THE SUBSTITUTE BRIDE: The obsessive love of Mr. Mercadejas

THE SUBSTITUTE BRIDE: The obsessive love of Mr. Mercadejas

last updateLast Updated : 2026-05-26
By:  AmarahwritesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
25Chapters
31views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

She thought that she has a happy ending with her boyfriend, pero mukhang na realized ng tadhana na walang ka twist-twist ang kanyang buhay pag-ibig, kaya naman ay sa unang araw na muling bumalik ang pandinig ni Calista ay siya rin ang araw na gumuho ang kanyang mundo.  Matapos ang maraming taon na pagiging bingi, ang unang narinig niya ay ang katibayan ng pagtataksil ng kanyang fiancé. At sa halip na umiyak ay kumilos siya agad. Matapos niyang pagsampalin ang dalawang nagtataksil sa kanya, gumawa siya ng isang matapang na desisyon.  Ang pakasalan niya si Rowan Mercadejas ang lalaking kilala bilang Cunning Tyrant, siya ang kapalit ng kanyang kapatid na tumakas dahil sa takot. Para sa ibang tao, ang kasalan na ito ay parang pagpunta sa sariling libingan. Ayon sa mga tsismis, si Rowan ay may malalang sakit at may nakakatakot na ugali, isang asawang iiwan lang siyang balo bago pa man matapos ang taon.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

"Tristan, did you really bring Amera back here? Aren't you afraid of making Calista angry?"

Ngunit sa labas ng isang mamahaling club, napatigil si Calista. Pagkatapos ng isang taon na pagiging bingi, kakabalik lang ng kanyang pandinig ngayon. Pero ang unang narinig niya ay ang pangalang hindi niya inaasahan—Bumalik na si Amera.

"As long as none of you open your mouths, she won’t find out," malamig na sagot ni Tristan sa loob ng kwarto. "Besides, it’s been over a year. Amera misses the Philippines."

"I think she misses you more than she misses home." Nagtatawanan ang mga tao sa loob, para bang aliw na aliw silang lahat sa nangyayari. 

Nakatayo lang si Calista sa tapat ng pinto, nanginginig ang kanyang mga kamay. Nagsimulang bumilis ang tambol ng kanyang dibdib. 

"Cut the nonsense," mahina na sagot ni Tristan. "I only see her as a sister."

"Come on, Tristan. I saw her kiss you earlier. What kind of sister does that?”

Hininaan naman ni Tristan ang kanyang boses. "She caught me off guard while I was asleep. She’s still young—I can’t entirely blame her." Pagkatapos ay nagbago ang tono nito.  "Keep this to yourselves. When Calista arrives, no one says a word about this."

Biglang may nagsalita uli sa loob. "But Tristan... have you really forgiven Amera for what she did back then? Calista almost died. She even lost her hearing because of it."

Kalmado namang sumagot si Tristan, "Amera was only nineteen back then. It was just an impulse. She already suffered abroad and she has already changed. Let’s not dig up the past."

Bugso ng damdamin? Parang sumabog ang utak ni Calista sa narinig. Isang taon na ang nakalipas, hinabol ni Amera si Tristan dahil sa sobrang pagkagusto. Noong tinanggihan ito, sinadya nitong bungguin ng kotse si Calista dahil sa selos. Dahil sa aksidenteng iyon, nawalan ng pandinig si Calista.

Noon, galit na galit si Tristan. Halos mapatay nito si Amera bago ito ipinatapon ng mga matatanda sa ibang bansa. Sa loob ng isang taon, naghanap si Tristan ng mga doktor para gumaling si Calista. Hindi niya ito iniwan sa bawat hirap ng pagpapagamot. Sa tuwing umiiyak si Calista, niyayakap ito ni Tristan at sinasabing gusto nitong patayin si Amera. Naniwala naman si Calista, naniniwala siya sa lahat ng sinabi nito. 

Dahan-dahan niyang hinawakan ang lalagyan ng singsing sa kanyang bulsa. Para sana ito kay Tristan. Akala niya, ngayong nakakarinig na siya, matutuloy na ang kasal nila na ilang beses nang nakansela. Pero mas masakit ang katotohanan kaysa sa aksidenteng naranasan niya. Pinatawad na ni Tristan si Amera ng ganun lang kadali. 

Ilang sandali lamang ay biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Mula ito sa kanyang Mama. 

[Mama]: “Come back here, Cali. And you need to marry the Second Son of the Mercadejas family in place of your sister.”

Isang oras ang nakalipas, tumawag ang kanyang ina habang umiiyak. May kasunduan ang pamilya nila at Mercadejas na magpakasal, pero ang kapatid niyang si Zynelle ay biglang tumakas bago ang kasal. Makapangyarihan ang pamilyang Mercadejas, lalo na si Rowan—isang lalaki na ibinalitang malupit at walang awa. Kapag nalaman nitong niloko nila sila, mapapahamak ang buong pamilya ni Calista.

[Mama]: “Calista, we have no other choice. Please help us.”

Dahan-dahan niyang kinuha ang kanyang cellphone. Laging masunurin si Calista sa kanyang ina. Ang tanging beses lang na sumuway siya ay dahil kay Tristan. Una, noong iniwan niya ang Cebu para rito. Pangalawa, kanina lang nang tanggihan niya ang kasunduang kasal dahil akala niya ay mahal at poprotektahan siya ni Tristan, ngunit isang biro lang pala ang lahat.

Ngumiti siya ng mapait, ang pagmamahal na pinaka-ingatan niya ay isa palang panaginip. Humugot siya ng malalim na hininga at agad nagtipa ng reply para sa kanyang ina.

[Calista]: “Mom, I agree to marry Mr. Mercadejas in place of Zynelle.” Pagka-send ng message ay agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto.

Pagpasok niya ay biglang tumahimik ang maingay na kwarto kanina, nakatayo lang siya doon sa hamba ng pintuan. Maputla ang kanyang balat ngunit nanatiling maganda parin ang kanyang mukha, pero wala na ang lambot sa kanyang mga mata. 

Kalmado siya, yung tipong nakakatakot na. Nasa tapat niya si Tristan, may hawak na sigarilyo. Nang makita siya nito ay agad niya itong nakitaan ng bakas ng kaba sa mukha. 

Tumingin ito sa tenga ni Calosta. Wala itong suot na hearing aid. Kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag. Lumapit siya at nag-sign language. "Calista, what took you so long? We’ve been waiting for you." Tanong nito.

Gusto namang tumawa ni Calista. Kung hindi bumalik ang pandinig niya ngayon, hanggang kailan kaya siya lolokohin nito? Bago siya makasagot, may narinig siyang boses mula sa likuran niya.

"Oh? Looks like a party's going on here." Ang lahat ay napatingin. Nasa likuran niya si Amera, suot ang isang hapit na pulang damit. Nakangiti ito nang mapang-asar habang nakatingin kay Tristan.

Agad naman na kumunot ang noo ni Tristan. "Why are you here?" pabulong nitong tanong. "Didn't I tell you to stay in the other room?"

Malinaw na narinig ni Calista ang kaba sa boses nito. Ngumiti lang nang matamis si Amera. "I missed you. Besides, as long as she doesn't see me, it’s fine, right? It's not like she can hear anything anyway."

Nakahinga naman ng maluwag ang mga tao sa loob. "Man, I almost forgot she’s deaf."

"You scared me for a second." Nagtatawanan ang mga ito habang nangungutya. Bawat salita nila ay parang saksak sa puso ni Calista. Naririnig niya ang lahat.

Lalong naging mayabang ang ngiti ni Amera. Lumapit siya sa likod ni Calista at malakas na nagsalita. "Kuya Tristan, what are you so afraid of? Even if I curse this woman out right in front of her face, she won’t hear a single word—"

Ang palad ni Calista ay agad na dumapo sa pisngi nito—isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto. Napabaling sa kabila ang ulo ni Amera sa lakas ng tama. Namula agad ang mga pisngi nito. 

Natigilan naman ang lahat, hindi sila makapaniwala sa ginawa ni Calista. Maging si Amera ay nagulat din. Dahan-dahan itong lumingon habang hawak ang namumulang pisngi. "Y-you..."

Malamig itong tiningnan ni Calista. Pagkatapos, sa isang kalmado at napakalinaw na boses ay nagsalita siya sa wakas. "Who told you I couldn't hear?"

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto at biglang namutla si Tristan. "Calista... you can hear? Why didn't you tell me?"

Tiningnan ito ni Calista ng diretso, ang lalaking minahal niya nang sobra ay parang isang taong hindi niya na kilala ngayon. Pagkalipas ng ilang sandali, ngumiti siya ng bahagya. "I wanted to surprise you," sabi niya sa malambing ngunit mapait na boses. "But it seems... I was the one who got surprised.”

Buong akala niya ay magiging masaya ang lahat dahil nakakarinig na siya muli, pero sino ang mag-aakala na ang lalaking pinagkatiwalaan niya ay iba pala ang iniisip.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

theveiledgloom
theveiledgloom
everyone you must read this book,
2026-05-24 08:34:04
0
0
theveiledgloom
theveiledgloom
recommended.........
2026-05-24 08:33:35
0
0
theveiledgloom
theveiledgloom
I love tge novel, keep going......
2026-05-24 08:33:16
0
0
25 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status