Gusto ko lang naman humingi ng tulong, pero ang kapalit ay halos hindi ko na kayanin.
Matapos ang hindi mabilang na p********k namin, pakiramdam ko ay tuluyan na akong guguho. Nakahiga ako sa kama, pinagmamasdan si Benedect habang lumalabas siya mula sa banyo. Walang emosyon ang kanyang mukha—tulad ng dati, malamig at walang pakialam. Isinuot niya ang kanyang bathrobe nang walang pagmamadali, saka niya ako tinapunan ng tingin. “Ano na naman ang gusto mo?” Kumurap ako nang inosente. “Wala.” Napangisi siya. “Talaga?” Bigla niyang hinapit ang pisngi ko gamit ang dalawang daliri, mahigpit na hinawakan na nag-iwan ng pulang marka. Pinakawalan niya rin agad ako, saka walang pakialam na kinuha ang kanyang relo at isinuot ito na parang wala lang nangyari. Pinanood ko siya at huminga nang malalim bago ako nagsalita sa mahinang tinig. “Pero ilang beses mo na akong nakuha. Matagal na akong iyo… Hindi ba dapat managot ka?” Nanatiling malamig ang kanyang titig, gaya ng unang beses niyang tinanggihan ako. “Alam mo namang walang dapat panagutan.” Parang may pumiga sa puso ko, pero hindi ako sumuko. “Ayoko maikasal kay Sherwin. Mas mabuti kung ipapalit niya na lang ang shares niya sa pera.” Alam kong ako lang ang makakagawa ng ganitong usapan. Wala si Mr. Sanmiego sa bansa, kaya si Benedict lang ang may kapangyarihang magdesisyon. Kung papayag siya, makakalaya na ako sa kontrol ng pamilya Caparal. Hindi ko na kailangang ipakasal sa pamilya Sanmiego para lang masagip ang kapatid ko. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, narinig ko ang malamig niyang tinig. “Akala mo ba, may halaga ka sa akin?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang pilit kong ngiti. Hindi niya ako tutulungan. Gusto niya lang akong paglaruan at patuloy na gamitin Wala akong laban. Ngunit sinubukan ko pa rin. Lumapit ako at dumikit sa katawan niya, idinampi ang labi ko sa tainga niya. “Wala ka talagang puso? Ni minsan, hindi mo ako kayang tulungan?” Dumaan ang palad niya sa likod ko, dumaan ang daliri sa balat ko, kaya’t unti-unting nalaglag ang damit ko. “Ano bang tulong ang gusto mo?” “Gusto kong ipagamot ang kapatid ko kay Professor Watson na mula Sweden. Nasa bansa siya sa susunod na linggo. Kaya mo ba siyang kausapin para sa akin?” Para sa akin, imposible ang kahilingang ito. Pero para kay Sherwin, isang utos lang sa kanyang assistant at matatapos na ang lahat. “Sige.” Pumayag siya kaagad, na para bang wala lang. At bago pa ako makapagsalita, hinawakan niya ang baba ko at hinalikan ako nang mariin. Nanginginig ako habang mahigpit na kumapit sa balikat niya. Hindi ko na ito kayang tiisin pa. Biglang tumunog ang telepono ko. Napakislot ako. Iisang tao lang ang tatawag sa akin sa ganitong oras… Napatitig ako sa screen. Sherwin Sanmiego Ngumiti si Benedict hindi man lang nababahala. “Kinakabahan ka ba?” Bago ko maabot ang telepono, sinagot niya ito. Nanlaki ang mga mata ko. Walang pakialam si Benidect sa anumang maaaring mangyari. Kung malaman ni Sherwin ang tungkol sa amin, hindi ko kakayaning sumalungat kay Benidect. Hindi. Ang lahat ng galit niya ay sa akin ibubuhos. Sinubukan kong pakalmahin ang boses ko. “Hello?” Matalim ang boses ni Sherwin. “Sunshine, nasaan ka?” “Nasa kwarto ko. Bakit?” sagot ko, pilit na pinapanatili ang normal na tono. Pero nahalata niya ang bahagyang panginginig sa boses ko. Kasalukuyang dinudunggol ni Benedict ang pinakasensitibong parte ng leeg ko, at halos hindi ako makahinga sa kiliti at kaba. “Nasa kwarto mo ako ngayon,” sagot ni Sherwin. Napahinto ako. Bakit siya nandito? Hindi ba dapat kasama niya si Cheska. At parang sinagot ang iniisip ko, may narinig akong pamilyar na tinig sa kabilang linya. “Ate, hello.” Si Cheska. May bahid ng kasiyahan sa boses niya, tila natutuwa sa nangyayari. “Bakit wala ka sa kwarto mo? Gusto ka sanang bisitahin ni Sherwin.” Doon ko naintindihan. Ipinapamukha nila sa akin ang relasyon nila. Gusto kong ihampas sa mukha nila ang katotohanan—na ako mismo ay nasa kama ng ibang lalake. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung gagawin ko iyon, hindi basta ako papakawalan ni Benedict. Bigla akong binuhat ni Benedict, na para bang napakadali lang nito para sa kanya. Muntik na akong mapasigaw sa gulat at napakapit ako nang mahigpit sa balikat niya. Nang magtama ang aming mga mata, ngumisi lang siya, halatang nag-eenjoy sa sitwasyon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ibinalik ko ang cellphone sa tainga ko. “Ano? Kulang ba kayo sa audience sa kwarto niyo?” tanong ko, malamig ang boses. “Gusto niyo bang mag-live show ng p********k niyo para sa akin? Gusto niyo bang ipost ko pa sa internet?” Natigilan si Cheska. Hindi niya inasahan ang matalim kong sagot. “Ate… ano ba yang sinasabi mo? Hindi ka naman namin gustong galitin. Gusto lang naming samahan ka kasi baka malungkot ka mag-isa—” Pero bago pa siya matapos, kinuha ni Sherwin ang telepono. “Sunshine! Wala ka na talagang hiya! Paanong nagagawa mong magsalita nang ganiyan?” Sumingit si Cheska kunwari’y nag-aalala. “Kusya She, huwag ka nang magalit. Hindi naman siguro sinasadya ni Ate.” Pero hindi ko napigilan ang isang mapanuyang ngiti. Sa unang pagkakataon, hindi ako ang talunan sa larong ito.Simula nang naging team leader ako, parang wala namang masyadong nagbago. May nadagdag lang na coordination group sa trabaho ko—more emails, more updates, more tao na kailangang i-manage. Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko 'to. Pinaghirapan ko 'to.Kahit pa sinasabing isa akong paratrooper, wala naman akong ginagawang mali simula nang pumasok ako sa kompanya. May iilan na halatang may tingin pa rin—alam mo 'yung tingin na parang, “Ah, kaya ka lang nandiyan dahil may connection ka.” Pero dedma. Hangga’t maayos nilang ginagawa trabaho nila, hindi ko sila aawayin. Lahat tayo nagtatrabaho para mabuhay, hindi para magpahirapan.Pero kahit okay ako sa work, hindi ko pwedeng itangging may isang tao na hindi natuwa sa pagiging "busy ko."Si Benedict.Kahit wala pa siyang sinasabi, ramdam ko na. Mula sa kakaunting tawag, hanggang sa halos wala nang oras sa isa’t isa, parang unti-unti kaming nilalamon ng schedule ko. Kaya nang bigla ko siyang makita sa labas ng office building ko—doon sa pam
Nagulat talaga ako nang makita kong napamulagat si Mr. Castro sa mga plano ko. Ilang salita lang ang sinabi niya, pero bigla siyang natahimik nang makita ang presentasyon ko.Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapasimple ang ngiti.Ang bawat sulok ng disenyo ay pinag-isipan ko nang mabuti—pinaghalo ko ang retro at futuristic na tema, gumamit ng mga materyales na abot-kaya pero may dating, at sinigurong pasok lahat sa budget. Lahat ng ‘yon, nakita niya. At higit pa roon, na-appreciate niya.Pero ang hindi ko inaasahan... naantig siya.Sa mismong araw na ‘yon, inaprobahan niya ang proposal ko. At hindi lang ‘yon—nagbigay pa siya ng bagong offer para sa kompanya namin. Yung dating mahigpit at mailap na si Mr. Castro, biglang naging bukas-palad at masigla. Para akong nanaginip.Pagbalik ko sa group chat, parang binagsakan ng bomba ang lahat. Sunod-sunod ang messages. Shocked ang lahat.Pero ang pinaka-galit?Si Cheska.Bigla na lang siyang dumating sa mismong lugar kung saan pumirma si Mr
Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto
Si tita Michelle ay nakasuot ng madilim na nightgown, medyo magulo ang buhok, at halatang kakatapos lang magising mula sa kama. Medyo namumula ang mukha sa pagkabahala.Sumunod si Daddy, naka-bathrobe pa rin,Pagdating nila, nakita nilang si Cheska ay parang naapi, ang mga mata ay namumugto at puno ng luha, habang ako naman ay mukhang walang pakialam, nakatayo lang ng malamig at walang emosyon.Alam na nila kung sino ang unang naapektohan.Si tita Michelle ay agad na nagmukhang malungkot para kay Cheska, pero nang makita niyang hindi pa nagsasalita si Daddy, naghintay na lang siya ng pagkakataon.Si Daddy ay hindi nakapagpigil, nagkunot ang noo at parang may mga linyang dumaluyong sa noo niya. Tumakbo ang mga salita mula sa bibig niya, malakas at punong-puno ng galit: "Shine, ano bang nangyari sa'yo? Ang kapatid mo ay nagsasalita, tapos ganito ang trato mo? Wala ka bang awa sa kanya?""Ang ibang mga kapatid, binibili pa ang mga bagay para sa isa't isa pagkatapos magtrabaho, pero ikaw,
Dahil naging mas malapit ako sa aking mga kasamahan, napansin kong mas mabilis akong umuunlad. Noon ko lang napagtanto kung gaano kababaw at hilaw ang mga ideya ko noong unang beses akong pumasok sa kumpanya.Sa kabutihang-palad, isa akong hilaw na diyamante—matapos ang tamang paghubog, magiging mas maayos at epektibo ako sa trabahong ito.Bukod sa malalaking proyekto tulad ng para sa isang furniture brand, tumatanggap din ang team namin ng mga customized na disenyo. Sa ganitong pagkakataon, bawat isa sa amin ay nagsusumite ng draft, at ang kliyente ang pipili ng designer na gusto nilang makatrabaho nang mas malapitan.Isa ako sa mga napili. Ang kliyente ko ay isang bagong kasal na mag-asawa na nais kong idisenyo ang kabuuang istilo ng kanilang villa.Hindi sila nagtitipid—ang tanging kondisyon lang nila ay ang "kasiyahan" nila sa resulta. Isang napakalawak na konsepto.Bagama’t mababait silang kausap, mataas ang kanilang mga pamantayan. Alam nilang baguhan pa ako, pero nagustuhan n
Thir Person’s Point of ViewAng lahat ng ito ay nasaksihan ni Charles Chua. At sa loob-loob niya, nakahinga siya nang maluwag.Isang gabi, matapos ang trabaho, nag-iisa siyang umupo sa opisina at may tinawagan. Ang tono niya, may halong saya at mayabang na pagmamataas."Hoy, ayon sa utos mo, napasok ko na ang tao sa studio. Ngayon, mukhang nakapag-adjust na siya nang maayos. Sabihin ko sa ‘yo, napakagaling ng babaeng ‘to."Sa kabilang linya, isang malalim at matigas na tinig ang sumagot, "Mabuti naman kung gano’n! ang galing."Ngumisi si Charles Chua at pabirong sumagot, "Uy, salamat sa papuri! Ang tagal na kitang kilala, pero bihira kang magsabi ng matinong bagay."Ngunit hindi inaasahan ni Charles Chua ang sumunod na sinabi ng kausap."Ang tinutukoy ko, si Sunshine Caparal."Napakurap si Charles Chua at hindi napigilang mapabulalas, "Hala, kuya Ben, akala ko ako ang pinupuri mo!"Dahil sa payak niyang sagot, hindi sinasadyang lumitaw ang tunay na pagkatao ng misteryosong tao—si Bene