay niya sa buhok niya dahil basa parin ito. His scent is really admiring. Mas lalo siyang gumwapo ngayon dahil sa plain t-shirt na suot niya.

Patuloy parin ako sa pag-atras dahil patuloy rin siyang papalapit sa akin. Huli na ng malaman kong wala na akong maaatrasan dahil pader na ang nasa likod ko.

I saw him smirked and winked at me. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kaba dahil sa presensya niya. Inilayo ko ang tingin ko na mas lalong napangiti sa kanya.

"How' was my lovely secretary?" he asked, the contagious smile is still written on his lips.

Hindi ako sumagot na mas lalong nagpasaya sa kanya. He grab my both of hands and planted a soft kiss on there. Gulat kong binawi sa kanya ang mga kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to. Akala ko ba kakalimutan na namin ang nangyari kahapon? Ano na naman ang nangyayari sa iyo Yakero?

Hahalikan niya sana ang leeg ko nang may biglang kumatok sa pinto ng opisina. Napaayos kami ng tayo at alisto naman akong tumakbo sa table ko. Si Yakero naman ay nanatiling nakatayo kung nasaan siya kanina.

"I'm sorry for the interruption, Mr. Del Fiero but Ma'am Yazaih is looking for you," mahinhing sabi nong cute little assistant.

Inayos naman ni Yakero ang sarili niya at tumingin sa akin. "I'll be back," pagpapa-alam niya. Hindi ko alam pero kakaiba na ang nangyayari. Ilang segundo ay lumabas na si Yakero kasama ang assistant niya.

Napatingala na lamang ako sa kisame na hindi parin maipalawanag ang mga nangyayari. This will never be happen. Anung nangyayari, Ye!? Akala ko ba sekretarya ang trabaho mo? Bakit ganito ka kung tratuhin ng CEO?

Napasalampak nalang ako sa aking sarili. Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bag para tumawag sa pamilya ko na nasa probinsya.

"Hello ma," bati ko sa kabilang linya.

"Hello anak? Yeona, ikaw ba 'to?" sagot ni mama.

"Estong! Tumawag ang anak mo! Tumawag si Yeona!" sigaw ni mamang kay papang.

"Hello pa?" pagbati ko kay papang.

"Anak!? Kamusta ka diyan? Okay lang ba ang kalagayan mo diyan sa maynila? Kung gusto mong umuwi dito, sabihan mo lang kami ah? Miss na miss ka na namin, " usal ni papang.

Unti-unting kumirot ang puso ko dahil sa mga linyang binitawan niya. "Oo pa, okay lang ako dito."

Peke akong natawa para mapatunayang okay lang ako. "Kailangan kong mag-trabaho kasi nga may sakit ka diba? Kailangan kang ma-operahan. At si Jacob, kailangan niyang makapagtapos sa kolehiyo."

"Naku, anak. Huwag mong isipin iyan. Huwag mong isakripisyo ang kasiyahan mo dahil lang sa sakit ko," natatawang sambit ni papang.

"Hindi pa... Mapapagaling kita, kayanin mo iyan. Kinaya ko nga dito eh..." Nakangiting saad ko. "Sige na po, pa... Nandiyan na po ang boss ko," pagpapa-alam ko.

I ended the call without their response. Ayaw kong tumaas lang ang pag-uusapan at mapilitan akong umuwi sa probinsya para samahan sila. Kailangan namin ng pera para mapagaling si papang. Kahit pa isakripisyo ko ang kasiyahan at buhay ko doon, gagawin ko.

***

Dahil ako lang mag-isa sa opisina ay naisipan kong lumabas sa kumpanya para bumili ng pagkain. Kinuha ko ang bag ko at sinarado ang pinto bago tuluyang umalis.

Nakita ko si Jihad sa isang hallway ng kumpanya, nakikipagtawanan siya sa mga ka office worker niya at doon lang natahimik ng dumaan ako sa harap nila.

Tinawag ako ni Jihad pero ngumiti lang ako dahil kailangan ko na talagang bumili ng makakain. It's almost 12 in the afternoon so I decided to finish everything fast. Gutom na gutom na ako at kailangan ko na talagang kumain.

Pumasok ako sa elevator para mas mapadali ang pag-alis ko. Sakto namang walang sumakay sa elevator kaya kaagad akong nakalabas. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang naglalakad palabas ng kumpanya.

"Where are you going ma'am?" tanong ng guard na nagbabantay sa pintuan.

"A-ah... Bibili lang ng pagkain diyan sa labas. Gutom na gutom na kasi ako eh," sagot ko at ngumiti. Pinayagan naman ako ng guard dahil hindi naman siya masungit.

Tuluyan na nga akong nakalabas sa Del Fiero Company. Nakaabang ako ng tricycle sa kalsada pero natigilan ako ng makita si Yakero na may kasamang babae na pumasok sa kotse niya.

Kaagad nagdugtong ang kilay ko dahil sa labis na kuryosidad. Akala ko ba si Mrs. Yazaih ang naghahanap kay Yakero? Bakit kasing edad ko lang ang babaeng kasama niya ngayon?

I decided to walked near on his car to confirm all my doubts. Oo, walang kami ni Yakero at isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin. Pero tinutulak ako ng kuryosidad ko na alamin ang nangyayari. Totoo kaya? Na may karelasyon ang boss ko?

Sinilip kong mabuti ang nangyayari sa loob ng kotse ni Yakero at doon nakumpirma ang hindi ko inaasahang makita. Nakakandong ang babae kay Yakero habang pinapaulanan nila ng halik ang isa't-isa. My heart shattered because of what I saw. Watching Yakero doing this to the other woman made me feel sick. He just used me for his own pleasure.

Akala ko ba walang namamagitan sa amin? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan ako?

Why are you acting this way, Yeona? You're just his secretary and a slut bed-warmer.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status