Home / Romance / The Billionaire's Hidden Heirs / Kabanata 069 Father-daughter Bonding

Share

Kabanata 069 Father-daughter Bonding

Author: Anne_belle
last update Last Updated: 2024-07-19 23:10:11

Gabrielle’s Point of View

“secretary ko. Sinabi niya kasi sa akin na nag-back out daw si Jerome para sa company image. Malapit na kasi ang anniversary ng company at madaming event na gagawin bilang celebration at isa na doon ang magkaroon ng bagong mukha.

“Naghahanap po sila ng kapalit na babagay kay Ms. Eumerriah.” Nagulat naman ako sa sagot niya. “What do you mean? Si Eumerriah ang kinuha nila?”

Tumango naman ang secretary ko. “Opo. Maganda po kasi ang naging reaction ng tao sa pagbabalik niya sa industriya. Madaming naka-miss sa tambalan nila ni Jerome. Hindi niyo po pala alam?” umiling ako.

“Maganda daw po kasi sa imahe ng kompanya kung kukuha tayo ng old models. Mas tatangkilikin ang product at mga services natin.” Muli niyang paliwanag.

“Paano iyan kung wala partner si Eumerriah? Matutuloy baa ng shooting nila?” tanong ko.

“Hindi po ako sigurado. Pero sigurado akong kailangan kayo doon ni Ma’m Kristine at nang anak niyo.” Alam ko naman iyon. Naka-schedule na din iyon ng 11:30.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 131- The Reason why she left

    15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 130 The Truth

    Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 129 His Place

    Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 128 He still care

    "Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 127

    "Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git

  • The Billionaire's Hidden Heirs    Kabanata 126

    Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status