Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit
Kabanata 9Hindi pa nakakalayo ang lalaki kaya naman naabutan agad namin siya. Tinawag ko siya at humingi ako ng despensa."Kuya, I'm sorry for being rude. Payag na po kaming maging model," pagbibigay alam ko sa kaniya.Nakita ko kung paano lumawak ang pagkakangiti niya. "Talaga? Salamat. Wala kasi akong pambayad sa model kaya naghahanap ako ng taong pasok sa taste ko bilang model. Saktong nakita ko kayong dalawa. Sobrang ganda mo at sobrang gwapo niya. Kita ko ang Chemistry sa inyo kaya akala ko ay mag-asawa kayo," paliwanag niya kaya napangiwi ako.Chemistry? Paano nagkaroon ng Chemistry sa pagitan namin, ni-hindi nga kami sweet. Hello, nag-aaway kaya kami kanina kaya paano nagkaroon ng Chemistry?"Hindi po kami mag-asawa," pagtanggi ko sa kaniya.Napansin ko na napangiwi siya at pagkatapos ay mahinang siyang tumawa na tila ba nahihiya."Sorry, akala ko kasi kayo," sambit niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Walang kami..."Para saan po ba ang photoshoot?" tanong
Kabanata 10I'm enjoying my own company while window shopping at the little Seaside Shops. Being alone is what I like. Minsan tuwing nalulungkot ay mas mabuting mapag-isa muna para makapag-isip isip.Maganda ang mga beach resorts dito. For me, Palawan is the best Island in the Philippines. There are a lot of beautiful places here. Some places are quaint and fun to explore. If you want to unwind by yourself, you can do that here.Nakatambay ako kanina sa dalampasigan ngunit nang dumami ang mga tao sa paligid ko ay napagpasyahan ko kanina na maglakadlakad.Pumunta ako sa tagong bahagi ng resort at doon ko lang nalaman na may mga kabahayan pala doon. In the side of the seashore, there's a bunch of little stores set up along the beach.May mga souvenirs, t-shirts, at pagkain kang makikita. May ilan ding mga seashells na decorations ang ipinagbebenta.Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Kakaunti ang mga tao, siguro ay hindi rin alam ng iba na may mga stores din dito. Akala nila sigu
Kabanata 11"Kung mamahalin mo naman ako ay gagawin ko ang lahat para sa'yo. Magbabago ako. Hindi na ako mambababae. Ikaw na lang ang mas pagtutuunan ko ng pansin," mahaba niyang sabi sa akin kaya kahit nahihilo ng konti ay tumingin ako sa kaniya."Sigurado ka ba?" Mahinang tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagngiti niya at narinig ang mahinang pagtawa niya. Marahan niyang itinaas baba ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon."Kung bibigyan mo ako nang pagkakataon na alagaan at mahalin ka. Sisiguraduhin ko na ikaw lang ang iibigin ko, Edraly," muling pagbibigay niya sa akin ng matatamis na salita.Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumapit siya ng kaunti sa akin at ramdam ko ang masuyo niyang paghaplos sa pisngi ko."Ròisìn," tipid na tawag ko sa kaniya. Napalunok ako ng laway dahil parang nakaramdam ako ng pagkauhaw.Ilang beses niyang hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng pagkahilo at may kakaibang init akong naramdaman sa bawat pagdampi ng balat niya sa katawan ko
Kabanata 12Sa pagmulat pa lang ng aking mga mata ay hindi pamilyar na kwarto na ang aking nakita. Nabundol ng kaba ang puso ko dahil sa pagkataranta. Hindi na ako nakapagkusot pa ng mga mata at hinigit ko na agad ang comforter upang ibalot sa aking hubad na katawan. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa paligid at mas lalo akong hindi mapakali nang makita ko si Ròisìn na nakahiga sa tabi ko.He's also naked!Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang hinahanap ang mga damit ko. Nang makita ko ito sa sahig ay agad akong nagbihis ng damit. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang pagkirot ng pagkababae ko.I'm not stupid! I know what happened! Mas lalong naging malinaw ang nangyari dahil ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.Nang matapos akong magbihis ay binigyan ko nang matalim na tingin ang natutulog na lalaki. Unti-unting napuno ng galit at inis ang puso ko.Hindi ko matandaan ang lahat ng nangyari kagabi ngunit isa lang ang malinaw sa akin. He
Kabanata 13"Nand'yan ba si Governor?" tanong ko sa babae na nasa labas ng opisina ni Governor.Lumingon ako sa paligid upang tingnan kung may mga tao. Nang wala akong makita kundi janitor ay agad nawala ang agam-agam ko. Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang babae. Doon ko napansin ang nakakunot niyang noo. Labis na kalituhan ang makikita sa kaniyang mukha. Kahit na naguguluhan ay sinagot niya pa rin ang tanong ko."Yes po, Ma'am. Nagla-lunch po sa loob kasama ang mga kapartido niya," sagot niya sa akin.Magsasalita na sana ako ngunit itinikom ko ang bibig ko nang marinig ko ang pagbukas ng elevator kaya mabilis akong napalingon doon. Nakita ko ang isang babae na lumabas dito. Sinundan ko muna siya ng tingin at nang makita ko na pumasok siya sa isang opisina ay napabalik na ulit ang atensyon ko sa babae.Napansin ko ang pagtaas niya ng kilay. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang reaksyon niya. Lumapit ako sa lamesa niya at humawak ako sa gilid nito. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya. N
Kabanata 14 Hindi lahat ng anak sa labas ay nabuo dahil sa pagkakamali. Ang iba ay sadyang nabuo dahil sa pagmamahal. Hindi lang tatlong beses na ikinuwento sa akin ni Mama na sila ang tunay na nag-iibigan ni Papa. Masaya sila noong una. Nangarap sila ng isang buong pamilya na pupunuin nila sa pagmamahal. Hindi nangyari ang lahat ng pangarap nila. Si Papa ay ipinangako ng mga magulang nito sa isang babae na galing sa isang mayamang angkan sa Quezon. Mayor na noon si Papa at gusto ng magulang niya na maging maganda at mabango ang imahe nila sa buong probinsya. Hindi tago sa publiko na matapobre sila. Pinagbantaan nila si Mama upang palayuin kay Papa. Naging matapang siya ngunit sa huli ay si Papa ang unang bumitaw. Ang pag-iibigan nila Papa at Mama ay nagtapos ng walang tutol na nagpakasal si Papa kay Donya Meliscia. Sa araw ng kasal ni Papa ay nalaman naman ni Mama na nagdadalang tao siya. Hindi na siya naghabol at lumipas ang mga taon ay tahimik kaming nanirahan sa Tiaong, Quezo
Kabanata 15"Anong meron?" tanong ko kay Papa. Unting-unti na nagsalubong ang aking mga kilay nang pumasok kami sa isang opisina.Nang tingnan ko ang paligid ng silid ay nakuha agad ng self portrait na nakabitin sa isang wall ang atensyon ko. Isa iyong picture ng Mayor. Walang katao tao sa silid ngunit nagtuloy-tuloy lang si Papa sa silid na para bang welcome na welcome siya sa opisina na ito.Kunot ang noo na sinundan ko siya sa mismong tanggapan ng mga bisita. Nakita ko ang pag-upo niya sa isang malambot na kulay berde na sofa. Ang kaniyang mga mata ay may kuryosidad na tumingin sa akin.He raised his right arm. Suddenly, the side of his lips turned up. I felt something unusual. What’s with the smile?Ang aking puso ay naramdaman kong tumibok nang mabilis dahil sa kabang nararamdaman. Ito ang unang beses na ngumiti siya sa akin. May dapat ba akong ipag-alala? Nalilito na napalakad ako palapit sa kaniya nang makita kong sinenyasan niya akong lumapit.Wala akong nagawa kundi ang umupo