Share

“Zelaina’s Escape”

“Zelaina Akiesha Cruz Point of View”

Nagising ako na masakit ang katawan ko ramdam ko parin yung kirot ng hiwa ko dahan dahan ako tumayo at tiningnan ang paligid ko wala ng tao at may nakita akong note at pera sa lamensa sa gilid ng kama. Inabot ko ito at tiningnan ang sulat.

“Hello, Thank you for last night. I know you tired nag enjoy ako kasama ka sa kama. I hope maulit honey.” ~CD. Lewis

Kinuha ko na yung pera na nakapatong gusto ko na tumayo dahil sigurado hinahanap na ako ni caleb o baka hindi pa siya kumakain. Pinilit ko tumayo agad ako napahawak sa gilid ng kama sa kirot ng pilitin ko tumayo. Huminga ako ng malalim at dahan dahan tumayo ulit at naglakad papasok sa comfort room.

Tiningnan ko ang sarili ko pakiramdam ko sobrang dumi ko na muling tumulo ang mga luha ko agad ako naghilamos at nagayos na para makauwi na kahit nahihirapan ako kumilos sa sobrang sakit parin ng buong katawan ko. Hindi lang physical pati ang emotional sobrang sakit.

Nakapagayos na ako dahan dahan ako lumabas sa kwartong ayaw ko na balikan pa nakita ko si tita na parang iniintay ako at nagyoyosi nakita niya ako kaya tinapon niya ang yosi niya at lumapit sa akin at binigyan ako ng pera.

“Yan yung pera mo.” Masungit niyang sabi.

Binilang ko ito dalawang libo hindi na ako nagsalita akala ko ay tatanongin niya ako kung kamusta ako pero mali at mas lalo pa niya saken pinamukha na binenta ang katawan ko maya-maya ay umuwi na ako dumeretso ako sa kwarto namin ng kapatid ko nakita ko siyang mahimbing na natutulog, binaba ko na ang gamit ko at dahan-dahan umupo sa tabi niya.

“I’m sorry caleb, pero sobrang pagod na ang ate.” Bulong ko. I know hindi niya ako maririnig dahil mahimbing ang tulog niya hindi ko napigilan na hindi tumulo ang mga luhang pinigilan ko dahil kaharap ko si tita.

“Simula bukas ilalayo na kita dito caleb aalis na tayo dito hindi ko na kase kaya patawad kung masyado ka mahihirapan sa sitwasyon natin. Pero hanggang kaya ni ate i will protect you.” Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko na kikilos siya kaya agad ko pinunasan ang luha ko at ngumiti.

Dahan dahan niya minulat ang mata niya at tumingin sa akin.

“Ate, umiiyak po ba kayo?” Nagaalala niyang tanong sa akin.

I smiled to him. “No baby boy, ate is okey. Pagod lang sa work ang ate kaya ganito.” Sabi ko sa kanya at hinimas himas ang buhok niya.

“Patawad ate wala ako magawa para tulongan ka po mag work.” Malungkot niyang sabi.

Natawa naman ako sa sinabi niya dahil kahit ako nalang ang kasama niya naging mabuti ang pagpapalaki ko sa kanya. “Wala ka naman kasalanan e, ako nga dapat humingi ng tawad dahil hindi ko mabigay ang mga bagay na nakikita mo sa ibang bata.” Sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko siya. “Tara umalis na tayo dito.” Sabi ko sa kanya. “Hindi na kase kaya ng ate mo e.”

“Sige po ate sasama ako kahit po saan tayo magpunta basta po kasama po kita ate.” Malambing niyang sabi. Tumayo na siya at kinuha niya ang bag ko at ako rin kinuha ko na ang gamit at pera na naipon ko sa pagtratrabaho tahimik lang ang pagkilos namin dahil baka marinig kami ni tita.

Natapos na namin ang pagiimpake ng gamit namin agad ko hinawakan ang kamay ni caleb kahit masakit parin ang katawan ko gusto ko na talaga umalis sa puder nila. Kasama ko lang ang kapatid ko kaya ko siya buhayin.

Dahan dahan ko binuksan ang pinto ng kwarto namin nagulat ako ng biglang nakita ko si tita at nakasandal siya sa pader na tapat ng kwarto namin. Tumingin siya sa mga bag namin at ngumisi siya sa akin at agad ako sinabunotan.

“Ang galing mo talagang babae hano, balak mo pa talaga lumayas akala mo makaalis ka ng ganun kabilis nagkakamali ka kung gusto mo umalis sige umalis ka pero iwanan mo si caleb.” Galit na galit niyang sabi sa akin.

Hinila niya ako palabas ng bahay hawak ko parin ang kamay ni caleb ayaw ko bitawan ang kamay ng kapatid ko. Pabalibag ako binitawan ni tita rose at pilit na pinapabitaw ang kamay ni caleb sa akin. Nagsimula na umiyak si caleb.

“Tita hayaan mo ako sumama sa ate ko!” Sumisigaw na iyak ni caleb habang pilit na kumakapit sa kamay ko.

Umiling ako sa kanya please caleb wag ka umiyak, mas lalo kong naramdaman ang pagod ng hindi ko na hawak ang kamay ng kapatid ko papasok na sana sila agad ako lumuhod sa harap ng tita ko.

“Tita! Please wag niyo po kunin sa akin si caleb siya nalang po ang meron ako.” Umiiyak kong sabi.

Tumingin siya sa akin. “Hinding hindi mo siya makukuha zelaina akiesha lumayas ka na dito hindi ka na namin kayilangan dito.” Madiin niyang sabi sa akin.

Nagpupumiglas si caleb sa kanya pero kita ko rin na nasasaktan na siya sa hawak ni tita rose kaya umiling ako, “Babalikan kita caleb, babalik ang ate tandaan mo yan.” Sabi ko sa harapan niya. Dahan dahan ako tumayo at tumalikod rinig ko ang pagtawag niya sa akin.

Pinilit ko hindi lumingon dahil hindi ko kakayanin, masyadong masakit na makita siyang umiiyak naglakad lang ako ng naglakad kahit sobra ako nanghihina wala pa ako kain simula umaga hanggang ngayon madaling araw hindi ko alam kung saan ako pupunta. Akala ko makakatakas na ako kasama ng aking kapatid napaupo ako sa isang gilid ng daan at dun nagpahinga napasabunot ako sa aking buhok. Sinisisi ko ang sarili ko at napaka walang kwenta kong kapatid.

Tumingin ako sa langit. “Ma, Patawad hindi ko nakasama si caleb pero pangako ma.” Bulong ko sa sarili ko habang patuloy parin ang pag agos ng aking luha. “Pangako na babalikan ko siya ma.”

Huminga ako ng malalim at tumayo laban lang zelaina akiesha cruz madami ka pa pangako kay caleb at kayilangan mo yun tuparin. Nagsimula na ako maglakad ulit bahala na kung saan mapadpad.

“Caded Ahren Lewis Point of view”

Lumabas muna ako para bumili ng pagkain mas gusto ko ganitong oras ako lumalabas ng bahay walang gulo at ingay sa labas, kaya hindi ako naguutos ng ganitong oras malapit na ako sa isang restaurant ng may nakita akong babaeng naglalakad at may pasa ito sa mukha. Magpapark na ako ng sasakyan upang lapitan yung babae hindi ko alam kung bakit gusto ko siya lapitan.

Pero i think she need me. Pagkapark ko ay agad ako bumaba ng kotse at lumapit sa kanya. Pero mukhang nagulat siya at agad pumatak ang luha niya.

“Ms. hindi ako masamang tao kalma okey, i think you need my help. Are you okey?” Nagaalalang tanong ko.

Kita ko kung paano siya natatakot sa akin. “W-Wag mo ako lapitan.” Natatakot niyang sabi sa akin.

Tatalikod sana siya ng bigla siya nahimatay buti nalang at nasalo ko siya.

“Ms, wake up.” I said. Dahan dahan ko siya binuhat pa bridal style at agad ko siya sinakay sa kotse hindi ko siya pwede dalhin sa mansion.

May kutod ako na isa siya sa mga nagalaw ng aking kakambal kaya ganun nalang ang reaction niya ng makita ako. Agad ko tinawagan si jayson dahil na rin isa siya doctor makakatulong siya sa akin.

“Hello bro asan ka?” i asked him.

“Sa bahay bro why?”

“Pwede ba tayo magkita sa bahay ko?” I said.

“Sige otw na bro.” He said.

I end the call at nagmaneho sa way ng bahay ko may sarili narin ako bahay dahil sa privacy purpose. Agad ako nakarating sa bahay dahan dahan ko siya pinasok sa bahay walang tao dito dahil mas pinili ko mapagisa, ayaw man ni mom na ganito pero wala siyang nagawa. Hiniga ko siya sa guest room maya maya ay dumating na si jayson nakita niya ang babaeng kasama ko kita ko sa mga mata niya ang gulat at tumingin sa akin.

"Bro saan mo siya natagpuan?" He asked me.

"Sa isang place na malapit sa restaurant na kakainan ko bro then nakita ko siya kaya nilapitan ko." I said habang tumingin sa walang malay na babae. "Then nahimatay siya nung aalis siya hindi ko alam kung bakit siya natakot sa akin."

Lumapit siya sa babae at tinitigan ang mukha. "Sa pag kakatanda ko siya yung babaeng pinapahanap mo bro." He said.

Napatitig ako sa babaeng walang malay. "Pacheck nalang if okey na siya." Seryosong sabi ko. Agad naman ginawa yun ni jayson. Ako naman tiningnan lang ang bawat galaw ni jayson sa babaeng hinahanap ko. Maya maya ay natapos na kaya nagpaalam na siya na aalis na siya lumapit ako sa babaeng nakahiga at tinitigan ang mukha niyang may pasa.

"You are so pretty but ang malas mo at paglalaruan ka lang ng kakambal ko, but i promise to protect you hindi ko hahayaan na gamitin o paglaruan ka ng kakambal ko para isama sa pang laruan niya." Mahina kong sabi.

Dahan dahan ako tumayo para lumabas at magluto sana hindi na siya matakot sa akin at sana maging close ko siya.

Binilisan ko ang paghahanda ng makakain upang magising ko na siya, pagkatapos ko ihanda ang pagkain ay nilagay ko na ito sa tray at dinala sa guest room kung asan siya ngayon dahan dahan ko binaba ang tray sa bedside table at dahan dahan umupo sa tabi niya, hinimas himas ko ang buhok niya magaan ang loob ko sa kanya ramdam ko ang pagiging mabait niya.

Naalarma ako ng bigla siya gumalaw kaya tumayo ako nagulat ako sa sunod na ginawa niya umiyak siya ng umiyak. "Huwag po, tama na po!" Umiiyak niyang sabi habang niyayakap niya ang sarili.

"Ms! Wake up!" I said. Pero hindi parin siya tumitigil kaya hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap ko siya hinimas himas ko ang likod niya.

"Don't worry ms. You are safe now. Shhhh." I said. Ramdam ko parin ang paghahabol ng hininga niya at paghikbi niya pilit ko siya pinapakalma.

Naramdaman ko na kumalma na siya kaya bumitaw na ako sa yakap ko sa kanya at dahan dahan ko tiningnan ang mukha niya at pinunasan ang luha niya gamit ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa akin na parang natatakot.

"Hindi ako masamang tao ms. Willing ako tumulong sayo basta magtiwala ka saken." sinceridad kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya.

"Ako nga pala si caded, and you What is your name?" I asked her.

"Z-Zelaina A-akiesha." Nauutal niyang sabi. Hindi ako makasagot dahil naawa ako sa kanya hinimas ko ang ulo niya at niyakap ulit pinaramdam ko sa kanya na ligtas siya saken.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status