Maya’s wedding was around the corner when she found out that her fiancé and her step-sister were cheating behind her back. She announced their betrayal to her family, but to her surprise, they disowned her! Broken-hearted as she is, she went to the bar with her best friend and became wasted. The next morning, she found herself in an unfamiliar room with an unfamiliar man. She slipped away without even seeing the face of the man who took her virginity. The same thing happened to her best friend, and their one-night mistake gave them an unexpected remembrance—a baby! Five years later, her son's father appeared before her as her new boss! Little did she know, the billionaire had been looking for her all along, and her best friend had taken her place! Ano ang gagawin ni Maya kapag nalaman niyang ang kaniyang amo pala ang tunay na ama ng kaniyang anak? Aaminin ba niya rito ang tungkol sa anak nila kapag nalaman niyang ito rin ang lalaking minamahal ng best friend niya? Mapapatawad ba niya ang pinakamatalik niyang kaibigan kapag natuklasan niyang nagpakilala ito bilang ang babaeng nakatalik ng amo niya, limang taon na ang nakalilipas?
View More“MAYA, HINDI KO SINISIRAAN SI GAVIN SA INYO. KUNG ANUMAN ANG MGA SINABI KO, LAHAT NG ‘YON AY TOTOO. SIYA MISMO ANG SUMIRA SA PANGALAN AT IMAHE NIYA…HINDI AKO. DON’T GET MAD AT ME!” sigaw ni Garret habang pinapanood ang papalayong sina Maya at Hope.Napailing si Maya. Hindi na niya pinansin si Garret at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa paradahan ng trisikel.“Mommy, totoo po ba? Anak ni Daddy Gavin sina Hivo at Bia?” May sigla na sa tono ng boses ni Hope noong tinanong niya ang kaniyang ina.Kumunot ang noo ni Maya nang mapagtanto niyang parang biglang nag-iba ang mood ng anak niya. “O-oo, anak. Si Sir Gavin ang tinutukoy ni Tita Avva mo na tunay na ama ng kambal niya. Pasensya ka na ha. Sa ibang tao mo pa nalaman. Ang totoo niyan anak, kanina ko lang din naman nalaman ang tungkol doon noong nasa hospital tayo. Balak ko naman talagang sabihin sa’yo ang bagay na ‘yon eh. Humahanap lang ako ng magandang tsempo,” paliwanag niya.“Kaya po pala gano’n ang mood mo kanina, mommy. Tama po a
Paalis na sa sementeryo sina Hope at Maya nang bigla nilang makita si Garret. Nakasuot lang ito ng simpleng round neck t-shirt at maong short. Ang mga mata naman nito ay natatakpan ng salaming itim. Sa kabila ng kasimplehan sa pananamit, litaw na litaw pa rin ang angking kaguwapuhan ng binata.“Daddy number 2!” sigaw ni Hope sabay kaway.Napapikit si Maya habang hinihilot ang kaniyang sintido. Iiwasan na sana niya si Garret nang bigla namang nag-ingay ang anak niyang si Hope. “Anak, why did you call him? Alam mo namang inii–”“Maya, Hope, what a coincidence. It’s nice to see you around,” Garret said while wearing a wide smile on his face.“Daddy number 2, saan ka po nanggaling? May dinalaw ka rin po bang loved ones dito?” agad na tanong ni Hope. Nakakubli sa kaniyang likuran ang kaniyang mga kamay habang iginagalaw ang kaniyang katawan pa kaliwa at pa kanan. Ang kaniyang mga mata ay nakangiti rin habang nangungusap.Mabilis na naglakad palapit kay Hope si Garret. Iniluhod niya ang kan
Isang pulgada na lamang ang agwat ng mga labi nina Avva at Gavin nang biglang itinulak nang malakas ni Gavin si Avva, dahilan para mahulog ito sa silyang kinauupuan nito. “ShiT! I’m sorry, Avva. I didn’t mean t—” Pilit na ngumiti si Avva habang tumatayo. “It’s okay, Gavin. I’m sorry. Masyado yata akong nagiging mabilis,” aniya habang pinapagpagan ang suot niyang dress. Napapikit si Gavin. Agad siyang tumayo para alalayan si Avva. “Nasaktan ka ba? May masakit ba sa’yo? Gusto mo ipa-check up natin sa doktor? Tatawag ak—” “Gavin, no need. I’m fine. Thanks for your concern.” Avva’s cheeks turned red, again. ‘Sayang hindi siya nabalian,’ piping turan ni Gavin. Inayos niya ang nakatumbang upuan at doon muling pinaupo si Avva. “Sorry ulit ha. Ayoko kasing gawin ang bagay na ‘yon sa mismong harap ni lola. Pakiramdam ko ay sisigawan niya ako kung masasaksihan niya iyon sa mismong harap niya.” Tumingin siya sa walang malay na matanda. “Sana magising na si lola. Miss ko na ang pagbubunganga
“Ah…G-Gavin…” Tumaas ang isang kilay ni Gavin. “May sasabihin ka ba?” malamig na sabi niya habang nakatingin sa walang malay niyang lola. “Pa-pasensya ka na talaga kanina, ha. Hindi ko lang talaga napigilan ang galit ko nang makita kitang nakahiga sa sahig tapos dumudugo pa ang labi mo. Ni hindi ko man lamang natanong sa’yo kung sino ang may gawa no’n sa’yo,” nakayukong sambit niya. Lumunok si Gavin. “Iyon ba? Hayaan mo na. Wala na naman tayong magagawa dahil nangyari na ang nangyari. Hindi na natin ‘yon mababago,” kalmadong turan niya. Medyo kumikirot pa ang labi niya dahil sa pagkakasipa ni Gaia kanina. Hindi mapigilang mapangiti ni Avva. Iyon ang unang pagkakataon na nakausap niya nang maayos at malumanay si Gavin. “Ah…Gavin…” Nagpanting ang tainga ni Gavin. ‘Hindi ba titigil sa kakasalita ang babaeng ito? Mukhang masusubok nang husto ang pasensya ko ngayong araw na ito.’ Mula sa kaniyang Lola Constacia ay lumipat ang tingin niya kay Avva. “Sige lang. Sabihin mo lang ang gust
“Gavin!” Mabilis na tumakbo ang bihis na bihis na si Avva palapit kay Gavin na ngayon ay napapangiwi dahil sa lakas ng pagsipa ni Gaia rito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. “My gosh! Your lips is bleeding!”Kumunot ang noo ni Gavin nang hawakan ni Avva ang kaniyang labi. Diring-diri talaga siya rito. Sisigawan at susuwayin na sana niya ito nang maalala niya ang kaniyang plano. Wala siyang nagawa kung hindi ang tiisin ang pandidiri niya rito.Kumuha si Avva ng tissue mula sa loob ng kaniyang bag at idinampi iyon sa putok na labi ni Gavin.“Aray. Dahan-dahan naman,” dàing ni Gavin. Hindi pa rin niya matingnan nang diretso sa mukha si Avva.Sumimangot si Avva at saka dahan-dahang ini-angat ang kaniyang mukha. Pinandilatan niya ang salarin kung bakit nakasalampak ngayon sa sahig si Gavin. “Hoy, babae! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi mo ba nakikilala ang lalaking sinaktan mo ha? Gusto mo bang makulong?”“HA!” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Gaia habang pinapasadahan ng
“Kaunti na lang, mommy! Malapit na po tayo kay Matthan," natutuwang turan ni Hope nang makita ang bungad ng sementeryo kung saan nakalibing ang kaniyang kakambal. “Let’s go, mommy!”“Sandali lang, anak. Bibili muna ng kandila at bulaklak si mommy para sa kaniya.” Humakbang si Maya palapit sa pagawaan ng lapida na siyang nagtitinda rin ng mga kandila at bulaklak.Nahinto si Hope sa paghila sa kamay ng kaniyang ina nang magsalita ito para bumili sa nasabing tindahan.“Maraming salamat po, lola!” nakangiting usal ni Hope sa matanda.Matapos iabot ng matandang nagtitinda ng kandila ang binili ni Maya, napalingon siya sa puwesto ni Hope nang magsalita ito. Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ng matanda.“Nakakatuwa naman! Napakaganda ng anak mo. Napakabibo rin niya at masayahin pa. Masayang-masaya siguro kayo ng asawa mo dahil bata pa lamang ay taglay na ng anak niyo ang pagiging positibo," sambit ng matanda. “Ang guwapo siguro ng daddy niyan. Kay gandang bata eh! Napakaputi pa!" dagdag pa
“Mommy, you don’t look fine. May masakit po ba sa’yo?” nag-aalalang tanong ni Hope habang sinasabayan sa paglalakad ang kaniyang ina. Bumuntong hininga si Maya. “Bakit naman hindi magiging okay si mommy?” Binagalan niya ang kaniyang paglalakad nang mahalata niyang masyadong mabilis ang kaniyang bawat paghakbang. “Hindi ko po ma explain, mommy eh pero sabi po kasi ng heart ko na hindi ka okay. Your eyes even shows sadness, mommy.” Napahinto si Hope sa paglalakad nang biglang huminto sa harapan niya ang kaniyang ina. Yumuko ito nang kaunti at saka hinaplos ang magkabilang pisngi niya. “Naalala lang ni mommy si Matthan. I just realized na hindi ko na pala siya nabibigyang pansin this past few days. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring usad ang ginagawa kong imbesti—” “Imbestigasyon, mommy? Like those in the movies po ba? ‘Yong ginagawa po ng mga detectives at police kapag may namamatay? Bakit po, mommy? May pumatay po ba kay Matthan? Hindi po ba ang fire ang may gawa kung bakit siya
“Oh, Ate Maya, okay ka lang ba? Bakit parang nangingilid ang mga luha mo?” Tumayo si Gaia at agad na sinalubong si Maya. Pilit na ngumiti si Maya. “Ha? Eto ba? Wala. Ano. Ahm, napuwing lang ako sa labas. Oo tama.” Huminto si Gaia sa harap ni Maya at tinitigan ito sa mga mata. Ipinaling niya nang bahagya ang kaniyang ulo. “Ate Maya, anong nangyari? Nag-away ba kayo ni kuya?” mahinang tanong niya. Umiling si Maya. “H-hindi. Huwag mo na akong intindihin. Ayos lang ako. Napuwing lang talaga ako kanina sa labas,” patuloy na pagsisinungaling niya. Gaia crossed her arms. She examined Maya’s face more. “You’re not good at lying. Tell me, what happened.” Her face became more and more serious. “Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na ngang o-okay lang a-ako.” Tumawa nang mahina si Maya pero kasabay noon ay ang pagpatak ng mga luha niya. Wala na siyang nagawa para pigilan pa ang pagdaloy ng mga ito. Nilingon muna ni Gaia si Hope. Nang makita niyang busy pa rin ito sa panonood ng telebisyon ay
“Gavin, kanina ka pang palakad-lakad nang pabalik-balik. Ano bang pag-uusapan natin?” wika ni Maya habang sinusundan ng tingin si Gavin. ‘Naliliyo na ako sa kaniya. Ano bang problema ng isang ‘to?’Sa wakas, huminto rin sa kalalakad si Gavin. Namewang siya at tinitigan ng mata sa mata si Maya.‘Those eyes. Parang matagal ko nang nakita ang mga mata niya…parang matagal na panahon ko na siyang kilala.’ Agad na inalog ni Maya ang kaniyang ulo. ‘Ano bang iniisip mo, Maya? Umayos ka nga!’ piping kastigo niya sa kaniyang sarili.“Maya, I need you to be honest with me,” pagsisimula ni Gavin.Tumaas ang dalawang kilay ni Maya.“Do you know someone whose name is Avva Zobel?” Gavin asked while observing Maya’s reaction.‘Kilala niya si Avva?’ Lumunok muna si Maya bago sumagot, “Avva is my best friend. Why did you ask?” Ngayon ay siya naman ang titig na titig sa mukha ni Gavin.“Gaano mo na siya katagal kakilala? Ibig kong sabihin, ilang taon na kayong magkaibigan?” pagpapatuloy ni Gavin.“We’re
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments