LOGINAlam ni Tessa na hindi siya ganoon kamahal ni Zander, ngunit nanatili pa rin siya sa tabi nito dahil may kailangan siya kay Zander at ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Pero nang bumalik ang dating minahal ni Zander, bihira na lamang itong umuwi sa kanila. Nanatili si Tessa sa walang laman na silid, ginugugol ang hindi mabilang na gabi na hindi niya kasama si Zander. Kalaunan, nang mapagod na si Tessa, tinanggap niya ang isang tseke at tuluyan na niyang iniwan si Zander. Nang muli silang magkita, may iba nang lalaking kasama si Tessa. “Mr. Velasquez, ikaw ang unang nakipaghiwalay. If you want to date me, kailangan mong pumila.” — Tessa Jewel Morales. Kinabukasan, nakatanggap si Tessa ng deposito na isang daang bilyong piso at isang dyamanteng singsing. May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa? O mas pipiliin ni Tessa na hindi na bumalik sa buhay ni Zander?
View MoreSa gabi ng engagement party ni Liam, naglasing si Tessa sa bar.
Napagkamalan niya ang isang lalaki na ito ay si Liam at agad niyang niyakap ang isang napakaguwapong lalaki sa isang madilim na pasilyo, hinalikan niya ito nang may buong pagmamahal. Pagkatapos ng kanilang halikan, parehas silang nakahinga nang maluwag. Tiningnan ng guwapong lalaki ang babae na hawak ng kanyang mga bisig. “Are you sure about this?” malalim at seksi ang tono ng boses na tanong nito sa kanya. Biglang natauhan si Tessa at nakilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Ito ay si Zander Velasquez, ang nangungunang abogado ng bansa na may hindi mabilang na mga ari-arian sa ilalim ng pangalan nito, at ito ay isang tunay na urban elite. Magiging bayaw din nito si Liam Torres na ex-boyfriend ni Tessa. Napaatras si Tessa at kumunot naman ang noo ni Zander. Saglit na napaisip si Tessa, “Kung kaya ni Liam na mag-cheat sa’kin... kaya ko rin naman siyang palitan at makipaghalikan sa kung kani-kaninong lalaki!” Muli siyang kumapit sa leeg ng lalaki. Si Tessa ay magandang babae at maganda rin ang hubog ng katawan nito. Si Zander ay hindi pabigla-bigla na tao, at handa siyang magkaroon ng panandaliang kasiyahan kay Tessa. Hinawakan ni Zander ang kanyang baywang, at pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, hinawakan nito ang kanyang baba. “My place or your place?” tanong nito sa kanya habang mapang-akit itong tumitig sa kanyang mga mata. Napalunok siya. Si Tessa ay isang baguhan pa lamang, ngunit nagpanggap siyang may karanasan na. Ngumisi siya at bumulong sa tainga ni Zander: “Ikaw ang bahala, huwag lang sa bahay ko.” Tumaas ang sulok ng labi ni Zander. Para sa kanya ito ay panandaliang kasiyahan lamang. Yumuko siya at hinalikan niyang muli ang babae. Mas lalong nalasing si Tessa sa paraan ng paghalik sa kanya ni Zander, isang mapusok at mainit na mga halik. “Liam,” biglang lumabas sa kanyang bibig ang pangalan ng kanyang dating nobyo nang bitawan ni Zander ang kanyang mga labi. Napatigil si Zander sa pagkagat nito sa kanyang tainga at saka kumunot ang noo nito. “What did you just call me?” Agad na binitawan ni Zander si Tessa. Nabigla naman si Tessa sa ginawa niya. Sumandal si Zander sa pader, at ibinaba ang kanyang ulo upang mag-sindi ng sigarilyo. Mapaglaro niyang tinitigan si Tessa, “Liam Torres? How interesting! Mukhang siya ang ex-girlfriend ng magiging brother-in-law ko,” saad ni Zander sa kanyang sarili. Kumunot ang noo ni Tessa. Hinala niya na mukhang pina-imbestigahan na siya nito. Pinagpag ni Zander ang abo ng kanyang sigarilyo at nagtanong nang kaswal, “You know who I am, right? Why did you kissed me? Gusto mong may mangyari sa atin dahil galit ka kay Liam Torres?” Hindi ito maitatanggi ni Tessa. Napakasikat ni Zander Velasquez. Magiging mapagkunwari para sa kanya na sabihing hindi niya ito kilala. Yumuko at humingi ng tawad si Tessa: “I’m sorry for disturbing you, Mr. Velasquez.” Gusto na niyang umalis at mukhang wala namang balak si Zander na pigilan siya. Saktong pagtalikod ni Tessa tumunog ang kanyang cell phone. Pagtingin niya, ang kanyang tiyahin na si Cora pala ang tumatawag sa kanya. “Tessa, bumalik ka na rito. May nangyari sa bahay," bungad nito sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito. Biglang nawala ang kalasingan ni Tessa. Nagtanong si Tessa sa kanyang tiyahin, ngunit hindi nito maipaliwanag sa kanya ng mabuti dahil mahina ang signal sa loob ng bar. Pagkatapos nitong ibaba ang tawag, nanghina ang mga binti ni Tessa. Muli siyang humingi ng tawad sa lalaki: “I’m really really sorry, Mr. Velasquez. Mauna na po ako, pasensya na.” Tiningnan siya nang malalim ni Zander. Tumayo ito nang tuwid at pagkatapos ibinato nito sa kanya ang jacket nitong itim: “Isuot mo, ihahatid na kita,” sabi nito sa kanya pagkatapos siya nitong lampasan. Hindi na nagdalawang-isip pa si Tessa at sinundan na niya si Zander patungo sa kotse nito. Habang nasa biyahe sila, wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Paminsan-minsan ay palihim siyang tinitingnan ni Tessa. Para sa kanya, si Zander ay may perpektong mukha, at ang brand ng shirt na suot nito ay hindi niya masyadong makita, ngunit mukhang napakamahal nito. Alam ni Tessa na ang isang lalaking tulad ni Zander ay hindi kailanman mawawalan ng mga babae. Pagkarating nila sa may tapat ng bahay nina Tessa, tumingin sa kanya si Zander. Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang buong katawan, ang mga mata nito ay nagtagal sa kanyang makitid na puting mga binti sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, kumuha ito ng business card mula sa locker sa harap at inabot nito kay Tessa. Hindi makapaniwalang tumingin si Tessa kay Zander bago niya tinanggihan ang lalaki. “Mr. Velasquez, let’s not contact each other anymore," saad niya sa kalmadong tono ng boses. Muling tumunog ang cell phone ni Tessa. Akala niya ito ay ang kanyang tiyahin, ngunit nang tingnan niya ang kanyang cell phone, pangalan ni Liam ang kanyang nakita. Agad niyang binuksan ang mensahe nito sa kanya. Liam: Tessa, where are you? Ngumisi si Zander nang makita nito ang mensahe sa kanya ni Liam. “You’re very loyal to him, huh?” Biglang nakaramdam ng hiya si Tessa at itinago niya ang kanyang cell phone sa kanyang maliit na handbag. Gusto niya ring depensahan ang kanyang sarili, ngunit hindi na lamang niya ito ginawa. Lumabas si Zander mula sa driver’s seat at umikot ito papunta sa may passenger seat kung saan nakaupo si Tessa. Binuksan nito ang pinto ng kotse at bago siya lumabas nagpasalamat muna siya sa lalaki, ngunit nakalimutan niyang isauli rito ang jacket nito. Pumasok na ulit si Zander sa loob ng driver’s seat at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan palayo sa bahay nina Tessa.Hindi naglakas-loob si Carl na tumanggi kay Zander. Bagama’t magkaedad lamang sila ni Zander, hindi maikakaila ang agwat ng kanilang kakayahan. Si Zander ay isa sa pinakatanyag na abogado sa bansa—matatag ang presensiya, kalmado ang kilos, at taglay ang uri ng kumpiyansang nakakatakot sa sinumang kaharap. Isang titig lang mula sa kanya ay sapat na upang manahimik ang lahat. Bago siya lumabas, kumindat muna si Carl kay Tessa. “Hihintayin kita sa kotse,” aniya, tila magaan ang tono ngunit may bahid ng babala sa pagitan ng mga salita. Ngumiti si Tessa, pilit at banayad, ngunit ramdam niya ang matinding kabog ng kanyang dibdib. Pagkaalis ni Carl, napansin ng isa sa mga opisyal ang tensyon sa paligid, kaya umalis na muna ito at umakyat sa taas. At sa isang iglap, naiwan sina Tessa at Zander sa loob ng silid. Tahimik at mabigat ang hanging dumadagundong sa kanyang dibdib. Si Zander ay nakaupo pa rin, nakayuko habang pinapaikot ang sigarilyong hindi pa sinisindihan sa pagitan ng k
Pagkarinig sa tanong ni Zara, tila biglang humigpit ang hangin sa paligid. Ang dating magaan na pag-uusap ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Ramdam ni Tessa ang biglang paglingon ng lahat sa kanya; nag-init ang kanyang pisngi sa hiya, habang pilit niyang pinanatili ang kalmado niyang mukha.Bago pa man makasagot si Liam na halatang pinipigilan ang kanyang inis, isang mahinang tawa ang umalingawngaw. Si Carl iyon, nakasandal sa upuan. “Tessa is my friend, kaya syempre kilala siya ni Liam, ‘di ba, bro? Pero Zara… huwag kang mag-alala. Si Liam, loyal na loyal ‘yan sa’yo!” may bahid na biro sa tinig habang sinabing may halong kaseryosohan.Habang binibitawan niya ang mga salitang iyon, sumulyap siya kay Liam, at sa sulyap na iyon, mas malinaw pa sa anumang salita ang kanyang panunukso. Biglang dumilim ang mukha ni Liam. Walang sabi-sabing hinawakan niya sa braso si Zara at mahigpit na inakay palayo habang tuwid ang likod at malamig ang mga mata nito.“What is wrong with you?” Dini
Sa mga sumunod na araw, naging abala si Tessa sa pag-aasikaso ng kaso ng kanyang ama.Nakilala na rin niya si Atty. Arthur Madrid, isang batikang abogado na kilala sa pagiging mahinahon ngunit matalas mag-isip. Ilang beses pa lang silang nagkikita, pero agad nitong naunawaan ang takbo ng kaso at kung paano ito lalapitan.Sa maluwang at maliwanag na opisina, sinuri ni Arthur ang mga dokumentong inihanda ni Tessa. Pagkatapos ay ngumiti ito ng magaan.“Since you were introduced by Zander, I'll give you the bottom line. To be optimistic, the sentence could be reduced to two years.”Bahagyang napayuko si Tessa. Magkahalong ginhawa at pangamba ang naramdaman niya. Dalawang taon—maikli, ngunit hindi pa rin gaanong madali.Nakaupo nang kampante si Atty. Madrid, nakasandal at nakahalukipkip, bago muling ngumiti: “Zander has already asked me for help, but why doesn't he take on this case himself? Kung siya mismo ang hahawak ng kaso, malaki ang posibilidad na tuluyang maabsuwelto ang ‘yong ama.”
Sa wakas, nagpakita rin ng kaunting kababaang-loob si Zander. Maingat niyang itinuwid ang laylayan ng palda ni Tessa at tinangkang ibutones iyon para sa kanya.“A-ako na,” mahina ngunit nanginginig na sabi ni Tessa.Sinubukan niyang isara ang maliit na butones—kasinglaki lamang ng isang butil ng bigas, ngunit dumudulas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri. Sa huli, si Zander na rin ang nagkusa. Maingat nitong isinara ang butones, at pagkatapos ay muli itong humingi ng tawad sa kanya.Bilang kabayaran sa abalang dinulot niya, tinawagan mismo ni Zander si Atty. Arthur Madrid upang ipaliwanag ang kalagayan ng ama ni Tessa.Hinahangaan ni Arthur Madrid si Zander bilang kanyang nakababatang kasamahan, kaya’t hindi na siya nagdalawang-isip nang pakiusapan ito ni Zander. Kaagad siyang pumayag at itinakda ang araw ng pagkikita nila Tessa upang talakayin ang kaso ng ama nito.Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap, ibinaba ni Zander ang telepono. Umupo siya sa likod ng kanyang mesa, nagsind
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews