Tinapos ko na ang lahat ng mga gawain ko saka ko ibinigay kay Blaze. Mabuti na lang din at hindi nagtatagpo ang landas namin ni Camilla dahil wala akong ganang makipagtalo sa kaniya ngayon baka masabunutan ko lang ang buhok niya ng wala sa oras.Matapos kong maihatid lahat ng mga papeles sa office ni Blaze ay isinandal ko ang likod ko sa upuan ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko ba mapapasaya ang anak ko, kung paano ko maibibigay sa kaniya ang gusto niya. I don’t want him to meet his father. Gusto ko na lang ng mamuhay ng mapayapa ng kaming dalawa lang.Minsan lang naman akong magiging makasarili, ngayon lang naman. I’m sorry anak, okay naman na sayo ang Daddy Jayson mo eh. You don’t need your real father.Nagising na lang ako ng tumunog ang cell phone ko. Napaayos ako ng upo dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakakapagod din naman kasi ang mga ipinapagawa sakin ng lalaking yun eh. Tiningnan ko ang oras ko at alas singko nanaman pala.Ha
“Beatrice, kanina pa kita hinahanap. Ang akala ko ay hindi ka na talaga darating.” Napatingin ako kay Chairman na bagong dating sa pwesto namin. Tumayo naman ako at nakipagkamay sa kaniya.“Happy birthday, Chairman. And I have a gift for you also, sana ay magustuhan mo. Hindi ko po kasi alam ang ibibigay ko sayo lalo na at hindi ko alam ang mga hilig mo.” wika ko kahit na saulong-saulo ko na lahat ng mga sports na gusto niya. Kinuha ko sa ilalim ng lamesa ang dala-dala ko, blangko lang namang nakatingin samin si Blaze. Hindi mo alam kung boring na siya sa party o sadyang ganiyan lang talaga siya.Nakaupo na kaming lahat at nakatingin kay Chairman. Napatingin din ako kay Camilla na nakamasid lang hindi kalayuan samin. Nanlilisik nanaman ang mga mata niyang nakatingin sakin, ang init talaga ng dugo niya sakin.Tinanggal naman na ni Chairman ang pagkakabalot ng regalo ko at nakatingin lang kami sa kaniya.“Nakukuryoso talaga ako rito sa regalo mo iha, ano ba ito?” natatawa niyang saad ha
Lumapit na sa aming tatlo si Chairman habang nananatiling nakatayo sila Mommy Chin at sila Mommy malapit sa pintuan. Napatingin din ako sa Daddy ni Blaze na bagong pasok lang.“What is happening here?” may diing tanong ni Chairman, nilingon naman ako ni Camilla at itinuro.“Ang magaling niyong empleyado ay kinakalantari ang asawa ko!”“Camilla!” saway sa kaniya ni Blaze pero inirapan lang siya ni Camilla. Hindi ko akalain na sa mga simpleng bagay lang nagkakagulo silang lahat. Sige lang Camilla, sagarin mo pa sila sa ugali mo. Ni minsan, hindi ko sila isinangkot sa mga ganitong uri ng gulo ang pamilya niya. Ang pinakaayaw ni Chairman sa babae ay isang trouble maker.“Bakit?! Ako nanaman ang mali dito ha?! Ikaw na nga itong may kasalanan sakin ikaw pa ang may ganang magalit? Bakit hindi mo pagsabihin iyang kunwari ay magaling mong empleyado pero yun pala, mang-aagaw ng asawa!”“Camilla!!” galit na ring sigaw ni Chairman para pigilan na siya pero hilaw lang na tumawa si Camilla at dahan
“Yes, sa kaniya ko naramdaman na magkaroon ng anak na babae. Nagseselos pa noon sa kaniya si Blaze dahil parang mas anak pa raw ang ituring ko kay Eilish kesa sa kaniya na anak ko talaga.” Nangingiti niyang pagkwekwento. Ikaw din ang tumayong mga magulang ko Mommy Chin. I’m happy that you’re my mother-in-law. Nagulat na lang siya sakin ng bigla ko siyang yakapin. Rinig ko pa ang pagbungisngis niya. “Alam kong mahal na mahal ka rin po ni Eilish dahil sa pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam mo sa kaniya kahit wala na siya. At alam ko rin pong hindi natutuwa si Eilish na nalulungkot po kayo. Mabilis po kayang nakakatanda kapag palagi kang malungkot. Please, always wear your sweetest smile.” Saad ko, naramdaman ko na rin ang pagyakap niya sakin pabalik. “Kaunti na lang talaga iisipin kong ipinadala ka sakin ni Eilish. Kung magsalita ka parang siya.” anas niya, because this is me Mommy Chin. Ako ito but I need to hide my true identity. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya
Napabuntong hininga na lamang ako ng matapos kong pag-aralan lahat ng mga transactions na ito. Marami-rami na rin pala silang nakukuhang pera ng kompanya at kung tutuusin kapag nabawi iyun ng kompanya sa kanila. Hindi na aabot ang anim na buwan para mabawi ang lahat ng nagastos dahil sa nasirang building. Halos magkakalahating taon na rin nila itong ginagawa at hanggang ngayon wala pa ring nakakahuli sa kanila. Hindi man lang ba nag-iimbestiga ng palihim si Blaze sa sarili niyang kompanya? Masyado na yata siyang nagfofocus sa iba niyang trabaho. Nilingon ko si Aaron na pumasok ng office ko ng wala man lang katok. “May kailangan ka?” tanong ko ng diretso lang niya akong tiningnan. “It’s a urgent meeting. Nandun na silang lahat, ikaw na lang ang wala.” Blangko niyang saad sa akin. Napakunot na lang ang noo ko dahil mukhang importante nga ang pagmemeetingan base pa lang sa itsura ng mukha niya. Kinuha na ang mga papeles na naglalaman ng mga transactions ng mga tiwali rito sa kompanya
“Wala akong oras para gawin ang bagay na yan. Hindi ko na iyun maisisingit sa oras ko kaya ano bang patunay niyo na ginagawa ko nga? Dahil lang sa lumapit sila sayo at sinabi na binayaran ko sila? paano kung hindi ko sila mga kliyente? Paano kung mga nagpapanggap lang sila para sirain ako? Kilala ko ang mga kliyente ko at malalaman ko kung kliyente ko nga sila kung ihaharap niyo silang lahat sakin, lahat ng lumapit sayo para sabihing binayaran ko nga sila.” may diin kong saad kay Blaze pero blangko lang siyang nakatingin sakin. “I don’t need your anger, Beatrice. Mas mabuti ng umalis ka na ng kompanya.” Muli akong hilaw na natawa sa kaniya. “Yan nanaman tayo, magpapaalis ka nanaman kahit na wala ka talagang patunay.” “Bakit? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo para sabihin mong hindi mo na maisisingit yun sa oras mo kung buong oras mo ay nakatuon ka sa pagdidisenyo mo? I’m done with your lies.” Nginisian ko siya at inis kong inihagis sa kaniya ang dala-dala kong mga papel. Rinig ko
Nandito lang ako sa office ko, nilalaro ko lang sa mga kamay ko ang hawak hawak kong ballpen. Umiiwas siya sa mga taong nakakakita sa kaniya sa ganung kalagayan. Ayaw niyang malaman ng ibang tao ang kalagayan niya dahil alam niyang gagamitin lang iyun laban sa kaniya.Kailan bumalik ang panic disorder mo Blaze? Nakaya mo ng lampasan iyan noon. Naikuyom ko ang kamao ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko na kasalanan kung hindi niya kayang ihandle ang mga problema niya, ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Wala na akong pakialam dun. Ang pagbagsak mo lang ang kailangan ko at hindi ko kailangang maawa sa kalagayan mo.Kung ano mang nangyayari sayo, kasalanan mo na yun.Inalis ko na lang sa isipan ko ang nangyari kanina, hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kaniya. Pwede ko iyung gamitin para sa plano ko, ako yung nandun sa tuwing kailangan niya ng makakasama. Ako lang ang masasandalan niya at maaaring magbago ang nararamdaman niya sa akin. Kilala na kita Blaze, alam ko kung
Oo, nakakaramdam ako ng awa sa kaniya pero hindi ganun kalala ang pag-aalala ko o ang awa ko. Napasalampak na siya sa sahig at isinandal niya ang likod niya sa pader habang nakayuko na ang ulo niya. Napahugot ako ng malalim na buntong hininga saka siya nilapitan at hinaplos ang likod niya. “Hindi lahat ng taong pagkakatiwalaan mo ay mananatiling tapat sayo. Hindi lahat ng taong malapit sayo ay mananatili sa tabi mo. Magulo ang buhay Blaze at wala tayong kasiguraduhan sa kung anong mangyayari sa kinabukasan. Sa buhay natin, hindi mo maiiwasang may taong tatraydor sayo kahit isa pa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Wala tayong choice kundi ang magpakatatag at maging malakas dahil kung susuko tayo, kung magmumokmok lang tayo sa isang tabi tayo ang talo dahil parang pinili mo na ring sumuko at hayaan silang pabagsakin ka.” wika ko habang patuloy ang paghaplos ko sa likod niya. Katulad mo Blaze, pinagkatiwalaan kita, ibinigay ko lahat pero hindi pa rin pala naging sapat sayo. Hind