“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Mukhang malapit na pong umulan.”"Not yet, sweetie. Kailangan pang kumayod ni mommy eh. Kapag tumuloy ang ulan, pumunta ka rin muna sa store ni Tita Avva mo para hindi ka mabasa. Okay?” Nagpatuloy sa pagpiprito ng kikiam, fishball at kwek-kwek si Maya. Nagtawag na rin siya ng mga customers para makabenta. Mula nang itinakwil siya ng kaniyang pamilya ay mas natuto siyang tumayo sa kaniyang sariling mga paa. Nagtitinda siya umaga at pagsapit naman ng gabi ay na extra siya bilang isang delivery woman.“Honey, hindi ba si Ate Maya ‘yon? Omg! Siya nga! After five years, nagkrus din ang landas namin! Teka, sino ‘yong batang kasama niya?” Hinila ni April ang kamay ni Warren at naglakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid. “Miss, bilhin ko na ‘yang lahat,” aniya habang nakangiti. “Mommy, makakauwi na po tayo! Bibilhin na raw pong lahat ni ate ang paninda natin! Yehey!” tuwang-tuwang sigaw ni Matthan.Ngumiti si Maya at dali-daling inilagay lahat ng k
Huling Na-update : 2024-07-24 Magbasa pa