Share

The Billionaire's Husband
The Billionaire's Husband
Author: QueenVineeee

Synopsis & Prologue

Zelaina Akiesha Cruz isang babaeng nakatira sa kanyang tita, dahil maagang namatay ang kanyang ina at tumatayong tatay nito kasama na rin ang pinaka batang kapatid nito. Hiwalay na ang kanyang magulang simula nung bata palang siya ay hindi na niya kilala ang kanyang totoong ama.

Simula namatay ang kanyang magulang ay kinupkop na siya ng kanyang mga tita nung una ay mabait ang pakikitungo nila sa dalaga pero nung lumalaki si akiesha ay pinaramdam nila na isa lang ito sa pabigat sa kanila kaya pinagtrabaho nila ito na parang hindi kamaganak. 

Gusto man umalis ni akiesha sa puder ng mga tiyuhin ngunit inaalala niya ang isa pa niyang kababatang kapatid lalo na at baka madamay ito sa galit.

Isang araw ay hindi inaakala ni akiesha na ibebenta siya ng kanya tiyahin wala na siyang nagawa dahil tinakot siya nito na masasaktan ang kapatid nito, ang bumili sa kanya ang isang pinaka mayaman na tao sa ibang bansa na madaming ari-arian ngunit napakasama ng ugali wala siyang sinasalba at walang pakialam kung may masaktan sa paligid niya. 

Si cassian daemon lewis ang isang negosyanteng bumili kay akiesha upang gawing laruan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataong ay nabuntis niya ang dalaga kasabay ang pagbabalik ng pinaka mamahal niyang babae ngunit kayilangan niya pakasalan si akiesha dahil sa nabuo nilang buhay. Paano na kaya tatakbo ang buhay ni akiesha sa mundo ng mga lewis. Makakatakas kaya siya sa mga kamay ni cassian deamon lewis?

Nagising nalang ako sa isang kwarto ang naalala ko lang may isang lalaki na bumili sa akin sa bar ng aking tita, namatay na kase ang aking mga magulang kaya ang aking tita na lang ang nagpalaki sa akin. Pero hindi ko rin alam kung bakit niya ako sinalang sa bentahan ng katawan sa mga lalaking mayayaman.

Sobrang sakit parin ng aking katawan dahil sa nangyari kagabi, tinakot ako ng aking tita na kapag hindi ako pumayag sa trabahong ito hahayaan na niya ako magpalaboy-laboy.  Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit gusto ko ng pumunta sa cr upang maligo dahil pakiramdam ko sobrang dumi ko na.

Nandidiri ako sa sarili ko isa lang ang kaya kong gawin ngayon yun ay umiyak ng umiyak dahil nangyari na ‘to at wala na ako magagawa.

-----------------------------------------------------

Hanggang ngayon ay hindi pa ako dinadatnan kinakabahan ako nakalipas ng dalawang buwan simula nangyari ang isang bangungot sa buhay ko, nagdesisyon na ako bumili ng pregnancy test para na rin malaman kung bakit naging ganito ang nangyayari sa akin.

Kinakabahan man ako sa magiging resulta ay hindi ko na ito matatakbuhan andito na ito, Hinihintay ko na lang resulta ng pregnancy test ko at dahan-dahan ko ito tiningnan.

Kailangan ko hanapin ‘yong lalaki na ‘yon para malaman niya kaya ko ito. Hinimas-himas ko ang tummy ko habang pabulong kong sinasabi sa sarili ko, "Wag ka mag-alala baby, hahanapin natin si daddy mo." Sabi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status