Hindi magkamayaw ang mga tao sa mall na iyon. Si Andrea Buenaventura, isang model turned actress ay may mall show doon para sa isang upcoming serye. Lahat ay gustong makita ang dalaga, makamayan at mapicturan. Matapos ang mall show ay dumalo naman sila sa isang thanksgiving party sa isang five star hotel dito sa Puerto Princesa. Nababagot man ay napilitang sumunod si Andrea sa utos ng manager. At sa gitna ng mga kumikislap na camera ay nahagip niya ang isang pamilyar na mukha. Anthony Falcon. Ang lalaking bigla na lang nawalang parang bula eight years ago. Malayo na ang itsura nito ngayon. He is now a bachelor. A business magnate. And a billionaire's prince.At higit sa lahat, ang kaisa isang lalaking inibig niya.
View MorePagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.
Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.
Kinabukasan ay maaga sila sa clinic ng OB-Gyne na kaibigan ng mga Falcon. Sa hapon ay nasa hotel naman sila para asikasuhin ang kasal. May meeting din itong pinuntahan na kasama siya. Habang pauwi sila ay nakita niyang tumatawag sa telepono nito si Maddox. Agad niyang iniwas ang mata."Yes, honey?" sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "No, I can't tonight," wika pa nito na kung para saan ay hindi niya alam. "I'll be there tomorrow morning."
Nakatitig si Andrea kay Anthony habang ang huli ay nasa balcony at tinatanaw ang matatayog na mga gusali sa lungsod. Nang lumingon ito'y agad naman niyang iniwas ang tingin."Come here," wika nito saka iniabot ang kamay. Lumapit naman siya at hinawakan ang nakalahad nitong kamay. Iniyakap ni Anthony ang braso nito sa kanya. "Why were you staring at me?" tanong nito.
"Why, Andrea?" mahina pa rin ang boses nito nang magtanong. "Hindi mo gustong ipaalam sa akin ang ipinagbubuntis mo? Wala ba akong karapatang malaman?"Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan dahil sa kawalan ng isasagot. "You don't want me..." halos pabulong niyang wika."Don't want yo
"Hindi ba iyon makakasagabal sa kontrata ni Miss Andrea kung ikakasal kayo?" tanong ng isang reporter."Her manager and I are settling the issues," kampanteng wika ni Anthony. "May mg endorsements si Andrea na ako na ang makakapareha niya. I don't think that our wedding would be a problem.""Per
Nagising si Andrea na kumakalam ang sikmura. Nakayakap pa rin sa baywang niya ang braso ni Anthony at masarap pa ang tulog nito. Alas dies na ng umaga.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito saka tumayo at nagtungo sa kusina para lamnan ang tyan ng sandwich na inihanda ni
"Hindi mo kailangang um-attend sa interview sa akin, Anthony," mahina niyang wika."Nasabi ko na sa manager mo na sasamahan kita. Kumain ka na ba?" masuyo nitong tanong na nagtungo sa kusina at binuksan ang ref."Marami kang trabaho sa hacienda, hindi kita gustong abalahin."
Wala pang isang oras ay kumatok na ang manager niya sa pinto na ikinagulat niya. Ni hindi pa siya nakaka-recover sa pag-uusap nila kanina. At ngayong umaga ay tila hinahalukay ang tyan niya. Ipinagpaliban muna niya ang pagkain para hindi madagdagan ang nararamdamang bigat sa tyan."Nakapag-usap na ba kayo ni Anthony kung ano ang idadahilan niyo sa pagkansela ng inanunsiyo niyong kasal?"
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments