Share

KABANATA 1

"Wala ka talagang kwenta babae ka! Ano bang silbi niyang mukha mo? Mag-prostitute ka na lang kaya para may maitulong ka naman dito. Pagbigat ka na nga, hindi ka pa nahiya." Hindi mapigilang mapakagat labi ni Hera dahil sa narinig na mga salita galing sa kaniyang sariling Ina. Nakaupo siya ngayon sa silya sa kanilang sala habang kaharap niya ang kaniyang Ina na mukhang stress. Katabi ng kaniyang Ina ang kaniyang stepfather na tila pinapakalma ang kaniyang galit na Ina.

Nasasaktan siya dahil sa mga sinasabi nito pero totoo naman talaga na pabigat siya sa kanilang bahay. Ang kaniyang dalawang kapatid sa ina ay nakapagtapos na ng pag-aaral at may mga trabaho na. Siya ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid pero kung itrato siya ng mga ito ay para itong walang respeto sa kaniya. Pero hindi niya magawang pagsabihan ang mga ito dahil siya lang naman ang mapapahamak.

Kung itrato siya ng kaniyang Ina ay parang hindi siya nito sariling anak. Itim na tupa ang turing sa kaniya ng mga tao dito sa kanilang bahay. Minsan ay parang gusto na lang niyang lumayas kapag hindi na niya makayanan ang mga salita na pinagbabato ng mga ito sa kaniya. Pero kung lalayas man siya ay hindi niya rin alam kung saan siya pupunta. Kung ayaw sa kaniya ng kaniyang sariling pamilya ay ganoon din ang kaniyang mga kamag-anak. Hindi niya alam kung bakit ganoon sila pero hindi na rin siya nag-abala na mag tanong pa.

Kasalukuyan siyang nagtratrabaho ngayon sa isang sikat na restaurant sa kanilang lugar. Maayos na man ang suweldo sa waitress na katulad niya. Kaya lang ay nabawasan ang kaniyang suweldo dahil sa nangyari noong nakaraang mga araw. May nang bastos kasi sa kaniya kaya hindi niya napigilan ang sarili. Nagalit ang manager dahil sa kaniyang ginawa. Mabuti na lang at hindi siya tinanggal, 'yon nga lang ay binawasan ang kaniyang suweldo. Okay na rin 'yon sa kaniya kaysa sa matanggal siya.

Suweldo niya ngayon at hinahanap ng kaniyang Ina. Nang binigay niya ang kaniyang pera ay nagalit ito. Bakit daw ito kulang at kung pinagbibili niya ba ito ng kung ano-ano at ginastos. Galit na galit ang kaniyang Ina na halos sa sampalin na siya. Mabuti na lang at nasa tabi ng kaniyang Ina ang stepfather niya. Kung hindi ay baka nabugbog na siya.

Lahat ng suweldo niya ay napupunta sa kaniyang Ina. Walang kahit na barya ang natira sa kaniya kaya kahit na may gusto siyang bilhin ay hindi niya magawa dahil wala siyang pera. Hindi rin siya binibigyan ng mga ito. Ang pera na pinaghirapan niya ay napupunta lang sa kaniyang mga kapatid at sa pagsusugal ng kaniyang stepfather. Parang walang konsensya ang kaniyang Ina, at nasanay na siya na ganoon ito.

"Hon, kalma ka lang okay? Ako na ang bahala kay Hera. Magpahinga ka na lang doon okay?" malamyos na ani ng stepfather ni Hera sa kaniyang Ina. Nanindig ang balahibo sa kaniyang buong katawan nang pasadahan siya ng kakaibang tingin ng kaniyang stepfather. Napahilot ang kaniyang Ina sa kaniyang noo at tumango. Umalis ito at pumunta sa kanilang silid.

Hindi mapigilang mapalunok ni Hera nang lumipit ang tingin ng kaniyang stepfather sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa kaba nang lumapit ito sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.

"Ikaw naman kasi eh, bakit mo kasi binawasan ang pera? 'Yan tuloy, nasampal ka pa," marahan na wika nito kasabay nang paggalaw ng kamay nito. Nanlamig ang kaniyang buong katawan nang sinubukan siyang hawakan ng kaniyang stepfather sa kaniyang nakalitaw na hita. Mabilis na tumayo siya para umiwas.

"A-ah sige po, una na ako sa kuwarto," nanginginig na saad niya at hindi na hinintay pa ang sagot nito at mabilis na naglakad papunta sa kaniyang silid. Nang makapasok na siya ay mabilis na ni lock niya ito. Bumigay ang kaniyang nanginginig na tuhod at napasalampak na lang sa malamig na sahig.

Natatakot siya, lalo na kapag lumalapit ang kaniyang stepfather. Simula noong una niya itong nakita ay hindi na siya mapakali. Iba kasi ang mga tinginan nito sa kaniya. Parang may balak itong masama sa kaniya. Kaya kapag feel niya na may gagawin ang kaniyang stepfather sa kaniya ay mabilis na pupunta siya sa kaniyang silid or lalabas ng bahay. Kahit kailan ay hindi siya nagpa-iwan na mag-isa sa kanilang bahay, lalo na kapag kasama niya ito. Natatakot siya na baka ay may masama itong gagawin sa kaniya.

Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Hera at naglakad papunta sa kaniyang kama. Humiga siya roon at pagod na pinikit ang kaniyang mga mata. Napahawak siya sa kaniyang kumukulong tiyan at napabuntong hininga na lang ulit. Matutulog na naman siya na walang laman ang kaniyang tiyan.

Aalis ang kaniyang Ina, kasama ang kaniyang stepfather at dalawang kapatid para kumain sa labas. At syempre hindi siya kasama, kahit na ang pinaghirapan naman niya ang ipangbabayad ng mga ito. Napailing-iling na lang siya at tiniis ang gutom. Kailangan na niyang magpahinga sapagkat may trabaho pa siya bukas.

Nang magising siya kinabukasan ay hindi niya mapigilang mapadaing dahil sa sakit ng kaniyang tiyan. Mabilis na bumaba siya at sumalubong sa kaniya ang tahimik na sala na naka konekta sa kanilang kusina. Hindi niya makita ang kaniyang stepfather na maaga gumising. Sabagay, alas 3 pa naman ng umaga.

Mabilis na pumunta siya sa kusina at naghanap ng pagkain. Mabuti na lang at tinirhan pa siya ng mga ito na isang piraso ng manok at sabaw ng nilagang baka. Akala niya ay makakakain na siya pero wala pa palang kanin. Napabuntong hininga na lang siya at nagsaing sa rice cooker. Nang matapos na siya ay mabilis na pumunta siya sa banyo upang maligo.

Alas 6 ang kaniyang pasok kasi maagang nagbubukas ang restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Nang matapos na siya sa pagligo at nakapagbihis na ng kanilang uniform ay kumain na kaagad siya. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain ay nagising ang kaniyang nakakabatang kapatid na lalaki.

Hindi siya nito pinansin at dumiretso sa kaniyang likod para uminom ng tubig. Hindi niya rin ito pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sanay na siya na tratuhin ng kapatid na parang hangin. Ayaw niya rin naman na kausapin nito dahil sa talas ng dila ng lalaki. Baka insultihin lang siya nito ay ayaw niyang mangyari iyon.

Nang matapos na siyang kumain ay mabilis na umalis siya ng kanilang bahay upang pumasok. Hindi na siya nag-abala pa na magpaalam dahil wala namang pake ang mga ito sa kaniya.

Hinihingal na dumating siya sa kaniyang pinagtratrabahuan. Mabuti na lang at hindi siya late. Mabilis na pumasok siya roon. Nang makapasok na siya sa staff room ay sumalubong sa kaniya ang nakangiti niyang kaibigan sa trabaho.

"Oh? Ba't ganiyan mukha mo?" nakataas kilay na tanong ng kaniyang kaibigan na si Marie habang nag-aayos sila ng kanilang mga mukha. Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ang kaibigan mula sa salamin.

"Huh? Bakit?" takang tanong niya. Napabuntong hininga si Marie at nagpamaywang na humarap sa kaniya.

"Hulaan ko, kinuha na naman ang suweldo mo niyang bruha mong Ina no? Nako, sabi ko sayo huwag mong ibigay!" naiiling-iling na saad ni Marie. Napatigil si Hera sa paglagay ng lipstick sa kaniyang manipis na labi at hindi mapigilang mapabuntong hininga.

"Wala naman akong magagawa Marie. Kapag hindi ko binigay ay mapapalayas ako," mahina niyang sabi at inayos ulit ang mukha. Narinig niyang napabuntong hininga si Marie sa kaniyang gilid at hindi nagsalita.

Mga isang oras ang lumipas at bumukas na ang restaurant. Kaagad na dinagsa sila ng customer kaya kahit na umaga pa lang ay halos bumigay na ang kaniyang katawan sa pagod. Dinala niya ang mga pagkain na inorder ng isang matandang lalaki at lumapit sa table nito.

Dahan-dahan siyang yumuko at nilapag ang mga pinggan na may mga pagkain. Marami ang inorder ng matanda kahit na mag-isa naman ito. May ngisi sa mga labi nito habang pinagmamasdan siya na nilalagay ang mga pagkain. Ngumiti rin siya sa matanda pero kaagad din napawi ang kaniyang ngiti nang bigla na lang may gumalaw at hinawakan ang kaniyang puwetan. Muntik na siyang mapasigaw dahil sa gulat.

Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya sa lalaki na manyak na nakangisi sa kaniya. Kumulo ang kaniyang dugo dahil sa ginawa nito at hindi na mapigilan ang sarili at sinampal ito nang pagkalakas-lakas. Umalingaw-ngaw sa buong restaurant ang tunog ng pagsampal niya sa matanda pero wala siyang pake.

Walang karapatan ang matandang ito na hawakan ang katawan niya!

Natigilan ang mga nakasaksi at napatingin sa kanila. Napakagat siya ng kaniyang labi at mabilis na umalis at pumunta sa staff room. Sobrang bilis nang tibok ng kaniyang puso at hindi alam ang gagawin. Pangalawang beses na itong nangyari at pangalawang beses na rin na may nasampal siyang customer. Sure siya na baka ay kaltasan na naman ang kaniyang suweldo. Ayaw niya noon, baka ay mapatay na talaga siya ng kaniyang Ina.

Napabuntong hininga na lang siya at kinalma ang nagwawalang puso. It's okay. Kunti lang naman ang nakakita. Mag dasal na lang tayo na hindi magreklamo ang matandang iyon–

Napaigtad si Hera nang marahas na bumukas ang pinto ng staff room. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang galit at nanlilisik ang mga mata na pumasok ang kanilang manager. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at hindi mapigilang kabahan.

Oh dear, makakaltasan na naman ba ang kaniyang sahod? Sana naman hindi!

"Miss Reyes! Anong ginawa mo?" malakas na tanong nito kay Hera. Napaigtad ang babae at hindi mapigilang matakot dahil sa galit na mukha ng manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Ngayon niya lang ito nakita na ganito ka galit. Hindi niya maiwasang kabahan . Feel niya ay baka mas malala ang mangyayari sa kaniya ngayon dahil sa ginawa niyang pagsampal sa matandang costumer.

Pero wala naman siyang kasalanan. Ang may kasalanan dito ay ang matandang panot na 'yon. Kung hindi lang sana ito manyak ay baka hindi niya ito nasampal. Ang kapal ng mukha na manghawak ng puwet ng iba. Wala ba itong respeto? Nakakainit ng ulo ang matandang iyon. Hindi niya naman ito sinampal na walang dahilan kaya bakit galit na galit itong manager nila?

Sobrang pula ng magkabila nitong pisngi at nagsilitawan na ang mga ugat sa sentido nito. 'Yong tipong parang puputok na. Nanlilisik din ang mga mata nito at taas baba ang dibdib. Mahigpit na nakahawak sa saridora ng pinto at galit na nakatingin sa kaniya. Hindi mapigilang mapangiwi ni Hera habang sinasalubong ang galit na mata ng kaniyang manager.

"P-po? Bakit po?" kabado niyang tanong. Mas lalo lang ata itong nagalit dahil sa kaniyang sagot. Napatalon siya sa kaniyang kinatatayuan nang pinag duro-duro siya nito.

"You! You're fired!" Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.

"P-po? B-bakit po?" nauutal niyang tanong sa babae. Umirap ito at tumalikod sa kaniya.

"The person you slapped was our boss' cousin. Pack your things at umalis ka na rito," pagkatapos sabihin iyon ng kaniyang manager ay kaagad na sinarado nito ang pinto.

Parang sirang plaka na paulit-ulit nag play ang nangyari kanina. Huminto ata ang pag-ikot ng mundo dahil sa sinabi nito. Nanghihinang napaupo siya sa malamig na sahig. Nagsimulang manginig ang kaniyang buong katawan kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi.

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Hindi niya mapigilang maiyak dahil sa nangyari. Siya na nga ang na harassed, siya pa itong nawalan ng trabaho. Ngayon ay balik sa uno na naman siya. Hindi pa nga siya nag-iisang taon sa trabahong 'to ay napalayas na kaagad siya. Sa totoo lang ay sobrang hirap maghanap ng trabaho. Lalo na sa kagaya niya na walang pinag-aralan at hindi nakapagtapos.

Suwerte lang talaga noong nakita niya na naghahanap ang restaurant ng mga waitress at isa siya sa napili kahit na wala siyang karanasan sa pagiging waitress. Ang dahilan ng pagkatanggap niya ay ang kaniyang mukha. Hindi man siya ganoon ka galing mag-ayos ng sarili ay masasabi niya na maganda siya. Ilang mga tao na rin na nagtatrabaho sa modeling industry ang nag scout sa kaniya, pero ayaw niyang pumasok sa mundong 'yon.

Hindi niya tipo ang magsuot ng maikling damit at magpakuha ng litrato kaya tumanggi siya. Minsan na nga siyang napalo ng kaniyang Ina dahil sa kaniyang pagtanggi, pero wala naman itong magagawa. Buhay niya ito at kahit Ina niya pa ito ay hindi niya hahayaan na diktahan nito ang kaniyang buhay.

Ilang oras din siyang umiiyak bago niya napagpasyahan na kunin na ang mga gamit. Maga ang mga mata at mabigat ang dibdib na umalis siya sa restaurant. Hindi siya kinausap ni Marie at para lang siyang hangin sa paningin nito. Nasaktan siya dahil sa pagbabago ng trato nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagbago ito sa napaka ikling panahon pero hindi na siya naghanap pa ng dahilan. Hindi na rin naman niya makikita ang babas kaya walang saysay kung makikipag-usap pa siya sa babae na mukhang walang plano na makipag-usap sa kaniya.

Sobrang lakas nang kabog ng kaniyang puso nang makauwi na siya sa kanilang bahay. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaniyang Ina. Natatakot siya na magalit ito dahil sa pagkatanggal niya sa kaniyang trabaho. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok sa loob ng kanilang bahay. Sumalubong sa kaniya ang tahimik na bahay at nakita niyang nakaupo ang Ina sa sala. Nililinis nito ang kaniyang mga kuko.

Napalunok si Hera ng kaniyang laway at dahan-dahang lumapit sa kaniyang Ina. Napansin siya nito at kumunot ang noo nito nang makita ang mga gamit sa kaniyang bisig.

"M-ma…"

"Oh? Bakit mo dala mga gamit mo sa trabaho?" nakataas kilay na tanong nito at bumalik sa paglilinis ng kuko nito. Napalunok na lang si Hera nang manuyo ang kaniyang lalamunan.

"M-ma, natanggal po a-ako sa trabaho." Natigilan ang kaniyang Ina at mabilis na napatingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang pamumuo ng galit sa mga mata nito.

"Ano?" pabulyaw na tanong nito at tumayo. Taas baba ang dibdib nito na tila kinakalma ang sarili sa nag uumapaw na galit. Napakagat si Hera ng kaniyang labi at hindi mapigilang matakot. Kinakabahan siya na ganito ang kaniyang Ina. Sila lang dalawa sa bahay at wala ang kaniyang stepfather dahil wala ang motor nito sa labas. Kahit na ayaw niya sa kaniyang stepfather ay tinutulungan pa rin siya nito. Lalo na kapag galit ang kaniyang Ina sa kaniya. Pinapakalma nito ang kaniyang Ina kaya hindi siya nasasampal minsan.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo Hera! Paanong natanggal ka ha? Ano na namang kabaliwanan ang ginawa mo?" Mas lalong nanuyo ang kaniyang lalamunan sa kaba.

"M-may nang h-harassed po kasi sa akin, k-kaya sinampal ko…" mahina niyang wika at niyuko ang ulo. Ramdam niya na natigilan ang kaniyang Ina dahil sa kaniyang sinabi. Parang may kung anong mainit na bagay ang dumaan sa kaniyang puso. Ito ang pinakaunang beses na nagtangka siyang sabihin sa kaniyang Ina na may nang harassed sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na may nang harassed sa kaniya pero hindi niya sinasabi 'yon sa kaniyang Ina dahil ayaw niyang mag-alala ito. Ngayong nasabi na niya ay hindi niya mapigilang mapangiti.

Siguro nag-aalala at nagagalit na ngayon si Mama dahil sa aking sinabi–

"Eh ano ngayon kung na harassed ka? Hera naman! 'Yan na nga lang ang naiambag mo dito sa bahay, nag inarte ka pa. 'Di ba sabi ko sayo mag prostitute ka? 'Yan! Masanay ka na diyan! Magpahipo ka para may pera ka! Wala ka talagang kuwenta, lumayas ka nga sa harap ko! Baka mandilim paningin ko at makalimutan pa kitang anak kita, p*****a ka." Pinigilan ni Hera na maiyak dahil sa matatalim na salita ng kaniyang Ina. Mabigat ang dibdib na naglakad siya papunta sa kaniyang silid.

Nang makarating na siya roon ay hindi na niya napigilan ang sarili na umiyak nang umiyak. Ano ba ang iniexpect niya? Na mag-aalala at magagalit ang kaniya Ina dahil na harassed siya? Nakalimutan niya ata na walang pake ang kaniyang Ina sa kaniya. Pero kahit na alam niya ang totoo ay hindi niya pa rin mapigilan umasa na sana ay mahalin din siya nito kagaya ng pagmamahal nito sa kaniyang mga kapatid.

Kung hindi lang sana nangyari ang insidente noon ay baka masaya pa sila ng kaniyang Ina kasama ang kaniyang tunay na Ama.

Buong araw na nagkulong si Hera sa kaniyang silid. Hindi siya lumabas at doon na nagpalipas ng gutom. Palagi siyang kinakatok ng kaniyang stepfather na nag-iisang may pake sa kaniya dito sa bahay pero may masamang balak naman. Madaling araw na siya bumaba at kumain. Ginawa niya ang mga trabaho sa bahay para hindi magalit na naman ang kaniyang Ina.

Ganiyan ang kaniyang routine sa loob ng isang buwan. Gigising, naglilinis, at magluluto. Pagkatapos niya sa gawaing bahay ay mag-aayos siya ng kaniyang sarili para maghanap na naman ng matatrabahuhan. Isang buwan na rin siyang naghahanap pero wala pa rin siyang nakikita. Gusto na niyang sumuko dahil sa pagod pero kapag ginawa niya iyon ay papalayasin na talaga siya ng kaniyang Ina. Kaya lang naman ito hindi nagalit sa kaniya sa mga nagdaang araw na wala siyang trabaho ay siya ang naglilinis sa bahay. Ayaw niyang manatili na ganoon, lalo na at palaging nasa bahay lang ang kaniyang stepfather.

Gabi na noong napag-isipan niya na umuwi. Naglalakad lang siya sa gilid ng daan dahil wala naman siyang pera pang bayad kapag sasakay siya ng traysikel. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa pagod. Gusto na niyang humilata sa kaniyang kama at matulog.

Sa gitna ng kaniyang paglalakad sa tahimik na daan ay may bigla na lang kumalabit sa kaniya mula sa likod. Napasigaw siya sa nagulat at mabilis na lumingon sa kaniyang likod. Sumalubong sa kaniya ang nakangising lalaki.

May dala itong envelope. Nakasuot ito ng itim lahat at mukhang mayaman. Guwapo ito at mukhang hindi purong Pinoy.

"P-po?" kabado niyang ani sa lalaki. Ngumisi ito at tinuro ang kaniyang dala-dalang mga resumes at iba pa.

"You're looking for a job?" tanong nito. Hindi mapigilang mapakagat ng kaniyang labi si Hera dahil sa pag eenglish ng lalaki. Kahit na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay nakakaintindi naman siya ng English. Kaya lang ay nauutal siya kapag nagsasalita nito.

"A-ah? Opo." Mas lalong lumaki ang ngisi ng lalaki at binuksan ang envelope na dala-dala nito. May kinuha siya na kung ano at binigay sa kaniya. Napatingin siya sa binigay nito at binasa.

"I'm Bryle by the way. I was looking for someone to hire and then I saw you. I guess you're interested…" makahulugan nitong saad nang makita ang nanlalaki niyang mga mata.

"T-totoo po talaga to? I-isang daang libo sa loob ng isang b-buwan?" nanginginig na tanong niya sa lalaki na tumango lang.

"Yes it is. You just need to go to that location and you can start tomorrow. And here's my calling card," pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis na ito na parang isang bula sa kaniyang harap. Nanuyo ang kaniyang lalamunan at hindi mapigilang tumili dahil sa sobrang saya.

Sa wakas may trabaho na siya!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status