EpilogueI'm a womanizer, and I'm so proud of it."Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!""So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya."Yes! I will definitely marry you," Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.Enjoy life to its fullest.Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.Ang hirap umiwas sa tukso."Pasensya na kung simple lang ang proposa
Special Chapter Naramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Nanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ko. Mahina akong napasinghap nang biglang may tumalon sa kama ko. Nang makita ko ang mukha niya ay napairap ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Isang mahinang tawa ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako galing sa likod. "Gusto kong makita ka." "Hindi tayo pwedeng magkita," Sabi ko at itinulak ko siya. Hindi naman siya nagpatinag at niyakap niya ulit ako. Pinabayaan ko na lang siya at isinandal ko na lang ang sarili ko sa kaniya. "Pwede. Huwag lang tayong magpapahuli," Bulong niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa hangin na galing sa bibig niya. Natatawang pinalo ko ang braso niya. "Sira ka talaga. Maniwala ka nga sa pamahiin." "Hindi ko hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. Kung sino ang pumigil ay papatayin ko," Bulong niya sa aking tainga at pagkatapos ay hinali
PrologueAng trabaho ay nakakapagod. Araw-araw kang pumapasok sa trabaho para kumita ng konting halaga ng pera. Paghihirapan mo ng isang buwan at pag nahawakan mo na ang sweldo mo ay manlulumo ka lang dahil kailangan mo na ring i-budget ang pera. Pambayad sa utang, pagbayad sa matrikula ng mga kapatid, panggastos sa pangangailangan sa bahay at higit sa lahat ay pambili sa mga bagay na gustong bilhin.Nasaan ang ipon? Wala. Gastos lahat.Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang handle ng pinto. Pumasok ako sa fastfood chain at nilapitan agad ako ng pulang bubuyog na laging nakangiti.Buti pa siya laging happy. Hindi ba talaga na lulungkot ang bubuyog na ito?I don't want to say this but I'm insecure about him or her. I'm not sure about his gender tho."Hindi ko naman sinasadya na masagot ko si Ma'am Gina," pagkakausap ko sa kabilang linya.Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Eunice Faye. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at
Kabanata 1"Nasaan ka na?" tanong ko kay Paye. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya alam ko ng bad news ang kasunod nito."Edraly, Sorry. Hindi ako makakasama sa'yo papunta sa Baguio," may lungkot sa boses na sabi niya kaya napasinghap ako nang malakas.Is this kind of a joke? Ilang buwan na naming napagplanuhan ang bakasyon naming ito. Ilang beses kong napanaginipan na nasa Baguio ako at kumakain ng strawberry. Ayokong hindi matuloy ang bakasyon namin. Ang daya niya. Ngayon ay sasabihin niyang hindi siya sasama? Ayokong mag-isa sa trip. Pagkatapos din kasi ng trip namin sa Baguio ay diretso na rin kami sa Sagada.Ngunit sayang naman ang paghahanda ko kung hindi ako tutuloy. Mas maigi pa siguro na pumunta na ako kahit mag-isa lang ako."Ano? Joke ba ito?" tanong ko. May pagtatampo sa boses ko. Naramdaman ko ang panghihina at lungkot. Nakakapanghinayang."Hindi. May naging emergency kasi sa bahay. Pasensya na talaga," paghingi niya ng tawad. Alam ko naman na sinsero an
Kabanata 2Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko na nawawala na ang distansya sa pagitan namin. Hinarap ko siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko upang ipagtabuyan siya palayo."Bakit ka lumalapit? Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin!" mariin kong sabi. Humakbang ako ng apat na hakbang palayo sa kaniya.Sa sobrang kulit ng lalaking ito ay inasar niya pa ako at lumapit pa rin siya sa akin. Nanggigigil na napahawak ako sa rosas na dala ko. Mabuti na lang at wala ng mga tinik ang hawakan nito."Because I want to be close to you," banat niyang sabi.Wala nang ibang lumabas sa bibig niya kundi pick up lines. Imbis na kiligin naman ako ay naaalibadbaran ako sa mga sinasabi niya.Kakababa lang namin kanina sa taxi at naglalakad na kami sa gate entrance ng simbahan. Akala ko ay tatahimik na siya sa kakabanat niya pero may lumalabas na naman na mga salitang sweet.Ininuro ko sa kaniya ang hawak kong rosas. Panandalian siyang napasulyap sa bulaklak pero agad niya rin namang in
Kabanata 3"Nandito na ba ang lahat?" malamya na tanong ng isang lalaki. Ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi ngunit kahit ganito ang kaniyang kulay ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki niya.Lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay labing pitong taong gulang pa lamang. Sila kanina ang nagpakilala na magiging tour guide namin."May isa pa pong kulang," magalang na na sabi ng dalagita.Tango ang tanging ginawa ng lalaki at humarap siya sa amin. Isa isa niyang binigyan ng ngiti ang mga turistang ito-tour niya. Pinagmamasdan ko ang aking mga kasama at binilang ko sila sa aking isip. Siyam kaming tourist at may isa pang hinihintay. Sa makatutal ay sampo kami."Okay. Hihintayin natin siya," sagot ng lalaki.Pumihit ang lalaki upang tumalikod sa amin at umalis muna siya. Sumunod sa kaniya ang dalagita. Bago ako lumingon sa paligid ay nakita ko pa na umupo ang dalawa sa kawayan na upuan sa may tabi ng tindahan.Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ko ang bu
Kabanata 4Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hinabol ko ang aking paghinga dahil kinakapusan na ako ng hangin. Pagkahapo at paghabol hininga ang ginagawa ko habang nakayuko ako. Ang aking kamay ay nakahawak sa tuhod ko. May naramdaman akong humagod sa likod ko kaya tumayo agad ako ng tuwid."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo na bang buhatin na kita?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ni Roisin."Kaya ko pa!" Desidido na sagot ko.Kayang kaya ko ito. Hindi ko ugaling sumuko. Ang lahat ng hirap ay alam kong may magandang kinakalabasan."Do you need water?" nag-aalala na tanong niya.Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay tingnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin kaya panandalian akong natigilan sa paghinga. Bakit niya ipinapakita sa akin ang pag-aalala niya?"May tubig ako," tanging sabi ko.May nakatago akong tubig sa loob ng bag ko. Hindi ako hihingi sa kaniya. Inalis ko ang pagkakasabit ng isang strap ng bag sa aking balikat at pagkatapos ay binuksan ko ang
Kabanata 5 "Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag. Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya. Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra. Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinat