Share

Chapter 4

Auteur: Wengci
last update Dernière mise à jour: 2020-12-04 13:20:10

"Gaano ba kaseryoso yang sinasabi mong pagsasara ng pabrika Antonio at tila mabigat ang mukha mo?" tanong ni Margarita sa asawa habang nagliligpit sa hapag-kainan.

"Nag-file na pala ng bankrupcy ang kumpanya, Margarita. Sa susunod na linggo ay kakausapin na kaming mga empleyado dahil hindi na kakayanin pang umabot ng isang bwan ang operasyon."

"Ganoon na kabilis? Paano ang graduation ni Anthony? Sayang kung hindi niya matatapos dalawang bwan na lang sana ay graduation niya na," malungkot na wika ni Margarita.

"May isa pa akong gustong sabihin sayo, Mahal. Kanina ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Dumaran."

Agad napalingon si Margarita na naglilinis na sa kusina. "May problema ba sa hacienda?"

"Hindi ko rin alam. Abogado lang ang tumawag sa akin at kailangan ko raw umuwi."

Lumapit si Margarita sa asawa at masuyong tinitigan. "Baka kailangan mo nang makipag-usap muli sa pamilya mo, Mahal. Napakatagal nang panahon na hindi mo sila kinumusta man lang."

"Sila ang nagtakwil sa akin, Margarita. Sa atin. Sa ibang tao pa tayo nakahingi ng tulong sa panahong naghihikahos tayo," tila may pagdaramdam na wika naman ni Antonio.

"Gayunpama'y pamilya mo pa rin sila, Mahal. Kailangang may panahon para sa pagpapatawad."

Hindi kumibo si Antonio. Muling nagsalita si Margarita.

"Hindi kaya panahon na para ipaalam kay Anthony ang kanyang pinagmulan?"

Tumingin si Antonio sa asawa ngunit hindi pa rin kumikibo.


--------

Malapit na siya sa bahay nila Andrea nang may pamilyar na mukha na naman siyang natatanaw. Naningkit ang mga mata niya. Bakit nasa bahay naman ito ngayon ng kasintahan?

Nang makita siyang paparating ay umalis agad ito. Masama ang mukha niya ng kausapin niya si Andrea.

"Nagtanong lang tungkol sa project, hindi daw ako sumasagot sa cellphone eh naglaba kasi ako ng uniform," paliwanag naman ni Andrea.

"Hindi ko gusto na nagpupunta 'yun dito. Mag-isa ka lang sa bahay."

"Dito naman kami sa labas nag-uusap," pangangatwiran nito.

"Kahit na. Hindi pa rin magandang tingnan."

Hindi naman na nakipagtalo pa ang kasintahan. "Gabi na, tanghali ba ang pasok mo bukas?" tanong nito sa halip.

"Maaga naman. Sabi mo kasi susunod ka 'yun pala kausap mo yung tukmol na 'yun."

"Anong tukmol, grabe ka dun sa tao ha."

"Pag-alis ko mamaya isara mo na ang pinto at bintana ha, huwag na huwag kang magpapapasok kahit na sino," madiin niyang bilin kay Andrea. Nagtagal lang siya ng kaunti bago ito iniwan ulit at umuwi na.

Nang sumunod na araw ay nagpasya si Anthony na pumasok bilang service crew sa isang fastfood chain na malapit sa Universidad niya. Hindi pa nakakahanap ng paraan ang Papa niya para sa tuition fee niya. Hindi siya pwedeng hindi maka-graduate dahil baka mahirapan siyang makanap ng trabaho.

Nawalan siya ng oras para ihatid-sundo si Andrea pero madalas niya itong tinatawagan pag may libreng oras siya. Mahigit isang bwan ding halos apat na oras na lang ang tulog niya para mahabol ang kinse mil na kailangan niya. Ang huling sahod ng Papa niya sa pabrika ay para sa upa ng bahay at iba pang gastusin habang naghahanap ulit ito ng trabaho.

Linggo nang magpasya siyang hanggang alas syete lang ng gabi pumasok sa trabaho para madalaw man lang ang kasintahan. Bumili siya ng chocolate sa isang convenience store para ipasalubong kay Andrea. Matagal niya na itong hindi man lang nasusundo sa school. Kung madalaw man niya dati sa apartment nito ay sandali lang dahil kailangan niya ring mag-review para sa final exams.

Si Andrea ay kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan nang may kumatok. Pinagbuksan niya iyon nang akalang si Anthony ang dumating.

"O Rick, bakit?" manghang tanong niya dahil dala nito ang project nilang nasira. "Anong nangyari dyan?"

"Napaglaruan ng kapatid ko hindi ko naman maayos kaya dinala ko na lang dito."

"Iwanan mo na lang ako na ang gagawa," suhestiyon niya.

"Tapusin na natin baka naman sandali lang para ako na din ang magbitbit bukas." Kinabukasan na din kasi ang deadline ng project nilang yun at naisip niyang mahihirapan nga siyang magbitbit niyon bukas. "Sige pumasok ka," wika niya.

Pumasok naman ang kaklase at umupo sa sala. Ipinatong nito sa mesa ang dalang project. Si Andrea ay tinapos muna ang hugasin bago inasikaso ang project.

"Baka pagbalik mo sirain ulit ng kapatid mo?" tanong niya nang simulang i-repair ang project.

"Hindi na. Sa kwarto ko na ilalagay," sagot naman ni Rick.

Halos isang oras din nilang ni-repair ang project na nasira. Nang matapos ay nakipagkwentuhan pa ito ng kaunti.

"Inaantok na ako, Rick, bukas na tayo magkwentuhan sa school. Gabi na rin kasi," pagtataboy niya sa kaklase nang makitang alas otso pasado na.

"Wala kang kasama rito kapag gabi? Mahirap kung mag-isa ka lang. Asan 'yung pinsan mo?" kunyari ay tanong naman nito.

"Mayamaya siguro'y nandito na 'yun," sagot niya.

"Hintayin ko na lng para may kasama ka kahit paano."

"Okay lang ako, Rick, sanay naman ako mag-isa. Tsaka andyan lang naman ang mga tyahin ko sa kabilang bahay," pagdadahilan niya dahil gusto niya na itong pauwiin.

"Kahit na. Malapit naman na siguro 'yun dumating hintayin ko na lang," pagpipilit naman nito. Wala siyang nagawa kundi makipagkwentuhan pa dito.

"Ang swerte ni Anthony, siya ang sinagot mo. Antagal kong nanliligaw sayo hindi mo ako pinapansin," pasaring nito. Ngumiti lang siya. Kinuha niya ang baso na pinag-inuman nila ng tubig at hinugasan sa lababo.

Nakahanap si Rick ng tyempo at dagling binuhat ang dalaga sa malapit lang na higaan. Sa kabiglaan ay hindi nakakilos si Andrea. Hinalikan siya agad sa labi habang ang dalawang kamay niya ay nakakulong sa dibdib nito. Wala siyang lakas para itulak si Rick dahil malaking lalaki ito. Sinamantala naman nito iyon at itinaas ang palda niya. Natakot si Andrea. Lalo nang maamoy ang hininga nitong amoy alak. Bakit hindi niya naamoy kanina? Kaya ba panay ang nguya nito ng chewing gum?

Nasa ganung ayos sila ng bumukas ang pinto at nagtama sila ng paningin ni Anthony. Isang suntok agad ang pinakawalan nito kay Rick na nabigla din sa presensya nito. Humarang naman siya sa agad dahil sa takot na makasakit ang kasintahan dahil sag alit na nakikita niya sa mga mata nito.

"Pasensya ka na, Pare, pero matagal nang may nangyayari sa amin ni Andrea."

"Rick, anong sinasabi mo!" Lingon nito sa kaklase saka pinakawalan ng isang sampal. Si Anthony ay walang sabi-sabing lumabas ng pinto na nanlilisik ang mata sa galit.

Hinabol ito ni Andrea para magpaliwanag pero hindi ito nakikinig sa kanya. Hanggang sa tumigil na siya sa kasusunod dahil pinagpipyestahan na sila ng tingin ng mga kapitbahay.

Ilang araw nang tinatawagan ni Andrea si Anthony pero hindi na ito makontak. Hindi rin nagpakita ang kasintahan kinabukasan at sa mga sumunod pang mga araw. Naglakas loob siyang puntahan ito isang araw pero hindi na ito doon nakatira. Ang sabi ng may-ari ng apartment ay bigla lang nagpaalam ang pamilya nito na uuwi ng probinsya. Walang ginawa si Andrea kundi ang umiyak ng umiyak sa bahay. Hindi man lang sila nagkaayos ni Anthony. Nawala na lang itong bigla sa buhay niya. Nasayang ang dalawang taong relasyon dahil lang sa isang katulad ni Rick.

Makalipas ang mahigit isang buwang pag-iyak at pagmumukmok at wala pa ring balita kay Anthony ay nagdesisyon siyang ayusin na lang ang sarili at ipagpatuloy ang buhay. Wala nang pag-asang babalik pa si Anthony sa buhay niya dahil wala na siyang narinig kahit na ano sa dating kasintahan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire's Prince   Chapter 34

    Pagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.

  • The Billionaire's Prince   Chapter 33

    Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.

  • The Billionaire's Prince   Chapter 32

    Kinabukasan ay maaga sila sa clinic ng OB-Gyne na kaibigan ng mga Falcon. Sa hapon ay nasa hotel naman sila para asikasuhin ang kasal. May meeting din itong pinuntahan na kasama siya. Habang pauwi sila ay nakita niyang tumatawag sa telepono nito si Maddox. Agad niyang iniwas ang mata."Yes, honey?" sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "No, I can't tonight," wika pa nito na kung para saan ay hindi niya alam. "I'll be there tomorrow morning."

  • The Billionaire's Prince   Chapter 31

    Nakatitig si Andrea kay Anthony habang ang huli ay nasa balcony at tinatanaw ang matatayog na mga gusali sa lungsod. Nang lumingon ito'y agad naman niyang iniwas ang tingin."Come here," wika nito saka iniabot ang kamay. Lumapit naman siya at hinawakan ang nakalahad nitong kamay. Iniyakap ni Anthony ang braso nito sa kanya. "Why were you staring at me?" tanong nito.

  • The Billionaire's Prince   Chapter 30

    "Why, Andrea?" mahina pa rin ang boses nito nang magtanong. "Hindi mo gustong ipaalam sa akin ang ipinagbubuntis mo? Wala ba akong karapatang malaman?"Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan dahil sa kawalan ng isasagot. "You don't want me..." halos pabulong niyang wika."Don't want yo

  • The Billionaire's Prince   Chapter 29

    "Hindi ba iyon makakasagabal sa kontrata ni Miss Andrea kung ikakasal kayo?" tanong ng isang reporter."Her manager and I are settling the issues," kampanteng wika ni Anthony. "May mg endorsements si Andrea na ako na ang makakapareha niya. I don't think that our wedding would be a problem.""Per

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status