BETRAYED BY MY BILLIONAIRE HUSBAND

BETRAYED BY MY BILLIONAIRE HUSBAND

last updateLast Updated : 2026-05-18
By:  GoldGirlUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Mariz Elizondo thought she had the perfect marriage with billionaire Lance Villareal—until she discovered the cruel secret behind her pregnancy. Betrayed by the man she loved and used only as a tool to secure their family’s wealth, she realized the child she carries belongs to another man: Lance’s powerful best friend, Ethan Montecillo. Broken but no longer weak, Mariz fakes losing the baby to uncover everyone’s true intentions. But as revenge pulls her deeper into a dangerous game of lies, fate slowly brings her closer to the real father of her child the only man who might truly protect her.

View More

Chapter 1

Chapter 1: The Truth Behind the Lie

Mariz’s Point of View

Akala ko noong una, ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. Kasi naman, sino ba naman ako? Isang simpleng babae lang, galing sa ordinaryong pamilya, tapos biglang mapapansin ng isang tulad ni Lance Villareal gwapo, mayaman, at isa sa pinakasikat na bilyonaryo sa ating bansa. 

Noong niligawan niya ako, akala ko panaginip lang. Ang daming bulaklak, ang daming date, laging sinasabi kung gaano niya ako kamahal at kung paano niya ako gagawing pinakamasayang asawa. At noong nagpakasal kami, akala ko ‘yun na ang simula ng happy ending ko.

Pero mali pala ako. Napakalaki ng pagkakamali ko. Dahil ang kasal na akala ko puno ng pagmamahal, ay isa palang malaking kasinungalingan.

Hinawakan ko nang mahigpit ang aking tiyan habang nakatayo ako sa likod ng malaking pader sa second floor ng mansion namin. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig ng hangin, kundi dahil sa mga salitang naririnig ko mula sa kabilang kwarto. Ang boses ni Lance at ng nanay niya, si Tiya Elena o dapat kong tawaging Mommy Elena, pero simula pa lang, ramdam ko na hindi niya ako talaga gusto kahit pa laging nakangiti ito sa harap ko.

Akala ko mabait lang talaga siya at medyo istrikto lang. Akala ko lang pala.

“Alam mo naman ‘Ma, kailangan ko lang talagang gawin ‘yun,” rinig kong sabi ni Lance. Ang boses niya pormal, malamig, at walang emosyon. Ibang-iba sa Lance na kilala ko, ‘yung asawang laging malambing at mapag-alaga sa akin.

“Kailangan pa ba, Lance? Sana naman napag-isipan mo mabuti ‘yang ginawa mo. Mahirap magtago ng sekreto, lalo na kung tungkol sa bata,” sagot ni Mommy Elena. May halong pagod at inis sa tono niya.

Napalunok ako. Bata? Tinanong ko sarili ko. Anong kinalaman ng bata sa pinag-uusapan nila?

Lumapit ako nang kaunti, siniguradong hindi nila ako makikita. Ang kwarto ni Mommy Elena ay medyo nakabukas ang pinto, kaya malinaw ang bawat salitang pumapasok sa tenga ko.

“Ma, alam mo naman ang sitwasyon ko noon. Wala akong choice. Kailangan kong magkaroon ng tagapagmana para mapatunayan sa board of directors na stable na ang pamilya ko at karapat-dapat akong mamuno sa kumpanya. Pero paano? Kung alam nilang… hindi ko kayang magkaanak?”

Napahawak ako sa bibig ko para mapigilan ang hininga kong muntik nang lumakas. Anong ibig niyang sabihin? Hindi siya kayang magkaanak? Pero… buntis ako. Anim na buwan na ang tiyan ko. Anak namin ‘to, di ba?

“Oo, alam ko ‘yun, anak. Kaya nga pumayag ako sa plano mo. Pero ‘yung paraan mo… hay naku. Pinapalit mo siya ng gamot, nilalagyan mo ng pampatulog ang inumin niya tapos ipinagpalit mo siya sa kaibigan mong si Marco? Grabe ka naman, Lance. Asawa mo ‘yang babaeng ‘yan. Kahit hindi ko siya gusto, tao pa rin siya.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at halos bumagsak ako sa sahig. Pilit kong kinakapit sa pader para hindi ako gumawa ng ingay. Ang puso ko… parang dinudurog ito nang paulit-ulit.

“Gusto mo bang marinig ko ‘yan, Ma? Si Marco lang naman ang nakakagawa nun. At saka, ano naman kung magkamali ako? Ang mahalaga, mabubuntis siya. At nangyari naman nga, di ba? Buntis siya ngayon. At lahat ng tao, pati siya mismo, akala anak ko ‘yang dinadala niya. Perfect ang plano natin. Walang may alam, at mananatiling sikreto ‘to hanggang sa mamatay kami.”

Tumawa pa siya nang mahina. Isang tawang nakakadiri, tawang puno ng panloko.

“Pero Lance, paano kung magkamali ka? Paano kung malaman niya? Alam mo naman kung gaano kamahal ‘yun sa’yo. Tanga lang talaga siya at maniwala sa mga kwento mo. Akala niya talaga, ikaw ‘yung kasama niya sa kama noong gabing ‘yun, noong lasing siya at pilit mong kinakausap na magkaroon kayo ng baby. Ang lakas ng loob mong sabihin sa kanya na ikaw ‘yun, kahit alam mong si Marco ang kasama niya.”

“Ma, madali lang dayain si Mariz. Masyado siyang in love sa akin. Bulag siya sa katotohanan dahil sa pagmamahal niya. Isang haplos lang, isang matamis na salita, maniniwala na agad ‘yun. At saka, nung gabing ‘yun, pinainom ko siya ng matapang na gamot, sobrang tulog niya kaya wala siyang naramdaman, wala siyang naalala. Pagkagising niya, nasa tabi niya ako, kaya syempre, iisipin niya ako ang kasama niya. Sobrang dali lang niyang linlangin.”

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Mainit ito at walang tigil na bumabagsak sa pisngi ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit marinig ang lahat ng ito mula mismo sa bibig ng asawa ko. Ang akala ko perpektong pamilya, ay isang gawa-gawa lang pala.

“At saka Ma,” dugtong pa ni Lance, narinig ko ang pag-upo niya sa sofa. “Kailangan ko lang naman siya para mabuo ang plano ko. Kapag ipinanganak na ang bata, at kapag nakuha ko na lahat ng mana at kapangyarihan ko sa kumpanya, pwede ko na siyang itapon kung saan-saan. Wala naman silang halaga sa akin, siya at ang batang ‘yan. Ang bata ay para lang sa posisyon ko, at siya… siya lang ay isang kailangan lang gamitin.”

Napasinghap ako nang malakas, kahit pilit kong pinipigilan. Hindi ko na kaya. Parang pinupunit ang bawat piraso ng pagkatao ko. Lahat ng ‘pagmamahal’ na ipinakita niya sa akin? Lahat ng pangako niya na ‘di niya ako iiwan? Lahat ng ‘yun ay kasinungalingan lang pala.

At si Mommy Elena… ang babaeng akala ko kahit papaano ay tatanggap ako, ‘yun pala ay kinukunsinti lang ang anak niya.

“Hay naku, Lance. Sana lang talaga walang makaalam nito. Nakakatakot lang baka magising ‘yang utak ng babaeng ‘yan at magrebelte. Pero sigurado ka ba na hindi niya mahahalata? Ang tanga naman talaga niya no, akala niya mahal mo siya. Kawawa naman,” sabi ni Mommy Elena, at may halong panlait ang boses niya.

“Huwag kang mag-alala, Ma. Sobrang tiwala ‘yun sa akin. Kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, maniniwala ‘yun. Mahal na mahal daw niya ako, sabagay, bakit naman hindi? Ako naman ang nagbigay ng magandang buhay sa kanya. Kung wala ako, wala siya. Kaya kahit malaman pa niya, wala siyang magagawa. Wala siyang laban sa akin. At saka, ngayong buntis na siya, mas lalong hindi siya makakaalis. Kailangan niya ako.”

Hindi ko na kinaya pa. Dahan-dahan akong umatras palayo sa pinto, habang ang mga salita nila ay umuugong sa utak ko.

‘Wala silang halaga sa akin.’

‘Ipinagpalit ko siya sa kaibigan ko.’

‘Ang bata ay hindi akin.’

‘Tanga siya at maniniwala.’

Bumalik ako sa kwarto namin, ang kwartong akala ko ay santuwaryo namin, pero isa pala itong kulungan ng panloloko. Isinara ko ang pinto at nLock ito nang maigi, tapos doon ko lang hinayaang bumagsak ang buong katawan ko sa sahig. Umiiyak ako nang walang boses, yakap-yakap ko ang aking tiyan.

Ang baby ko… ang baby na akala ko bunga ng pagmamahal namin… anak pala ito ng iba. Anak ito ng kaibigan niya. At si Lance? Si Lance na asawa ko? Siya ang nagplano ng lahat. Siya ang nanloko, siya ang nagtaksil sa akin sa pinakamasakit na paraan na pwede niyang gawin.

Paano niya nagawa ito? Paano niya nagawang tumabi sa akin, halikan ako, sabihing mahal niya ako, habang alam niyang ganoon kadumi ang katotohanan?

Naalala ko ‘yung gabing ‘yun. Noong sinabi niyang gusto na niyang magka-baby. Noong pinainom niya ako ng alak na parang may halong kakaibang lasa. Noong nakatulog ako agad, at pagkagising ko, nakita ko siya sa tabi ko, nakangiti at sinabing, “Magiging tatay na ako, Mariz. Salamat.”

Akala ko noon ang pinakamasayang araw ng buhay ko. ‘Yun pala, ‘yun ang simula ng impyernong dinaranas ko ngayon.

Bakit? Bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang pinili niyang lokohin nang ganito kalala? Ano bang kasalanan ko? Wala naman akong ginawa kundi mahalin siya nang buong-buo. Ibinigay ko ang lahat—ang oras ko, ang pagmamahal ko, ang sarili ko. Pero ang sukli niya? Pagtataksil at panloloko.

“Bakit, Lance… bakit ganito?” bulong ko sa sarili habang hinahaplos ko ang aking tiyan. Ang baby na ito, inosente naman siya. Pero paano ko ito mahaharap kapag lumaki siya? Kapag nalaman niya kung paano siya nabuo?

Biglang bumukas ang pinto kahit naka-lock ito. May susi pala si Lance. Dali-dali akong tumayo at pinunasan ko ang luha ko, pero huli na. Nakita niya akong umiiyak.

“Mariz? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong niya, at lumapit siya sa akin para yakapin ako.

Dati, kapag ginagawa niya ‘to, pakiramdam ko ligtas ako. Pero ngayon? Nang hawakan niya ako, parang gusto kong sumuka. Ang dumi niya. Ang dumi ng mga kamay niya.

Pumalag ako sa yakap niya at lumayo nang kaunti. Nagulat siya sa ginawa ko.

“Mariz? Ano ba ‘yun? May masakit ba sa’yo? Sa baby ba?” tanong niya ulit, may halong pag-aalala sa mukha niya. Pero alam ko na ngayon, puro pagpapanggap lang ‘yan.

“Wala…” sagot ko, pero nanginginig pa rin ang boses ko. “Wala lang, Lance. Pagod lang siguro ako.”

Tinitigan niya ako nang mabuti. “Sigurado ka ba? Parang may narinig ka yata ah? Kanina ka pa wala sa sarili.”

Napalunok ako. Gusto kong isigaw sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin na narinig ko ang bawat salitang binitiwan nila ng nanay niya. Gusto kong tanungin siya kung paano siya nagkaroon ng pusong bato para gawin ito sa akin. Pero natatakot ako. Natatakot ako kung ano ang pwede niyang gawin kapag nalaman niyang alam ko na ang katotohanan.

At isa pa… masakit isipin, pero mahal ko pa rin siya. Kahit ganoon ang ginawa niya, mahal ko pa rin ang lalaking ito. At ‘yun ang pinakamasakit na parte.

“Wala nga sabi,” sagot ko, at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. “Baka hormones lang siguro. Minsan kasi emotional lang talaga ako nitong mga nakaraang araw.”

Lumapit ulit siya at hinawakan ang mukha ko. Ang mga kamay na ‘to… ang mga kamay na nagplano ng pagkawasak ng buhay ko.

“Alam mo naman na mahal na mahal kita, di ba Mariz? Ikaw lang at ang baby ang mahalaga sa akin. Gagawin ko ang lahat para sa inyo,” sabi niya, tapos hinalikan niya ako sa noo.

Halos masuka ako doon. Ang bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko. ‘Gagawin ko ang lahat para sa inyo.’ Oo nga naman, ginawa niya nga. Ginawa niya kaming instrumento para sa kapangyarihan niya.

“Salamat, Lance,” bulong ko na lang, pilit na ngumingiti kahit parang nadudurog na ang puso ko.

“Bakit ka ba ganyan tumingin sa akin? Parang may mali talaga,” tanong niya, medyo seryoso na ang mukha niya ngayon. Baka natatakot siyang baka malaman ko na. Baka natatakot siyang mawala ang kontrol niya sa akin.

Wala akong sinabi. Bumaling ako sa bintana at tumingin sa malayo. Ang ganda ng tanawin mula dito, ang ganda ng bahay, ang ganda ng buhay na meron kami. Pero sa likod ng lahat ng ganda na ‘yan ay ang dumi at kasamaan ng taong kasama ko.

“Lance…” tawag ko sa kanya nang mahina. “Kung may malaman ka man na hindi mo gusto… o kung may mangyaring hindi inaasahan… iiwan mo ba ako?”

Natawa siya nang mahina, ‘yung tawa na akala mo concerned, pero alam ko na ngayon ay mapaglaro lang.

“Anong klaseng tanong ‘yan, Mariz? Asawa kita. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano, okay? Magpahinga ka na muna, bababa lang ako para kumuha ng pagkain mo.”

Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng kwarto. Pagkasara ng pinto, doon ko ulit hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Paano ko pa mapagkakatiwalaan ang lalaking ‘yan? Paano ko pa matatanggap ang pagmamahal niya kung alam kong puro kasinungalingan lang ito? Ang akala ko pag-ibig, ay isang transaksyon lang pala para sa kanya. Ang akala ko asawa, ay kaaway pala na nagkukunwaring kaibigan.

Hinawakan ko ulit ang tiyan ko. Ang bata… ang inosenteng bata na ito. Anong hinaharap ang naghihintay sa atin? Paano tayo bubuhayin ng lalaking ito na wala namang itinuring na halaga sa atin?

Ang sakit, Lance. Sobrang sakit. Paano mo nagawang gawin ito sa akin? Paano mo nagawang lokohin ako nang ganito katagal?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
3 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status