LOGINAkala ni Sage Adessa Villafuente tapos na ang lahat sa Siargao. Ang gabing dapat nakalimutan, at ang lalaking hindi niya dapat nakilala. Pero pagpasok niya sa Cortez Holdings, bumalik ang lahat. Dahil ang lalaking ‘yon, si Nox Gabriel Cortez, ngayon ay boss na niya. At sa gitna ng trabaho at tensyon, natutukso silang muling buksan ang koneksyong dapat ay natapos na.
View MoreSAGEAkala ko tapos na ang mga bagyong kailangan kong pagdaanan.Akala ko ‘yung dinner kagabi na ang simula ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap.At sa totoo lang, naging maayos naman.Tahimik si Mrs. Cortez, pero ramdam ko ‘yung pagsusuri sa bawat tingin niya.May mga pasimpleng comment pa rin, ‘yung tipong ngiti pero may tusok.“Ang simple ng suot mo, Sage. I guess you’re going for understated elegance?”Ngumiti lang ako. “Yes po, ma’am. I prefer simple things.”She nodded, but I could tell—hindi siya kumbinsido.Sa buong gabi, ramdam kong binabantayan niya bawat galaw ko. Pero sa ilalim ng mesa, marahan akong hinawakan ni Nox sa kamay. At doon ako kumapit.Kasi kahit gaano ka lamig ‘yung paligid, mainit pa rin ‘yung hawak niya.Pero at least, walang eksenang masakit.Naging civil lahat, at sa bandang dulo, parang nabawasan ng kaunti ‘yung bigat sa pagitan namin.Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam ko na ‘yung bigat.Parang may paparating na hindi ko maipaliwanag.
SAGEAkala ko pagkatapos ng lahat, hindi ko na mararanasan ‘yung ganitong uri ng katahimikan.‘Yung tahimik na hindi nakakabingi.‘Yung tahimik na hindi nakakatakot.‘Yung may halong pag-asa na parang unang hinga pagkatapos ng matagal na paglangoy.Tatlong araw na rin mula nung nag-usap kami ni Nox sa opisina. Tatlong araw mula nang tuluyan kong piniling huwag nang umiwas. Tatlong araw na hindi ko na kailangang itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.At ngayong umaga, habang nakaupo ako sa desk ko, parang mas madali nang huminga.Wala na ‘yung pakiramdam na bawat kilos ko ay sinusukat, bawat salita ay pwedeng maging headline. May mga tumitingin pa rin. Yung mga usiserong sanay sa chismis, pero hindi na tulad dati. Hindi na ako ‘yung babae na kailangang itago. Hindi na rin siya ‘yung lalaking kailangan kong iwasan.Siguro kasi, sa wakas, wala nang kailangang itago.Paglabas ko ng office, nadatnan ko siya sa labas ng elevator, nakasandal sa pader na parang eksena sa pelikula. Rol
SAGEAng bilis talaga ng mga balita sa opisina, parang apoy na hindi mo mapapatay kahit ilang ulit mong tapakan.Ngayon, ibang kwento na naman ang kumakalat. Pero ako pa rin ang bida.“Dalawa daw,” sabi ng isa. “Si Sir Nox at si Ryker. She played them both.”Natahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nakakapagod mag-explain sa mga taong ayaw makinig.Nasa monitor lang ako nakatitig nang pumasok si Arabella, mabilis ang hakbang.“Sage, nakita mo na ba?” tanong niya.“Ang ano?”“May picture na pinagpapasa-pasahan ang mga katrabaho natin. It’s you and Ryker. Sa labas ng café. He was hugging you.”Parang tumigil lahat. Hindi pa ba matatapos ang mga usapan na yan? Kaunting kibot lang, pagti-tsismisan na.Naramdaman ko agad ‘yung kaba sa lalamunan ko na bumagsak sa sikmura ko.Pagtingin ko sa phone ni Arabella — ayun nga. Isang frame lang.Nakayakap si Ryker, umiiyak ako, pero sa picture, kung titingnan mo sa ibang anggulo, makakabuo ka nga
SAGEMabilis ang mga araw, pero parang hindi ko talaga nararamdaman ‘yung takbo ng oras.Gumigising ako, nagta-trabaho at umuuwi ng diretso. Parang checklist lang. Walang kulay, walang tunog.Sa bawat umaga, tinuturuan ko ‘yung sarili ko na magmukhang okay. Na ngumiti kahit hindi ko nararamdaman. Na magsalita kahit wala namang laman.Pero kahit anong pagtatago, may mga sandaling sumisilip pa rin ‘yung sakit. Sa pagitan ng mga email, sa katahimikan ng elevator, sa tuwing dumadaan ako sa pintuan ng opisina niya.Hindi ko siya hinahanap. Pero hindi ko rin alam kung paano siya hindi hanapin.Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap.Tatlong araw na puro pilit ang katahimikan.---Paglabas ko ng building, nakita ko agad si Ryker. Nakasandal sa kotse, may hawak na dalawang cup ng kape, at ‘yung pamilyar na ngiti na kahit na noong mga bata pa kami, nakakagaan talaga ng araw.Parang sandali, may naalala akong parte ng sarili ko na hindi pa ganito kabigat.“Hindi ka sumasagot sa m






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews