Tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Patay malisya sa kaniyang sinabi. Habang nasa biyahe ako pauwi, napapaisip ako. Hindi ko naman sinasadya na magkita o magkrus ang landas namin ni Joshua, pero hindi ba't parang pangit tignan? Nasa isang relasyon na ako. I love my boyfriend. . . Finance I should say. At wala akong planong lokohin ito, or bigyan ito ng dahilan para pagdudahan ako. I moved on. And Joshua is still in the process of moving on. Or wala pa talaga sa kukote niya ang pag-mu-move on. Well, I'm clean. My conscience is clean. Walang malisya. Nagpadala ako ng mensahe para kay Xavier. Just some sweet message para mawala ang guilt na nararamdaman ko. Okay, Izabella. It's not like you're cheating on him. Dapat talaga hindi na magkrus ang landas namin ng Joshua na iyon. Sumunod na araw, dinalaw ako ni Marko. Wala naman siyang sinasabi. Nakarami na siya ng kain pero hindi pa din ito nagsasalita. "Did you just came here to eat?"Ngumunguya siyang tumango. "Wala na
Nakauwi na sina Xavier at pamilya niya. Imbes na magpahinga na dahil medyo late na, inaya ako nina Lolo at Lola sa garden. "Parang kailan lang, baby ka pa. Tapos nawala ka sa amin kasabay ng mga magulang mo." Emosyonal si Lola habang hinahaplos ang aking buhok. "Matanda na kami ng lolo mo. At isa ito sa hangad namin, ang makita ka na mag-settle bago kami mawala sa mundo. We wanna make sure that you are happy.""Thank you, Lola. Sa support niyo." Ngayon ko lang napagtanto na parang napaka-selfish at napaka-impulsive ko sa pag-de-decide. Nakalimutan ko silang i-consider. "I wanna ask you, Izabella. Are you happy? Or does your engagement makes you happy?"Napaawang ang aking labi at ilang sandali na natahimik habang kunot noong nakatingin kay Lola. Bakit pakiramdam ko, tutol din sila sa pagpapakasal ko. "Lola if you don't want me to get married yet then. . ."Umiling si Lola at hinawakan ang aking kamay. "We want you to be happy. Kung masaya ka at tingin mo si Xavier na talaga ang
ISANG linggo na lang ikakasal na kami ni Xavier. Ilang linggo na din ang lumipas mula nang huling makita ko si Mady. Ilang linggo na din mula nang magsabi si Marko na may importante siyang inaasikaso—kaso hindi na kapani-paniwala. Hindi ako makakapayag na hindi sila um-attend sa kasal ko kaya nagpasya ako na kitain sila. Kaso wala sila sa bahay nila. I texted them my whereabouts. And waited patiently for them. Kaso iba ang dumating. Naupo si Joshua sa aking harapan. "Joshua, ano'ng ginagawa mo dito? Pinapunta ka ba ni Marko dito?" "Gusto lang kitang makita. And also, there's something you need to know." Seryoso niya akong tinignan. "Tungkol saan?" "Izabella!" Naagaw ang atensyon ko nang biglang sumulpot ang mommy ni Xavier kasama ang kaniyang mga kumare. Tumayo naman si Joshua at basta na lang umalis. Hindi na natuloy ang dapat na sasabihin niya. Tungkol saan naman kaya iyon?"Is that your ex?" bulong sa akin ng aking byenang hilaw. Nahihiya akong tumango. "Closure?" tanong
Hindi ko alam kung kaya ko bang matulog ngayong gabi, knowing that someone is in danger because of me. Sigurado na ako ngayon na nawawala si Mady. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. If I should contact Joshua's parents. My grandparents. Si Marko, sana. . . Iyon nga lang wala siya sa bansa. Nagpasya ako na pumunta sa bar kung saan madalas mag-hang out sina Joshua kasama ang kaniyang barkada. Sana naroon sila. Bumaba ako ng sasakyan at nagmamadali na pumasok ng bar. Walang oras na dapat masayang, dahil buhay ang nakasalalay dito. Puno ang bar. Siksikan ang mga tao. Hindi ko din maaninag ng maayos ang mga mukha ng mga tao, dahil sa nakakahilo na patay sindi na ilaw. Nakakabingi ang musika. Dumadagundong ang buong paligid sa lakas ng volume. Hindi ko sigurado kung narito nga ang mga kaibigan nina Joshua, pero I should atleast try to look for them. Nang biglang mamatay ang ilaw. The crowd starts to panicked. Para naman akong kakapusin ng hininga dahil sa gitgitan ng mga tao n
I passed out. But before I totally lost my consciousness, I knew that help has arrived."W-Where am I?" tanong ko nang mamulatan ko si Lola na alalang-alala ang mukha habang nakatunghay sa akin. "Nasa ospital ka, hija. How are you feeling?" Napakurap ako at ilang sandali na napaisip. Napabalikwas ako nang maalala ko ang nangyari. "Si J-Joshua, Lola? Si X-Xavier?" natatakot at natataranta kong tanong. Muli akong nakaramdam nang matinding takot dahil nabaril ang dalawa kanina. "Hija, calm down. Mahiga ka muna.""No, Lola. I need to see Joshua and Xavier. Nasaan sila? Nandito ba sila sa ospital?"Nagkatinginan sina Lolo at Lola. Nang wala akong makuhang sagot, agad akong bumaba ng kama at lumabas ng hospital room. Kailangan kong makita sina Xavier at Joshua. Nasa panganib ang buhay nila. Nabaril sila. And Joshua. Oh my God! Nanghihina ako kaya bahagya akong huminto sa paglalakad. Luminga din ako sa buong paligid, nagbabakasakaling makita ko ang dalawa. "Izabella!" Hinawakan ni Lo
"Alam mo, duda na talaga ako diyan sa mga kinikilos mo," sabi ni Mady habang patuloy sa paglantak sa fries na bagong luto sa kaniyang harapan. Binaba ko naman saglit ang tablet na hawak ko at nakisali na din sa kaibigan ko sa pagkain. Uminom ako ng juice pagkatapos at muling kinuha ang tablet. Inabot ko ito sa kaniya. "Hindi nga siya active sa social media," sabi ni Mady. "Baka naka-hide sa akin ang mga new posts niya," nakanguso kong sambit. Bumulanghit naman sa tawa si Mady. "Alam mo, kung hindi ko lang naiisip na isa ka sa pinakamayanan sa buong Pilipinas at buong mundo, nabatukan na talaga kitang babae ka."Hindi ko siya inintindi. Nilapit ko pa sa kaniya ang tablet dahil ayaw niya itong kunin. "Bakit naman niya iha-hide sayo ang post niya? I'm sure nakapag-move on na iyon sa'yo." Tumawa siya. "Oh, heto na nga!" Ni-log in niya ang kaniyang account, saka ni-search ang pinapahanap ko. "Walang bagong post. At kung may bago man siyang post hindi niya kailangang mag-hide. At ku
Hindi pumayag si Joshua. Bukas na lang daw sila magkita-kita ng kaniyang mga kaibigan. Pansin ko sa mga kasama ko na iniwasan na lang din nila na mapag-usapan pa namin ang tungkol kay Joshua. Nagpatuloy kami sa pag-inom. I toned down a bit at pinili na lang na magpalutang sa tubig. "Affected much?" nang-aasar na tanong ni Mady sa akin. Sinundan pa talaga niya ako dito sa gitna. "Why would I?" tanong ko naman. From now on, titigilan ko na ang pag-iisip kay Joshua. For my own good. "Bukas, mag-bar tayo," aya ni Craig. "Hindi ba't magkikita kayo nina Joshua bukas?" tanong ni Mady. Nang may mapagtanto napangisi siya. Naghahamon silang tumingin sa akin na tatlo. "Tignan nga natin kung nakapag-move on na ba sa iyo si Joshua," natatawang sambit ni Marko. "Kayo na lang. Pahinga ko muna ang atay ko. Gusto kong mabuhay nang matagal pa," pagdadahilan ko. "Eh, di huwag kang uminom. Sayaw lang. May mga ladies drinks naman o kaya juice sa bar.""I dont know." Umiling ako. Hindi ako madad
Sobrang sakit ng ulo ko paggising ko kinaumagahan. Bumangon ako upang maligo ngunit bumalik din ako agad sa kama at pinilit na matulog. Hapon na ng magising ulit ako. Kung hindi pa kumakalam ang aking tiyan ay hindi pa talaga ako babangon. Napasobra ako ng inom kagabi. Madaling araw na kami nakauwi. Hindi ko naman magawang magpaalam sa grupo dahil hindi pa umaalis sina Joshua. Ayaw ko lang na bigyan sila ng ideya na nag-walk out ako, dahil wala naman iyon sa isip ko. Kaya si acla, napasabak na naman sa inuman, kahit na wala naman sa plano. Ayun, wala naman akong napala. Sakit ng ulo lang at mahapdi na sikmura. Akala ko makakausap ko na si Joshua kaso hindi naman ako maka-timing. Hindi na lang sana ako nagpunta pa. Uminom ako nang malamig na malamig na tubig pagkatapos kong kumain. Nagpadala din ako ng dessert sa maid sa may pool, at doon muna ako tatambay. Nahiga ako sa sun lounger sa gilid. Gustuhin ko mang magtrabaho ngayong araw, at maging productive hindi ko talaga magawa.