Share

"Zelaina's Pain"

Andito ako sa bahay ng kapatid ng aking ina, ulilang lubos na ako dahil namatay ang aking magulang noong bata pa lang kami ng kapatid ko. May club na pagmamay-ari ng aking tita doon ako pinagtratrabaho ng aking tita bilang isang waitress noong una ay gusto niya ako sumayaw.

Sa harapan ng mga negosyante na regular customer nila pero hindi pumayag ang asawa nito, ang kakampi ko lang dito sa bahay ang asawa ng ang tita. Siya lang ang nakakaintindi sa akin ngayon sobrang bait niyang tao kabaliktaran ng aking tita.

Pero ngayon na wala na ito dahil sa katandaan hindi ko na alam ang susunod na plano ni tita baka ituloy na niya ang pagbenta sa akin. Dahil ang mas mahalaga lamang sa kanya ay pera, walang kadugo katulad ng ginawa niya sa aking magulang na nagawa niyang baliwalain ang paglapit namin sa kanya noon.

Siguro buhay pa sana ang aming mga magulang at hindi ako nagdudusa ngayon. Beside, pera namin ang ginagamit niya ngayon para mapatakbo ang kanyang club. Habang nagtratrabaho ako ay isa akong estudyante, Med student ako kaya  masyadong malaki ang expenses ng pinapasukan kong universidad pero kinakaya ko naman.

Minsan patakas ako nagsisideline ng trabaho and i have scholarship kaya kinakaya ko, bakasyon ngayon kaya andito ako sa club upang magtrabaho. Konting oras na lang kasi magdidilim na, nagulat ako ng biglang nagsalita si tita sa likod ko.

“Suotin mo ito, huwag ka na mag inarte diyan, ‘di ka naman kagandahan,” pagmamalditang sabi niya sa akin. Binigay niya sa akin ang isang kasuotan na kulang na lang wala ng tela at kitang-kita na dito ang kaluluwa.

“S-Seryoso po ba kayo dito tita?” Kinakabahan kong tanong sa kanya.

“OO. Aba baka nakakalimutan mo Zelaina Akiesha Ferrer na nasa puder ko parin kayo ng kapatid mo kaya sumunod ka sa akin sa ayaw o gusto mo !” Galit niyang saad sa akin.

Sinabunutan niya ako habang hinihila papuntang dressing room at pabagsak na binitawan, tiningnan ko ulit ang hawak kong damit. Bakit ang unfair ng mundo. Gusto ko lang makaranas ng masaya pero bakit ganito ginagawa sa akin ng sarili kong kadugo.

Dahan dahan ako umupo sa gilid at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin, “Huwag ka mag-alala, Zelaina. Makakaalis rin kayo sa puder niya,” bulong ko sa sarili ko.

Wala na ako magawa kundi magbihis kahit sobrang hindi ako komportable sa suot ko sobrang kita ang hinaharap ko at ang pang ibaba naman ay sobrang ikli kulang na lang ay maghubad na lang talaga ako. Pero wala nang bago dito dahil ganito rin ang nakikita ko na suot ng mga kababaihan sa loob ng club pero ngayon ay isa na ako sa kanila.

Habang tinitingnan ko sa salamin ang buong katawan ko, nasasaktan ako kasi sarili kong kadugo ay handa ako ibenta para lamang sa pera. Naiisip ko pa lang kung paano ko ipapaliwanag sa ibang tao kung bakit ito nangyayari, alam ko hindi nila ako maiintindihan.

Nagulat ako ng kumatok ulit ang aking tita, “Dalian mo d’yan, dumadami na customer natin!” Sigaw niya mula sa likod ng pintuan.

Gusto ko na lang tumakas, pero ayaw ko naman iwanan ang kapatid ko. Nangako ako na hinding-hindi ko siya  iiwan at papalakihin ko siya nang maayos. Dahan-dahan akong lumabas mula sa dressing room at nakita ko sa mata ng aking tita ang saya nang makita niya ang katawan ko.

“Paniguradong madaming lalaki ang gugustohin kang tikman, pag-aagawan ka nila,” masaya niyang sabi. Nandidiri ako sa mga salitang naririnig ko mula sa kanya.

Nagsimula na ang galaw sa club na ito maingay at sobrang daming tao, maya-maya pa ay isa-isa na kaming pinalabas. Gusto kong tumakbo palayo sa lugar na ito. Nang ako na ang lalabas sa stage, doon na ako nakaramdam ng mas matinding kaba habang nagtatayuan lahat ng balahibo ko.

Kahit labag sa loob ko ang paglabas dito ay wala na ako magawa dahil gagamitin ni tita si Caleb para bumalik ako sa puder niya.

 Nakayuko akong lumabas sa stage dahil hindi ko matanggap na gagawin ko ito, nakatayo lang ako sa gitna habang pinagtitinginan nila ako. Bawat mata nila ay nakatingin lamang sa katawan ko, gusto ko takpan ang katawan ko pero nakatingin ang aking tita.

"Seven hundred billion" Sigaw ng isang matipunong boses.

Hindi ko alam bumilis ang tibok ng puso ko. Seriously, seven hundred billion para lang mabili ang isang katulad ko, dahan-dahan ko inangat ang paningin ko upang tingnan ang lalaking nag-alok ng ganoong kalaking pera. Nasa isang sulok siya at mukhang sobrang yaman nito dahil may mga bodyguard pa ito.

Hindi masyado malinaw ang mukha niya sa paningin ko dahil sa ilaw ng club, hindi parin nag -sink in sa isip ko na ganoong kalaking halaga ako bibilhin. Lumapit na sa akin ang dalawang bouncer at kumuha sa akin upang alalayan nila ako bumaba sa stage. 

Dinala nila ako kung saan ‘yong bumili sa akin. "Enjoy the night, Sir Cassian," rinig kong sabi ni tita sa lalaki.

Pinaupo nila ako sa tabi ng lalaki. Iniwan na nila kami, amoy na amoy ko ang tapang ng pabango nito at halatang pang mayaman. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin dahil ramdam ko ang init ng hininga niya na dumadampi sa aking batok.

Hindi ako makagalaw o makatingin sa kanya dahil sa kaba naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko, agad ako napahawak sa leeg ko at medyo lumayo sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang tawa.

“What is your name?” He asked me. Masyadong malalim ang boses niya, nakakapanghina.

“Z-Zelaina A-Akiesha po,” kinakabahan kong tugon sa kanya.

“The beautiful name, nababagay lamang para sa iyo,” his husky voice echoes into my ear.

Naramdaman ko na naman ang bawat halik niya mula sa leeg ko, gusto ko siya itulak palayo sa akin pero alam kong nakatingin sa amin ang aking tita. Wala ako magawa kundi hayaan siya gawin ang kahalayan niya patuloy parin niya hinahalikan ang leeg ko na minsan nararamdaman ko ang dila niya.

Pinipigilan ko ang sarili ko makalikha ng ungol dahil sa ginagawa niya. Maya-maya ay huminto siya nakahinga ako ng maluwag pero yun lang pala akala ko dahil dinala niya ako sa vip room ng club na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status