Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.
“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal. Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit siya sa isa sa mga bumbero. Nangangatal ang kaniyang mga kamay nang kinuha niya mula sa kaniyang bag ang kaniyang wallet at mula roon ay inilabas niya ang litrato ng dalawa niyang anak. “Na-Nakita niyo po ba s-sila? M-May na rescue po ba kayong kamukha nila?” Basag na ang boses ni Maya at halatang anumang oras ay muli na namang tutulo ang mga luha niya. Hinawakan ng bumbero ang litrato nina Matthan at Hope. Umiling siya. “Pasensya na po, ma’am. Sa dami po ng aming mga ni rescue, buhay at patay, ay hindi ko na po matandaan ang mga hitsura nila. Excuse me po. Kailangan ko na pong bumalik sa serbisyo.” Tulalang napaupo si Maya sa may tabi ng kalsada. Nabitiwan niya ang litrato ng kaniyang mga anak at nilipad ito ng hangin patungo sa nag-aalab na gusali. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at doon ay hindi na niya napigilang umiyak at sumigaw. Napatingala si Gavin habang ginugulo ang kaniyang buhok. Kahit pa sabihing napakayaman niya at marami siyang tauhan ay wala siyang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang lumalaking apoy sa harapan nila. Umupo siya at walang pagdadalawang-isip na niyakap si Maya. Iyon lang ang tangi niyang magagawa para rito. Nagulat siya nang biglang tumayo si Maya. Pinahid nito ang mga luha sa mata. Agad niyang hinawakan ang isa nitong kamay nang mapagtanto niyang nais nitong pumunta sa nag-aapoy na gusali. “Maya, please don't go. Masyado nang delikado.” May pag-aalala sa tono ng pananalita ni Gavin. “Let me go! My twins need me! Let me go!” Maya yelled. ‘Twins? Kambal ang anak niya?’ piping turan ni Gavin habang nakatitig kay Maya. “No, Maya. Mapapahamak ka lang sa gusto mong gawin. I'm sure your children will not allow you to go there if they are here.” “NANDITO BA SILA? WALA, ‘DI BA? NAROROON SILA SA IKA-LABINLIMANG PALAPAG! NI HINDI KO ALAM KUNG MAHIMBING PA SILANG NATUTULOG NGAYON O KUNG NAKAALIS NA BA SILA BAGO PA MAN LUMALA NG GANITO ANG SUNOG! LET ME GO, SIR. BUHAY KO ITO AT SILA ANG BUHAY KO! HINDI KO KAKAYANIN KAPAG NAWALA SILA SA AKIN!” Muling napaupo si Maya nang manghina ang mga tuhod niya. “Please, let me go. Kailangan ako nina Matthan at Hope,” naluluhang wika niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Gavin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa tuwing makikita niya ang sitwasyon ngayon ni Maya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay nang maalala niya ang inosente at masayahing mukha ni Hope. Lumakad siya patungo sa harap ni Maya at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Stay here. I will try to…to save them.” Gavin couldn't comprehend what's happening to him. He even thought to risk his life just to save Maya’s twins. Natigilan si Maya. Umiling siya pagkatapos. “Hindi mo sila kaano-ano kaya bakit mo isusugal ang buhay mo para sa mga anak ko? We just met today, sir. Kung may kailangan mang magligtas sa mga anak ko, iyon ay walang iba kung hindi ako.” Itinuon niya ang kaniyang mga natitirang lakas para muling makatayo. “No! Stay here. Sa mental state mo ngayon, hindi mo kakayaning sumuong sa apoy. Mapapahamak ka lang,” may pinalidad na sabi ni Gavin. ‘This man. He's willing to risk his own life for the sake of my kids. Why?’ “Maya, makinig ka sa akin. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang aalis dito. Did you get it?” Hinubad ni Gavin ang kaniyang suit. “When you're kids get off of that building, the first thing that they will do is to find you. You need to be vigilant and most importantly, you need TO STAY HERE NO MATTER WHAT. Nakikinig ka ba sa akin, Maya?” Wala sa sariling tumungo si Maya. Tama ang lalaking nasa harap niya. Kapag natatakot sija Matthan at Hope ay agad siyang hinahanap ng mga ito para yakapin. Aalis na sana si Gavin nang pigilan siya ng mga bumbero. “Sir, hindi po kayo maaaring pumasok sa danger area. Malapit na pong gumuho ang buong gusali dahil sa patuloy na paglaki ng apoy. Matutusta lang po kayo kapag pinilit niyong gawin ang gusto niyo. Marami na po sa aming mga kasamahan ang nasugatan at namatay dahil sa sunog. Marami na rin pong mga sugatan at namatay na biktima kaya pakiusap po, huwag na po kayong dumagdag sa mga buhay na kailangan naming sagipin.” Itinuro ni Gavin si Maya. “I need to go there. Her kids…” Biglang nablangko ang isip niya. “Sir, please cooperate. We are doing our best to lessen the casualties of this incident. Mukha naman pong may mataas kayong pinag-aralan kaya pakiusap po, huwag na pong matigas ang inyong ulo. Kung ipipilit niyo po ang gusto niyo ay mapipilitan din kaming gumamit ng pwersa para lang pigilan kayo. Please, sir. Huwag niyo na pong dagdagan ang trabaho namin,” pagkasabi noon ay umalis na ang bumbero. “Sir, t-tama si kuyang bumbero. Ma-Makinig ka na lang sa kaniya,” ani Maya habang nagpapahid ng kaniyang mga luha. Hinilot ni Gavin ang kaniyang noo. Halos mapamura siya nang makita niyang kumaripas ng takbo si Maya patungo sa direksyon ng nagliliyab na gusali. “ShiT! That hard-headed woman!” aniya bago nagtatakbo para habulin at pigilan si Maya.Pinarada ni Garret ang kaniyang sasakyan sa parking area. Nakatulala lang siya at tila wala pang balak na bumaba sa sasakyan. Hindi mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina. Kamuntikan na niyang maangkin si Maya. Kung hindi lang dumating ang doktor kanina ay baka may nangyari na sa kanila. Mas lalo tuloy siyang nanabik ma maangkin ito. Hanggang ngayon ay amoy na amoy niya pa rin ang natural na bango nito. Nagdikit kasi ang kanilang mga katawan kaya may naiwan pang amoy nito sa kaniya. Inilapit niya ang kamay niya sa kaniyang ilong. Napapikit siya. ‘Binabaliw mo ako, Maya. Sa susunod ay hinding-hindi na kita papakawalan. At sisiguraduhin kong madarama mo ang buong pagmamahal ko sa iyo sa bawat haplos at halik ko,’ sambit ni Garret sa kaniyang isipan. Nang kalmado na si Garret ay saka pa lamang siya nagpasya na bumaba sa kaniyang sasakyan. Pumasok siya sa bahay nila. Sumalubong sa kaniya ang salas na walang katao-tao pero naririnig niya ang halakhak nina Nijiro at Betina. Nagtungo
Hindi makatulog si Avva. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Garret sa hospital. Namula ang kaniyang mga pisngi. Kinuha niya ang unang at itinakip iyon sa mukha at saka nagsisigaw. Matapos mailabas ang nararamdaman ay kumalma siya at umupo nang maayos sa kama. “Fúck! Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Dapat ko nang kalimutan kung anuman ang nangyari sa amin ni Garret kanina pero bakit paulit-ulit iyong sumasagi sa isip ko? Hindi p'wede ito. Kapag hinayaan kong magpatuloy ito, masisira ang lahat ng aming mga plano." Muling sumigaw si Avva habang nakatakip sa mukha niya ang unan. “Muntik nang may mangyari sa amin kanina. Hindi ko dapat paabutin sa puntong gano'n. Baka magkaroon pa ako ng koneksyon kay Garret maliban sa anak namin. Hindi p'wede. Kailangan ko siyang paikutin at paibigin pero hindi na dapat aabot sa séx." Binitiwan ni Avva ang unan at saka muling nahiga. Napatitig siya sa kisame habang patuloy na sumasagi sa kaniya ang tagpo sa hospital b
Ilang oras lang ay nakarating na si Avva sa bahay ni Gavin. Bumungad sa kaniya si Gavin na nakaupo sa salas, habang nagkakape. Mukhang hinihintay yata nito ang pagdating niya. Imbes na dumiretso siya sa silid niya upang makaligo at makapagbihis ay naupo muna siya kaharap ni Gavin. “May problema ba, Gavin? Kung patungkol ito kay Garret, I handled him very well. For now, wala pa naman tayong problema sa kaniya. Iwasan na lang muna natin na bigyan siya ng dahilan para magduda siya.”“This isn’t about Garret. My grandparents are coming home, Avva. Nagkaroon ng aberya sa kompanya kaya uuwi na sila,” paliwanag ni Gavin. “Kasama ba sina Maya at ang mga bata?” tanong ni Avva.“Hindi. We can’t risk everything. Baka mabuko lang tayo kapag umuwi si Maya rito. Doon muna sila habang isinasagawa pa natin ang mga plano natin. But as I was saying, uuwi sina lolo at lola. Kaya makakasama rin natin sila rito dahil ayoko namang mag-isa sila sa napakaling villa nila. At kung maaari, iwasan mo muna si l
“Mrs. Thompson, based on the results, ay negative naman halos lahat maliban lang sa iyong hemoglobin level. Masyadong mababa ang iyong hemoglobin level. Ibig sabihin, mayroon kang anemia,” paliwanag ng doktor. Mataman naman na nakikinig si Garret sa lahat ng sinasabi ng doktor, lalo pa’t patungkol ito kay Maya. Kailangan niyang makasigurado na ayos lang ito. At walang ibang sakit. “Life threatening po ba ang anemia?” paniniguro ni Garret. “Depende sa sanhi, pero madalas, dahil lang ito sa kakulangan sa iron o bitamina. Bibigyan kita ng iron supplements at iminumungkahi kong kumain ka ng pagkaing mayaman sa iron—tulad ng atay, berdeng gulay, at beans.”“Iyan lang ba ang rason kung bakit nahimatay si Maya?” seryosong tanong ni Garret, nainigurado. “Actually, mataas ang stress level ni Mrs. Thompson. Isa rin iyon sa rason kung bakit siya nahimatay. Stress at over faitigue. Kailangang umiwas si Mrs. Thompson sa mga bagay na nakakapagstress sa kaniya. Mukhang hindi seryoso pakinggan an
Nagmulat ng mata si Avva. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. Nakatulog pala siya matapos turukan ng IV fluid. Iginiya niya ang mata niya at nakita niya si Garret. Nang magtama ang mata nila ay agad na tumayo si Garret at nilapitan siya. “How are you feeling, Maya?” nag-aalalang tanong ni Garret. “A-Ayos lang ako,” namamaos na sagot ni Avva at saka nginitian si Garret. Nakahinga naman ng maluwag si Garret. “Thank goodness. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo.” “It’s fine, ano ka ba? Maayos na ang pakiramdam ko. P’wede na nga tayong umuwi agad–” “Hindi,” agap ni Garret. “We need to wait for the results para makasiguro tayo na wala kang ibang nararamdaman.” Ngumisi si Avva. Masyado nga pala talagang OA magmahal si Garret. Nagkunwari lang naman siyang nahihilo pero halos ipa general check up siya nito. Nais pa niya sanang makipag gigilan dito pero tinamad na siya. “Okay,” tanging naging tugon niya. Umusog si Avva mula sa hinihigaang
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa