SA GITNA NG maliwanag na gabi ay napilitan akong bumangon dahil sa uhaw na nararamdaman ko. Madilim sa buong kwarto pero may liwanag ng buwan na pumapasok mula sa bintana ng aming kwarto.
Maingat akong bumangon para hindi ko magising si Adrianna sa taas ng double deck. Tahimik akong naglakad patungo sa pinto nang may nagsalita sa likod ko. "Saan ka pupunta, Tatiana?" mahinang tanong ni Adrianna. 'Natulog ba ito o hindi?' Ang bilis niyang magising kahit kaunting galaw lang. Kamot-kamot ko ang ulo ko nang humarap ako sa higaan. "Punta lang ako sa kusina, nauuhaw na kasi ako" inaantok na sagot ko. Ilang minuto akong naghintay sa sagot niya pero wala akong nakuha kundi ang malalim niyang paghinga. Kumunot ang noo ko doon. Nakatulog agad si Adrianna? Ang bilis naman! Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahang lang ako sa paglalakad dahil baka magising ko ang mga kasamahan kong natutulog. Kumurap-kurap muna ako para masanay ang mata ko sa ilaw ng kusina nang makarating ako dito. Kumuha ako ng baso saka agad na nagtungo sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Malamig ang paligid pero 'yong lalamunan ko, tuyo. Pagkatapos kong masalinan ng tubig ang baso ay uminom muna ako saka ko isinara ang ref pero muntik ko nang maibuga ang iniinom ko nang may makita akong maliit na katawan sa kusina. Nakatingin pa siya sa akin. Napahawak agad ako sa dibdib ko sa bilis ng tibok niyon. Mariin akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko. Minulat ko lang ang mata ko nang medyo kumalma ang pakiramdam ko. Huminga ako ng malalim saka tinignan ang batang nasa harapan ko. Nakatitig lang ito sa akin gamit ang inosenteng mata. May hawak pa itong laruang sundalo. Siya ata 'yong anak ni sir Alex dahil wala naman akong nakitang ibang bata dito sa loob ng mansion noong nakaraang linggo. 'Anong ginagawa ng batang 'to dito? Hindi naman siguro ito pupunta dito sa kusina kung walang kailangan diba?' Pilit akong ngumiti, "Do you need anything?" marahan kong tanong sa bata. Ngumuso ito saka hinawakan ang tiyan, "I'm hungry" Huh? Hindi ba ito kumain kanina? Paano na lang kung hindi ako pumunta dito sa kusina? Paano siya makakakain? Naglakad ako palapit sa bata saka umupo sa harapan nito. Nakanguso pa rin ito habang nakatitig sa akin kaya hindi ko na napigilang pisilin ang matataba nitong pisngi. 'Napaka-cute niya naman ng anak ni sir Alex' Ngumiti ako, "What do you want to eat?" magiliw kong tanong. Ngumuti ang bata, "I want cookies" masayang sagot niya pero nawala agad iyon, "...you know how to bake, right?" nag-aalala niyang tanong. Natawa ako. Iyon lang pala ang problema niya kaya nawala ang saya sa kanyang mukha. Tumayo ako kaya tumingala ito sa akin. "Of course, baby" buti na lang at sa bakery ako dati nagta-trabaho. Pagkasagot ko ay pumunta ako sa mesa at kumuha ng upuan doon saka dinala malapit sa island counter. Mayroon namang mga upuan doon pero hindi iyon safe na upuan ng bata, baka mahulog ito. Binuhat ko siya, "Dito ka lang, okay? Huwag kang malikot" paalala ko. Tumango naman ang bata saka inilagay sa itaas ng island counter ang laruan niya. Nang makitang nasa maayos na kalagayan ang bata ay inihanda ko na ang mga kakailanganin ko para sa ibi-bake na cookies. Nakatingin lang sa akin si Theo habang ginagawa ko ang gusto niyang kainin. Kahit saan ako magpunta sa loob ng kusina ay nakasunod ang mga mata nito sa akin na para bang takot siyang mawala ako sa paningin niya. Nang matapos ay inilagay ko na sa loob ng oven ang cookies saka iyon niluto. Pagkatapos kong linisin ang mga kalat ay hinarap ko na si Theo. Tahimik lang ito habang hinihintay na maluto ang cookies niya. "How old are you?" tanong ko na para hindi siya makatulog sa sobrang tahimik. Itinaas nito ang kamay at pinakita ang tatlo nitong daliri, "I'm three years old po" Tumango ako, "May iba ka pa bang gusto maliban sa cookies?" Sunod-sunod ang tango nito, "Gusto ko po ng milk" Hindi ko mapigilang ngumiti sa reaksyon niya. Tumalikod ako kay Theo saka hinanda ang gusto niya. Sakto namang malapit nang maluto ang cookies na request niya. Inilapag ko ang baso na puno ng gatas sa island counter saka maingat na kinuha ang cookies sa loob ng oven. Pagkadala ko niyon sa island counter ay agad na tumayo si Theo at nagni-ningning pa ang mga mata nito habang nakatingin sa cookies. "Be careful, Theo. Baka mahulog ka" paalala ko pero mukhang hindi na niya iyon napansin. Inilagay ko ang mga cookies sa plato saka ko inilagay sa harap ni Theo. Inilagay ko na rin ang gatas sa tabi no'n. Sinigurado ko munang hindi iyon mainit saka ko siya pinayagang kumain. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko habang nakatingin sa kanya. Marami naman akong nakakasalamuha na mga bata noon pero hindi ako nakakaramdam ng ganito. Nang matapos siyang kumain ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan niya. Si Theo naman ay maingat na bumaba sa upuan. Lumapit ako sa kanya at mukhang inaantok na ang bata. "Can you take me to my room?" nahihiya nitong tanong. "Of course.. " iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang ang bata na pumunta sa kwarto niya nang mag-isa. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para sana hawakan niya ang kamay ko pero itinaas niya ang kamay niya, gustong magpabuhat. Binuhat ko na lang siya saka ako naglakad patungo sa hagdan. Parang may humaplos sa puso ko nang maramdaman kong sumandal si Theo sa balikat ko saka niyakap ang leeg ko. Napangiti ako saka hinaplos ang likod ng bata. Nang makarating kami sa kwarto ni Theo ay tulog na ito. Dahan-dahan ko na lang siyang inihiga sa kama saka nilagyan ng kumot ang katawan. Nang makitang maayos na ang lagay ni Theo ay lumabas na ako. Naglalakad na ako paalis nang mapansin ko ang isang kwarto na bahagyang nakabukas. Habang papalapit ako doon ay napakunot ang noo ko sa aking narinig. Para itong......nahihirapang.....huminga? Dahil sa kyuryusidad ko ay sumilip ako sa pinto. Nakita ko si sir Alex, may ginagawa siya pero agad na nanlaki ang mata ko nang mag-sink in sa utak ko kung anong ginagawa niya. Nagsimula na ring mamula ang mukha ko. 'Why do I have to witness this?!' Lumayo kaagad ako sa kwartong iyon saka dumiretso sa kwarto namin. Hindi ko na inintindi kung may magigising ba o wala. Mariin akong pumikit pero naalala ko kaagad ang imahe ni sir Alex na may ginagawang milagro sa loob ng kwarto niya! Hinatid ko lang naman si Theo sa kwarto niya pero bakit kailangan ko pang masaksihan iyon?!!I was staring at the rain that keep on pouring outside the window as I listened to Raul. Tinawagan niya kami para sabihin na papunta siya ngayon sa police station para kausapin ang kumupkop sa aming anak. Alex is sitting on the edge of the bed, also listening. "Update us later, Raul" Alex said. "Yes, sir Alex" Raul replied before ending the call. Bumuntong-hininga ako saka hinarap si Alex. Kakatapos niya lang maligo kaya tanging tuwalya lang ang tumatakip sa pang-ibabang parte ng katawan niya. Hindi siya natuloy na magpalit ng damit kanina dahil biglang tumawag si Raul. Kumunot naman ang noo ko nang bigla itong ngumisi. Natanto ko kaagad kung ano ang binabalak niya. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa akin. I chuckled, "What are you doing?" "Baby, it's cold. I need your warmth" saad nito. Tinaas ko ang palad ko para pigilan siya sa tuluyang paglapit sa akin. Ngumuso ito. "Nakalimutan mo atang umaga ng, Alex. Gising na ang mga bata" p
Tinitigan ko si Alex nang matapos niyang sabihin 'yon. Naging mabait sa akin si Alex kahit may amnesia ako. He did everything for me. Sinuportahan niya ako sa lahat ng mga desisyon ko. After hearing what he said, hindi ako makapaniwala na ginawa ko iyon. Nagbaba ako ng tingin saka huminga nang malalim. I need to talk to him about it later. May gusto pa akong malaman mula kay Raul. Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. "Do you know where she is right now?" tanong ko. "Nasa mental hospital siya ngayon sa amerika" sagot nito. I pressed my lips together as I nod my head. I'm a bit shocked though after hearing that my 'bestfriend' is in the mental hospital. Should I be happy or sad? Karma niya ba 'yon sa ginawa niya sa amin ng kambal ko? Bumalik ako sa tabi ni Alex. He immediately wrapped his arms on my waist. Pilit akong ngumiti, still guilty. "So, saan iniwan ng grupo na 'yon ang kambal ni Theo?" Alex asked. Raul looked at us with a serious face, "Malapit lang dito sa lugar n
Habang nakaupo kami ni Alex dito sa may garden, biglang pumasok ang tauhan ni Alex. Pinaalam niya sa amin na dumating na si Raul—ang taong kinuha ko para hanapin ang isa pa naming anak. I flashed a friendly smile when I saw him walking inside the living room. Manghang nilibot nito ang tingin sa mansyon. He immediately smile when he saw us waiting for him here in the living room. "Raul..." I said as I shook my hand with him. "Ang ganda pala ng bahay mo, Tatianna" puri niya saka nilibot ang tingin sa loob. Simple akong natawa, "Hindi naman sa akin 'to" I glanced at Alex, "Sa fiancée ko 'to." Tumingin si Raul sa taong nasa tabi ko. Kinamayan din siya ni Alex saka simpleng nginitian. "Alex Visconti, Tatianna's future husband" pakilala nito sa kanyang sarili. "Raul po, sir Alex" malawak ang ngiting saad ni Raul. Tumingin ito sa akin, "Napakagwapo ng mapapangasawa mo, Tatianna" saad nito sa akin. Natawa si Alex sa sinabi ni Raul. Pinaupo agad namin siya sa pang-isahang upuan.
Umangat ang tingin ko kay Alex nang palapit na siya sa sofa dito sa loob ng office niya. Huminga ulit ako nang malalim para mabawasan ang kaba ko. Umusog ako kaunti sa gilid ng umupo siya sa tabi ko. Umangat ang kilay niya sa ginawa ko. Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko at hinila palapit sa kanya. "Gusto mo na bang sabihin sa akin ang sasabihin mo ngayon? We can talk tomorrow kung hindi mo pa kayang sabihin" he muttered. Umiling ako, "Ngayon na para makausap agad natin siya" sagot ko. Nagsalubong ang kilay niya, "Who are we going to talk to?" I licked my lower lip, "Remember the day na pumunta dito si Roland?" "Yes. What about him?" Heto na. Sasabihin ko na. I hope he won't get mad na patago ko 'yong ginawa. Huminga ako nang malalim. "Pagkatapos niyang umalis... A-Ano....nagpatulong ako sa kakilala ko para h-hanapin ang isa pa nating anak" pikit matang saad ko. Ilang saglit pa ay wala akong narinig na boses mula kay Alex. Kung hindi ko lang ramdam ang kata
"May problema ba?" Bumalik ang tingin ko kay Alex. Nakatingin ito sa akin nang may kalituhan sa mga mata. "Wala. May nakita lang akong tao na pamilyar sa akin" bulong ko. Tumingin ako sa machine, "Hindi ka na maglalaro?" pag-iiba ko ng usapan. He glanced at the machine before scanning the whole play zone. "Let's just play something else. I'm too strong for this" biro niya. Natawa ako sa sinabi niya. Too strong for this?! Baka kung magsara na 'tong mall wala pa rin siyang nakukuha ng stuff toy. "Sige, sabi mo, e" I shrugged, still laughing. His eyes narrowed, "Bakit parang napipilitan ka lang?" "Hindi no! Imagination mo lang 'yon" tanggi ko saka hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa ibang machine. Huminto ako sa may basketball. Siguro naman alam niyang maglaro ng ganito? Halos lahat ata ng lalaki dito sa Pilipinas alam 'tong laruin, e. Hinarap ko si Alex. "You know how to play this?" He nodded his head, "Yes, that's easy." Naks! Ang taas ng k
My lips automatically formed a smile when I saw the kids playing on the garden happily. Rinig na rinig ang hagikhik ng apat habang naghahabulan sila. Dalawang linggo ng nakatira ang magkakapatid dito mula nong nakita ko sila sa labas ng convenience store. Simula ng tumira sila dito ay puno na ng ingay ang buong mansyon dahil sa kanila. Alex didn't mind about them living here in the mansion. He even bought them clothes since wala silang nadalang damit. Nang makauwi ako dito sa mansyon kasama sila ay ikinuwento ko ang nangyari. He immediately reported it to the police. Hindi ko na siya pinigilan sa bagay na 'yon. Sobra na ang ginawa nila sa mga bata because of the money. Now, I'm watching them from on the balcony. "What are you doing here, baby?" Napatigil ako saglit bago tumingin sa aking likod. He's leaning on the doorway with a smile on his face. Saglit kong binalik ang tingin sa mga bata saka binalik ang tingin sa kanya. "I'm watching the kids. Why?" Umiling ito saka na