Share

A Son of a Millionaire

Nasa beach na sila galing sa paaralan. Masayang nag lalaro so Jhonny sa tabing dagat.

Mommy let’s play” tawag nito sa kaniya

Not this time baby, maraming gagawin si Mommy, kayo na muna ni Yaya.

Tumango lamang ito. Napakabait ng anak niya at maunawain ito. Kahit minsan ni hindi ito nag tanong tungkol sa ama. 

Iyon din ang bagay na kinatatakutan niya. Paano nito ipapaliwanag sa anak ang lahat.

hindi pa ito maiitindihan ng bata.

Alam kasi niyang hindi totoong ama ang Don, lolo ang tawag niya dito. 

Matanda na kasi ito para tawaging papa o daddy. 

Huwag magpunta sa dagat anak, delikado.” Bilin niya sa bata

Yes Mommy, I promise.

That’s my boy” naka ngiti niyang tugon sa anak.

Nag punta siya sa kitchen at tiningnan kung kompleto na ba lahat ng kakailangin.

Ayon sa secretary 5:00 pm ang arrival time nila.

The chef prepares the best and delicious dinner for the guest.

Pati ang mga bedrooms at comfort rooms ay isa isa niyang tiningnan.

Sinisiguro niyang hindi mapahiya sa mga guest.

Ang laki ng ibinayad ng mga ito at kailangan niyang ibigay ang tama at napakagandang serbisyo para sa kanila.

Ang banda ay kanina pa naka set up sa social ng Resort.

Minsan lang ang ganitong pagkakataon, kaya she will do everything for the satisfaction of the guests.

Nakangiti siya habang naka upo sa kaniyang opisina.

Ang bilis ng panahon, sino ba namang mag-aakalang ang isang Utility worker sa resort na ito ay siya ng nagmamay-ari.

Don Ramon Vega, the owner of the resort.

Isang kilalang tao sa mundo ng business.

Napakayaman ng Don, ngunit sa kabila ng lahat ay napakalungkot ng buhay nito.

He has all the money and all the power in the world ngunit ang puso ay may nakatagong sakit at pighati.

Matanda na ang Don, nasa late 70’s na ito. Medyo mahina na ang katawan nito at lagi ng sakitin.

Ang tanging kapamilya nito ay ang kapatid na babae. Hindi rin nagka-anak ito ngunit nakapag-asawa ng biyudo na may dalawang anak na babae.

Sina Mira at Janin na kung umasta ay parang pag-aari ang resort na kung tutuusin wala naman talaga itong karapatan doon.

Unang namatay ang kapatid nitong babae dahil sa sakit na diabetes. Mayaman din ang namayapang si Madam Mildred, isa itong Certified Public Accountant at ng mag retiro ay nakatoon na lamang ang atensiyon sa negosyo nitong supermarket. Lahat ng yaman nito ay napunta sa asawang si Rolando. 

Kaya ang mga anak nito ang nagpakasasa sa mga naiwan nito.

Si Don Ramon naman ay mayroong nakakalungkot na estorya ng buhay.

Araw ng kasal nito 45 years ago. Lahat ay naka handa na.

Excited ito sa araw na pinakahihintay.

Nasa may Altar na ito at naghihintay sa bride na. Isang napakaganda at napakabait na babae ang ihaharap sa altar.

Anak ito ng Mayor sa nayon nila. Isang kilalang angkan ang mga Monteverde at nagmamay-ari ng Hacienda at plantasyon ng Pinya.

Pinaghalong kaba, excitement at di mawaring emosyon ang nararamdaman nito habang hinihintay ang bride niya..

Ilang sigundo nalang at bubukas na pinto ng simbahan at masisilayan na niya ang pinakamamahal na babae.

Tatlong taon din silang nagkarelasyon bago nag desisyon na magpakasal. makes her seem mysterious, adding to her elegance and allure.

when she does speak, her words are carefully chosen and spoken softly, as i she is afraid of being too loud or Intrusive.

Her style is refined and understand, with a preference for a classic pieces that never go out of fashion. 

Wala silang nagiging problema sa kanilang pagmamahalan dahil sobrang maunawain ito.

she is shy, elegant woman moves with a delicate grace, almost as if she's gliding on air.

she has a demure demeanor and tends to keep to herself, preferring to observe rather than engage with others.

she exudes a quiet confidence and timeless beauty that draws attention without ever seeking it.

Unti unting bumukas ang pintuan ng simbahan, lahat ng naroon ay tumayo at nakatoon ang mga mata sa pinto habang pumapalakpak.

Ngunit lahat ay nabigla, lahat ay nalilito at katulad niya nagtatanong ang mga mata.

Si Lena ang naroon, nakasoot ito ng gown dahil siya ang Maid of Honor. Umiiyak ito, nasira ang make-up sa mukha at duguan ang damit.

Pati mga kamay nito ay may dugo rin.

Umiiyak ito habang naglalakad patungo sa kaniyang kinaroroonan.

Hindi siya maka galaw, grabe ang kaba niya. Nasaan ang fiancé niya?

Bakit ang kapatid lang ang nandito? Bakit bahid ito ng dugo?

Kuya..” tawag nito sa kaniya.

Nasaan si Lorraine? Bakit may dugo ka? Anong nangyari?

Kuya.. si Ate..” umiiyak na ito

Anong nangyari Lena? Please sagutin moa ko” pakiusap niya

Si ate kuya wala na” humagohol ito ng iyak

Anong wala na? Lena please naman, huwag mo akong bruin ng ganito.

Na ambush ang sinasakyan namin kuya, natamaan ang driver at ang ate” sagot nito

Wala na siya kuya, hindi na siya makakarating.

Wala na ang ate” grabe ang iyak nito

Nag-iyakan ang mga naroon. Lahat ay nagulat, hindi makapaniwala.

Hindi niya alam ang gagawin, walang luha ang lumabas sa kaniyang mga mata.

Walang salita ang lumabas sa kaniyang mga bibig.

Nakatayo lamang siya sa altar, walang ekspresyon ang mukha.

Lumapit ang kapatid niya, niyakap siya nito ng mahigpit.

Umiiyak ito, halos lahat ng mga naroon ay nag iyakan. Napaluhod ang ama nito sa galit.

Si Mayor Raul ay matagal na sa serbisyo.

Mabait ito at maalalahanin sa kapwa kaya mahal na mahal ito ng taong bayan.

Anong motibo ng mga taong pumaslang sa anak niya?

Wala itong kasalanan. Inosente ang babae. Sa araw pa ng pinakahihintay nitong pag-iisang dibdib.

Ito ang kwento ng Don, isang araw habang pinapakain niya ito ng tanghalian.

Mula kasi ng umalis ang nag aalaga sa matanda dahil may karamdaman, siya na ang naatasang mag-aalaga dito. Hindi na nag tatrabaho sa beach bilang utility.

Siya na ang nagluluto, nagpapakain at nagpapainom ng gamot nito.

Misan nag kukwento ang matanda ngunit ngayon lamang ito na kwento ang tungkol sa mapait na kahapon.

Hindi na ito muling umibig pa at pinili na lamang na tumandang mag-isa.

Naiyak siya sa kwento nito, para na niya itong sariling ama.

Simula ng dumating kasi siya sa Beach ay hindi niya ito nakitaan ng masamang ugali.

Napakamaunawain nito, matulungin sa mga nangangailangan at higit sa lahat mapagbigay.

Ng malaman nito ang pag dadalantao niya ay agad itong pinahinto sa Beach, pinatira sa Mansion at ngayon nga ay nag-aalaga na sa matanda.

Ngunit mayroon talaga itong tagapag-alaga, isang private nurse iyon ngunit bilang sukli sa kabutihan nito sa kaniya ay inalagaan niya ito.

Parang ama na ang turing niya sa Amo. Alam rin ng matanda ang lahat ng nakaraan niya, kung bakit siya napadpad sa lugar na iyon at kung paano siya nabuntis.

Ngumiti ang matanda ng marinig ang kwento niya isang umaga habang nag kwentuhan sila sa may hardin.

Ang swerte mo nga Sophie may anak kang makakasama habang buhay. Alagaan mo iyan ng mabuti. Ako nga eh hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na maging ama.

Napaluha siya. May lungkot ang boses nito at may tumulong luha sa mga mata.

Buntis pala ang nobya nito ng mangyari ang aksidente.

Paano kaya nito natanggap ang lahat gayong hindi lamang isa kundi dalawang pinakamamahal niya ang sabay na nawala.

Niyakap niya ang matanda. Huwag ka na po malugkot sir, nakakasama po sa inyo.

Hayaan mo pag labas ni Baby, tatawagin ka niyang Lolo. Oh, diba may magtatakbo na dito at saka may mangungulit na sa inyo.

Kaya palakas ka lage para naman maturuan mo na mag basketball si Baby.

Tumawa ito ng malakas.

Makakaya ko pa kaya? Masakit na ang tuhod ko” sagot nitong nakangiti

Oo naman po, ikaw pa. Saka hindi na magtatagal at lalabas na ito.

Ngumiti ito.

Salamat Sophie, inaalagaan mo ako kahit naman hindi kita ka dugo.

Naku sir, huwag na po tayong mag drama. Alam niyo naman po na para na kitang ama.

Saka ako dapat magpasalamat sa pag tulong sa akin.

Kung hindi niyo po ako pinatuloy at binigyan ng trabaho saan kayang lansangan ako palaboy laboy.

Ngumiti lamang ito.

Nanganak siya sa Mansion ng Don. May private doctor at private nurse ito.

Simula ng nagkasakit ito, ang mga anak ng asawa ng kapatid ang namamahala sa Beach. Ngunit pa lugi ng pa lugi ang Beach Resort.

Halos wala ng mga parokyano ang nagpupunta dito.

Mas lalong nalungkot ang Don, pina imbistigahan nito ang kalakaran sa pamamahala ng dalawa at nalamang nag wawaldas ito ng pera mula sa Beach at nagpaparty ito araw araw doon kasama ang mga kaibigan.

Nagalit ang Don at pinalayas ang Dalawa. Wala na itong makukuha ni kusing mula sa kaniya.

Mula noon, siya na ang namamahala sa Beach. Dumami uli ang ang mga guest at ang kita nito ay triple na ngayon kumpara sa dati.

Nasiyahan ang Don at mula noon ipinagkatiwala na sa kaniya ang anak.

Ito ang tumayong ama sa bata kaya apelyedo nito ang dala ngayon ng anak. Legally adopted ang bata, dumaan ito sa korte kaya isa na ngayong Vega ang anak nito.

Sino ba naman ang mag-aakalang ito ang magiging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng amo.

Hindi rin siya makapaniwalang nangyari ito sa buhay niya. Parang isang fairy tale lamang. 

Ngunit wala naman yatang happy ending ang love story niya dahil sa totoo lang wala naman siyang love story. Nakakatawa nga eh, isa siyang dalagang Ina. Ngunit ang pag dating ng anak niya ang nagdala ng swerte sa kaniya.

Itinuring itong sariling anak ng Don. Naaaliw ito sa presensiya ng bata.

Lahat ng pangangailangan nito ay ibinigay ng matanda kaya sinuklian niya iyon ng pagtatrabaho sa beach.

Instant milyonarya siya at ang anak niya ang legal na tagapagmana. 

Laking pasasalamat niya sa lahat ng kabutihan nito.

Natigilan siya ng kumatok sa opisina. 

Ang layo na pala ng iniisip niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status