Share

003: DELUSIONAL

Author: waterjelly
last update Huling Na-update: 2025-03-12 13:45:49

SA ISANG LINGGONG pagta-trabaho ko dito ay naging maayos naman ang buhay ko. Dito ako kadalasan sa hardin nagta-trabaho, minsan ay sa ibang parte ng mansyon pero mas gusto ko dito.

Maaga pa lang ay nandito na ako sa hardin para diligan itong mga magagandang halaman. Si Adrianna naman ay winawalis ang mga patay na dahon. Nagagalit na siya minsan dahil hindi man lang maubos-ubos ang mga patay na dahon.

"Adrianna!!"

Nabasag ang katahimikan sa hardin nang makarinig kami ng sigaw na may kasamang galit. Tumingin ako sa parte ng hardin kung saan nanggaling 'yong sigaw.

Nakita ko si Sheena na naglalakad palapit sa pwesto namin kasama ang dalawa niyang alipores. Napatingin ako kay Adrianna na tumigil sa pagwawalis saka tinignan si Sheena. Walang buhay itong nakatingin sa tatlo.

"Bakit na naman, Sheena?" walang buhay na tanong ni Adrianna sa kanya.

Matalim na tumingin ito kay Adrianna, "Ano 'tong narinig kong sinabi mo na delusional ako!?" galit nitong saad kay Adrianna.

Umirap si Adrianna, "Ano namang meron doon?"

Wala pa ring buhay na tinignan ni Adrianna sila Sheena na nanggagalaiti na sa galit.

"Bakit mo sinabi 'yon? Siya ang magiging asawa ni sir Alex. Gusto mo bang sabihin namin sa kanya ang sinabi mo?" pananakot naman nong isang alipores ni Sheena.

'At talagang tinakot pa kami ng babaeng 'to'

Napaayos ng tayo si Sheena saka ngumisi. Umiba agad ang timpla ng mukha niya sa sinabi ng alipores niya.

Sa isang linggo kong pamamalagi dito, marami na akong nakitang babae humahanga kay Sir Alex pero itong si Sheena, sobra. As in, sobra, ipinapagkalat niyang may nangyari sa kanila ni sir Alex, na may gusto daw si sir Alex sa kanya.

Ang mga kasamahan naman namin ay napapa-irap na lang kapag may sinasabi siyang ganoon. Iba ang level ng pagiging ilusyunada niya. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sabihin iyon. Para siyang ewan.

"Bakit ba kayo nagpapaniwala doon?" tanong ko sa dalawang alipores ni Sheena.

Mapang-asar na tumingin si Adrianna kay Sheena, "Itigil mo na nga 'yang panaginip mo, Sheena.." lumapit ito sa kanilang tatlo kaya napaatras sila, "... tsaka totoo namang DE. LU. SIO. NAL ka" mariing saad ni Adrianna na mas lalong ikinagalit nilang tatlo, lalo na si Sheena.

Agad na dinampot ni Sheena ang waling tingting na nasa lupa saka ihahampas na sana kay Adrianna pero inunahan ko siya nang itapat ko ang hose may binubugang tubig sa kanilang tatlo.

Agad silang napaatras. Si Adrianna naman ay nagulat sa ginawa ko pero agad siyang nakaatras. Tinaasaan ko silang tatlo ng kilay nang tumuon ang galit nilang mga mata sa akin.

Anong akala nila titiklop ako sa mga galit nilang mata? Hindi no! Na-train na ako ni Auntie dyan. Wala lang iyan sa akin.

Sinubukan pa nilang lumapit sa akin pero mas lalo ko namang inilapit ang hose sa kanila. Si Adrianna naman ay naglakad palapit sa gilid ko.

"Umalis na kayo. Ipagpatuloy niyo na lang ang paglilinis ng banyo" pang-aasar ni Adrianna.

Gusto pa nilang lumaban pero dahil mas malakas ang hawak ko ay wala silang nagawa kung hindi ang tumalikod pero bago sila pumasok sa mansyon ay binigyan niya muna kami ng matalim na tingin.

Ngumiti lang kami ni Adrianna na siyang ikinainis ni Sheena. Nang wala na silang tatlo ay agad kaming natawa ni Adrianna.

"Tatiana, narinig mo naman siguro iyong sinabi ni Sheena, diba?" natatawang tanong ni Adrianna.

Natatawa akong tumango, "Siyempre at masasabi kong nasobrahan na niya sa pagiging delusional"

"Kaya nga eh, ewan ko ba kung saan niya nakuha ang mga iyon"

"Iyan din ang katanungan ko sa isip ko kanina, Adrianna. Ang lakas ng tama niya kay sir Alex"

NANG MATAPOS KAMI sa trabaho namin ay kumain kami kaagad pero siyempre nauna muna sila sir Alex bago kami kumain. Nakakahiya naman kung uunahan namin iyong may-ari.

Ngayon ay nandito kami sa loob ng kwarto namin ni Adrianna, nagpapahinga habang nakaharap sa electric fan. Napakainit ba naman kasi sa labas kanina. Nakahiga ako habang si Adrianna nman ay naka-upo sa paanan ko.

"Ilang taon ka na palang nagta-trabaho dito sa mansiyon, Adrianna?" kapagkuwa'y tanong ko.

Hindi ko naitanong sa kanya noong nakaraang linggo dahil marami pa akong iniisip saka nangangapa pa ako dito sa pagtira sa mansiyon.

"Tatlong taon na akong nagta-trabaho dito"

"Maayos naman ba?"

Parang nag-aalangan pa itong tumango, "Oo pero minsan delikado ang buhay mo dahil sa mga kalaban ni sir Alex sa mga negosyo niya"

'Ano naman kaya ang negosyo ni sir Alex at bakit magiging delikado ang buhay ko?'

Naputol ang pag-uusap namin ni Adrianna nang may kumatok sa pinto namin. Napa-upo kaagad ako nang bumukas iyon saka iniluwa ang mayordoma ng mansyon.

"Tapos na ba kayong magpahinga?"

Nagkatinginan kami ng katabi ko saka tumingin kay Manang Josie, "Opo, Manang"

Tahimik itong tumango, "Kung ganoon ay pwedeng paki-ayos ang kwarto ni Theo sa taas. Utos iyon ni sir Alex dahil uuwi na siya dito mamayang gabi"

'Theo?'

"Sige po, Manang" sagot na ni Adrianna. Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko pa kung sino si Theo.

Nagtungo kaagad kami sa kwarto ni Theo sa taas. Pagkabukas ni Adrianna ng pinto ay nakita ko kaagad ang mga pambatang laruan. Mga laruang panlalaki iyon. Mga maliliit na laruang sundalo, mga sasakyan saka iba pa.

Ang mga unan at kumot naman ay may disenyo ng mga kilalang cartoons, ganoon din ang kurtina.

"Sino si Theo?" hindi ko na napigilang magtanong.

"Anak ni sir Alex. Three years old na siya" sagot ni Adrianna saka nagtungo sa isa pang pinto.

'Oh! May anak na pala si sir Alex? Hindi ko inaasahan iyon'

Sumunod ako kay Adrianna papasok sa walk in closet ng bata. Kumuha si Adrianna ng comforter kaya kumuha naman ako ng bagong kurtina. Maingat kong inayos ang kurtina habang si Adrianna naman ay inaayos ang higaan ng anak ni sir Alex.

"Bakit pa ngarod nagde-delusional si Sheena kay sir Alex? E, may asawa na pala siya" ani ko sa gitna ng pag-aayos ng kurtina.

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Adrianna, "Tatiana, wala pang asawa si sir Alex. Hindi mo ba iyon napansin noong nakaraang linggo?"

Umiling ako, "Hindi, hindi ko naman kasi alam na may anak na si sir Alex kaya hindi ko rin naisip na may asawa siya"

'So....single dad si sir Alex?'

Curios tuloy ako kung anong hitsura at anong klaseng babae ang naanakan ni sir Alex. Sa dinami-dami ba naman ng babaeng nagkakandarapa kay sir Alex ay ito ang nakakuha ng atensyon ni sir. Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni sir Alex.

Bahagya akong umiling para maalis ang napakarami kong katanungan. Huminga ako ng malalim.

'Tatiana, hindi ka pinunta dito para sumagap ng chismis'

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Bargain   101: GIRLFRIEND

    I was staring at the rain that keep on pouring outside the window as I listened to Raul. Tinawagan niya kami para sabihin na papunta siya ngayon sa police station para kausapin ang kumupkop sa aming anak. Alex is sitting on the edge of the bed, also listening. "Update us later, Raul" Alex said. "Yes, sir Alex" Raul replied before ending the call. Bumuntong-hininga ako saka hinarap si Alex. Kakatapos niya lang maligo kaya tanging tuwalya lang ang tumatakip sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Hindi siya natuloy na magpalit ng damit kanina dahil biglang tumawag si Raul. Kumunot naman ang noo ko nang bigla itong ngumisi. Natanto ko kaagad kung ano ang binabalak niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. I chuckled, "What are you doing?" "Baby, it's cold. I need your warmth" saad nito. Tinaas ko ang palad ko para pigilan siya sa tuluyang paglapit sa akin. Ngumuso ito. "Nakalimutan mo atang umaga ng, Alex. Gising na ang mga bata" p

  • The Billionaire's Bargain   100: CLOSE

    Tinitigan ko si Alex nang matapos niyang sabihin 'yon. Naging mabait sa akin si Alex kahit may amnesia ako. He did everything for me. Sinuportahan niya ako sa lahat ng mga desisyon ko. After hearing what he said, hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon. Nagbaba ako ng tingin saka huminga nang malalim. I need to talk to him about it later. May gusto pa akong malaman mula kay Raul. Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. "Do you know where she is right now?" tanong ko. "Nasa mental hospital siya ngayon sa amerika" sagot nito. I pressed my lips together as I nod my head. I'm a bit shocked though after hearing that my 'bestfriend' is in the mental hospital. Should I be happy or sad? Karma niya ba 'yon sa ginawa niya sa amin ng kambal ko? Bumalik ako sa tabi ni Alex. He immediately wrapped his arms on my waist. Pilit akong ngumiti, still guilty. "So, saan iniwan ng grupo na 'yon ang kambal ni Theo?" Alex asked. Raul looked at us with a serious face, "Malapit lang dito sa lugar n

  • The Billionaire's Bargain   099: CAITLYN

    Habang nakaupo kami ni Alex dito sa may garden, biglang pumasok ang tauhan ni Alex. Pinaalam niya sa amin na dumating na si Raul—ang taong kinuha ko para hanapin ang isa pa naming anak. I flashed a friendly smile when I saw him walking inside the living room. Manghang nilibot nito ang tingin sa mansyon. He immediately smile when he saw us waiting for him here in the living room. "Raul..." I said as I shook my hand with him. "Ang ganda pala ng bahay mo, Tatianna" puri niya saka nilibot ang tingin sa loob. Simple akong natawa, "Hindi naman sa akin 'to" I glanced at Alex, "Sa fiancée ko 'to." Tumingin si Raul sa taong nasa tabi ko. Kinamayan din siya ni Alex saka simpleng nginitian. "Alex Visconti, Tatianna's future husband" pakilala nito sa kanyang sarili. "Raul po, sir Alex" malawak ang ngiting saad ni Raul. Tumingin ito sa akin, "Napakagwapo ng mapapangasawa mo, Tatianna" saad nito sa akin. Natawa si Alex sa sinabi ni Raul. Pinaupo agad namin siya sa pang-isahang upuan.

  • The Billionaire's Bargain   098: JOKING

    Umangat ang tingin ko kay Alex nang palapit na siya sa sofa dito sa loob ng office niya. Huminga ulit ako nang malalim para mabawasan ang kaba ko. Umusog ako kaunti sa gilid ng umupo siya sa tabi ko. Umangat ang kilay niya sa ginawa ko. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila palapit sa kanya. "Gusto mo na bang sabihin sa akin ang sasabihin mo ngayon? We can talk tomorrow kung hindi mo pa kayang sabihin" he muttered. Umiling ako, "Ngayon na para makausap agad natin siya" sagot ko. Nagsalubong ang kilay niya, "Who are we going to talk to?" I licked my lower lip, "Remember the day na pumunta dito si Roland?" "Yes. What about him?" Heto na. Sasabihin ko na. I hope he won't get mad na patago ko 'yong ginawa. Huminga ako nang malalim. "Pagkatapos niyang umalis... A-Ano....nagpatulong ako sa kakilala ko para h-hanapin ang isa pa nating anak" pikit matang saad ko. Ilang saglit pa ay wala akong narinig na boses mula kay Alex. Kung hindi ko lang ramdam ang kata

  • The Billionaire's Bargain   097: PLAY

    "May problema ba?" Bumalik ang tingin ko kay Alex. Nakatingin ito sa akin nang may kalituhan sa mga mata. "Wala. May nakita lang akong tao na pamilyar sa akin" bulong ko. Tumingin ako sa machine, "Hindi ka na maglalaro?" pag-iiba ko ng usapan. He glanced at the machine before scanning the whole play zone. "Let's just play something else. I'm too strong for this" biro niya. Natawa ako sa sinabi niya. Too strong for this?! Baka kung magsara na 'tong mall wala pa rin siyang nakukuha ng stuff toy. "Sige, sabi mo, e" I shrugged, still laughing. His eyes narrowed, "Bakit parang napipilitan ka lang?" "Hindi no! Imagination mo lang 'yon" tanggi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa ibang machine. Huminto ako sa may basketball. Siguro naman alam niyang maglaro ng ganito? Halos lahat ata ng lalaki dito sa Pilipinas alam 'tong laruin, e. Hinarap ko si Alex. "You know how to play this?" He nodded his head, "Yes, that's easy." Naks! Ang taas ng k

  • The Billionaire's Bargain   096: PLAY ZONE

    My lips automatically formed a smile when I saw the kids playing on the garden happily. Rinig na rinig ang hagikhik ng apat habang naghahabulan sila. Dalawang linggo ng nakatira ang magkakapatid dito mula nong nakita ko sila sa labas ng convenience store. Simula ng tumira sila dito ay puno na ng ingay ang buong mansyon dahil sa kanila. Alex didn't mind about them living here in the mansion. He even bought them clothes since wala silang nadalang damit. Nang makauwi ako dito sa mansyon kasama sila ay ikinuwento ko ang nangyari. He immediately reported it to the police. Hindi ko na siya pinigilan sa bagay na 'yon. Sobra na ang ginawa nila sa mga bata because of the money. Now, I'm watching them from on the balcony. "What are you doing here, baby?" Napatigil ako saglit bago tumingin sa aking likod. He's leaning on the doorway with a smile on his face. Saglit kong binalik ang tingin sa mga bata saka binalik ang tingin sa kanya. "I'm watching the kids. Why?" Umiling ito saka na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status