LOGIN“Puri ko lang ang binili mo, Mr. Alcantara, hindi ang buong pagkatao ko! Kung gusto mo akong matikman ulit, magbayad ka!” - Grapes Paloma. Isang ordinaryong waitress sa isang Bar si Grapes Paloma ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nagkasakit ang nanay niya at kinakailangan niya ng malaking halaga pampa gamot dito. Sa sobrang desperado niyang maduktungan ang buhay ng ina ay tinanggap niya ang offer ng manager ng Bar na si Madam Lynette na ibenta ang kanyang pagka-birhen sa isang auction sa halagang twenty million ngunit ang isang gabing pakikipagniig sa isang gwapong mayamang estranghero ay nag-iwan ng matinding dagok sa kanyang puso at puri. Sa sobrang pagkasuklam dahil sa panloloko sa kanya ng manager ng Bar at sa pandidiri niya sa sarili niya ay umalis siya sa Bar na pinapasukan at nagtrabaho sa Mariposa Strip Club bilang stripper ngunit kaagad siyang ipinahanap ng lalaking pinag-alayan niya ng kanyang pagka-birhen dahil hindi nito makalimutan ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila. Mahanap kaya ng bilyonaryong si Neil Patrick Alcantara ang kanyang pinakatatanging si Grapes?
View MoreGRAPES
Malakas ang ulan ng gabing iyon at tila nagbabadya ang isang bagyo kasabay ng aking nararamdamang bigat sa loob dahil ngayong gabi ay isinugod ko sa ospital ang pinakamamahal kong ina. Ang nanay ko na siyang nag-alaga sa akin mula pagkabata. Ang kaisa-isang taong nagpahalaga sa akin, nagmahal at nagturo sa akin ng lahat ng aking nalalaman. Ipinaramdam niya sa akin na buo ako, na hindi namin kailangan ng kahit sino para mabuhay. Kahit pa ang tatay ko na hindi ko man lang nakilala simula ng ilabas ako ng nanay ko sa mundo.
Ang tagpong iyon ay naging isang bagyo rin sa buhay ko, ang pagguho ng masaya at simpleng buhay na meron ako.
“Doc, ano hong lagay ng nanay ko?!” nag-aalalang tanong ko sa doktor na hindi halos mapakali.
May pasok pa ako ngayon sa trabaho ko sa Bar bilang waitress ngunit hindi na ako nakapasok dahil kinailangan kong dalhin ang nanay ko sa ospital matapos siyang magsuka ng dugo at himatayin sa harap ko.
“She’s stable for now, pero Hija, tatapatin na kita, merong stage 4 kidney failure ang nanay mo.”
“Ano?”
“At kinakailangan natin ng malaking halaga para sa pagpapagamot niya, subukan mong lumapit sa social welfare assistance para maka-menos kayo sa gastos pero hindi ko maipapangako na maco-cover non ang lahat ng gastusin lalo na’t malubha na ang lagay ng nanay mo, kailangan niya ng agarang kidney transplant at malaking pera din ang kailangan natin para doon.”
“Doc, gawin niyo po lahat please, siya na lang po ang pamilyang meron ako! Hindi po siya pwedeng mawala sa akin!” natatarantang saad ko sa doktor. Pakiramdam ko ay halos takasan na ako ng bait dahil sa sinabi niya.
“Ang tanging solusyon lang ay isang kidney transplant pero mukhang mahihirapan tayong humanap ngayon, kakaunti ang nagdo-donate ng kidney at wala nga halos pero susubukan natin, wag kang mag-alala.”
“Doc, akong bahala sa pera basta gawin niyo po ang lahat para mapagaling ang nanay ko, parang awa niyo na po!” pagmamakaawa ko habang mahigpit ang kapit sa puting lab gown ng doktor.
“Sige, heto ang calling card ko, tawagan mo ako kapag na-ready mo na ang pera.”
“Doc, magkano ho ang kailangan?”
“Milyon din ang halaga sa gamutan na ito pero gaya ng sinabi ko, subukan mong lumapit sa social welfare assistance para maka-menos kayo.”
“Sige po, wag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat basta pagalingin niyo lang po ang nanay ko!”
“Sige, maiwan muna kita, marami pa kasi akong pasyente.”
“Maraming salamat po, Doc.”
Tuluyang tumulo ang mga luha ng mga oras na iyon nang makita ko ang nanay ko na nakahiga at natutulog sa hospital bed. Napahagulgol ako ng iyak. Umihip ang malakas na hangin at gininaw ako, basang-basa ako sa ulan dahil biglaan ang pagdala ko kay nanay sa ospital.
Pero habang pinagmamasdan ko siya ay ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para gumaling siya.
Hintayin mo ako, Ma. Gagawa lang ako ng paraan didiskarte lang ako ng pera para mapagamot ka.
Dumiretso ako sa Bar na pinapasukan ko.
“O, Grapes, late ka na at basang-basa ka pa ng ulan, anong nangyari sayo?” tanong sa akin ng manager ng bar na si Ma’am Lynette.
“Ma’am Lynette, isinugod ko po kasi sa ospital yung nanay ko, ngayon ko lang kasi nalaman na meron pala siyang iniindang sakit.”
“Huh? E ano raw saki ng nanay mo?”
“Stage 4 kidney failure daw po, Ma’am…”
“Naku, mahirap yan…”
“Ma’am, magbabakasakali ho sana ako kung pwede akong makabali sa sahod ko ngayong buwan, kailangang-kailangan ko lang ho talaga ng pera, pagtatrabahuhan ko naman po iyon, wag ho kayong mag-alala.”
“Naku, hirap din ang bar ngayon, hindi lang kasi ikaw ang gustong bumali, lahat ng mga ka-trabaho mo ay may financial problem din pero kung gusto mo may offer ako sayo.”
“Ano po yan, Ma’am? Kahit ano po gagawin ko!”
“Halika, sa loob tayo mag-usap!” saad ni Ma’am Lynette at inakay ako papasok sa office niya.
Sinara niya ang pinto at umupo kami ng sa sala ng magkaharap.
“Ganito, may auction kasi na gaganapin mamaya, saktong 12 ng gabi at kung kaya mo at kung willing ka pwede kitang tulungan tungkol sa problema mo.”
“Ma’am Lynette, ano pong trabaho yan?”
Tumingin siya sa mukha ko at maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa aking katawan.
“Masyadong personal ang tanong ko na ito pero gusto kong malaman kung virgin ka pa ba?”
Hindi kaagad ako nakasagot at napalunok ako. Mukhang alam ko na ito. Ang sabi sa akin ni nanay ay papayagan niya akong magtrabaho dito sa Bar basta hindi pagbebenta ng aliw at katawan ang magiging trabaho ko pero… may sakit siya ngayon at kailangang kailangan ko ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa kanya.
“O-opo, virgin pa po ako.”
“Grapes, maselan ang deal na ito kaya gusto kong maging honest ka sa akin…”
“Totoo po ang sinasabi ko, virgin pa po ako at hindi pa po ako nagkakaroon ng boyfriend.”
“Sige, kung ganon, magproceed na tayo sa talagang deal. Kung kaya mo at willing ka ay isasama kita sa auction. Pagmamasdan ka ng mga parokyano at makikipagbid sila para sa puri mo at kapag nagkasundo sa presyo ay sasama ka na sa kanila upang gawin ang trabaho, naiintindihan mo ba ang offer ko sayo?”
Hindi na naman ako nakasagot kaagad.
“Isang gabi lang naman ito Grapes, para naman sa nanay mo. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong ligtas kang makakauwi sa inyo kinabukasan.”
“O-opo, opo! Sige po, Ma’am Lynette, kaya ko po at willing ho ako!”
“Okay sige, the deal is on.” saad ni ma’am Lynette at kumuha ng isang kulay puting sequin mini dress.
“Ayusin mo muna ang sarili mo, maligo ka at isuot mo ito at kapag ready ka na ay bumalik ka dito sa opisina ko.”
Nanginginig kong tinanggap ang mini dress na iyon at tila kinakabahan ako ngunit kailangan kong magpakatatag.
Naligo ako, nagbihis at nag-ayos. Naglagay ako ng kaunting make-up at bumalik na sa opisina ni Ma’am Lynette.
“Ma’am, okay na ho ako.”
Ngumiti siya habang pinagmamasdan ako.
“Magaling, Grapes, ganyan nga. Sigurado akong maraming mahuhumaling sayong mga mayayamang parokyano ngayong gabi. Siya nga pala, habang naghihintay ng oras ay pwede mo pa ring gawin ang trabaho mo dito sa Bar bilang waitress, sige na, magserve ka na muna ng drinks.”
“Sige po.”
Ginawa ko ang inutos ni Ma’am Lynette at naglakad na papunta sa counter. Siksikan na sa Bar dahil sa dami ng tao na nagsasayaw sa dance floor at wala akong ibang nagawa kundi makiraan at mag-excuse. Habang naglalakad ako ay isang lalaking naka-business suit ang bigla kong nakabangga at muntik na akong matumba ngunit nasalo niya ako.
Nagkatinginan kami, ang kanyang katawan ay nakadikit sa akin kung kaya’t naamoy ko ang naghalong amoy ng alak at panlalaking pabango sa hininga niya. Napaka-gwapo niya, his eyes are so brown and his brows are so thick! Parang bidang lalaki sa mga turkish drama na napapanood ko! Napaka-amo ng mukha niya.
Nakakunot ang noo niya at tila seryoso ngunit nakatuon lang din ang mga mata niya sa akin at hindi nagsasalita. Nang mabalik ako sa reyalidad ay mabilis akong nag-ayos ng pagkakatayo.
“Naku! So–sorry po! sorry po, Sir!” hiyang-hiya na saad ko. Yumuko ako upang iwasan ang mga mata niya na hindi ako nilulubayan ng tingin.
“Be careful next time.” saad ng lalaki at umalis na.
Pinagmasdan ko pa ang likod niya habang naglalaho sa kumpulan ng mga tao.
NEILInutos ko kay William ang lahat– na pagmukhain niyang nanalo sa raffle si Grapes para magawa ko siyang tumira dito sa Villa. Tinanggihan niya ito noon dahil namatay ang nanay niya pero ngayon… gustong-gusto ko nang bumawi. She deserves this place. Deserve niyang sumaya this time, maging komportable sa buhay, maging maayos. “Grabe, excited na akong lumipat, Neil! ang ganda dito!” “May wifi na rin dito saka metflix kung gusto mo manood ng movie. Wag kang mag-alala, akong bahala sa bills mo. Ako magbabayad.” “Huh? ano ka ba, Neil! may sarili naman akong trabaho. Ako na bahala sa bills ko, hindi mo naman kailangang gawin iyon.” Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumingin ng malamlam sa kanyang mga mata. Nasa sala kami ngayon at nakaupo sa malawak na living room. “Pero gusto ko Grapes at saka gusto ko ngang hilingin sayo na mag resign ka na sa Club eh para hindi ka na napupuyat sa gabi at saka hindi ja na nagta-table ng kung sinu-sinong lalaki.” “Sandali lang, nakakahalata na
GRAPESKinaumagahan ay nagising ako sa isang tawag. Sinasabi ng tumawag na nanalo daw ako ng house and lot at pinapapunta ako sa Mall para i-claim ang prize.Sa sobrang gulat ay hindi ko halos alam ang gagawin ko. Sobrang saya ko! finally, natutupad na yung mga pangarap ko! Para akong baliw na gumulong-gulong sa kama ko sa sobrang tuwa. Kaagad kong tinawagan si Neil. “Hello? Neil! may goodnews ako sayo!” masayang sabi ko sa kanya sa kabilang linya. “Oh hello? ano iyon?” “Nanalo ako ng house and lot! nanalo ako! nanalo ako! samahan mo ako! i-claim natin!” kinikilig pa ako habang sinasabi iyon sa kanya. “Talaga? wow! congrats ah! napakaswerte mo naman!” “Busy ka ba?!” “Ah–eh medyo eh…” “Pupuntahan na lang kita sa shop mo! bihis lang ako! samahan ko ako ah, bawal tumanggi!” “S-sige…” “Okay, hintayin mo ako sa shop mo. Maliligo na ako bye-bye! mwuah!” sabi ko at akmang papatayin na ang tawag. “Te-teka sandali! Grapes!” narinig ko pang pahabol niya pero napatay ko na ang tawag
NEILHabang namamasyal kami ay may nadaanan kaming mga pa-raffle sa Mall. Kilalang-kilala ako ng mga staff doon dahil doon namin napagpasyahang mamasyal ni Grapes ngayong araw. Niyaya ko na lang siya dito sa Mall, dahil kung magtatagal pa kami doon sa hardware ay baka mabuking niya ako dahil walang bumibili. Lahat ng iyon ay gawa-gawa ko lang talaga. “Uy, may pa-raffle oh! tignan mo, Neil! house and lot! wait lang ah, sasali ako! baka sakali!” excited na sabi niya na lumapit doon sa booth. Sinenyasan ko naman yung staff na wag siyang maingay. Lahat sila ay nakatingin sa akin doon pero sinesenyasan ko lang silang lahat na wag na akong batiin para hindi ako mabuko ni Grapes. If she really wanted a house and lot then I would give it to her. Wala akong hindi gagawin para sa babaeng pinakamamahal ko. Inubos namin ang oras namin sa pamamasyal sa Mall at pag go-grocery. “Huy, sure ka ba? baka wala ka ng pera at saka… baka isipin ng mga tao pineperahan lang kita. Ayoko kasi ng ganon e
NEILKINABUKASAN ay nagkita kami ni Grapes. Masayang-masaya siya nung araw na iyon at talagang nahahawa ako. Nakahanap naman kaagad ng property si William at kaagad na binili iyon. Nagpaaayos din siya sa mga tao ng mga materyales upang gawin itong hardware shop. Sa totoo lang ay hindi ko na kailangan pa ang ganitong negosyo pero kasi nadulas na ako kay Grapes at iyon ang nasabi ko kaya kailangan kong sakyan ang kasinungalingang ito. “Nandito na tayo,” sabi ko kay Grapes. “Wow! Ito yung hardware mo?” masayang tanong niya na dinikdik ang dibdib ko ng malakas. Sobrang lakas na nasamid pa ako. “Hindi mo naman sinabi big time ka pala! Akala ko wala kang kapera-pera eh!” “Small business lang ‘to.” “Anong small business? Kumpara naman sa akin na walang kahit anong negosyo kundi katawan ko malaki na ‘to!” “Ano bang gusto mong business?” “Hmm, parang gusto ko ng… traveling agency, yung parang… 2GO? Alam mo iyon?” “Traveling agency? Okay rin iyon ah…” “Oo saka gusto ko ng tatlong kots


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews